Habang mabilis na tumatakbo si Taro ay may lalaking biglang humila sa kaniya papunta sa isang silid.
"Huh! Sino k-"
Mabilis na tinakpan nang lalaki ang bunganga ni Taro.
"Shhh... Wag kang maingay, alam ko kung saan ka papunta, kaya't iniligtas kita bago ka pa mapunta doon." bulong ng lalaki sa tainga ni Taro, at patuloy silang nag usap nang pabulong.
"Teka lang, hindi ba ikaw si Tandang Botan, yung janitor dito... Anong ibig sabihing "iniligtas mo ako" e' pinigilan mo nga akong pumunta sa USS"
"Para lang sa kaalaman mo, ang underground safe shelter ay hindi na masasabing safe ngayon."
"Hindi na safe?! Bakit naman?" di' makapaniwala si Taro sa sinabi ni Botan.
"Dahil sa biglaang pagsugod ng mga Tenshi, walang kahit isang nakapaghanda kaya't madali silang nakapasok dito sa Ehime." pag papaliwanag ni Botan.
"Ibig sabihin... nalusob at nasira na nila ang Oita prefecture?"
"Hindi ko alam... Pero malamang ganon nga ang nangyari" nababalisang sagot nito.
"Sa ngayon, mas mabuting manatili muna tayo sa room na to, at maghintay na matapos ang wave." sambit ni Botan habang dahan-dahang umuupo.
Hindi parin matanggap ni Taro ang mga rebelasyon na sinabi ng matandang Botan, tila ba'y lalo siyang nawalan ng pag-asa at lalong natakot para sa kaniyang sarili at sa kaniyang ina, na sa kasalukuyan ay nag tatrabaho bilang magsasaka sa Gifu. Ang Gifu ay isa sa mga pinaka ligtas na lugar sa Japan dahil ito'y napaliligiran ng matataas na wall at dito rin naka pwesto ang isa sa limang pinaka malakas na headquarters ng mga Daitenshi, ito'y may malakas na dipensa at pinangangalagaan ng Japan dahil puno ito ng sakahan nang bigas, poultry, piggery, et cetera... Ito ang pinaka malaking pinagkukunan nang pagkain ng buong Japan.
"Tandang Botan, sa tingin mo ba ligtas ngayon ang mga nasa Gifu?" tanong ni Taro.
"Baliw ka ba, yun ang pinaka ligtas na lugar dito sa Japan." sagot nito
"Hay nako, doon ako nakatira dati... kaso di' ko kayang sikmurain ang sistema doon, kaya tumakas ako. Trabaho diyan, trabaho doon, at 'di bababa sa apat na oras lang na pahinga." pagkukwento ni Botan.
"Mas nakakatakot sa lugar na iyon, 'di gaya dito, kung makakain ka ng Tenshi patay ka na agad, pero doon unti-unti kang papatayin ng mga kapwa mo tao... At kapag bumigay na ang katawan mo sa kapaguran dalawa lang ang kalalagyan mo, mamamatay ka on the spot o mag ha-harakiri ka(ritwal sa Japan ng pagpapakamatay sa pamamagitan ng paghiwa sa tiyan)" dagdag pa nito.Lalong nalungkot si Taro dahil sa sinabi ni Botan, bakas sa muka ni Taro ang lungkot na kaniyang nadarama.
"Ba't Bata, may kakilala ka ba doon?" tanong ni Botan habang sinisindihan ang kaniyang sigarilyo.
Sumagot naman si Taro.
"Nandoon ang nanay ko, siya ang dahilan kung bakit ako nandito sa Ehime prefecture at kung bakit nakakapag-aral at nananatiling buhay ako dito sa Uchiko. Itinakas niya ako sa pader ng Gifu noong bata pa ako para lang hindi ko maranasan ang mga paghihirap doon Nakikita ko lang siya kapag dadalaw ako sa Gifu para kuhain ang padala niyang pera para sa akin na mula sa sahod niya buwan-buwan." malungkot na kwento ni Taro.
"Isang bayani ang nanay mo, biruin mo kaya niyang tiisin ang impyerno ng Gifu para lang maranasan mo ang mas maginhawang buhay dito sa labas, nakakamangha iyon." tugon ni Botan upang mapagaan ang damdamin ni Taro.
