SIMULA

Nagkalat ang mga basag na kagamitan sa lupa, nasusunog ang mga munting bahay na gawa sa kahoy, nakahandusay ang mga katawang wala ng buhay at rinig ang mga sigaw at salpukan ng sandata galing sa magkabilang panig. Bata, matandan, babae at lalaki, mga inosenteng nadamay bakas sa mga katawan nila ang hirap na dinanas. Mariin ang pagkakahawak ng heneral sa kanyang espada, nagsilabasan ang kanyang mga ugat sa kamay at sa isang mabilis na wasiwas ay bumagsak ang kalabang nasa harap. Duguan at walang buhay.

Dalawang araw mula ng makatanggap ang heneral ng liham tungkol sa isang grupo na sinakop ang isang munting baryo sa pusod ng gubat. Pinaslang nila ang mga lumaban, inalipin ang mga sumuko at sapilitang sinanay ang mga bata upang maging kasapi nila. Ng malaman ito ng punong heneral ay agad syang maglakbay kasama ang mga sundalo ng kaharian upang mapigilan ang hindi kilalang grupo, ngunit umabot parin ng dalawang araw upang maabot nila ang baryo at sa kasamaang palad ay nahuli sila ng dating nagkalat na ang mga bangkay at naghahanda ng tumakas ang grupo kaya ganon nalang ang galit ng heneral.

"Heneral, nakatakas ang iba at tumakbo patungong silangan." Pagbibigay alam ng isang sundalo.

"Bumuo ng isang maliit na pangkat at habuling sila! Ang iba any manatili at mangalap ng impormasyong tungkol sa grupong ito." Utos ng heneral.

"Opo!" Sumaludo ang sundalo at agad umalis.

Pumasok ang heneral sa isang bahay na nagsisimula pa lang masunog, kailangang makahanap sya ng kahit anong bagay na pagkakakilanlan ng grupo at kong ano ang pakay nila. Pagpasok ng heneral ay nakita nya ang isang batang lalaki na nakaupo sa papag. Punit ang damit nito at marumi, may mga sugat at pasa din ito sa katawan. Walang duda na isa ito sa mga batang sapilitang sinanay upang maging kasapi ng grupo. Nakatingin lang ang batang lalaki sa nasusunog na pader at walang balak na umalis, walang buhay ang mga mata nito at basta lang nakatitig sa apoy.

"Munting ginoo mapanganib na dito, lumabas tayo. Ligtas kana." Sabi ng heneral at inalalayan ang bata palabas.

Sumunod ito sa kanya ng walang imik at mukhang malayo ang tingin ng walang buhay nitong mga mata. Maaaring ang batang ito ang maging susi upang malaman nila ang katauhan ng misteryosong grupo pero hindi nagtanong ang heneral. Pinaupo nya ang bata sa isang bato kapwa sila walang imik at pinagmamasdan lang ang nangyayari sa paligid. Isang sundalo ang lumapit upang magbigay ulat.

"Heneral may natagpuan kaming marka sa mga kalabang napaslang gayon rin sa mga batang wala ng buhay. Maaring ito ang simbulo ng grupo."

"Anong marka?" Isang sulyap ang binigay ns sundalo sa bata bago sumagot. "May markang krus sila sa dila."

Tumango ang heneral. "Likumin ang mga maaaring gawing ebidensya, ilibing ang mga bangkay, aalis tayo pagsapit ng bukang liwayway."

"Opo!" Sumaludo ang sundalo at umalis. Muling nabalot ng katahimikan ang paligid bago ito binasag ng batang lalaki.

"Gusto mo bang makita?" Nilingon ng heneral ang batang nagsalita, nakatingin parin ang walang buhay nitong mga mata sa nasusunog na kabahayan.

"Maari ko ring sabihin ang lahat ng nalalaman ko, hindi ganon ka halagang impormasyon pero pwede na, subalit may hihilingin akong kapalit."

Tinitigan ng heneral ang bata, wala paring buhay ang mga mata nito pero buo at tiyak ang boses nito. May kakaiba sa batang lalaki pero hindi ito natukoy ng punong heneral. Sa murang eded nito ay alam na nito ang bigat ng impormasyong taglay kaya kompiyansa ito na ibibigay ng punong heneral ang hinihingi nitong kapalit.

"Anong kapalit?"

"Tahanan, kailangan ko ng tahanan." Nanatili ang tingin ng heneral sa bata. Ang batang kanyang kaharap ay kasing misteryoso ng grupong may krus sa dila kong gusto niyang masagot ang misteryo ay walang duda kailangan nya ang batang lalaki.

"Gusto ko munang makita." Sagot ng heneral.

Ngumisi ang batang lalaki sumasayaw ang repleksyon ng apoy sa blangko nitong mga mata. Sa unang pagkakataong ay hinarap ng bata ang heneral, binuksan nito ang bibig at ipinakila ang marka ng krus sa dila. Umigting ang panga ng heneral.

"Sapat na ba ang aking tahanan?" Tanong niya.

Sumayaw muli ang repleksyon ng apoy sa mga mata ng bata.

JoyShell Creator