MATAPOS ang kaganapan sa Floral Street kagabi nahaluan ng tensyon ang bespiras ng Pasko. Naging tahimik ang umaga sa flower shop habang nag-aayos ng mga bulaklak si Iris. Sumama ang pakiramdam ni Lola Camellia matapos ang matinding komprontasyon kay Roman. Nakatulala si Iris sa harapan ng mga rosas habang iniisip ang nangyari kagabi.
***
FLASH BACK…
“Lola, tama na po.” Hawak ni Nurse Jaica ang matanda’t inaalalayan niya habang nakatingin ito ng masama sa lalaking nakatayo sa harapan.
“Hindi ako nagpunta rito para manggulo. Gusto ko lang ipaalam na ang tinitirikan ninyong lupa ay pagmamay-ari ko na. Wala akong balak palayasin kayong mga nakatayo rito pero…” Tumingin si Roman sa dereksyon kung nasaan si Iris. “Kapalit nito ay ang anak kong si Iris.”
Natulala na lamang si Iris sa mga narinig niya. Sa kanyang paningin biglang nilamon ng kadiliman ang makukulay na liwanag ng mga Christmas lights sa paligid. Namayani ang katahimikan sa mga taong nakapaligid sa kanila. Maraming salitang bumubulong sa tabi ni Iris.
Nang kusang iyuko ni Iris ang kanyang ulo’t nakatitig sa lupa. “Ano po bang sinasabi n’yo?” Kasabay ng pag-ihip nang malakas na hangin ang pag-angat ng buhok ni Iris. Para tuloy siyang nag-super saiyan in a horror way. “Matagal nang patay ang papa ko!” Inangat ni Iris ang tingin niya’t tiningnan nang matalim si Roman. May creepy dark aura sa tingin na ‘yon ni Iris, lumitaw na naman ang kanyang killer eyes.
Napalunok-laway si Roman, hindi niya inaasahan na gano’n pala ka-wirdo ang anak niya. “I-Iris, makinig ka muna sa akin, pwede?”
“Wala akong dapat marinig sa taong matagal ko nang ibinaon sa lupa!” Hindi lang sa lupa, pati sa puso niya ibinaon na rin niya ang amang nang-iwan sa kanila ng kanyang ina. “Zombie ka ba?” hugot pa niya.
“H-Hindi…” Sinakyan naman ni Roman ang trip ng wirdong anak. “B-Bakit?”
“Hindi ka kasi mamatay-matay, e. Gusto mo headshot-in kita?” Kumislap ang mga mata ni Iris kasabay ang pagngiti nang nakakaloko’t nakakatakot. “Ang dapat sa mga katulad mo, binabaril sa ulo! Baka makahawa ka pa ng ka-zombie-han mo!”
“Iris! Tama na! Hindi ganyan makipag-usap sa tunay mong ama!” sabat na saway ni Lola Camellia. “Kahit iniwan ka ng damuhong ‘yan, hindi kita tinuruan ng masamang asal!” dugtong pa ng matanda.
Pumagitna si Dandy. “Hindi ito ang oras para sa mga kawirduhan mo, Iris.” Lalapit sana si Dandy kay Iris nang…
“Sandali!” Naka-stop pose ang kamay ni Iris sa harapan ni Dandy.
“Iris, makinig ka muna kay Pinuno,” saad ni Dandy na hindi pinakinggan ni Iris.
Sa puntong ito sumingit naman si Rain. “Matagal mo nang kilala ang pagkatao ng ama ni Iris pero hindi mo man lang sinabi sa kanya?” Lumapit si Rain sa tabi ni Iris. “Kailan mo pa kami niloloko, Dandy?”
“Pwede ba huwag kang makialam sa usapang pampamilya!” sagot ni Dandy nang nakataas ang kilay kay Rain. “Wala kang alam sa mga nangyayari kaya ang mabuti pa—umalis ka d’yan sa tabi ni Iris!” masungit na sigaw ni Dandy.
Nagsalpukan na namana nang tingin ang dalawang magkaribal na lalaki. Nang pumagitna si Iris sa kanilang dalawa.
“I-Iris?” taka ni Dandy.
“Hindi ko akalaing pinuno ng mga zombie pala ang taong kumupkop sa ‘yo!” Tinaasan ng tingin ni Iris si Dandy. Blanko ang mga tingin niya’t tila hindi kinikilala ang kaharap na binata. Ibinaba niya ang tingin saka yumuko, pinatong ni Iris ang kamay niyang nakabuka ang daliri sa tapat ng bibig. “Pwede na rin kitang ibaon sa ilalim ng lupa… sinungaling na gangster!”
