"217 years ago in year 2019, ang Earth ay hinarap ang muntikan nitong pag-kagunaw. Sa kadahilanang ang Planet Mars ay biglaang sumabog at nag dulot ng kaguluhan sa universe..." pagtatalakay ng teacher sa mga estudyante nito.
Ngunit ang isang estudyanteng nag-ngangalang Keitaro Azumane na kilala rin sa tawag na Taro ay walang ganang makinig sa talakayan, kaya't yumuko na lamang ito sa kaniyang mesa.
"Blah blah blah... Sumabog ang Mars, bumagsak sa Earth, himalang nakaligtas ang Earth, and ang plot twist may mga weirdong 10 footer at kulay puting halimaw na lumabas out of nowhere, at 'di nagtagal tinawag sila bilang mga Tenshi (Angel)." pagsasalaysay ni Taro habang nakahilata sa mesa.
"Tsk, sinong tangang tatawaging anghel ang isang lahi ng cannibal at ang siyang reason kung bakit unti-unting na-uubos ang mga tao." sambit nito sa kanyang isip.
Dahil sa pagkabagot ay sinundot nito ang kanyang ilong upang ito'y linisin at muling pinagpatuloy ang pagsasalaysay sa isip, "And back to the topic, after few years ulet, pinag eksperimentuhan nang mga baliw na scientist ang cells ng mga Tenshi at inilagay sa katawan ng mga tao. Hindi ito ligtas kaya't kadalasan iilan lamang ang nakakaligtas sa transfusion na ginawa ng mga scientist." anito.
"Tinatawag naman ang mga natitirang buhay bilang mga Daitenshi (Archangel). Ang mga makabagong sundalo na mag liligtas nang mundo, "mag liligtas nang mundo" n'yo pwet ko, kung wala naman silang hawak na hijiyari wala rin silang mga kwenta." dagdag nito.
(Isang itim na short spear at may habang 1 meter, ito'y may trigger button sa dulo upang ma-inject ang toxin sa katawan ng Tenshi upang ito'y mapatay).
"Hay nako... Simula pa noong nasa tiyan ako ng nanay ko naririnig ko na 'yang storya na yan. Highschool na kami ngayon kaya obvious naman na babaon na yan sa utak namin." bugtong hininga nito.
Dahan-dahang ipinikit ni Taro at nagsimulang matulog ng mahimbing. Lumipas ang ilang oras ay unti-unting nagising si Taro, mabigat ang kaniyang pakiramdam na para bang may mga dumadagan sa kaniyang likuran, kasabay nito ay may naririnig siyang malalaswang tunong na hindi kanais-nais sa tainga... o pwede ring sa mata.
"Ahhh, ahhh... T-teka lang, parang may gumagalaw dun sa ilalim ng mga bag!" sigaw ng babae habang nakaturo sa mga patong-patong at tila bundok ng bag.
Lumipas ang ilang segundo ay tuluyang nabuwag ang magkakapatong na bag, sunod nito ay ang pag-bangon ng isang nilalang sa ilalim ng mga bag, at ang nilalang na ito'y walang iba kundi ang kagigising pa lamang na si Taro.
"Ummm... Good morning!" pagbati ni Taro habang nag-iinat.
Napatitig si Taro sa babae at lalaki at napagtanto niya na ang dalawa ay nagtatakik sa loob ng room. Tumitig din ang dalawang magkapares kay Taro. Tahimik na nag titigan ang dalawang panig at napuno ng awkwardness ang classroom.
"Ponyetaaa! Sinong mga walang hiyang nag baon sakin sa mga pesteng bag na to? Tulong! Tulungan niyo ako, mamatay na ako sa kahihiyan at pangdidiri sa dalawang to!" naiiritang sigaw nito sa kaniyang isip habang patuloy na nakikipag titigan sa dalawa.
Tuliro pa ang mukha ni Taro dahil sa kagigising pa lamang niya. Mabilis naman siyang tumayo at yumuko upang mang hingi ng tawad at makaalis na rin sa nakakahiyang sitwasyon.
"Pasensya po sa istorbo... Ah-ah aalis na po ako hahaha" sambit ni Taro habang nakayuko.
Matapos manghingi ng tawad ay mabilis itong pumunta sa pinto upang lumabas, "See you lat-.... Bye-bye pala hahahaha" anito.
Diretsyo itong lumakad papalayo sa silid, "Yuck! Grabe na talaga ang mga kabataan!" wika nito.
Alam ko naman na 4.6 billion nalang ang population ng tao sa buong mundo, pero hindi ba pwedeng humanap naman sila ng tamang lugar para gumawa ng kababalaghan?" dagdag pa nito
Ngunit hindi pa nakalalayo si Taro ay narinig na naman niya ang pag-tatalik nang dalawa sa loob ng classroom.
"Siryoso ba sila?! Hinintay lang nila akong lumayas?!" galit na sabi nito.
