13: Ang banta ni Gunter

"Makinig ka." Bulong ni Gunter.

 

"Tang-ina! Nagsasalita ka!"

 

Hindi sya pinansin ni Gunter at maslalo lang nitong inilapit sa tubig ang mukha ni Ranggo.

 

"Urgh, ano bang gusto mo!" Nagngitngit ang nngipin ni Ranggo sa inis.

 

Siya na masasabing isa sa malalakas na kadete at nagsanay ng husto upang kapag dumating ng araw na magkakaharap sila ni Gunter ay handa nya itong labanan at lagpasan. Ngunit ngayon ay walang hahirap hitap syang pinahod ni Gunter hawak pa ng isang kamay nito ang dalawwa nyang braso na walang kahirap-hirap at ilang pulgada nalang ang layo ay tuluyan na nyang mahahalikan ang tubig at kahit na magpumiglas siya ay wala parin itong nagawa.

   

"Protektahan mo si Reece." Bulong nito sa mababang boses.

 

"Ha! bakit ko naman gagawin yun!"

 

Blugh!

 

Nilublub ni Gunter ang ulo ni Ranggo sa tubig, nagpumiglas si Ranggo ngunit hindi nito natinag ang lakas ni Genter at maslalo syang inilunod sa tubig.

 

Hmp! Blugh!

 

"Ha...ha...ha..." Habol ni Ranggo ang hiniga ng makaahon. "Puta!"

 

Blugh!

 

Nilublub ulit sya ni Gunter at masmatagal ito kumpara nung una, ng halos tuluyan ng mawalan ng hininga si Ranggo ay hinila sya paahon ni Gunter ngunit nanatili parin ilang pulgada ang layo nya sa tubig.

 

"Ha...ha...ha...Ga-gawin ko, kahit hindi mo sabihin gagawin ko dahil kapag masaktan ng malubha si Reece ay matatalo din ako sa pasulit na ito." Sabi ni Ranggo

 

"Wala akong pakialam sa pasusulit na ito, protektahan mo si Reece at siguraduhing walang masamang mangyayari sakanya lalo na kapag nagsimula ang labanan, kapag nasaktan sya ay ikaw ang mananagot." Seryoso at madilim na sabi ni Gunter.

 

"Kong ganyan mo sya kagustong protektahan ay bakit hindi ikaw ang gumawa? ah alam ko na dahil ayaw ni Reece na mapalapit sayo haha." Patuyang sabi ni Ranggo, siguro nga ay hawak sya ni Gunter ngayon at hindi nya ito kayang labanan ngunit maraming paraan upang inisin ang kausap.

 

Hindi sumagot si Gunter, napangisi si Ranggo at nagpatuloy.

 

"Alam mo ba na si Reece mismo ang nagsabi na dapat ka naming iwasan at kahit anong mangyari ay hindi dapat magtapo ang landa ng ating mga grupo, kalaban ang tingin nya sayo at mukhang masayang masaya sya na nagkahiwalay kayo ngayon haha, samantalang ikaw ay hindi magkanda-ugaga na nanapin sya hahaha!" Hindi naman talaga ganon ang sinabi ni Reece pero sinadya ni Ranggo na palabasin na masayang masaya si Reece na hindi sila magkasama ni Gunter.

 

"Alam ko ang takbo ng isip ni Reece, seryoso sya sa pagsusulit na ito kaya nag-iingat sya. Masyado pang maaga upang maloko mo ako, mananatili ako sa distansyang sasapat upang hindi mapansin ni Reece ang aking presensya ngunit hindi ibig-sabihin na hindi ko nararamdaman ang bawat hakbang nya malalaman ko agad kong may masamang nangyari sa kanya at kapag nagyari yun ay ikaw ang mananagot."

 

"Tss, oo na gagawin ko kaya bitawan mo na ako!"

 

Binitawan ni Gunter ang pagkakahawak kay Ranggo at sa isang maliksing galaw ay umikot si Ranggo at binigyan ng isang malakas na suntok si Gunter sa pag-aakalang hindi ito nasasalag ni Gunter ngunit nanlaki ang mata ni Ranggo ng matantong hangin lang ang natamaan nya at isang malakas na suntok sa tyan ang nagpatumba kay Ranggo.

 

"Urgh! ahem ahem." Napaubo si Ranggo sa sakit ng kanyang sikmura at sa tubig na kanyang nainum.

 

Tumalikod si Guneter at nagsimulang maglakad palayo. "Wag mong kalimutan ang pinag-usapan natin."