Tumusok sa kaloob-looban ni Dandy ang katagang iton ni Iris. Alam ni Dandy ang mga matang iyon ni Iris. Blank eyes, dark presence and creepy smile, ito ang nakita niya noon nang ilibing ang nanay ni Iris. Para tuloy siyang pinukpok ng martilyo sa puso sa sakit ng pagbitaw ng kataga ni Iris. Natahimik siya’t hindi na sumagot dahil baka tuluyan nang balutin ng kadiliman ang buong pagkatao ng dalaga.
Ipinatong ni Roman ang kamay niya sa balikat ni Dandy. “Tama na! Masyado na tayong nakaabala sa mga tao rito.”
“P-Pero…”
“Bumalik na tayo sa mansyon, hinihintay na tayo ni Papa.”
Tumango si Dandy bilang pagsang-ayon kay Roman. “Kayo po ang masusunod, Pinuno.”
Humakbang si Roman para harapin si Iris at Lola Camellia. “Hihintayin ko si Iris sa mansyon. Gusto ka na ring makasama ng Lolo Alfonso mo.” Binalingan ng tingin ni Roman si Iris, pagkatapos ay tumalikod na.” Pumasok sila ni Dandy sa loob ng kotse pagkatapos ay umalis na.
Nag-alisan ang mga taong nakapaligid kanina sa labas ng flower shop. Nang mapansin ni Nurse Jaica ang paghawak ng matanda sa kanyang naninikip na dibdib.
“Dalhin muna natin si Lola Camellia sa loob,” atubiling wika ng nurse.
Binitbit ni Rain ang matanda para ipasok sa loob at pagpahingahin sa loob ng kuwarto. Kaagad namang dumating ang asawa ni Nurse Jaica na isang doktor para check-up-in ang matanda. Habang nasa isang tabi si Daisy hawak-hawak ang nanlalamig na kamay ni Iris. Nakalimutan na nila ang mahalagang okasyon nang gabing iyon dahil sa tensyong idinulot ng pangyayari kanina.
***
ISANG malalim na buntong-hininga ang ginawa ni Iris matapos niyang alalaahin ang nangyari kagabi. Katulong niya si Daisy sa pag-aayos ng mga panindang bulaklak nang bumukas ang glass door.
“Good morning!” bati ni Rain. “Merry Christmas, sana tanggapin n’yo pa rin itong regalo ko.” Inabot niya ang dalang regalo sa dalawa. “Hindi ko na naibigay sa inyo kagabi sa nangyari…”
Tinanggap ni Daisy ang dalawang regalo saka ibinigay kay Iris ang isa. “Salamat!” tipid na sagot ni Daisy. “Sandali may hinanda rin kaming regalo ni Iris, kukunin ko lang.” Pumasok si Daisy sa likod at umakyat ng hagdan paitaas.
Naiwan sina Rain at Iris sa ibaba. “Buksan mo na ‘yan.” Tumabi si Rain sa gilid malapit sa counter kung saan ipinatong ni Iris ang regalo. “Sana magustuhan mo…” nahihiya niyang sabi habang nakapamulsa ang dalawang kamay.
Nang buksan ni Iris ang regalo ni Rain, tumambad sa harap niya ang kumikinang na kuwintas. “Alam ko ‘to, a.” Inilapag niya sa palad ang pendant na blue rain drop. “Patak ng ulan?”
“Pfftt!” Tipid na natawa si Rain. “Teka isusuot ko sa ‘yo.” Aktong kukunin sana ni Rain ang kuwintas para isuot kay Iris nang mapansin niya ang suot nitong kuwintas sa leeg. “Limited edition ‘yan ng Zombie Paradise necklace, a?”
Doon lang namalayan ni Iris na hindi pala niya natanggal ang kuwintas na isinuot sa kanya ni Dandy. Isang regalong mahalaga sa kanya pero nabahiran ng kasinungalingan. Tinanggal ni Iris ang suot niyang zombie necklace saka itinago ito sa loob ng kanyang bulsa.
“Napulot ko lang ‘to sa daan kahapon.”
Hindi man sabihin ni Iris ang katotoohanan bakas sa mukha niya ang kasinungalingan. Hindi naman iyon pinansin ni Rain kahit may hinala na siyang mahalagang regalo ang kuwintas kay Iris. Itinuloy ni Rain ang pagsuot ng regalo niyang blue rain drop necklace kay Iris.
