"Huh... Ang dilim at ang wirdo ng pakiramdam ko. Patay na ba ako?" tanong ni Taro.
Nagising si Taro kaharap ang malawak na kadiliman, makapal na usok ang nakapalibot sa kanyang katawan na siyang pumipigil sa kanyang paggalaw. Magaan ang kanyang pakiramdam na para bang siya'y lumulutang sa kalangitan, kasabay nito ay ang tanging naririnig lamang niya ay ang nakakakilabot na katahimikan.
Isang minutong ang lumipas, ang tahimik na kadiliman ay nagsimulang umingay dahil sa mga kakaibang sigaw. Ang ingay ay nag-umpisa sa matinis na sigaw na unti-unting lumalakas sa bawat segundong lumilipas, at habang ito'y lumalakas unti-unti ring numinipis ang hanging hinihinga ni Taro.
"Agh..." napigilan sa paghinga si Taro.
'Di na magawang makapag salita ni Taro kahit sa kanyang isip man lang. Nagsimulang sumakit ang kanyang baga dahil 'di siya makahinga ng maayos. At 'di nagtagal ay ang mga mata, bibig, balat, at bawat parte ng katawan ni Taro ay nagsimulang sumakit na tila ba'y ginagapangan ito ng kumukulong putik.
Hindi maipaliwanag ang nararamdamang sakit ni Taro, nagpupumiglas ang kanyang ulo at naglalabasan ang maraming ugat sa leeg at mukha niya. Ito lang ang tanging nakagagalaw na parte ng katawan ni Taro dahil sa usok na nakabalot sa kanyang katawan. 'Di nagtagal ay nag suka si Taro ng usok na katulad ng usok na nakapaligid sa kaniyang katawan, walang tigil ang kanyang pagsusuka na nagsanhi sa pagkalat at pagkapal ng usok.
Matapos ang ilang minuto ay natigil ang kaniyang pagsusuka at ang malakas na ingay, bumulantang sa kanyang harapan ang makapal na usok. Lumipas ang mga segundo ay may pagbabagong nang yari sa mga usok, biglang umusbong ang 'di mabilang na kamay mula sa loob ng usok. Dahan-dahang lumapit sa kanyang harapan ang usok na napupuno ng kamay at pilit na inaabot ang tila nakapako sa krus na si Taro.
Nanlaki at nanginig ang mga mata ni Taro. Ang mga kamay sa usok ay humawak sa lahat ng parte ng katawan niya. Bawat dampi, bawat pisil, bawat sakal ay puno ng takot, puno ng lungot, at puno ng galit. Nagugulahan ang isip Taro sa mga nagaganap, libo-libo, milyon-milyon, o bilyon-bilyong mga kamay ang sumasakal sa kanya... hindi na siya makahinga.
"Pwak!!!" sigaw ni Taro at napaubo.
Napagtanto niya na siya'y nananaginip lamang ng mga oras na iyon sa loob ng tent na puno ng mga nagpapahingang mga tao na-rescue mula sa iba pang lugar sa Japan. Nalaman din niya ang dahilan kung bakit 'di siya makahinga sa kanyang panaginip.
"Bwiset na bata to, ginawang tandayan yung leeg ko." ani ni Taro habang naghahabol ng hininga.
Habang naghahabol ng hininga ay may naririnig siyang sigawan ng mga tao sa labas ng tent, dahil sa pagtataka ay tumayo siya mula sa higaan at sinilip ang labas ng tent.
"Yow... ano nanamang ganap dito?" sambit ni Taro.
"Kailan ba magiging mapayapa buhay ko?" dagdag pa nito.
Ang mga taong na-rescue ay nagkakagulo at nag po-protesta sa harap ng headquarters sa Hokaido.
"Ligtas na tong lugar na 'to ah. Ba't kailangan pa nilang gumawa nanaman ng eksena?" tanong ni Taro.
"May mga bagong batas na inilabas ang Royal Government. Mga batas na 'di nila nagustuhan, kaya nag protesta agad sila." ani ng isang lalaki na nakatambay sa gilid ng tent.
"Bagong batas? Ano naman 'yon?" tanong ni Taro.
"Ang unang batas ay ang mabilisang paggawa ng harang sa mga lugar na nasakop ng mga Tenshi." ani ng lalaki
"Pangalawa, ipinagbawal ang pagbibigay ng anumang impormasyon sa mga Royals. Malamang ay para lamang sa hindi mapatalsik ang presidente at iba pang kasapi ng gobyerno."
"Ang pangatlo..."
Anim na oras bago ang paggising ni Taro.
Sa loob ng Japan Palace kung saan nagaganap ang pagtitipon. Sa pagdating ni Rigaku ay rinig na rinig ang pagkadismaya ng mga miyembro ng gabinete.
"Mabuti naman at naisipan mo pang bumalik sa iyong pinanggalingan, ligaw na aso." sambit ng isang cabinet member na si Hazuki.
"Wohoi! Grabe ka naman sa "ligaw na aso" Hazuki..." ani ni Rigaku.
"Eh parang nung nakaraan lang sinabihan mo pa akong "goodboy", hindi ba?" dugtong pa nito.
