Talsik, talsik, talsik, ang mga dugo ay tumalsik, umagos at nagkalat sa buong paligid. Ang buong katawan ni Chiruzo ay naliligo sa mapulang dugo na nag mula sa apat na sangganong kanyang pinaslang sa harap ng maraming tao.
Mahinahong lumakad si Lieutenant Takeo patungo sa gitna ng entablado upang magsalita sa mikropono, "Attention to all who participated in the mandatory transfusion, ang mamamatay taong inyong natatanaw sa harapan... maniwala man kayo o sa hindi ay isang heneral. Siya ay si “Heneral Chiruzo Takagiri” ng HQ 6 na mas kilala bilang “Heneral Momoiro-oni”." wika nito.
"Naiintindihan namin kung hindi ni'yo siya kilala, dahil maging kami... hindi rin namin siya lubos na kilala." sambit nito sa pabirong tono.
Muling nag seryoso ang ekspresyon sa mukha at boses ni Takeo, "Nitong mga nakalipas na minuto ay maaga nating nasaksihan kung sino at anong uri ng heneral si Heneral Momoiro-oni." aniya.
"Batid kong marami sa inyo ang natatakot sa aming heneral... Mabuti kung ganoon." patuloy nitong pagpapaliwanag.
"Si Heneral Momoiro-oni ang magiging batas at tayo ang kanyang magiging sundalo. Mamatay kayo... tayo para sa kaniya, dahil kung hindi ay siya mismo ang papatay sa atin." muli nitong pagbibiro.
Samatala, habang nagpapatuloy sa pasasalita si Takeo ay halinhinang nag bubulungan si Taro at Enyo.
"Wow... ang tapang naman ng lalaki na'yan para harap-harapang asarin ang baliw na heneral na'yan." sambit ni Taro.
"Mautak at kakaiba ang lalaking iyan... si Lieutenant Takeo Toga. Limang taon na ang nakakaraan ay naging usap-usapan siya sa buong Japan." sagot ni Enyo.
Nagulat at namangha ang binata sa sinabi ni Enyo, "Siya pala yung Takeo Toga na sumikat noong 2,231 at tinatawag siya bilang “The Prodigy”, tama ba?" anito.
"Tumpak, sa edad na 17 ay nakilahok siya sa transfusion at agad na-classified bilang class Z." tugon ni Enyo.
"Bukod pa doon ay lagi siyang nangunguna sa kill count buwan-buwan simula pa noong 2,232 hanggang ngayong taon (year 2,236)." dugtong pa nito.
"Kill count? Ngayon ko lang narinig 'yan." wika ni Taro.
"Hys... hintayin mo nalang na maging ganap na tayong Daitenshi, malalaman mo rin ang lahat ng pasikot-sikot sa loob ng organisasyong ito." sambit ni Enyo.
"Erghhhh, tigilan na ang corny at mahabang intrudaksyon, Lt. Toga!" Sigaw ni Chiruzo na siyang pumukaw sa pansin ng lahat.
Dahan-dahang lumakad paakyat sa entablado si Chiruzo habang binabanggit ang kanyang mga salita para sa kanyang mga bagong tauhan, "Soldiers! Wala pa kayong matinong kaalaman patungkol sa kung ano ang tunay na pinagmulan ng mga Tenshi, kung ano ang tamang paraan nang pagpaslang sa kanila at iba pang maliliit na detalye patungkol sa kanila. Unfortunately, kinakailangan kayo ng ating bansa... So let's just save it for our next meeting." wika nito.
Muling sumingit at nagsalita si Lieutenant Takeo Toga upang mas bigyang linaw ang lahat, "Sa mga hindi pa nakakaalam ay nais kong ibalita sa inyo na nagsimula muling naging aktibo ang mga tenshi. Marahas silang umaatake ngayon sa Tokushima... 'di magtatagal ay matagupmay din nila itong masasakop."
Isa sa mga kalahok sa transfusion ang nagbigay ng kanyang opinyon, "Ngunit bakit kaylangan kami agad ang makipag-laban? Masasayang lang ang aming buhay dahil wala pa kaming sapat na karanasan!" wika nito.
"Huh?!! Hindi mo ba narinig ang mga sinabi ni Lt. Toga?" naiiritang tanong ni Chiruzo.
Agad na ipinaliwanag ni Chiruzo ang dahilan gamit ang mikroponong nagmula sa entablado, "Hindi magtatagal ay muli nanamang magtatagumpay ang kanilang misyon. Kung hihintayin lang natin ang pagdating ng mga backup ay wala na silang aabutang Tokushima." anito.
"So right here, right now, ready or not... Sisimulan na natin ang una ninyong pakikipagsagupa sa mga sugapang halimaw ng Tendan!" dugtong ni Chiruzo.