Lumipas ang mga oras ay hindi parin natatapos ang wave, dinig na dinig ito ng dalawa mula sa labas. Sumapit ang gabi ngunit patuloy parin ang wave, kaya naman minabuti nalang nilang mag pahinga upang maipon ang kanilang lakas at makalimutan ang gutom.
8 hours ang lumipas, ngunit ang mga Tenshi ay nasa kalupaan parin. Nagising si Taro at nagulat dahil patuloy padin niyang naririnig ang tunog ng mga Tenshi, kaya naman agad niyang ginising si Botan.
"Tandang Botan, Tandang Botan! Gising, may kakaibang nangyayari." sambit nito habang inuuyog ang tulog na si Botan.
Agad namang tumayo si Botan, sabay sinilip ang nangyayari sa labas. Natulala at nanginig ang katawan ni Botan dahil sa takot.
"Anong nangyayari Tandang Botan, hindi ba't 5-6 hours lang ang itinatagal ng wave?" tanong ni Taro.
"Hindi ko rin alam... 'Di ako sigurado pero may kutob ako."
"Ano yon?" tanong ni Taro.
"Kung hindi ako nagkakamali, maaaring binabalak ng mga Tenshi na gawing pugad ang Ehime."
"Pwede bang mangyari yon?” di' makapaniwala si Taro sa kaniyang narinig.
"Hindi mo pa ba nababalitaan? Nangyari na yon sa isang lugar sa Australia, at kung mamalasin dito na sa atin ang susunod"
"Kailangan na nating makaalis dito. Pero bago ang lahat, kailangan natin mag plano para masiguradong buhay tayong makakaalis dito sa Uchico, kailangan nating makita ang mga lugar na madaming Tenshi at iwasang dumaan doon." sabi nito habang nakaupo sa sahig.
"May naisip ako, pano kung dumaan ako sa air vent paakyat sa roof top." suggest ni Taro.
"Pwede nga yan, ang problema lang ay mahihirapan kang umakyat sa rooftop kung sa vent ka lang dadaan... Pero maaring makaakyat ka sa rooftop kung dadaan ka mula sa vent papunta sa 2nd floor, pagkatapos ay gagamitin mo naman ang hagdan diretsyo paakyat sa rooftop, pero delikado iyon, bata." payo ni Botan kay Taro na nagsisimula nang maghanda sa kaniyang pag akyat.
"HAHAHA alam kong delikado, pero sa sitwasyon natin ngayon, ito lang ang magagawa natin para kahit papaano ay mapataas ang chance na mabuhay tayo, tama ba ako Tandang Botan?" sabi nito habang patuloy na umaakyat.
"Tumpak ka diyan Bata, ikaw lang ang pag-asa ko ngayon, kayat mag iingat ka" sambit nito.
Nakatingin ang matandang Botan kay Taro habang umaakyat na tila ba'y siya nalang ang kaniyang pag-asa, dahil sa edad na 73 ay hindi na niya kayang gawin ang mga ganitong uri ng bagay. Sa kabilang banda naman ay tuluyan na ngang nakaakyat sa vent si Taro.
"Sandali lang, anong pangalan mo, Bata?" tanong ni Botan kay Taro habang nagsisimula na ito sa paggapang sa vent."Taro, Keitaro Azumane!" sigaw ni Taro sabay ngiti.
"Gunggong! Wag kang sumigaw." galit at mahinang sigaw ni Botan kay Taro.
Tuluyan nang dumiretsyo si Taro upang humanap nang magandang labasan sa vent, kung saan malapit sa hagdan ng 2nd floor at walang Tenshi. Lumipas ang ilang minuto ay matagumpay na nahanap ni Taro ang hagdan paakyat sa 3rd floor, dahan-dahan niya itong binuksan at mabilis na lumabas, at mabilis niyang tinakbo nang tahimik ang hagdanan. Matagumpay niyang narating ang rooftop nang walang kaproble-problema, matapos nito'y agad siyang tumingin sa kanang bahagi ng paaralan, ngunit di' gaanong karamihang Tenshi ang kaniyang nakita. Agad naman siyang tumakbo papunta sa kaliwang bahagi, nang may biglang pumukaw ng pansin ni Taro, nanlaki ang kaniyang mga mata at tila ba'y biglang bumagal ang ikot nang kaniyang mundo.
"Hi-hindi maaari... Ganito ang itsura ng pugad nang mga Tenshi?!"