"Makakapagpahinga na ako sa wakas!" tila nabunutan ng tinik sa lalamunan si Rigaku habang nakahilata sa malambot na kama at kinakausap ang sarili.
"Well... hindi pa naman talaga tapos ang Suicide Parade, pero kahit papaano ay mababawasan na ang stress ko simula bukas HAHAHA!" sambit nito.
"Finally..." anito habang nakatulala sa kisame.
Masiya niyang pinagnilayan ang kanyang nakaraan. Isang nakaraang maihahalintulad sa hindi mapigil na pag-angat ng araw.
Kanyang pinagpatuloy ang pagkausap sa sarili, "Isipin mo 'yon, ang dating pulubing gaya ko ay isa nang presidente ng organisasyon ngayon." anito.
"That's crazy! HAHAHA. But they don't know anything... not even a single thing." sambit nito.
Bigla niyang narinig ang isang boses ng matandang lalaki sa kanyang isipan. Isang boses na kaylan man ay hindi niya malilimutan, ang nagsilbing gabi sa maliwanag niyang umaga.
Maliwanag niyang naalala ang lahat ng kaganapan sa kanyang nakaraan, "You are the most cutest and prestigious thing in this world! Hmmm-haa... you smell like a fresh flower." wika ng matandang lalaki.
"Shhh! Malapit na tayong matapos, tiisin mo lang." sambit nito.
"Ughhh! Huff-huff..." hingal na ungol ng matanda.
"You want to be rich, right?" tanong nito kay Rigaku.
"I will make sure na yayaman at giginhawa ang iyong buhay, naintindihan mo ba?" sambit ng lalaki.
"I love you." dugtong pa niya.
Tinakpan ni Rigaku ang kanyang mukha gamit ang kanyang palad at nag wika, "Ahhh there you go again, kusojiji." anito.
("Kusojiji" isang uri ng pang-iinsulto sa mga matatandang lalaki.)
Malakas na katok sa pinto ang bumulabog sa pagninilay-nilay ni Rigaku, "President Rigaku, paumanhin po sa aking pang-iistorbo ngunit may mahalaga akong ibabalita!" sambit ng isa sa mga tauhan ni Rigaku.
Agad na lumakad at binuksan ni Rigaku ang pinto, "Ano nanaman ba 'yon?" tanong nito.
Agad na tumugon ang tauhan, "Kami po ay nakatanggap ng report mula sa HQ 6. Ang mga Tenshing sumakop sa Western Japan ay muli na namang naging aktibo sa 'di malamang dahilan." anito.
"Halos kalahati na po ng Tokushima ang kanilang napipinsala." dagdag nito.
Ang kalmadong mukha ni Rigaku ay napalitan ng inis dahil sa natanggap niyang masamang balita, "Arghhh! Let's go, kailangan nating magmadali!" wika nito.
Samatala, ang misteryosong heneral ng HQ 6 ay nagsimulang lumakad papunta sa kanyang mga tauhan. Napansin nito na karamihan sa kanyang mga tauhan ay nagkakagulo at natataranta sa loob ng headquarters.
Siya'y nagwika habang mabilis na lumalakad papunta sa kanyang mga tauhan, "Pigilin ninyo ang inyong sarili." wika nito.
"Hindi ito ang oras upang kabahan at mag-panic." dugtong nito
Ang lahat ng mga tauhan ay yumuko upang magbigay galang sa kanilang bagong heneral.
Isang mapayat at maliit na lalaki ngunit may malalim na boses ang humakbang upang magbigay ng ulat.
"General Chiruz--" tinakpan ng heneral ang bibig ng lalaki.
"Momoiro-oni ang aking pangalan, pakitandaan." sambit nito na may nanlilisik na mga mata.
Muling ipinagpatuloy ng lalaki ang kanyang pag-uulat, "Ah! General Momoiro-oni, matagumpay na po naming na i-report ang lahat ng detalye at kaganapan sa HQ 1." anito.