"Ngayon ay inyong haharapin ang tunay... na PARADA NG PAGPAPAKAMATAY!!!" buong lakas na sigaw nang heneral upang buhayin at paangatin ang kanilang moral na siya namang naging mabisa.
Biglang humina ang pagsasalita ni Chiruzo, "Ipangako ninyong dadalo kayo sa susunod nating pagtitipon-tipon, soldiers..." bulong nito.
Matapos ang pagpapaliwanag ay mabilis na kumilos ang lahat patungo sa labas ng headquarters upang simulan ang pagtuturok ng catalyst sa bawat taong makikipagsagupa sa mga mananakop na tenshi. Ang bawat isa ay sunod-sunod na nakaluhod base sa kanilang numero at sa kanilang harapan ay ang mga doktor na siyang magsasagawa ng pagtuturok.
"Oy, Enyo-san, bakit napapaligiran nanaman tayo ng mga Daitenshi? Armadong-armado pa sila ng hijiyari." tanong ni Taro.
Agad na tumugon ang journalist, "Sinisigurado lamang nila na aayon ang lahat sa kanilang plano dahil may tiyansang hindi makokontrol ng isang indibidwal ang kanyang sarili matapos maturukan ng catalyst." tugon nito.
"Ibig sabihin ay papatayin nila ang sino mang hindi makokontrol ang kanilang sarili matapos ang transformation?" paniniguradong tanong ng binata
Napayuko at napalunok ng laway si Enyo, "Pagdadasal na lamang ang maaari nating gawin sa mga oras na ito. Ipagdasal nating hindi tayo makokontrol ng tenshi cell." anito.
Hindi nagtagal ay sunod-sunod na tinurukan ang bawat indibidwal. Sinimulan ang pagtuturok kay Number 1, sumunod ay si Number 4, Number 6 at iba pa.
Miriing tinititigan ni Taro ang mga kaganapan sa simula ng pila. "Sa wakas, makikita ko na sa personal kung paano nagiging Daitenshi ang mga Daitenshi!" napupuno ng pagkasabik kasabay ang kaba na hindi niya makontrol ang sarili sa oras na siya ay turukan.
Isang bihasa at bayagang doktor na nagngangalang Dr. Kozlov ang nag wika, "Catalyst activates the tenshi cells, isa itong serum na gigising sa natutulog na cell sa kanilang katawan." anito.
"Siguraduhin ninyong healthy ang ugat ni'yo ito maituturok upang maging mabilis ang pag-activate ng catalyst." dugtong pa niya.
Ilang sandali pa ay nagsimula nang tumalab ang catalyst sa mga naunang turukan. Unti-unting dumungaw mula sa batok ni Number 4 ang itim na hibla na may mapulang kulay sa loob, binalot nito ang nangingisay na katawan ng lalaki.
Mas umigting at mas naging handa ang mga Daitenshi habang nagaganap ang transformation.
"Patayin n'yo na! Ngayon din!" sigaw ni Dr. Kozlov.
Agad namang sumalungat ang isang grupo ng Daitenshi, "Ngunit doktor, 'di pa natatapos ang transformation niya. Hindi pa tayo sigurado kung pumalya ang transformation!" sambit ng isa sa kanila.
Galit na tumugon si Dr. Kozlov, "Ang dami mong dada! Ang matinding pangangatog ng kanyang katawan ay isang malinaw na sinyales na pumalya ang transformation. Kung hindi niyo siya papatayin ngayon ay magdudulot lamang siya ng mas matinding pinsala!" anito.
Ang mga Daitenshi ay biglang nawalan ng pagpipilian, kung hindi nila susundin ang doktor ay maaaring magdulot nga ito ng mas malaking problema sa iba pang taong nasa paligid. Bakas sa kanilang mga mata ang maagang pagdalaw ng konsyensa.
Isang hijiyari ang tumilapon papunta sa kanang bahaging ulo ng kaawa-awang lalaki. Tumagos itong dala-dala ang piraso ng utak hanggang sa kabilang bahagi ng ulo.
"Huh! Sino yung gumawa no'n?!" tanong ng bawat Daitenshi.
Isang lalaking may malutong na boses at nagngangalang Daisaku Ikeda ang biglang nagwika, "Kayo ay mga ganap na Daitenshi, hindi kayo maituturing na miyembro ng sangkatauhan." anito.
Isang walang emosyon na mata ang kanilang nasulyapan kay Ikeda. Katakot-takot na titig ang kanyang inihandog sa mga Daitenshi.
Matapos sindakin ang mga Daitenshi ay maliwanag niyang ipinarating kung ano ang dapat nilang gawin, "Binabalaan ko kayo, tigilan ni'yo ang pagiging duwag! Hindi lang siya ang taong papatayin ninyo ngayong araw!" anito.
