Natulala at napaluhod si Taro dahil hindi niya mapaniwalaan ang kanyang natatanaw, naging kapatagan ang dating maraming gusali at napuno ng mga butas ang lupa na nag silbing pasukan at labasan ng maraming Tenshi. Ito na ang naging bagong imahe ng bayan ng Uchiko, at nang marami pang ibang lungsod sa Ehime.
"Diyos ko, ito na ba ang katapusan ng Japan?" sambit nito habang nakaluhod.
"At teka lang, kailan pa nagkaroon ng pag-iisip ang mga Tenshi para gawin ang lahat ng mga ganitong aksyon?" dugtong pa nito.
Sa gitna nang pagkalito ay mabilis na itinayo ni Taro ang kaniyang katawan at muling isinaisip ang gagawing pagtakas. Agad siyang tumakbo pababa sa kinaroroonan ni Botan, ngunit pagdating sa second floor ay may 'di inaasahang nakaabang sa hallway, isang ligaw na Tenshi na tila ba'y nag hahanap ng makakain.
"Patay ako neto! Ano na kayang nangyari kay Tandang Botan, buhay pa kaya siya sa 1st floor?" nag-aalalang tanong nito sa sarili.
"Ahhh! Ano ba yan Keitaro! Wag kang magisip ng mga ganiyang bagay. Siguradong buhay siya, dahil sabay kaming tatakas dito." sambit nito sabay mabilis na gumapang papunta sa vent.
Ngunit dahil sa ginawa ni Taro ay napansin siya ng Tenshi, galit ang muka nito at mabilis na hinabol si Taro na sa kasalukuyan ay pumapasok palang sa loob ng vent, tuluyang nakapasok si Taro sa loob ng vent at tuluyan ding nakarating ang Tenshi sa pinasukang vent ni Taro, ngunit masikip ang pasukan ng vent kaya't masasabing ligtas na si Taro, ang Tenshi naman ay takam na takama at patuloy paring ginagawa ang makakaya upang maabot si Taro gamit ang kanyang kanang kamay, ngunit na bigo ito at ang tanging nagawa nalang ay ang sumigaw ng malakas dahil sa galit. Natuwa si Taro sa naging reaksyon nito, muli niyang hinanap ang daan papunta sa kinaroroonan ni Botan upang sabihin ang mga naganap. Ilang sandali ang lumipas ay matagumpay na nahanap ni Taro ang silid na tinataguan ni Botan.
"Tanda! Sa Matsuyama tayo! Mukang 'di pa nila napupuntahan ang Matusyama kaya maaari tayong dumaan doon papunta sa Hiroshima!" masayang balita ni Taro habang unti-unting napapalapit sa labasan ng vent.
"At tsaka alam mo ba, may nakakatawang nangyari kanina HAHAHAHA. Yung isang Ten-" natigil ang masiyang pagsasalita ni Taro at biglang napawi ang ngiti sa kaniyang muka.
"A-anong nang-yayari Tanda?!" gulat na tanong nito kay Botan na buong lakas na pinipigilang mabuksan ang pinto ng silid.
"T-takbo na bata! Bigla silang naging agresibo at nagwala sa buong building, sa tansya ko nasa benteng Tenshi ang nasa loob ng building na ito... Mukang ikaw na lang ang makakapunta sa Hiroshima hehehe." tugon ni Botan habang nahihirapan sa pagpigil sa pinto.
"Diretsyohin mo ang kanang bahagi ng vent... M-makakalabas ka doon, di' nga lang ako sigurado kung... ligtas doon." dugtong pa nito.
Unti-unting tumulo ang luha ni Botan mula sa kaniyang mga mata.
"Taro! Ikamusta mo nalang ako sa anak ko doon sa Okayama, sabihin mong patawadin niya ako sa mga nagawa ko at mahal na mahal ko siya!" malungkot na sigaw nito.
Natulala si Taro sa kaniyang nasasaksihan, tuluyang nasira ng dalawang Tenshi ang pader at pinto, at mabilis na pinag piyestahan ang kaawa-awang matanda. Ang unang Tenshi ay kinagat ang ulo ng matanda, ang pangalawa naman ay hinila ang kaliwang paa na naging dahilan ng dahan-dahan nitong pagkapunit mula sa balakang, nanlalaban ang mga kamay at patuloy na sumisipa ang kanang paa ng matanda na nagpapahiwatig na buhay pa rin ito. Ilang sandali lang ay nag datingan na ang iba pang mga Tenshi, ang isa ay kinagat ang kanang kamay, ang isa naman ay ang kaliwang braso, ang sumunod naman ay kinagat ang kaliwang binti, tuluyang naputol ang leeg na nagwakas nang paghihirap ng matanda, ang lahat ng ito'y nasaksihan ni Taro habang walang kibong nasa loob ng vent.
Napuno ng galit ang mata niya... saan? Sa mga Tenshi o sa kaniyang sarili? Sa mga nilalang kumakain kay Botan o sa taong naging sanhi ng pagiging aktibo at agresibo ng mga Tenshi na nag resulta sa karumaldumal na pagkamatay ni Botan? Nag patuloy si Taro sa pagtakas habang dala-dala ang mga katanungan na ito.
"Ang tanga ko... Ako, ako ang dahilan kaya namatay siya." hagulgol ni Taro
"Wala akong nagawa... Tinitigan ko lang kung paano siya pira-pirasuhin ng mga putanginang Tenshi na 'yon!" sambit ni Taro. Napuno ng depresyon ang utak ni Taro na tila ba'y nawalan na siya ng ganang manatiling buhay.