"Agad naman po silang tumugon at sinabing ating maaasahan ang mabilis na pagdating ng mga backup mula sa iba pang HQ, Sir." dugtong nito.
"Mhm-mhm." tugon ng heneral habang nakapangalumbaba.
Itinuloy ng lalaki ang pag-uulat, "Hinihiling din nila na mas patindihin pa natin ang depensa sa Tokushima." anito.
"Mhm-mhm." muling tugon ng heneral.
Bigla namang nautal ang pagsasalita ng lalaki dahil sa alam niyang kumplikado ang sumunod na hiling ng HQ 1, "M-may pangalawa pa po silang kahilingan..." aniya.
"Sabihin mo na." sambit ng heneral.
"Hinihiling po nila na simulan na nating ihanda ang lahat ng mga survivors ng Suicide Parade sa lalong madaling panahon upang dumagdag sa ating bilang, Sir!" tugon ng lalaki.
"Lahat kayo! Malinaw niyo naman sigurong nadinig ang ulat ni--" agad itong tumingin sa lalaki upang ipahiwatig na siya'y nagtatanong.
Malakas namang tumugon ang pandak na lalaki, "Lieutenant Takeo Toga, Sir!" sigaw nito.
Lumapit ang heneral at bumulong sa kaliwang tainga ni Takeo, "Hmmm... Masyado kang manipis para maging isang lieutenant, pero hindi ko maipagkakailang mas nangingibabaw ang iyong presyensya kaysa sa akin."
Napahalakhak ang heneral habang nakahawak sa kanang balikat ni Takeo, "HAHAHAHA! Nakakatuwa ka, Lieutenant Takeo!" aniya.
Lumipas ang ilang sandali ay muling inayos ng heneral ang kanyang postura upang magbigay ng kautusan sa kanyang mga tauhan, "Malinaw niyong narinig ang mga ulat ni Takeo, kaya't simulan niyo nang bulabugin ang ating mga bagong Daitenshi!" sigaw nito.
Lumipas ang dalawampung minuto ay mabilis na nag tipon-tipon ang lahat nang natitirang buhay sa Suicide Parade. Lahat sila ay maayos at tuwid na nakapila sa tatlong linya. Karamihan sa kanila ay nanghihinang lumalakad palapit sa headquarters, at isa na roon si Taro.
Namumutla at malaki ang pinayat ng katawan ni Taro, tuliro rin ang kanyang isipan at bakas din sa kanyang mukha ang kalungkutan. Kapansin-pansin din ang malaking kabawasan sa bilang ng mga kalahok sa Suicide Parade.
"Hoy buddy!" sigaw ng lalaking kakarating pa lamang sa pila.
Dahan-dahang lumingon ang binata at agad niyang nakilala ang lalaki, "Haha... Number 692, buhay ka pala." anito.
"Tigilan mo nga ang pagtawag sakin na "Number 692"! Ako si Enyo, naintindihan mo ba?" pagpapakilala nito.
"Ah, pasensya na Enyo-san." tugon ni Taro.
"Bakit parang sobrang sigla mo, Enyo-san? Hindi mo ba naranasan yung mga side effects?" tanong ni Taro kay Enyo.
"Hindi gaano kalala ang mga side effects na naranasan ko. Sabi ko naman kasi sayo e', dapat lakasan mo ang loob mo! 'Yan tuloy mukha kang binagsakan ng langit at lupa..." tugon ni Enyo.
"At mukhang hindi pinalad ang mga ka-batch mo." dagdag nito.
Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay may umagaw sa kanilang pansin, isang grupo ng mga kalalakihan ang nagtitipon-tipon sa gilid ng pila.
"Teka lang, anong pinagkakaguluhan ng mga sanggano na 'yon doon sa gilid?" sambit ni Enyo.
Tinignang maiigi ni Taro kung ano o sino ang kanilang pinagkakaguluhan at una niyang natanaw ay ang lalaking may pink na buhok, kayumangging kulay at gusot-gusot na damit, "E-ewan ko lang ha, pero mukhang may pinagkakatuwaan silang tulog na pulubi d'on." anito.