“Bagay na bagay sa ‘yo, ang ganda mo… Iris,” malambing na bulong ni Rain sa tabi ni Iris matapos niyang isuot ang regalo niyang kuwintas. “Sana palagi mo akong maalala sa butil ng ulan na ‘yan.” Sabay kamot sa ulo, halatang nahihiya siya.
“Salamat…” Hawak ni Iris sa isang kamay ang pendant habang ang kabilang kamay niya na nasa loob ng bulsa ay hawak naman ang kuwintas na iniregalo ni Dandy.
Maya-maya nang bumaba si Daisy nang nagmamadali. “Iris! Iris!” tawag niya mula sa hagdan. “Si Lola Camellia!”
Biglang kinabahan si Iris at dali-dali siyang umakyat sa itaas habang si Rain nama’y bumalik sa clinic para tawagin ang tita niyang nurse.
“Lola?” tawag ni Iris saka naupo sa tabi ng matanda.
“I-Iris…” nanghihinang tawag ni Lola Camellia sa apo. “B-Buksan mo ang maliit na drawer sa pinakailalim ng tukador ko.
Kaagad namang sinunod ni Iris ang sabi ng matanda. Pagkabukas niya ng drawer ay tumambad sa mga mata ni Iris ang maraming papel na amoy niluma ng panahon. “Ano po bang kukunin ko rito, Lola?” tanong niya habang iniisa-isa ang mga papel.
Ibinaling ng matanda ang ulo niya’t itinuro ang drawer. “Sa pinakailalim mayroon diyang larawan… kunin mo iyon…”
Kaagad inalalayan ni Daisy ang matanda matapos mapansin ang panghihina’t pagbagsak ng kamay nito. Habang si Iris nama’y natagpuan na ang sinasabing larawan ng matanda. Tumayo si Iris mula sa pagkakaluhod saka nagtungo muli sa tabi ng kama’t iniabot ang larawan sa matanda.
“Ito po ba?”
Kinuha ng matanda ang larawan. “Heto nga… ang larawan ninyong mag-anak.” Hinimas ng matanda ang larawan gamit ang hintuturo. “Ang iyong ina na si Rosa, Ikaw at ang iyong…” Hindi niya magawang banggtitin ang lalaking kasama nila sa larawan.
“Ang lalaking pinuno ng mga zombie!” matatas na sambit ni Iris.
“Ikaw talagang bata ka!” Napailing si Lola Camellia.
Kita sa larawan ang saya ng batang babaeng karga ng lalaking may pilat sa mukha. Habang nasa tabi nila ang babaeng kahawig ni Iris, walang iba kundi ang nanay niya. Sa likod ng mag-anak ang bagong tayong flower shop na wala pang lamang mga bulaklak.
“Noong araw na ‘yan lumuwas tayo rito para tingnan ang pinatayong flower shop ng mama mo. Dumating si Roman para makita kayong dalawa at nagpakuha ng letrato. Dalawa ang kopya ng larawang iyan, siguradong nasa kanya ang isa.”
“Lola, kilala n’yo po si Alberto Alfonso?” Nabasa ni Iris ang pangalang nakasulat sa likod ng larawan.
“Ang walang hiyang matandang ‘yon?!” Kumunot ang noo ni Lola Camellia. “Hindi ba’t dalawang kopya itong larawan? Ito dapat ang larawang na kay Roman na ipapadala niya sa baliwa niyang ama. Kaso, nagkapalit iyong larawan at ito ang napunta kay Rosa at ang kopya niya ay napunta kay Roman.”
“Ah! Kaya po pala may sulat sa likod.” Nakitingin din si Daisy. “In fairness ang ganda ng handwriting,” sabat pa niya.
“Natural, si Rosa kasi ang nagsulat n’yan,” pagkumpira ng matanda. Nang bigla siyang ubuhin nang malakas na may kasamang paninikip ng dibdib. “Augh!”
“Lola!” sambit ng dalawang dalaga sa magkabilang tabi ni Lola Camellia.
Saktong dumating si Nurse Jaica kasama si Rain. Kaagad niyang chineck-up ang matanda’t nagbigay ng reseta para sa gamot. Kinuha iyon ni Iris, nagprisinta naman si Rain para samahan ang dalaga sa malapit na botika.
“Bumalik kayo kaagad, kailangan na ni Lola ang gamot niya,” habilin ng nurse sa dalawa.
