Tatlong oras matapos ang transfusion.
Namulat ang mata ni Taro sa hindi pamilyar na kisame. Inilingon niya ang kanyang ulo at napagtanto kung saan siya naroroon.
"Kulungan... ba't ako nandito?..." ani ni Taro.
Biglang may nagsalita sa kanang bahagi ng binata, "Sabi nila, ito raw ang magsisilbing observation room natin. Wala tayong choice kundi manatili dito dahil kulang ang observation room dito sa Hokaido." aniya.
Napalingon si Taro at natanaw nito ang babaeng si Number 689.
"I-ikaw... ikaw yung... Number 689." sambit ng binata habang pinipilit itayo ang kanyang katawan sa higaan.
"Wag kang tumayo, lalong sasakit ang katawan mo kung ipagpapatuloy mo 'yan." payo ni Number 689.
"Ako pala si Asami, 46 years old, ikaw?" pakilala nito.
Nagulat si Taro sa sinabing edad ng babae dahil hindi mababakas sa mukha at katawan nito ang kanyang edad.
"Keitaro, 17 years old..." tugon ni Taro.
"Teka, bakit kailangan tayong ilagay sa observation room?" tanong nito.
"Obvious naman diba. Oobserbahan nila kung anong magiging side effects ng serum sa katawan at paguutak natin." sagot ni Asami.
"Gano'n ba... sa wakas, mukang magiging mapayapa na ang buhay ko kahit sa sandaling panahon lang." bugtong hininga ni Taro.
"Magiging mapayapa lang ang buhay mo kapag patay ka na, Keitaro-san." ani ni Asami habang nakatitig sa kisame.
"Isang lingo tayo dito, isang lingo rin nating titiisin ang mga side effects. Pagkatapos noon, magsisimula na ang training. At ang huli, makikipagsagupaan ka sa mga pesteng halimaw na lumalabas sa Tendan." paliwanag ni Asami
"Kaya malabong maging mapayapa ang buhay mo hanggat buhay ka." dugtong pa nito.
"The fuck... ang dark niya magisip para sa isang MILF!" sambit ng binata sa kanyang isipan.
"Uhm... may tanong lang po ako, wag n'yo sana masamain." nahihiyang sabi ng binatilyo.
"Sige, sabihin mo." tugon ni Asami.
"May anak ka na po ba?" mabilis at kinakabahang tanong ni Taro.
Limang segundong katahimikan...
"Daaamn! Ang sama ng tingin niya, patay ako nito. Ba't ko ba kasi tinanong 'yon!" sambit ni Taro sa kanyang isipan na nakadama ng matinding kahihiyan.
"Uhm... ano po kase... sa edad n'yo po kasing 46 kadalasan may anak na, kaya...." pagpapaliwanag nito.
"Uhm... kalimutan n'yo na lang po yung tinanong ko, patawad po!" dagdag nito.
"Wala ka namang masamang nasabi kaya 'wag kang humingi nang tawad." sambit ni Asami.
"Well... tama ka, may anak nga ako. Dalawa sila, isang babae at isang lalaki." aniya.
"Hay nako... namiss ko tuloy sila." bugtong hininga ni Asami.
Lumingon si Asami sa higaan ni Taro at napansin na ang binata ay huminga na tila ba nabunutan nang tinik sa lalamunan.
"Haha... tingin mo ba madadala mo ako sa mga ganyang pantasya mo, boy." anito na may mapanuksong tono.
"Huh?!! Hindi po sa gano'n! Mali po ang iniisip n'yo sa iniisip ko, Asami-san!" hiyang-hiyang wika nito sabay harap sa kaliwang bahagi ng kulungan upang maiwasan si Asami.
Natuwa naman si Asami ngunit pinipigil nito ang paghalakhak dahil magdudulot ito ng pagkirot ng kanyang katawan.
Sa kabilang banda, sa Yokohama prefecture kung saan nakatayo ang main headquarters ng Tengoku Organization. Ang Tengoku Representative na si Tadaki ay nabalitaan ang ginawa ni Rigaku sa naganap na meeting sa Japan Palace.
"Oi, oi, President... nag lalasing ka nanaman!" bulabog ni Tadaki sa lasing na si Rigaku.
"Alam mo naman siguro na usap-usapan ka ngayon sa mga miyembro ng gabinete. Ano nanaman bang kalokohan ang pinaggagawa mo?" anito.
"Oh, kalma kaibigan, maupo ka muna..." sambit ni Rigaku habang nakaturo sa upuan.
"Sinamantala mo talaga habang 'di mo ako kasama sa meeting kanina huh." dagdag na sumbat ni Tadaki.
"Sikat nanaman pala ako. Goodnews yon, hindi ba?" pabirong sabi ni Rigaku.
"Hindi goodnews 'yon, bwisit ka." ani ng pikon na si Tadaki.
"Hahaha... wala naman talaga akong ginawang masama, kaibigan." natutuwang sambit ni Rigaku.
"Pinaalala ko lang sa mga engot na 'yon kung ano ang Tengoku." aniya.
Tinakpan ni Tadaki ang kanyang ilong dahil sa matapang na amoy ng alkohol, "Hay nako... matulog ka na nga muna, President. Amoy na amoy ko ang alak sa buong bahay mo. Marami ka pang appointment bukas." aniya.
"Hoy... 'wag mo naman akong iwan agad, kaibigan. May kwento ako para sayo." nadidismayang sabi ni Rigaku.
