Crossover Chapter Part 2

IRIS: The Girl From The Flower Shop X Dungeon Zero X Lord Korumples and His Angels

Cameo ng iba pang character mula sa ibang series ng mga kasama ko sa Owl Tribe.

***

PAGKAPASOK nila sa loob ng inaanay na mansyon sumalubong sa kanila ang isang matanda. Galing sa itaas bumaba ang matanda sa paikot at sira-sirang hagdan. Hinarap sila ng matandang may hawak na tungkod, bigutilyo at nakasuot ng mahaba’t amoy inaamag na wizard’s robe.

“Maligayang pagdating mga panauhin,” bati ng matanda.

“S-Sino po kayo, lolo?” takang tanong ni Maine.

Siniyasat ni MegumiJ ang buong paligid. “Kayo po ba ang may-ari ng inaanay na mansyon?” dugtong na tanong niya.

“Ahem!” Umubo muna ang mantanda. “Kararating n’yo pa lang ang dami n’yo nang tanong.” Tumalikod siya sabay lumingon nang bahagya. “Ako si Mang Ramon, isang battle mage.” Kumindat pa siya sa mga babaeng nilingon niya. Naglakad si Mang Ramon patungo sa gitna ng mansyon malapit sa hagdan. “Sumunod kayo sa akin, ipapakita ko sa inyo ang mga armas na gagamitin ninyo sa pakikipaglaban.”

Sumunod naman sila sa matanda paakyat sa itaas kung saan huminto sila sa isang sira-sirang bukas na pinto. Pumasok sila sa loob at doon nakita nila ang malaki, maalikabok at lumang baul. Tumapat ang matanda sa likod ng baul saka isa-isang kinuha ang mga armas.

“Heto ang sa inyo tatlong magagandang dilag.” Inabot ni Mang Ramon ang isang buong bawang sa tatlo.

“Teka, ano ‘to?” taka ni Zaika. “Ano ba kami magluluto ng adobo?”

“Syempre, hindi!” Itinuro ni Mang Ramon ang bawang. “Kumuha kayo ng tig-isang piraso saka isubo ninyo’t lunukin.”

“Excuse me?” Tumaas ang kilay ni MegumiJ. “Nagpapatawa ka ba, matandang hukluban?”

“Hey! Wala kang galang bata ka, a. Kurutin kaya kita sa singit?” Humalukipkip ang matanda. “Saan na nga ba ako? Ah—sa paglunok.” Napakamot muna ang matanda bago nagpatuloy. “Pagkalunok n’yo ng bawang isisigaw ninyo ang mahiwagang kataga.” Nag-pose si Mang Ramon na parang magical girl ang peg. “Girl Bawang!” Itinaas niya ang isang kamay sa hangin. “Mag-ta-transform kayo bilang mga cute bawang girls pagkatapos.”

“Utot mo peke!” atubiling sagot ni Zaika. “Tingin mo maniniwala kami sa mga kalokohan mo?” Sinamahan niya ng pagtaas ng kilay si MegumiJ.

“Bakit hindi n’yo subukan?” hamon ni Mang Ramon.

Lumapit si Maine. “Uhm, try ko?” alanganin niyang paalam sa dalawang angels.

Napa-face palm na lang sina Zaika at MegumiJ. Habang si Mang Ramon, mahaba ang ngiti sa labi dahil may naniwala sa kanya.

At ginawa nga ni Maine ang sinabi ng matanda. “Girl Bawang!” sambit niya pagkatapos lunukin ang piraso ng bawang.

Boom!

Ten-tenenen-ten-ten!

“Oh, ‘di ba? Ansabe? Taray ng outfit, noh?” Dumudugo ang ilong ng matanda sa cute na miniskirt, sexy sailor uniform at bawang na pony tail sa magkabilang buhok ni Maine.

At dahil napatunayan ang bisa nito, ginawa na rin ng dalawang angels ang nakakahiyang paglunok ng bawang. Same outfit tulad kay Maine, same blue color na may pink ribbon sa gitna ng uniform. Matapos ang pagbibigay sa tatlo ng kanilang super powers isa-isa nilang inilabas ang natatanging weapon na ipanglalaban nila sa mga zombie.

