Sa gitna ng bigat at depression na nadarama ni Taro ay may biglang pumasok sa kanyang isipan.
"Okayama... anak ni Tanda... sa Okayama." bulong nito habang unti-unting binabangon ang kaniyang katawan.
Naalala ni Taro ang mga huling salita ni Botan at yun ay ang sabihin ang mensahe nito para sa kanyang anak. Tila ba isang misyon ang dating nito, ngunit para kay Taro ito ay isang rason para manatiling buhay.
Mabilis siyang gumapang palabas ng vent, dahan-dahan niya itong binuksan at sumilip sa labas upang malaman kung ito'y ligtas. Tuluyan siyang bumaba ng makitang walang mga Tenshi sa parteng iyon ng school building, at agad niyang kinuha ang isang nakabalandrang bike.
"Patawad Tanda, pangako 'di kita bibiguin..." sambit ni Taro sa kaniyang isip,
"Tinitiyak kong ibibigay ko ang mensahe mo sa anak mo, Tanda!" malakas na sigaw ni Taro at hindi niya napigilan ang pag-agos ng kaniyang mga luha.
Maingat at dahan-dahan niyang binagtas ang bawat kalye. Tingin sa kanan tingin sa kaliwa, ito ang ginagawa ni Taro upang masiguradong ligtas ang kanyang paglalakbay patungong Matsuyama. Anim na oras ng walang tigil at nakakakabang pagpidal ang lumipas, bakas sa muka ni Taro ang pagod at takot na makita siya ng mga Tenshi. Matagumpay siyang nakalayo mula sa crowded na lugar ng Uchiko sa pamamagitan ng pagdaan sa gubat bilang isang shortcut para sa mas mabilis na paglalakbay, nang may narinig siyang pamilyar na tunog.
"Sandali lang, ang tunog na 'to.... Helicopter!" malakas na sigaw ni Taro at mabilis na hinanap ni Taro ang lokasyon ng tunog.
"Kailangang makita ko agad ang lokasyong ng helicopter bago pa sila makalayo. Ang problema lang... sa taas ng bundok ko naririnig ang tunog!" biglang nanlisik ang mata nito dahil sa pagkadismaya at lalong binilisan ang pagpidal.
Ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon, dahil sa pagmamadali at pagpa-panic ni Taro ay nakalimutan na nitong magmasid sa paligid at mag-ingat. Isang Tenshi na may laking 10 feet ang nakapansin sa nag mamadaling si Taro.
"GRAAAAAWRRR!" malakas na sigaw ng Tenshi.
Ang sigaw na iyon ay umagaw sa pansin ni Taro.
"N-nako po! Patay ako neto... nalintikan na!" sambit nito habang bakas sa mukang ang gulat at takot.
Buong lakas niyang pinipidal ang bike papalayo sa humahabol na Tenshi. Sa kabilang banda, dahil sa malakas na sigaw ng Tenshi ay narinig din ito ng mga rescuers na Daitenshi.
"Saang direksyon mo narinig ang sigaw?" tanong ng lalaking Daitenshi.
"Northwest, 'di ko matansya kung gaano kalayo!" sagot ng babaeng Daitenshi.
"Direksyon lang ang kailangan ko." sambit ng lalaking Daitenshi habang tumatakbo sa direksyon ni Taro.
"Tandaan mo, rescue ang mission natin at hindi ang mag-execute!" paalala ng babae.
"Yes Boss!" sagot ng lalaki.
Balik sa sitwasyon ni Taro, patuloy parin ang pagtakas ni Taro sa Tenshi.
"Shit, shit, shit..... napapagod na ako, bibigay na ang binti ko!" sambit ni Taro.
"Huh! Siryoso ba kayo?" biglang nawalan ng pag-asa ang mga mata nito.
Isa pang Tenshi ang sumulpot at sumasalubong sa harap ni Taro. Nawala sa focus ang pag-iisip ni Taro at biglaang sumemplang ang minamaneho nitong bike.
Nagpagulong gulong ang katawan ni Taro sa kalupaan na puno ng mga kayumangging dahon, mabilis naman siyang tumayo upang tumakbo papalayo mula sa dalawang takam na takam na Tenshi. Natanaw ni Taro ang isang munting ilaw na sumilaw sa kaniyang mga mata, pumikit ito saglit at muling tinanaw ang ilaw.
"Dai.... Daitenshi?" bulong ni Taro.
Ang rescuer na Daitenshi ay matagumpay na nahanap ang lokasyon ni Taro. Napangiti ang Daitenshi at lalong binilisan ang kanyang pagtakbo.
"Let's go, kiddo! Bilisan mo!" sigaw nito habang may malaking ngiti at singkit na mata.
Matagumpay na nagkasalubong si Taro at ang Daitenshi. Agad na hinawakan ng Daitenshi ang kaliwang braso ni Taro at bumwelo.
"Oi oi! Ba't ka bumubuwelo?" tanong ni Taro sa Daitenshi.
"Isa... dalawa... fly high, butterfly!" pilyong sambit nito sabay malakas na binato si Taro sa kalangitan.
Walang nagawa si Taro upang pigilan ang walang habas na Daitenshi dahil sa mahigpit ang hawak nito sa kanyang braso, nagpaikot-ikot ang kawawang si Taro sa ere at 'di man lang magawang sumigaw dahil tila humiwalay ang kaluluwa nito sa kanyang katawan. Ang tanging nagawa lang nito ay ang umiyak nang walang tunog.
"Aghhh... Diyos ko patayin niyo na lang ako." sambit nito sa kaniyang utak.
Habang nangyayari ang lahat ng kaganapang iyon ay nakaabang na ang helicopter sa ere para sagipin si Taro.
"Hay nako." bunting-hininga ng babaeng Daitenshi na nasaloob ng helicopter.
"Sinasabe ko na nga ba, kailan niya ba ta-tratuhing tao ang mga tao?" sarkastikong tanong nito
Mabilis ang lipad ng helicopter upang sagipin si Taro na nag sisimula ng bumagsak pababa. Dahil sa mabilis na paglipad ng helicopter ay matagumpay nilang naabot si Taro, hinablot ng babae ang likurang damit nito at mabilis na hinila papasok sa loob ng helicopter.
"Oi! Buhay ka pa ba? Mukang buhay ka pa nga." naramdaman nito ang walang tigil at malakas na panginginig ng katawan ni Taro.
"Anong lagay niya Boss?" tanong ng piloto.
"Unconscious." tugon ng babaeng Daitenshi.
"Sa ngayon ang problema nalang ay ang baliw na si Hosoo." sambit ng babae
"Hosoo, anong sitwasyon diyan?" tanong ng babae sa hawak nitong radyo.
Sumagot naman ang lalaki sa radyo na tila ba'y nag-eenjoy pa, "Gr.... grrr... ayos na ayos, Boss!"