"Puta!" nakayuko parin si Ranggo at hawak-hawak ang kanyang sikmura.

 

Hindi matanggap ni Ranggo ang nangyayari, sa loob ng ilang taon ay sabay nilang hinarap ang parehong pagsasanay at pagpapahirap upang maging sundalo, natulog sila sa iisang silid, kumain sa iisang hapag, nag-igib sa iisang batis, gumapang sa iisang putik at ibinilad sa iisang araw ngunit bakit!? bakit kay laki ng agwat ng kanilang kakayahan at lakas! pareho lang ang kanilang pinagdaan na pagsasanay ngunit bakit iba ang nakuha nilang resulta! ito ba ang sinasabi nilang natural na lakas, natural na talento na kahit anong pagsasanay ang gagawin ay hindi parin ito makakamit.

 

Ilang minuto pang nanatili sa ganong ayos si Ranggo, ng tuluyang kumalma ang kanyang pakiramdam ay tumayo sya at naglakad pabalik sa kanilang tulugan. Napatitig sya sa natutulog na Reece at napailing, hinibad ni Ranggo ang kanyang damit at itinapat sa apoy upang matuyo. Habang ginagawa ito ni Ranggo ay nagising si Reece.

 

"Ranggo? saan ka galing at bakit basa ka?" Tanong ni Reece, kinusot nya ang kanyang mata at tinignan si Ranggo.

 

"Tsk, may nakita akong mabangis na hayop sa ilog." sagot ni Ranggo at umupo sa tapat ng apoy upang patuyuin ang sarili.

 

"Huh?" Napaupo si Reece. "Delikado ang makipag laban sa mababangis na hayop maaari kang mapahamak kapag hinarap mo ito ng mag-isa. Mabuti siguro kong lumipat tayo ng lugar." Sabi ni Reece at iginala ang paningin sa paligid hinahanap ang bakas ng mabangis na hayop.

 

"Hindi na kailangan na ayos ko na." Sagot ni Ranggo at nag-iwas ng tingin.

 

"Ranggo isa tayong grupo hindi mo pwedeng harapin ang panganib ng mag-isa alalahanin mong nandito kami at handang tumulong."

 

Nilingon ni Ranggo si Reece. "Reece may tanong ako, anong tingin mo kay Gunter?" Seryosng tanong ni Ranggo.

 

"Si Gunter? pano nasali sa usapan si Gunter?" Kunot noong tanong nya.

 

"Basta sagutin mo nalang."

 

"Si Gunter ay si Gunter, yun ang personal na tingin ko sa kanya pero kong bilang isang kadete ay talagang ma-"

 

"Alam ko malakas sya, ang gusto kong malaman ay kong anong nararamdaman mo sa kanya. Kagaya ng pagmamahal?"

 

"Nararamdaman? pagmamahal? kay Gunter, sira kaba bakit ko naman yan mararamdaman kay Gunter." Hindi maintindihan ni Reece kong bakit ito tinatanong ni Ranggo ngunit kong makakatulong ito sa kanilang pagsusulit ay sasagutin nya ang mga tanong nito.

 

"Ibig sabihin ay parang kapatid lang ang tingin mo kay Gunter? parang kuya?" Bahagyang kumislap ang mata ni Ranggo sa sariling tanong.

 

"Hindi naman parang kapatid, sa tingin ko ay para ko syang magulang! kasing higpit sya ni Ina, hindi, masmahigpit pa sya kay Ina maraming bawal maraming hindi pwede at higit sa lahat lahat ng gagain ko para sa kanya ay mapanganib. Sa tingin ko ay inutusan sya ni Ina na bantayan ako kaya sya laging nakasunod sakin." Mahabang litanya ni Reece, naalala nya ang mga panghihimasok ni Gunter sa bawat gagawin nya.

 

"HAHAHAHAHA!" Hindi mapigilan ni Ranggo ang pagtawa. "HAHAHAHA!"

 

"Uyy anong nangyayari sayo?" Hindi alam ni Reece kong saan sa sinabi nya ang nakakatawa.

 

"Hmmm." Pati si Gabo ay nagising sa tawa ni Ranggo. "Anong meron?"

 

"HAHAHA!" Tuloy parin si Ranggo sa pagtawa.

 

"Ranggo anong nakakatawa?" Hindi na rin mapigilan ni Reece ang pagtatanong.

 

Tumigil si Ranggo at pinakalma muna ang paghinga bago nagsalita. "Wala naman naaaliw lang ako. Anong kayang sasabihin ni Gunter pagnalaman nya kong anong tingin mo sa kanya haha."