Dual sword kay Zaika, long spear ang kay MegumiJ at kay Maine naman ay bow and arrow. Natuwa naman silang tatlo sa resulta at ngayon pagkakataon naman para ibigay ni Mang Ramon ang kay Ziro.

“Dahil lalaki ka walang special treatment para sa ‘yo, oh—heto!” Inabot kaagad ni Mang Ramon ang two handed sword kay Ziro. “Mataas ang damage n’yan kapag tumama sa mga kalaban, pang AOE ang spinning blade n’yan.” Napakamot ang matanda sa puti’t mahaba niyang buhok. “Basta, ano… make sure na maitatama mo, ha. Huwag kang pasala-sala humataw swordsman ka pa naman.”

Nakangiwi ang labi ni Ziro, bakas ang pag-aalangan sa mukha niya. “Uhm… Okay?” Hawak ni Ziro ang two handed sword sa hawakan nito, may kabigatan ang espada dahil sa kalakihan at kahabaan nito.

Panghuli ay ang magiging sandata ni Iris. Huminga nang malalim ang matanda saka kinuha sa loob ng baul ang huling sandatang kakailanganin ni Iris para makalaban sa mga zombie.

“Dahil author mo ang promotor nitong lahat, hetong sa ‘yo.” Inabot ni Mang Ramon ang shot gun at maraming bala kay Iris. “Alam kong trip mong mamaril ng mga zombie kaya iyan ang ibibigay ko sa ‘yo.”

Napatingin nang may inggit si Maine kay Iris. “Daya naman,” angal niya.

“Huwag ka nang pumalag ineng.” Nag-stop pose si Mang Ramon sa harap ni Maine. “Pagbigyan mo na itong si Iris.” Tinuro niya gamit ng mga mata si Iris na abala sa paglalagay ng bala sa shot gun.

Nang matapos si Iris, naitutok niya ang baril sa matanda. “Teka, paano n’yo po nalaman ang pangalan ko?”

Instant taas ng kamay itong si Mang Ramon na akala mo’y hinuholdap ni Iris. “Syempre mage nga ako ‘di ba?” Umirap pa ang matanda. “Oh, siya tama na ‘yan! Mauubos ang oras n’yo rito.” Ibinaba ni Mang Ramon ang kamay niya’t pataboy niyang pinalabas ng kuwarto ang lima. “Magtungo na kayo sa tabing dagat at doon ninyo matatagpuan ang landas pabalik sa kanya-kanya ninyong series.”

“Pwede po bang paki-explain nang mabuti,” reklamo naman ni Zaika.

“Okay fine! Pagkalampas ninyo sa maraming zombie sa paanan ng bundok magtutuloy-tuloy kayo sa mahabang daan patungo sa tabing dagat at doon may mga daanan na gawa sa hologram patungo sa sari-sarili ninyong series. Sa oras na landasin ninyo ang daan na iyon, mararating ninyo ang magic portal na siyang magsisilbing pinto ninyo sa inyong mundo.”

“I see, ang cool naman.” Kinasa ni Iris ang shot gun saka muling itinutok kay Mang Ramon.

“Pwede bang huwag mo itutok ‘yan sa akin.” Gumuhit ang inis na ugat sa ulo ng matanda. Halatang bad trip na siya kay Iris.

Bumaba silang lima mula sa itaas patungo sa tapat ng pinto sa main door. Bago sila tuluyang umalis ng inaanay na mansyon…

“Teka!” Nakatayo sa tapat ng hagdan si Clint, nakalimutan kong kasama nga pala siya rito.

“Loko talaga author mo, noh?” joke pa ni Mang Ramon, na sinang-ayunan ko.

Lumapit ang matanda kay Clint, sabay tapik sa balikat ng binata. “Hijo, ikaw ang magiging guide nila para hindi sila mawala. Sa ‘yo nakasalalay ang tagumpay ng misyon na ito para makabalik na kayo sa sarili ninyong series.”

At dahil madaling maniwala sa kadramahan itong si Clint, tumango-tango siya’t maluha-luhang niyakap si Mang Ramon.

“Ako na po ang bahala sa kanila! Wahhhh!!!”

“Ahem, hijo tama na.” Tinapik-tapik ng matanda ang likod ni Clint. “Sige na, humayo na kayo at magpakaramai este, at mag-ingat sa inyong paglalakbay.”

