Ang rescue mission ay 'di parin nagtatapos, ang walang ingat na Daitenshing si Hosoo ay kasalukuyang nakikipagbuno sa dalawang Tenshi nang walang dalang armas. Natural na malaki ang katawang tao ni Hosoo kaya't malaki din at makapal ng kaniyang tenshi skin, dahilan kaya't durable at malakas ang physical strength nito, ang tanging problema lang sa kaniyang pagkatao ay ang pagiging padalos-dalos sa tuwing may misyon.
"Boss Chizu, pwede mo ba akong dalhan dito ng limang hijiyari" pakiusap ni Hosoo habang nakikipag laban sa dalawang Tenshi.
"Engot! Kakasabi ko lang sayo na rescue ang misyon natin at hindi ang mag execute ng mga Tenshi. Simulan mo nang bumalik dito, ngayon din!" galit na sermon ng babaeng Daitenshi na si Chizu.
"Negative Boss... 'di ko kayang takasan 'tong dalawang halimaw na 'to" tugon ni Hosoo.
"Wala akong pakealam sa rason mo. Ang misyon ay misyon kaya simulan mo nang tumakbo pa-southwest, aabangan ka namin sa kapatagan doon." ani ni Chizu
"Hay nako... copy that, boss." sagot ni Hosoo
Kinagat ng isang Tenshi ang kanang bisig ni Hosoo, pinagsasapak naman nito ang tiyan ng Tenshing iyon hanggang bumitaw ito sa pagkagat.
"HAHA! Nakakapag regenerate nga kayo, pero nakakaramdam parin kayo ng sakit, mga ulul." pangaasar ni Hosoo.
Sumugod naman ang isa pang Tenshi at sumabit sa likuran ni Hosoo at pinagkakagat ang ulo nito. Ngunit dahil sa makapal na tenshi skin ni Hosoo ay 'di ito gaanong nakaapekto sa kanya. Dinakma ni Hosoo ang ulo ng Tenshi gamit ang dalawang kamay at binalibag ito sa lupa. Walang kakayahan si Hosoo na patayin ang mga Tenshi nang walang hijiyari, ngunit dahil sa pisikal na lakas ni Hosoo madali niyang nadodomina ang dalawang Tenshi. Agad namang tumakbo si Hosoo papunta sa direksyong sinabi ni Chizu matapos niyang patumbahin ang dalawang Tenshi.
"Bye-bye, mga gunggong!" sigaw ni Hosoo habang tumatakbo.
"Boss, I'm coming na!" sambit nito kay Chizu.
"Manahimik ka, bilisan mo nang pumunta dito bago pa lumala ang sitwasyon." pag-uutos ni Chizu.
"HAHAHA ok, Boss" sagot ni Hosoo
Natanaw na ni Hosoo ang liwanag mula sa helicopter at tuluyan nang napalapit sa ibinigay na lokasyon ni Chizu, ngunit kasabay nito ay patuloy na sumusunod ang dalawang Tenshi.
"Hosoo! Nalintikan na tayo." sambit ni Chizu kay Hosoo
Nangyari na nga ang kinatatakutan ni Chizu, malaking bilang ng mga Tenshi ang papunta sa kanilang lokasyon. Kaya naman pinili ni Chizu ang pinaka mainan na desisyon sa mga oras na iyon, at yun ay ang simulan nang paliparin at ilayo sa kalupaan ang helicopter.
"Oi Boss Chizu, 'wag ka namang ganyan. Promise 'di na 'to ma-uulit." sambit ni Hosoo
"Tumigil ka na sa pag-dada at bilisan mo sa pagtakbo. Lalaglagan ka namin lubid... pero kung maabutan ka ng mga Tenshi... pasensyahan nalang pero puputulin namin 'to." paliwanag ni Chizu.
"Copy that Boss!" tugon ni Hosoo.
Matagumpay nanaabot ni Hosoo ang nakaladlad na lubid, mabilis na umangat ang helicopter upang masimulan na ang pag alis. Ngunit may isang Tenshi ang pinalad na makasabit, sinundan ng isa, at isa pa.
"Chizu, laglagan mo ako ng maraming triggered na hijiyari!" sambit ni Hosoo.
"Ilan?!" tanong ni Chizu.
"Damihan mo, wag kang titigil!" tugon ni Hosoo.
Naglaglag naman ng maraming bukas na hijiyari si Chizu, nasalo ni Hosoo ang isa at mabilis na isinaksak sa ulo ng Tenshi, nagpatuloy sa paglalaglag ng hijiyari si Chizu, nasalo Hosoo ng isa pa at muling isinaksak sa ulo ng Tenshi dahil sa tagal nito mamatay. Naramdaman ni Hosoo na tila umiipekto na ang hijiyari sa Tenshi kaya't sinakal niya ito at inangat sa himpapawid sabay malakas na ibinalibag paibaba sa kalupaan.
Kinagat naman ng isa pang Tenshi ang braso ni Hosoo upang mapilitan itong bumitaw, ngunit kalahating binuksan ni Hosoo ang kaniyang helmet at kinagat ng mahigpit ang lubid upang 'di siya malaglag sa kalupaan na puno ng mga Tenshi. Naglaglag pang muli si Chizu ng madaming hijiyari, nakasalo ng tatlo si Hosoo at agad na isinaksak sa katawan ng Tenshi, dahilan upang manghina ito at malaglag sa baba.
Ang huling Tenshi naman na nakasabit ay umakyat mula sa katawan ni Hosoo papunta sa helicopter. Hinawakan ni Hosoo ang paa ng Tenshi upang mapigilan ito, kasabay nito ay sinalo niya ang sumunod na hijiyaring inilaglag ni Chizu at isinaksak sa pwetang bahagi ng Tenshi.
"Nagustuhan mo ba ang 1 meter na dildo ko, bitch!" sambit ni Hosoo.
"Hosoo, saluhin mo ako!" sigaw ni Chizu.
"A-ano, Wag mong sabihing?!" ani ni Hosoo
Tumalon si Chizu mula sa loob ng helicopter habang dala-dala ang dalawang hijiyari at sabay itong isinaksak sa ulo ng Tenshi, tuluyan nalaglag ang Tenshi dahil sa impact ng pagbagsak ni Chizu, at mabilis naman na hinawakan ni Hosoo ang kamay ng palaglag na si Chizu.
"Baliw ka talaga Boss! Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Hosoo.
"HAHAHAHA ayos lang ako." natatawang sambit ni Chizu.
"Kahit anong gawin natin tayo parin talaga HQ-3 Squad 1, ang "Insane Squad", 'di ba? HAHAHAHA!" dagdag pa nito.
"Sa bagay, may tama ka dyan AHAHAHAHAHA!" sang-ayon ni Hosoo.
(May labindalawang headquarters ang mga Daitenshi sa buong Japan, at ang bawat headquarters ay may 'di baba sa dalawampung 5-man squad. At ang Headquarters 3 Squad 1 ay kilala bilang squad na puno ng mga hibang na miyembro.)