 

"Hindi ko maintindihan Ranggo pero sa tingin ko walang sasabihin si Gunter dahil hindi naman yun nagsasalita." Sabi ni Gabo.

 

"Ah oo nga pala haha."

 

Napailing si Reece sa asal ni Ranggo. "Matulog na nga tayo at maaga pa tayo bukas." Sani nya at nahiga ulit.

 

Agad ding nakabalik sa pagtulog si Gabo, nanatili namang gising si Ranggo at nakatitig sa apoy ngunit may ngisi sa kanyang labi na para bang sya ang nanalo salaban nila ni Gunter kanina.

 

*****

 

Bumangon si Cogs ng mapansin ang pagdating ng isang tao.

 

"Nagawa mo naba ang iyong nais gawin?" Tanong nya.

 

Hindi sumagot ang bagong dating, umupo ito at sumandal sa isang puno. Nakatitig sa kawalan.

 

"Ngayong nagawa mo na ang iyong nais ay umaasa kami ni Karlo na sisimulan na natin ang paghahanap ng mga bandila, magli-limang araw na tayong naglalakad Gunter at hanggang ngayon ay wala pa tayong nakukuhang bandila. Kagaya ng napagkasunduan ay sisimulan na natin ang paghahanap bukas." Sabi ni Cogs.

 

Tumango si Karlo na nakaupo rin sa tabi ni Cogs, kapwa nila hinihintay ang sagot ni Gunter. Isang sulyap ang sagot ni Gunter at agad ding nitong ibinalik sa kawalan ang tingin.

 

"Cogs?" tanong ni Karlo.

 

"Ayos na Karlo bukas ay sisimulan na natin ang paghahanap ng mga bandila." Sagot ni Cogs.

 

"Mabuti naman alam mo bang kinakabahan na ako dahil wala parin tayong nagagawa, sa simula palang ng pagsusulit ay wala ng ibang ginawa si Gunter kundi ang maglakad pa-silangan ni hindi na nga natin masundan ang bawat hakbang nya. Mabuti nalang at nakipagkasundo ka kay Gunter na susundin natin ang nais nyang mangyari ngunit pagnatapos na nya ito ay sisimulan na natin ang paghahanap ng bandila, ngunit pano mo nalaman kong anong nais nyang gawin at ngayon pano mo nalamang nagawa na nya ito? ang buong pag-aakala namin ay si Reece lang ang nakakaintindi kay Gunter." Mahabang sabi ni Karlo, hindi nito maitago ang pagtataka at paghinga ng maluwag dahil masisimulan na nila ang pagsusulit.

 

"Ahh, ilang taon narin naming kaibigan si Gunter at tutuong si Reece lang talaga ang nakakaintindi sa kong anong gustong ipahiwatig ni Gunter pero sa paglipas ng taon ay nakukuha narin namin ang ibig sabihin ng ilang sa mga tingin nya. Nalaman ko rin na nagawa na nya ang nais nyang gayin dahil nawala na ang tensyon sa kanyang balikat, ang mukha lang ni Gunter ang walang emosyon ngunit ang kanyang kilos ay madalas nagpapahiwatig ng kanyang totoong nararamdaman." Nakangiting sabi ni Cogs.

 

"Hmm ngayong sinabi mo iyan ay naiintindihan ko narin. kong ganon ay kailangan na nating magpahinga dahil bikay ay marami tayong gagawin!" Masayang sabi ni Karlo at nahiga na ito.

 

*****

 

Isang matarik at mabatong daan paakyat ang tinahak ni Reece kasa sina Ranggo at Gabo papuntang hilaga, sa loob ng dalawang araw na paglalakad ay nadagdagan ng tatlo ang kanilang bandila ngayon ay meron na silang walong bandila malaki ang kumpyansa ni Reece na mako-kompleto nila ang labing-apat na bandila sa hilaga. May natatanaw silang ibang grupo ngunit sinisigurado nilang sapat ang distansya ng bawat isa upang hindi sila magkatagpo, hanggat hindi pa nagsisimula ang labanan ay iniiwasan nilang makaharap ang ibang grupo upang maiwasang makakuha ng impormasyon ng kabilang grupo at mukhang it rin ang plano ng iba.