Tuluyan nang umalis si Taro mula sa 4rth floor pababa sa 2nd floor ng school building upang pumunta sa C.R. ng paaralan, agad siyang nag hilamos nang muka upang mawala ang kaniyang pagkaantok. Matapos niyang mag hilamos ay kalmado siyang lumakad papunta sa labasan, ngunit habang unti-unti niyang binubuksan ang pinto ay dahan-dahan niya ring naririnig ang walang tigil na sigawan ng mga tao at ungol ng mga Tenshi sa labas ng building
Kalmado niyang binuksan ang pinto ng C.R. ngunit tuluyang lumakas ang katakot-takot na ingay at sigawan, dahil dito ay maingat niyang sinilip kung ano ang nang yayari sa labas. Agad na bumungad sa kaniya ang kaguluhang nagaganap, isang hindi inaasahan at madugong pag atake ng mga Tenshi na nag dulot ng pag papanic sa mga estudyante at mga guro ng paaralan.
Hindi makapaniwala at nuguguluhan si Taro sa kaniyang nakikita kaya't natulala na lamang siya habang nakatayo sa tabi ng pinto ng C.R., lumipas ang ilang sandali ay muling pumasok si Taro sa loob ng palikuran.
Siya'y napabugtong hininga, "Grabe... Nakakapagod talaga tong araw na to, kung ano-ano tuloy na i-imagine at pumapasok sa utak ko HAHAHA. Kase naman imposibleng umatake sila ngayon, kakatapos lang nang wave noong August." aniya.
Ang tingin ni Taro ay pinaglalaruan lamang siya nang kaniyang isipan dahil kadalasan ay limang buwan ang lumilipas bago muling umatake ng mga Tenshi, ngunit noong araw na iyon ay dalawang buwan pa lamang ang lumipas noong huling nangyari ang wave
("Wave" ito ang tawag sa pag-atake ng mga Tenshi sa land surface ng Earth.)
Dahil sa inaakala ni Taro na nag-iimagine lamang siya, muli siyang nag hilamos at tinapik-tapik ang kaniyang pisngi upang magising ang kaniyang diwa. Matapos mag hilamos ay muli siyang naglakad palabas ng palikuran, at muli, narinig ulit niya ang ingay sa labas ng building.
Binaliwala ito ni Taro at nagpatuloy sa paglakad papunta sa labas ng palikuran. Sa eksaktong oras na pag bukas niya ng pinto ay siya ring pag tilapon ng isang tao sa harapan nito na nag mula pa sa labas ng paaralan.
Isang babae ang bumulantang sa harap ni Taro, duguan ang mukha at ilang bahagi ng katawan nito. Nanlaki ang mata ni Taro dahil sa takot at pagkagulat sa kaniyang nasaksihan, nag hihingalo na ang babae at bakas sa muka nito ang sakit na iniinda.
Naghihingalong itong nagwika kay Taro habang pilit na inaabot ang kaniyang kamay, "Tu-tulong... paki... usap..."
Walang pag-dadalawang isip na inabot ni Taro ang kamay nito upang dalhin sa loob ng palikuran, ngunit, habang hinihila ni Taro ang kamay ng babae ay dahan-dahan ding napupunit at nahahati ang katawan ng babae sa dalawa. Napasigaw si Taro at napaluhod, hindi rin niya napigil ang pagsuka dahil sa kanyang nakita.
"Anong kagaguhan to... Bakit ngayon pa? Bakit walang alarm na tumunog para makapunta kami sa USS (Underground Safe Shelter)?" naguguluhang wika ni Taro.
"Bakit walang mga puñetang Daitenshi ngayon? Bakit?! Si nanay, ligtas ba siya? Nasa USS na ba siya?" dagdag pa nito.
Nanginginig at punong-puno ng takot ang mga mata ni Taro habang dahan-dahang pinipilit na itayo ang kaniyang katawan. Ngunit, sa kanyang pagtayo ay may bumungko sa likuran nito, nadapa si Taro at namulat kung ano ang nang-yayari sa realidad. Siya'y napatingala at natanaw ang apat na mga estudyanteng nagtatakbuhan papunta sa underground safe shelter ng kanilang paaralan.
Sumunod si Taro sa mga tumatakbong estudyante, ngunit habang pababa nang hagdanan ay nakita niya na napahinto ang mga estudyante sa kanilang pag takbo. Isang Daitenshi ang abala na nakikipagbuno sa 'di gaanong kalakihang Tenshi na maaring bata pa lamang
(Ang mga Tenshi ay kadalasang 10 feet ang taas kapag nasa wastong edad na).
Lumipas ang ilang segundo ay napansin sila ng Daitenshi.
"Hoy mga bata! Kuhain n'yo yung hijiyari, at tulungan n'yo akong patayin tong halimaw na'to" sigaw nito sa apat na estudyante.