“Opo! Mabilis lang po kami!” sagot ni Rain saka sila umalis na magkasama ni Iris.
***
MABILIS silang nakabili ng gamot sa kanto ng Winter Street kung saan nasa kanto ang papasok na daan sa Gumamela Subdivision. Napasulyap si Iris sa helerang iyon kung saan naalala niya ang parlor na pinagdalhan ni Dandy sa kanya. Napahawak tuloy sa bangs si Iris nang hindi niya namamalayan. Maya-maya lang nang biglang makasalubong ni Iris ang baklang gumupit sa buhok niya.
“Hello! Sadako girl?” Napataas ang kilay ng bakla nang makita ang kasama ni Iris. “Wow! Ang pogi naman ng kasama mo.” Nagpa-beautiful eyes pa ang bakla kay Rain. “Ahem! Beke nemen…”
Nanginig ang balahibo ni Rain kaya napatago siya sa likod ni Iris. “K-Kilala mo?”
“Ah, Oo! Siya ‘yong parloristang naggupit sa bangs ko,” pakilala ni Iris. “Ano nga po pala ang ginagawa n’yo rito sa labas?” Binaling niya ang pansin sa bakla.
“Break time ko, e.” Ipinakita niya ang pinamili niyang turon at banana-cue. “Tingnan mo, ang laki ng saging—” Pagkabanggit ng ‘saging’ tumingin ang bakla sa ibabang parte ng katawan ni Rain. “In fairness sa saging mo koya, mukhang malaki rin.” Sabay kagat-labi ng bakla.
Lalo tuloy tumindi ang paninindig-balahibo ni Rain. “I-Iris ang mabuti pa—umuwi na tayo!” malakas na litanya ni Rain.
Tumango si Iris. “Uhm… mauna na po kami.”
“Sandali! Nakita ko nga pala si Papa Dandy kanina kalalabas lang ng subdivision.” Tinuro ng bakla gamit ang tingin kung saang dereksyon nagtungo si Dandy.
“Sino ‘yon? Wala akong kilalang ‘Dandy’!”
Nanlamig bigla ang hangin sa paligid nila’t naglabas na naman si Iris ng dark awra niya.
“Ay! Si ate gurl naman, may amnesia kaagad? Ano ‘to teleserye?” Nag-crosed arm ang bakla. “May lover’s quarrel kayo, noh?” Tumaas pa ang kilay niya. “Mga kabataan nga naman! Kaunting away nawawala na kaagad ang memorya, churva!”
Kumaway ang bakla kay Iris saka tumalikod at naglakad pabalik sa salon. Naiwan namang tumatayo-tayo ang buhok ni Iris at halatang badtrip sa mga tsismis ng bakla kanina.
Tinapik ni Rain si Iris. “Hayaan mo na siya, tayo na?”
Nagkatinginan ang dalawa bago nagpatuloy sa paglalakad nang…
“Iris!!!”
Isang pamilyar na tinig ang tumawag mula sa likod ni Iris. Humangin nang malakas at nagbagsakan ang dahon mula sa punong nilampasan nila. Napahinto si Iris at Rain sa paglalakad nang marinig nila ang pagtakbo ng lalaking sumigaw kanina’t humarang sa harapan nila.
“Pwede ba tayong mag-usap?”
Kaagad pumagitna si Rain. “Wala na kayong dapat pag-usapan pa!”
Tila nagkaroon ng kuryente sa pagtama ng mga mata ni Rain at Dandy. Bumuwelo nang hakbang si Dandy para lapitan si Iris na nasa likod ni Rain. Nagmatigas si Rain, hindi niya hinayaang makalapit kahit isang hakbang lang si Dandy.
“Huwag mo na siyang gambalain! Nagmamadali kaming umuwi!” mariing pahayag ni Rain habang nakaharang ang dalawang braso niya sa daanan ni Dandy.
“Pwede ba—huwag kang humarang sa daraanan ko!” Tumaas ang kilay ni Dandy saka tinaasan ng tingin si Rain. “Si Iris lang ang kailangan kong makausap! Importante rin ‘tong sasabihin ko!” Tumaas ang tono ng pananalita ni Dandy, bakas sa mukha niya ang inis sa lalaking kaharap.
“Tama na!” sigaw ni Iris nang hindi na niya ma-take ang eksena. “Kailangan na ni Lola ng gamot, na-infect kasi siya ng zombie virus!” Kasabay ng pagtaas ng boses ni Iris ang pag-angat ng buhok niyang tila galamay na sumasayaw sa hangin. Creepy look alert na naman tuloy sina Dandy at Rain.