"Oo nga, kawawa naman yung pulubing 'yon." sambit ni Enyo.
Binaliwala ito ng karamihan, isa na rito sila Taro at Enyo na nagpatuloy sa pag-usad ng pila. Matapos ang ilang sandali ay matagumpay na nakapasok sa headquarters ang lahat ng mga kalahok sa Suicide Parade.
Malawak ngunit madilim ang kanilang paligid, ngunit ilang sandali ang lumipas ay may isang ilaw na bumukas sa malaking stage sa kanilang harapan.
Sa likod ng stage ay hindi mapakali si Takeo, "Alam niyo ba kung saan naroroon ang heneral? Malapit na tayong magsimula ngunit wala pa rin siya." wika ni Takeo.
Isang negrong lalaki ang sumagot, "Hayaan mo na 'yon... Matagal ko nang kakilala si Chiruzo dahil isa ako sa kanyang kasamahan sa Tanzania." anito.
"Kayat alam na alam ko na ang kanyang mga nakaugaliang gawin." dagdag nito.
Ang lalaking iyon ay nagngangalang Gimbo Nashail, isang Nigerian at matalik na kaibigan ng bagong heneral ng HQ 6. Si Nashail ay isa rin sa nataatasan bilang bagong captain ng Squad 2.
"Ano naman kaya ang kanyang nakaugalian?" tanong ni Takeo.
Nakangising tumugon si Gimbo"Maaga niyang hinihintay at binabati ang kanyang mga tauhan." anito.
"Gan'on niya kamahal ang mga ito." dugtong pa nito.
Samantala, habang hinihintay ang pagdating ng heneral ay muling nagkaroon ng kaguluhan dahil sa pagkadapa ng isang lalaki matapos siyang tisudin ng isa sa mga sanggano. Walang habas siyang pinagtawanan ng limang sanggano at ng marami pang tao.
"Ang tanda-tanda mo na pero lalampa-lampa ka pa'rin! HAHAHA!" sambit ng isa sa mga sanggano.
"Paano pa kaya kapag Tenshi na ang kaharap mo?" dugtong ng isa pa nilang kasamahan.
"Hay nako... Wala siguro silang plano na tumigil sa paggawa ng kaguluhan." wika ni Enyo.
"Goddamn... ang tagal naman nila magsimula." sambit ni Taro sa kanyang isip.
Muling bumalik at naramdaman ni Taro ang pagkahilo at pagsakit ng kanyang likod. Inisip niyang ito'y dahil sa hindi parin lubusang nawawala ang mga side effects ng serum sa kanyang katawan.
Lumipas ang ilang segundo ay narinig nilang lahat ang isang malakas na yapak ng isang malaking lalaki na nagmula pa sa labas ng headquarters. Ang yapak na iyon ay unti-unting lumalapit papunta sa lugar kung saan nakapwesto ang mga mapagalarong sanggano. Hindi nagtagal ay kanilang natanaw ang mukha ng lalaki iyon.
Agad na lumapit ang isang sanggano at kinompronta ang dambuhalang lalaki, "Hoy pulubi! Alam mo bang pinagbabawal pumasok ang kagaya mong madumi dito sa lugar na'to, ha?" anito.
Sumingit ang isa pa nilang kasamahan, "May tite ka pa sa noo! AHAHAHAHA!" walang tigil na naghalakhakan ang mga ito.
Ang lalaki ay nag simulang mag-unat ng ulo habang nagsasalit, "Ahhh... Wala akong paki kung naiistorbo n'yo ang meeting na ito dahil isa kayong bully na mahilig gumawa ng gulo. PERO! Kaylangan n'yong sabihin sa'kin kung sino ang nag sulat at bumaboy sa mukha ko!?" wika nito.
"Hahahaha! Baliw ka ba? Ba't naman namin sasabihin, diyos ka ba?" pang-aasar nito sa pulubi.