Ngunit, imbis na tumulong ay tumakbo lamang ang mga ito, dahil dito ay naagaw ang pansin ng Tenshi kaya't pinuntirya na nito ang mga tumakbong estudyante. Pilit namang pinigil ng Daitenshi ito at pinadapa niya ang halimaw sa sahig at mahigpit na niyakap. Ito na ang nadatnan ni Taro sa kaniyang pag-baba sa hagdanan, nakita ng Daitenshi at Tenshi ang kaniyang pag-baba.
"Hoy ikaw! Putangina ka, subukan mong tumakbo papakawalan ko tong pesteng halimaw na to para maaga mong makita si Satanas!" sigaw ng Daitenshi upang masigurudong hindi na muli siya takbuhan.
"Hindi ako tatakbo, promise!" sagot ni Taro.
"Good boy... Ngayon, i-abot mo yung hijiyari ko" mahinahon sa sabi nito kay Taro
"Pero teka lang, nasaan na yung 5 man squad nyo? Hindi ba kailangan ng limang Daitenshi para makapatay ng Tenshi?" tanong ni Taro.
"Puñeta ka namang bata ka, sa sitwasyon natin ngayon di' na mahalaga yang bagay na yan, biglaang ang pagsugod ang mga Tenshi kaya hindi kami na alerto.. Kaya naman kuhai-"
Napigil sa pag sasalita ang Daitenshi dahil nag pumiglas ang Tenshi at dali-daling tumakbo sa direksyon ni Taro, ngunit madali ring bumangon ang Daitenshi upang patumbahin ang Tenshi, ngunit di' inaasahang nakagat ng Tenshi ang kanang braso ng Daitenshi na naging dahilan nang pagkapunit ng "tenshi skin" at tuluyang pagkatanggal ng braso nito
(Ang tenshi skin ay nag dadagdag ng pisikal na lakas at nag sisilbi ring armor dahil sa makapal na balat ng mga Daitenshi upang hindi agad sila mapatay sa pakikipag sagupa sa mga Tenshi).
"Hoy! Tigilan mo na ang pagiging tanga mo at tulungan mo akong patayin to, putol na ang isang braso ko kaya kuhain mo yung hijiyari at isaksak mo sa katawan nitong Tenshi, bilis!" malakas na sigaw nito kay Taro.
"Pe-pero hindi parin yan mamamatay kahit i-inject ko yung hijiyari, dahil isang hijiyari lang ang meron ka... Hi-hindi ba kailangan nang limang hijiyari para mapatay yan?" nababalisang tanong nito.
"Puro ka pero, puro ka tanong, papatayin mo ba to o ikaw ang papatayin ko?!" galit na sigaw kay Taro.
Tuluyang pinulot ni Taro ang hijiyari at isinaksak sa Tenshi, ngunit hindi alam ni Taro kung paano ito gamitin.
"Teka lang... Pa-pano na? Ano nang gagawin ko?" tanong ni Taro
"Pindutin mo yung trigger tanga!" sigaw ng Daitenshi.
Matagumpay na na-inject ang toxin, ngunit sa kadahilanang isang hijiyari lamang ang na-inject sa Tenshi, magiging matagal ang proseso ng pagkamatay nito, at malaki parin ang tyansa na ito'y makatakas at muling mangain nang tao. Dahil dito ay gumawa nang desisyon ang Daitenshi, isang desisyon na tanging bayani lang ang maka-iisip.
Mahinahon itong nag wika,"Bata... Umalis ka na, tumakbo ka at wag na wag kang lilingon o hihinto sa pagtakbo..." anito.
"Ngayon ang tamang oras para takbuhan ako." dagdag pa niya.
"Pero paano ka, Matandang Daitenshi?" tanong ni Taro
"Hindi ako matanda, tarantado... Di' ako sigurado kung gaano katagal bago tuluyang mamatay tong Tenshi na to, ito lang ang magagawa ko para sayo bata, wag kang mag-alala hindi ako mamamatay." sambit nito kay' Taro sabay kindat.
"Sige tanda, pero tandaan mo to... Hindi nakaka-cool yung pag kindat." pilyong sagot ni Taro.
"Haha.. Mga kabataan talaga, 'di na marunong rumespeto... Takbo na! Bago pa mag bago tong isip ko." naiinis na sabi nito.
Tuluyang tumalikod at tumakbo si Taro patungo sa direksyon ng USS ng kanilang paaralan, habang ang Daitenshi ay patuloy na nakikipagbuno sa unti-unting nanghihinang Tenshi. Mabilis na tumatakbo si Taro sa nagkakagulong paligid. Ngunit, habang abala sa pagtakbo si Taro ay biglang may bumukas na pinto sa isang room at kasabay nito ay ang paglitaw ng isang kamay ng tao, mabilis nitong hinawakan ang braso ni Taro at hinila papasok sa loob ng silid.