Sumunod si Clint kina Iris sa tapat ng pinto. Nakahelera silang anim kaharap si Mang Ramon nang biglang sumulpot ang usok sa loob ng inaanay na mansyon.

“Farewell my dear friends! Hanggang sa muling pagkikita, paalam!” Kumaway-kaway siya’t sa isang iglap ay biglang nilamon ng usok na may kasamang pagsabog ng liwanag.

Napapikit silang lahat nang panandalian at sa kanilang pagmulat ay wala na si Mang Ramon sa kanilang harapan.

“Galing ng special effect!” Pumalakpak si Iris.

“Ang mabuti pa Miss Iris, simulan na natin ang pagpunta sa sinasabi ng matanda.” Tinutukoy ni Clint ang tabing dagat kung nasaan ang daan para makabalik sila sa sarili nilang mundo.

“Pero sana ginamitan na lang tayo ng magic ni Mang Ramon.” Napakamot bigla si Ziro sa batok. “Siya nga nakabalik sa sarili niyang mundo gamit lang ang magic niya tapos tayo—”

“Gusto niyang pahirapan!” kaagad na dugtong ni MegumiJ na sumasang-ayon kay Ziro.

***

HABANG nakikipagbakbakan ang ating mga bida sa sandamakmak na zombie sa paligid nila, isang misteryosong binata ang tumulong sa kanila.

“At sino ka naman?” tanong kaagad ni Maine.

“Ako si CJ, galing sa VR Wars series. Narito ako para tulungan kayong pumuksa ng mga zombie na ‘to!” pakilala ng binata.

“Saglit lang ba ang appearance mo rito?” tanong naman ni Iris.

“Oo, shout out lang ako sa author kong si Cjp00.” Kasabay nito ang paghawi ng binata sa kanyang hawak na sandata sa ulo ng mga zombie na nakapalibot sa kanila. “Ako nang bahala sa parteng ito, ang mabuti pa magpatuloy na kayo sa pagbaba sa bundok.”

Tumango silang lahat at sumang-ayon sa misteryosong binata. Sumakay sila sa sasakyan at iniwan ang magiting na virtual gamer na si CJ.

Sa pag-arangkada ng military vehicle na minamaneho ni Clint, tumambad sa kanila ang mala hukbong pulutong ng mga zombie. Hindi magawang banggain ni Clint ang mga ito dahil siguradong wala ring mangyayari at sasampahan lang sila ng mga ito.

Muli, lumabas ang lima para labanan ang mga zombie habang naghihintay si Clint sa loob ng sasakyan. Umatake ang tatlong angels, triple combo ng pinagsama nilang lakas. Pinatamaan muna ni Maine ng arrow shower na isang AOE attack ang mga zombie, kasunod ang mabilis na pag-atake ni Zaika ng kanyang dual sword ultimate slash na may high attack speed at panghuli ang meteor spear ni MegumiJ, na gumawa nang malaking pagsabog sa sentro ng mga zombie.

“Wow! Cool!” hanga ni Iris.

Hindi rin naman sila nagpadaig ni Ziro. Sumugod si Ziro para tangkihin ang mga zombie at mabigyan ng pagkakataon si Iris na pataaman ang mga ulo nito. Winasiwas ni Ziro ang two handed sword niya’t binigyan niya nang double damage slash ang mga ulo ng zombie. Tanggalan ang mga ulo nito matapos ang pagsugod ni Ziro. Si Iris nama’y tuwang-tuwa sa bawat pagputok ng shot gun niya sa mga ulo ng kalaban. Hindi niya akalaing ginagawa niya ngayon ang walang habas na pamamaril sa mga zombie na noon ay pinapanuod lang niya.

Matapos ang mahabang pakikipaglaban sa mga ito, nakakita sila ng daan na maaari nilang daanan. Nahawi sa magkahiwalay na panig ang mga zombie kaya nakagawa sila ng malulusutan ng sasakyan nila. Bumalik sila sa loob ng sasakyan at pinaandar naman ni Clint kaagad ito. Umaalog-alog pa ang sinasakyan nila dahil sa mga ulo at katawang nasasagasaan ng gulong.