"Hindi ako isang diyos, santo, o anghel." tugon ng pulubi.
"Ako ay isang demonyo!" dugtong nito.
Ang mga sanggano ay hindi napigil ang sarili sa paghalaghak at napasandal pa ang kanang kamay ng isa nilang kasamahan sa kaliwang braso ng pulubi, "Hahaha! Ulul, hindi ka demonyo, isa kang bali-"
Sa pag-angat ng kanang braso ng lalaki ay biglang nabura ang masasayang ngiti at halakhak ng bawat tao sa loob ng headquarters. Biglang naglitawan ang malaking tenshi skin sa batok ng pulubi, sa laki nito ay nasanggi at tumilapon ang isang tao sa kanyang likuran. Mabilis na kumapit ang tenshi skin sa kanang kamay niya.
Matapos ang pagkapit ng tenshi skin ay mahinahon ngunit mabilis niyang ipinasok ang kanyang kanang kamay sa ilalim ng dibdib ng sanggano. Nagulat ang lahat ng nakasaksi kaya't agad silang lumayo at nagtakbuhan papunta sa labasan, ngunit sa kasamaang palad ay mabilis ding bumaba at nagsara ang bakal na pinto ng pasilidad.
Inilapit ng pulubi ang kanyang mukha sa kanang tainga ng sa sanggano at dito siya'y bumulong, "Ikalma mo ang iyong paghinga. Gumalaw ka ng kahit isang pulgada, mas mabilis ka pang papanaw sa isang segundo, dahil isang pulgada lang din ang distansya ng kamay ko mula sa puso mo." bulong nito.
Patuloy niyang kinausap ng pabulong ang sanggano.
"Ang iyong kabaong ay nakahanda na. Dalawa lamang ang dahilan kung bakit nananatili ka pang buhay sa mga oras na 'to." anito.
Ang dugo ay nagsimulang tumulo sa bibig at ilong ng sanggano habang nag papaliwanag ang lalaki, "Ang unang dahilan kung bakit nananatili kang buhay ay dahil nakaharang pa ang makapal kong braso na siyang pumipigil sa pagtagas ng dugo sa butas ng iyong tiyan." wika nito.
Dahan-dahang inilayo ng lalaki ang kanyang mukha sa tainga ng sanggano at siya'y nagsimulang magsalita ng malakas, "At ang pangalawang dahilan ay dahil sa serum na itinurok sa iyong spinal cord. Ngunit hindi ako magsisinungaling sayo, hindi na lalagpas sa isang minuto ang pananatili mo sa mundong 'to!" sigaw nito
"Ngayon... bago mo makita si Satanas, sabihin mo kung sinong ang tarantadong bumaboy at bumastos sa mukha ko!" anito.
Inangat ng lalaki ang kanyang kaliwang braso at gigil na itinikom ang kanyang malaking kamao, "Siya ang may kasalanan kaya't nag-init ang aking ulo. At siya ang may kasalanan kung bakit papanaw ka ngayon." anito.
"Kaya't sabihin mo sa'kin kung sino siya at sisiguraduhin kong magkikita kayo sa impyerno... sa lalong madaling panahon." dagdag nito.
Lubos na natuwa si Gimbo sa kanyang nasasaksihan, "Hoho! That's "Momoiro-oni" for ya', fellas." anito.
Bakas sa nanlalaking mga mata ni Takeo ang gulat habang nagsasalita sa kanyang isip, "Chiruzo Takagiri, tinawag niyang Momoiro-oni ang kanyang sarili, siguro dahil iyon sa kanyang pink na buhok. Isa siyang tunay na demonyo." sambit nito sa sarili.
(Ang salitang "momoiro" ay mula sa lengwaheng hapones na nangangahulugang "pink". Samantala ang "oni" naman ay nangangahulugang "demon".)
"What the fuck is this, Enyo-san!!!" sigaw ni Taro habang inuuyog ang balikat ng natulalang si Enyo.