 

Tuming kayad si Reece at pinagmasdang mabuti ang isang maliit na bulaklak na kulay itim, ngayon lang siya nakakita ng bulaklak na kulay itim kaya pinagmasdan nya itong mabuti. Kong titignan ng mabuti ay mukha itong bulaklak ng gumamela maliban nalang sa itim nitong kulay pero di gaya ng gumamela ay nakagapang sa lupa ang sanga nito at nakatago sa likod ng mga bato masyado ding maliit ang bulaklak upang mapansin kasing laki lang ito ng ipinagtabing hinliliit at palasing-singan na daliri kong hindi tititigang mabuti ay magmumuka itong kasapi ng bato sa unang tingin.

 

"Reece! bilisan mo!" Sigaw ni Ranggo mula sa itaas.

 

"Nandyan na!" Sagot ni Reece, tinitigan nya ulit ang bulaklak upang tumatak sa kanyang isipan ang kakaibang bulaklak.

 

Ilang bat pa ang kanilang inakyat bago sila nakarating sa tuktuk ng burol. pinagmasdan ni Gabo ang langit na ngayon ay may iilang ulap ng namumuo.

 

"Sa tingin ko ay uulan bukas o sa makalawa, kailangan nating paghandaan ang ulan." Sabi ni Gabo.

 

"Mamayang hapon ay makakarating na tayo sa hilaga, maghahanap muna tayo ng masisilungan para sa ulan bago saka ipagpapatuloy ang paghahanap sa mga bandila, maaari tayong mahirapan dahil sa ulan." Sabi ni Reece at tinatanaw ang kabundukan ng karya at ang malayo nitong tutuk sa hilaga, hindi na nila kailangan pang marating ang tuktuk ng bundok dahil hindi na ito sabilang sa lugar ng pagsusulit. Ngayong malapit na sila sa hilaga ay masasabi ni Reece na ang paanan lang ng bundok ang ginamit sa kanilang pagsusulit.

 

"Makakatulong din ang ulan upang mabura ang ating bakas, mahihirapan ang ibang grupo na hanapin tayo." Sabi ni Ranggo.

 

"Kong ganon ay mahihirapan din tayong hanapin sila dahil sa ulan." si Gabo.

 

"Ayos lang iyon, ang una nating payoridad ay ang hanapin ang mga bandila kapag na kompleto natin ito ay hindi na natin kailangang hanapin ang ibang grupo." Sagot ni Reece.

 

Nilibut ni Ranggo ang paningin, ngayong nakatayo sila sa tuktuk ng isang burol ay masmalawak na ang kanilang natatana sinubukan nyang hanapin kong nasaan si Gunter at ang grupo nito ngunit ang mayayabong lang na puno at matutulis na bato ang kanyang natatanaw. Tutuo kayang nakasunod parin si Gunter sa kanila at binabantayan ang bawat kilos nila, walang paraan si Ranggo upang alamin kong nakasunod parin si Gunter sa kanila at wala na ring nabanggit si Reece na nararamdaman nito ang presenya ni Gunter. Huminga ng malalim si Raggo, ang sinabi lang ni Gunter ay bantayan nya si Reece na talagang gagawin nya dahil nasa iisang grupo sila at nagkansundo narin sila ni Reece na magtutulungan hanggang sa matapos ang pasulit hindi nya hahayaang magulo ang kanyang isip dahil sa sinabi ni Gunter. Kailangan nyang ituon ang isipan sa paghahanap ng bandila at hindi sa pag-iisip sa banta ni Gunter na nakakapagpakulo lang ng kanyang ulo.

 

"Reece maliban sa grupo ni Gunter ay wala na tayong nakitang ibang grupo na maaaring maging banta, hindi natin nakita ang grupo ni Yulan pero nagsimula ang grupo ni Yulan sa timog kaya maliit ang tyansang makatagpo natin sila pero maging ang grupo ni Mikaela at Rick ay hindi natin nakita gayong kapwa tayo nagsimula sa silangan." Sabi ni Gabo.

 

"Ganyan din ang iniisip ko maaaring sa ibang direksyon pumunta sila Mikaela, malaki ang posibilidad na nasa kanluran sila. Pabor ito saatin dahil hindi natin sila makakaharap agad pagdating ng labanan ngunit dapat parin nating planuhin ang pawat sitwasyon na maaari nating harapin."

 

"Pagdating natin sa hilaga at kapag nakahanap na tayo ng sisikungan para sa ulan ay pa-planuhin natin ulit ang gagawin sa labanan. Dahil siguradong mako-kompleto natin ang bandila sa hilaga ay pagtutuonan natin ng pansin ang ating depensa." Si Ranggo.

JoyShell Creator