Nang makalampas sa mga kalaban, napansin ni Clint ang panay paghingal ng mga kasama. “Ayos lang ba kayo?”

“O-Oo, ayos lang kami,” hinihingal na sagot ni Iris.

Tumango ang iba pa sa likod bilang pagsang-ayon. Napangiti si Clint, sa loob niya ay nagpapasalamat siya dahil malalakas na character ang mga nakasama niya.

At sa wakas ay nakarating din sila sa destinasyon nilang tabing dagat. Pagkababa nila sa sasakyan ay kaagad nilang hinarap ang dagat.

“Narito na tayo,” mahinang sabi ni MegumiJ.

Tinanaw nilang lahat ang buong paligid at hinanap ang sinasabi ni Mang Ramon na daan patungo sa portal na magsisilbing pinto pauwi sa kani-kanilang mga series.

“Hayun! Tingnan n’yo!” Turo ni Maine sa ‘di kalayuan.

“Teka, mayroong nakatayo sa gitna ng mga daan?” Nagmistulang detective na naman si Iris  sa pose niya. “Matatapos na lang itong special chapter may sisingit pang character?”

Lumapit silang lahat sa lalaking nakatayo sa gitna ng mga daan na nasa likod niya.

“Hey, guys?” Tila may accent ang lalaking ito.

“Patay tayo mukhang English ang language ng series na pinanggalingan niya.” Napalunok-laway si Iris.

“Dude, where you from?” tanong ni Ziro, sinusubukan niyang mag-English din.

Hindi kaagad nakasagot ang lalaki, sandaling nilamon ng katahimikan ang paligid.

“Uhm…”

Nakaabang silang anim sa pagsasalita ng lalaki, kanilang inilapit ang kani-kanilang tainga sa lalaki.

“Pwede nyebeng sebehen kung neseen akow?”

Nalaglag ang mga panga nila nang marinig kung paano magsalita ang lalaki.

“Akala ko imported, scam pala.” Napakamot si MegumiJ sa mahaba niyang buhok.

“Anow kese, English spokening telege akow… ang kasow, pagdating ko ritow ganitow na ako megseletew.” Nagpamulsa ang lalaki sa kahihiyan. “A-Akow nga pele si Cray,” pakilala niya.

“Ah! Siguro ano, shout out mo na lang author mo kasi sa totoo lang… pauwi na kami?” alanganing litanya ni Maine.

“Shout out, Lord Korumples.” Nag-peace sign si Cray sa ere.

Ako na ang bahalang magsabi ng ‘sorry’ kay Sir Korum, ha-ha-ha!

Pinaliwanag ni Iris ang lahat kay Cray, matapos no’n ay tumapat na sila sa kanya-kanyang daan na tatahakin nila. Pero bago sila tuluyang umuwi sa mga series nila may humabol pa na gusto ring makauwi. Si CJ, dapat kasi susunduin siya ni Mang Ramon para iuwi sa sarili niyang series kaso denedma lang siya ng matanda kaya hayun, humabol siya kina Iris.

“Guys, maraming salamat sa lahat! Hanggang sa muli nating pagkikita!” masayang paalam ni MegumiJ.

“Sana makabisita rin kayo sa series namin!” pahabol ni Zaika.

“Next time sabay tayong mamaril, Iris!” pahabol din ni Maine.

“Ako rin, masaya akong makilala kayong lahat. Salamat sa masayang alaala kahit special chapter lang tayo nagkasama-sama!” Nakangiting kumaway si Ziro sa lahat.

“Salamat sa maiksing eksena!” paalam naman ni CJ.

Kumaway na rin si Cray. “Thank you!” Ito lang ang nasabi niya kasi mahirap mag-English.

Nakaalalay naman sa likod si Clint habang nasa unahan niya si Iris.

“Salamat sa masayang chapter! Hanggang sa muling pagkikita!” Kumaway si Iris sa mga nakasama niya sa chapter na ito.

Tuluyan na nga silang naglakad sa kanya-kanyang daan patungo sa portal na magiging pinto nila pabalik sa kanilang mga series.

At dito nagtatapos ang special chapter crossover. Maraming salamat sa aking mga nakasama sa Owl Tribe.

Mai Tsuki Creator