"Ang kwentong ito'y pinamagatang “Snow White and The Seven Dwarfs”." sambit niya.
"President, ilang beses mo nang na ikwento sa akin yang pambatang istorya mo eh. Kaya matulog ka na lang." ani ni Tadaki.
Napaisip ng malalim si Rigaku at napahawak sa kanyang balbas,"Ah gano'n ba... uhm..." aniya.
"Eh yung story na... ang Japan ay matagal nang pagmamamay-ari ng China, naikwento ko na ba?" pagsisiwalat ni Rigaku.
"Huh?! Anong sabi mo?!" tanong ng nagimbal na si Tadaki at naging interesado sa kwento ni Rigaku.
Tila batang nagsaya ang lasing na Rigaku, "Ayun oh, hindi pa!" aniya.
"Nag simula ang istorya noong tumiwalag ang Japan sa JANCHIFRU, dahil sa ayaw makilahok ng ating bansa sa “Project eden”." wika ni Rigaku.
"Ang plano nila sa project eden ay pumunta sa black hole upang mag time travel HAHAHA! Isang plano na tanging mga engot lang ang makakaisip." ani nito habang sinisinok dahil sa kalasingan.
"Hindi nga ako makapaniwalang hanggang ngayon ay 'di parin sumusuko ang mga engot na 'yon sa kanilang kathang-isip." sambit nito sabay higop sa hawak niyang alak.
"Noong tumiwalag ang ating bansa sa alyansa ay nagsimula namang mabuo ang Tengoku sa pamumuno ng isang Chinese scientist na nagtatrabaho sa ilalim ng Japan." dagdag nito.
"Ang founder ng Tengoku, si Wu Shu-hui." ani ni Tadaki.
"Haha... sino pa nga ba. Siya lang naman ang itinuring ng Japan bilang natitirang pag-asa sa panahong iyon." aniya.
"Walang tigil na nagsaliksik si Wu sa loob ng anim na taon, upang makabuo ng armas na makapapaslang sa mga halimaw ng Tendan. Ito ang naging dahilan upang unti-unting masaid ang ekonomiya ng Japan." wika ni Rigaku.
"Dahil bukod sa napakalaking gastusin sa research, tayo ang pinaka napipinsala sa tuwing umaatake ang mga Tenshi sapagkat malapit ang ating bansa sa Tendan." ani ni Rigaku.
"Doon na nagsimulang pumasok ang China sa eksena. Tumiwalag din sila sa alyansa ng JANCHIFRU na sa kasalukuyan ay tinatawag na bilang EDEN." sambit ni Rigaku sabay hawak ng mahigpi sa upuan
"Sa panahon ding iyon ay madami pang bansa ang nakilahok sa alyansang iyon, gaya nang America, South Korea, Germany, at marami pang iba..." dugtong nito.
"Matapos tumiwalag, ay nakipagpulong ang pinuno ng China na si Ying Yuchen sa dating Prime Minister ng Japan. Nag bigay sila offer na mahirap tanggihan kay Prime Minister Bushijima." aniya.
"Bibigyan nila tayo ng walang hintong pondo para sa research. Kapalit ang ating bansa." dagdag nito.
"Dahil sa sobrang kahirapang nararanasan, napapayag si Bushujima." ani nito sabay hikab.
'Walang petsyang ibinigay o inilahad ang China sa Japan. Ngunit agad nilang tinupad ang kanilang pangako." dagdag ni Rigaku.
"Kaya naman buo ang Tengoku at isa ang Japan sa pinaka maunlad na bansa kasama ang China sa buong mundo." aniya.
"At ngayon, bilang na ang oras ng Japan." ani niya na may nakakasindak na boses.
"Balang araw, magsisimulang maningil ang China AHAHAHAHA!..." malakas na sabi ng lasing na Rigaku.
"Saan mo naman napulot lahat ng impormasyon na 'yan huh, President?" nagtatakang tanong ni Tadaki.
"Ang parte na 'yan... ang hindi ko... pwedeng sabihin sa iyo, kaibigan..." sambit ni Rigaku na unti-unting nakatulog dahil sa kalasingan.
Tuluyang nahimbing ang pagtulog ni Rigaku. Maingat naman siyang binitbit ni Tadaki papunta sa kwarto at inilagay sa higaan. Matagal na tumitig si Tadaki sa mukha ni Rigaku habang pinisil-pisil ang pisngi nito.
"Kahit kailan ka talaga, President. Kung ano-anong kalokohan ang pinagsasabi mo sa tuwing nalalasing ka." sambit nito habang may magandang ngiti sa muka.
Ilang segundo ang lumipas, biglang nagbago ang ekspresyon ng mata ni Tadaki. Mababakas sa kanyang mga mata ang matinding galit, dahan-dahan niyang ihinawak ang nanginginig na kaliwang kamay sa leeg ng nahihimbing na Rigaku.
Buong pwersa nitong sinakal ang leeg ni Rigaku na halos bumaon na ang ulo sa kama. Isang kurap, sa pagkurap ni Tadaki ay bumalik ang kanyang katinuan.
Mabilis niyang binitawan ang leeg ng naghihingalong si Rigaku at dahan-dahan siyang umatras papunta sa gilid ng kwarto. Bagaman mababakas sa leeg ni Rigaku ang matinding pwersa ng sakal, ay nanatiling mahimbing ang tulog nito. Walang tigil na umiyak si Tadaki habang nakaupo sa madilim na sulok ng silid.