"Tsk! Wala tayong sapat na oras para pagusapan ang mga nakaraan ninyo." namagitan si Masashi sa na bubuong tensyon.
"Ngayon Rigaku, bago ka pa makarating dito ay nasimulan na namin ang meeting." dugtong nito.
"Oh? Mabuti yan, pwede bang malaman ang inyong mga napag usapan, mga magigiting na tagapag tanggol ng bansang Japan?" sambit ni Rigaku na may nang-aasar na tono.
Biglang isang miyembro ng kabinete ang dabog.
"Patawarin ninyo ako sa aking pangingialam, Mr. Prime Minister." sambit ni Hazuki.
"Ngunit sapat na ang sapat, walang karapatan ang lalaking ito na mapasama sa ating pagtitipon kailan man!" sambit nito habang gigil na nakaturo kay Rigaku.
"Bukod sa bata pa ang kanyang edad ay kapansin-pansin ang pagiging iresponsable nito. Nakita niyo naman ang naging resulta ng kanyang pagiging pabaya, nag-reflect ang pag-uugali niya sa kanyang mga tauhang Daitenshi." sambit nito na siya namang sinang ayunan ng mga miyembro ng gabinete
"At baka nakakalimutan ninyo, isa siya pinagsususpetsyahan na pumatay sa dating presidente ng Tengoku." pag-aakusa nito sa tila walang pakialam na si Rigaku na kalmadong nakaupo.
"Kaya naman aking minumungkahing patalsikin siya bilang presidente ng Tengoku!" malakas na sabi nito na nagdulot nang ingay sa silid dahil sa sigawan ng mga sumasangayong miyembro ng gabinete.
"Ahahaha... Isa kang gunggong Mr. Yoru Hazuki." sambit ni Rigaku
"Walang hiya ka, baka nakakalimutan mong hindi ka isang Royal at isang hamak na pulubi ka lamang!" sigaw ni Hazuki.
"Haha... Lalo mo lamang pinatunayang gunggong ka.
"Una sa lahat, kakaibang ang wave na nangyari ngayon sa Japan, pero nangyari na ito sa Australia. Hindi nakita ng aming detector ang pagsugod ng mga Tenshi. Ewan ko lang ha... pero baka na sabotahe kame." pagpapaliwanag nito.
"At pangalawa, hayaan ninyo akong ipaalala sa inyo na ang Tengoku Organization ay hindi pagmamayari ng Japan." ani ni Rigaku habang lumalakad papunta kay Hazuki.
"Hiram lamang ng Japan ang Tengoku mula sa China. Ano ba naman kayo oh... nakalimutan niyo 'yon?" sambit nito habang nakatayo sa likuran ni Hazuki.
Bumulong si Rigaku kay Hazuki,"Maaari ngang naging pulubi ako dati... Pero mas katanggap-tanggap iyon kaysa sa isang pedophile at rapist na gaya mo, Baka-Zuki." ani ni Rigaku at tinapik-tapik ang balikat nito.
(Ang "baka" ay nangangahulugang "stupid" o "fool" sa wikang hapones.)
"Kayong lahat, tumigil na kayo. Nasa kalagitnaan tayo ng meeting, wala na tayong oras para sa ganitong uri ng kalokohan." sambit ni Masashi.
"Pasensya na Prime Minister. Binigyan ko lamang si Mr. Hazuki ng kaunting lesson about sa history." sambit ni Rigaku at muling bumalik sa kanyang upuan.
"Sec. Arima, maari mo bang ilahad kay President Iekami ang aming napagusapan." utos ni Masashi.
"Masusunod po... Ang meeting na ito'y kasalukuyang nakabuo ng dalawang batas na ipapatupad sa mamamayan ng Japan. Una, ang mga impormasyon ay kokontrolin at sasalain bago mapunta sa Gitnang Japan. Sa madaling sabi, ay ipinagbabawal ang pagbibigay ng impormasyon sa mga Royals ukol sa mga naganap nitong mga nakaraang araw." tugon ni Arima.
"At ang pangalawa, magpapatayo ng karagdangang pader sa lalong madaling panahon. Ang pader na ito ay ang siyang haharang mula sa mga pugad ng Tenshi sa Western Japan." dugtong pa nito.
"Oh ganoon ba, didiretsyohin ko na kayo, Mr. Prime Minister. Isa lang ang pakay ko dito." ani ni Rigaku.
"Bigyan mo pa ako ng madaming Daitenshi, at pangako kong papalayasin ko ang mga halimaw na 'yon sa bansang 'to." dugtong nito na may siryosong mukha.
Balik sa kasalukuyan.
"Ang pangatlong batas... ay ang pagiging mandatory ng transfusion para maging Daitenshi mula sa edad na 16 hanggang 40 years old." ani ng lalaking nakatambay sa gilid ng tent.
"Pero ang duda ng karamihan ay ipinapatupad lamang ang batas na ito para sa mga na-rescue mula sa kanlurang bahagi ng Japan. Lahat tayo'y mapapasama sa suicide parade na gaganapin bukas." dugtong pa nito.
"Su-suicide Parade?!" sambit nang gulat na si Taro.