“Tch! Hayan ka na naman sa ka-wirduhan mo!”
“Ops! Hanggang diyan ka lang!” Hindi talaga pinalampas ni Rain si Dandy. Hinawakan ni Rain ang kamay ni Iris para magpatuloy sa paglalakad nang biglang hablutin ni Dandy ang kabilang kamay ni Iris.
“Sandali!”
Parang nag-tag of war tuloy ang dalawang lalaki’t si Iris ang ginawa nilang lubid.
“Makinig ka ang lolo mo, si Master Alfonso—”
Bago pa man ituloy ni Dandy ang sasabihin biglang hinatak ni Iris ang kamay niya para kumawala sa pagkakahawak ni Dandy. “Don’t touch me!” sambit niya sa linyang napanuod niya sa TV drama. “Masamang espiritu—lumayas ka!” Gamit ang magkabilang hintuturo gumuwa siya ng cross saka itinapat sa dereksyon ni Dandy. “Shoo!” Napanuod naman niya ito sa kasunod na palabas. Halo-halo na talaga ang mga napapanuod niya.
“Iris naman…” Napakamot na lamang si Dandy sa wirdong turan ni Iris. “Sinasabi ko ang lolo mo masama ang kalagayan—malapit na siyang mamatay!” madiing pagtatapat ni Dandy kay Iris nang seryoso ang mukha.
“Is that a joke?”
“Grrhhh!” Napakagat-labi na tuloy si Dandy, gusto nang pumutok ng ugat niya sa noo sa mga papilosopong sagot ni Iris. “Mukha ba akong nag-jo-joke?” nanggigitgit na sabi niya. “Ang sarap mo talagang—” Natigil si Dandy nang makita ang suot na kuwintas ni Iris. Hindi na iyon ang kuwintas na ibinigay niya. Nakaramdam tuloy siya ng kakaibang lungkot sa puso niya. Bumalik ang alaala niya kagabi, na-gu-guilty tuloy siya pero… wala siyang magagawa kundi sumunod sa mga taong pinagkakautangan niya ng buhay.
Sumuko rin si Dandy nang makaramdam ng kirot sa dibdib. Talo na siya, suko na siya dahil alam naman niyang sumasagot lang nang gano’n si Iris dahil sa pagsisinungaling niya.
“Ako na ang kusang aalis… pero sana pag-isipan mo nang mabuti. Kailangan ka ng lolo mo at ikaw din ang sagot para hindi mapaalis ang mga tao sa Floral Street. Bumalik ka lang sa mansyon at magiging maayos ang lahat.”
“Ano’ng sinasabi mong magiging maayos ang lahat?” Tikom-palad si Rain pagkatapos bigla niyang hinablot ang kuwelyo ng damit ni Dandy. “Hindi na tatapak ng mansyon n’yo si Iris!” Tila nagbabanta ang mga tingin ni Rain kay Dandy.
Himalang hindi na pinatulan ni Dandy si Rain. Hinawakan lang niya ang kamay ni Rain saka maayos na ibinaba ito. “Na kay Iris ang huling desisyon.” Tumalikod siya’t kusang umalis. Sa loob ng bag ni Dandy naroon ang red scarf na regalo ni Iris, kinuha niya ito saka isinuot sa leeg. Sumulyap siya nang may malungkot na tingin kay Iris bago tuluyang nagpatuloy sa paglalakad.
Nang makita iyon ni Iris, hindi niya naiwasang ipasok sa bulsa ang kamay at hawakan ang kuwintas na naroon.
Ang Paskong ito ay mas malungkot kumpara sa nagdaang Pasko na parang ordinaryong araw lang din kay Iris. Akala niya magiging espesyal ito ngayon dahil sa mga bagong kaibigang nakilala’t nakasama niya. Akala niya ang Paskong ito ay magdudulot ng masiglang liwanag sa mga taong makakasama niya sa notchebuena. Pero ang naging dulot lang nito ay kalituhan sa puso niya.
“Ano ba ang dapat kong gawin? Boss Harold at Sensei Kein, tulungan n’yo po ako…” turan ni Iris sa isip. Sina Boss Harold at Sensei Kein ay mga pangunahing bida sa Zombie Paradise. Hindi rin naman kasi siya sobrang maka-Diyos kahit Catholic ang religion niya. Kaya sa kanila na lang si Iris bumulong ng paghingi ng tulong sa naguguluhang isipan niya.