"Daan-daang pang tao ang inyong papaslangin, mga tanga." dugtong pa niya.
Agad na lumapit ang lalaking Daitenshi upang humingi ng paumanhin, "Pa... patawad po Capt. Ikeda!" sigaw nito.
"Manahimik, tigilan na ninyo ang pagdu-dulot ng abala dahil nauubusan na tayo ng oras." tugon ni Ikeda bago tuluyang magtungo sa lugar ng labanan.
Ang operasyon ay muling nagpatuloy, maraming nagtagumpay ngunit marami ring nabigo na siya namang nagresulta sa maraming pagpaslang ng mga Daitenshi. Nasaksihan at narinig ng lahat ang mas maraming pagpatay. Mala diyablong sigawan, mga nakahandusay na katawang butas, tila ba'y isang tanawin sa impyernong puno ng mga mamamatay tao.
Ang luha ay pumatak, bawat pagtulo ay nagsasaad ng takot at lungkot ng binata. Gaano karami pang pagpaslang ang kailangan? Ang tanging gusto lang naman niya ay isang mapayapan buhay kasama ang ina. Gaano karaming pagpatay pa ang kailangan niyang masaksihan upang makamit ito?
Pagod na si Taro, pagod na sa pangyayaring halos araw-araw niyang pinagdudusahan. Posible bang maranasan niya ang mapayapang buhay? Gusto niyang makita iyon, gusto niyang maramdaman iyon, o kahit ma-amoy man lang... tinitiyak niyang bawat segundong naaamoy ito ay kanyang papahalagahan.
Palapit nang palapit, ang catalyst ay tuluyan nang lumapit sa kinatatayuan ni Taro at Enyo. Unti-unting nilingon ng binata ang kanyang kaliwa upang malaman ang kalagayan ni Enyo.
Namumutla at hindi makaimik, ang mature at positibong si Enyo ay sa wakas... bumigay na rin. Bumagsak na tila eroplano ang kaisipan ni Enyo matapos makita, maamoy at marinig ang isang traumatikong kapaligiran.
Alam ni Taro ang sitwasyon ni Enyo. Kanyang naramdaman na ito'y isang responsibilidad na tanging siya lamang ang may kakayahang bitbitin.
Huminga nang malalim si Taro... kanyang kinalma ang sarili upang pakalmahin ang damdamin ng ibang tao.
"Enyo-san... Kaya natin 'to, I don't know who the f*ck you are, pero gusto kong malagpasan natin ito nang buhay." wika ni Taro.
Ang pag-agos ng hindi masukat na luha ay hindi na niya napigilan, "Sabay nating... sabay nating aamuyin ang kapayapaan!" anito.
"Kaya paki-usap... 'wag kang mamamatay..." sambit at ngiti ni Taro na siyang naghatid ng kaalwanan o kaginhawaan sa damdamin at pag-iisip ni Enyo. Masayang ngumisi si Enyo at tumango sa binata. Buong tapang nilang haharapin ang kagimbal-gimbal na Suicide Parade.
Dumating na ang mga doktor sa pwesto nila Taro. Matagumpay nilang naharap ang takot, ngayon ay tatalunin naman nila ito.
Inhale... exhale... sabay na huminga nang malalim ang dalawa. Ang karayom ay nagsimulang lumapat at bumaaon sa kanilang batok. Ang likidong nasa loob nito ay nagsimulang umagos papunta sa kanilang batok. Ito'y mabilis na kumalat, hinanap at dinikitan ang maraming red blood cells, at sa wakas ay ang kulay itim na tenshi cells. Sa pag-akap ng catalyst ay nagsimulang lumaki ang tenshi cell, nilamon nito ang ugat at sistema ni Taro.
Uminit ang batok ni Taro, ang ugat niya sa buong katawan ay kumapal. Siya ay sasabog, pakiramdam niya ay malapit na siyang sumabog. "Kaya ko bang kontrolin 'to o mamamatay nalang talaga ako sa proseso?" sambit nito sa isipan.
Natanaw niya si Enyo, isang matagumpay na transformation. Siya'y napangiti at namangha dahil sa wakas ay nasaksihan niya sa malapitan ang transpormasyon ng isang Daitenshi at bukod pa roon ay buhay si Enyo, ang tinuturing niya bilang bagong kasamahan.
Kinausap ni Taro ang kanyang sarili, "Bwiset Keitaro... magpapatalo ba tayo kay Enyo?" anito.
Mas lumaki ang ngiti ng binata, sa wakas, matapos ang maraming taon na pagiging duwag ay nagkaroon siya ng kompyansa. "Hahaha, hindi ko matatanggap iyon... buddy." tugon nito sa sarili.