10: Pagkalipas ng 6 na taon

 

"May ideya kaba kong anong gagawin natin?" Tanong ni Yulan kay Reece. Umihip ang malamig nahangin at nalalanghap pa nila ang hamog sa mga dahon natural lang ito dahil hindi pa sumisikat ang araw.

 

Umiling si Reece bilang sagot at pumasok na sila sa buwagan, naalala nya ang unang pagpasok sa buwagan anim na taon na ang nakararan ng una silang dumating ni Gunter sa kampo. Mabilis na lumipas ang mga taon at malaki narin ang kanilang ipinagbago lalo na sa lakas at pangangatawan. Sa lumipas na taon ay wala silang ginawa kundi ang palakasin ang kanilang pangangatawan at patalasin ang isip sa pakikipagdigma lalo na at alam nilang sadyang malalakas ang mga kalaban at ibang lahi.

 

Hindi naman nagbago ang maingay at nakakatawang sina Alba at Servo habang si Cogs naman ang pinaka may positibong pananaw sa buhay at siya naring umaawat sa dalawang pasaway, si Rick ay nagpakita ng matinding kahusayan sa pamamana maslalo ding lumaki ang katawan nito idagdag pa ang seryosong mukha, si Mikaela na pinaka matalino sa kalse hindi narin ito masyadong payat at nakaroon na ng laman, Si Yulan naman ay talagang nagpakita ng kahusayan sa kahit saang aspeto ng kanilang pagsasanay mahusay din itong pinunu at siyang pinagkakatiwaalan ni Kapitan Liano sa kanilang pangkat kasama si Yugo, sila ang pinaka pinagkakatiwalan ng mga kadete maging ang ibang sundalo ay kinikilala din ang implowensya nila.

 

Hindi rin naman nagpahuli si Reece kong kahusayan at galing ang pag-uusapan, sa paglipas ng panahon ay napansin din ni Reece ang pagbabago ng kanyang pangangatawan alam nyang hindi magiging kasing laki at lakas ng mga lalaki ang kanyang katawan kaya maspinabuti nya ang pagsasanay at disiplina sa sarili. Ilang taon lang ay wala ng nag-aalinlangan sa kanyang kakayahan dahil isa syang babae sa katunayan ay pangatlo si Reece sa pinakamahusay nakipaglaban sa kanilang pangkat sunod kay Yulan na syan pumapangalawa. Higit sa lahat ang pinaka nagpagulat sa lahat ay ang tahimik na si Gunter na kahit kailan ay hindi nila narinig na nagsalita, nasanay na sila sa katahimikan nito at madalas ay naiintindihan na rin nila ang ibig sabihin ng mga tingin ni Gunter at ang miminsang ekspresyon ng mukha nito. Si Gunter na walang ibang ginawa kong hindi ang sumunod kay Reece ay syang nangunguna sa buong klase, hindi rin maiwasang isipin ng mga kasamahan nila na kong magsasalita lang sana si Gunter ay baka nahigitan pa nito ang katalinuhan ni Mikaela at ang implowensya nina Yulan at Yugo.

 

Pumasok sila sa bulwagan at nakita si Kapitan Liano at ilang sundalo sa maliit na entablado ng silid. Tahimik ang lahat at naghihintay sa kong ano mang sasabihin nito.

 

"Magandang umaga mga kadete." bati ni kapitan Liano.

 

"Magandang umaga kapitan!" sabay-sabay nilang sagot.

 

"Masaya akong makita ng inyong pag-unlad sa nakalipas na taon, hindi maipagkakaila ang inyong husay at pagmamahal sa kaharian. Upang higit na makita ang inyong pag-unlad ay haharap kayo sa isang matinding pagsusulit, ang pinaka mahirap na pagsusulit mula ng makarating kayo dito."

 

Tuwid na tuwid silang nakatayo at nakikinig, walang nagsasalita at naghihintay lang ngunit ang kanilang mga mata ay nag-aalab handa sa kahit ano. Napangiti si kapitan Liano sa nakita at nagpatuloy.

 

"Haharap kayo sa dalawang linggong pagsusulit, bukas maglalakbay tayo papunta sa bundok ng Karya sa hangganan ng bayang ng Maliw doon ay mananatili kayo ng dalawang linggo ipapaliwanag ko ang lahat pagdating natin sa bundok ng Karya. Maghanda ang lahat! aalis tayo pagsapit ng bukang liwayway!"

 

"Opo kapitan!" Sabay-sabay ulit nilang sagot at lumabas sa bulwagan upang maghanda.

 

Pagsapit ng bukang liwayway at handa na ang lahat at nagsimula na silang naglakad apapuntsa sa bundok ng Karya habang nakasakay sa kanikanilang kabayo ang mga sundalo, sinisigurong maayos ang lahat.

 

"Napansin nyo ba?" tanong ni Mikaela.

 

"Oo, gusto ko nga itong pagusapan." Sagot ni Yulan, tumango si Reece bilang pagsang-ayon.

 

"Ang alin?" naguguluhan namang tanong ni Alba.

 

"Ako napansin ko! Naglalakad tayo samantalang nakasakay sa kabayo ang sundalo!" Sagot naman ni Servo na hindi inaalis ang tingin sa mga kabayo.

 

"Servo sigurado akong hindi yan ang ibigsabihin ni Mikaela." Sabi ni Cogs.

 

"Servo wag mong iparinig sa mga sundalo ang katangahan mo." Saway ni Rick. Tahimik lang si Gunter.

 

"Napansin nyo bang kakaunti lang ang dala nating pagkain, hindi iyan sapat saating lahat para sa dalawang linggo." Sabi ni Reece bago paman naasar ni Alba si Servo.

 

Napalingon sila sa kalesang nagdadala ng pagkain. Napasinghap sina Alba at Servo sa nakita.

 

"Gugutumin ba nila tayo?"

 

"Satingin ko isa ito sa magiging pasulit natin." Sabi ni Yulan.

\ "Malaki ang tyansang ganyan nga. Satingin ko ay pagdating natin sa bundok ng Karya ay tayo na ang maghahanap ng ating makakain, tulugan at iba pang pangangailangan malaki rin ang tyansang hahatain tayo sa grupo kong ilan grupo ay hindi ko pa tiyak." Paliwanag ni Mikaela.

 

"Paano yan? ibig sabihin maaaring maging ka-grupo ko si Gunter na pinakamagaling o dikaya si Alba na walang kwenta."

 

"Gago ka Servo, parasabihin ko sayo kahit maging ka grupo mo si Gunter ay kay Reece lang yan may pakealam."

 

"Ganon? sige Rick sa grupo mo ako." bumaling si Servo kay Rick. "Siguradong hindi ako magkaka-problema sa pagkain."

 

"Sayo ako Yulan!" Lumapit naman si Alba kay Yulan.

 

"Hindi pa tayo sigurado kong sino-sino ang magkakasama pero kong ako ang papipiliin ay kay Reece ako tapos sainyo na si Gunter ng magkahiwalay ang dalawa." Natatawang sabi ni Yulan.

 

"Kay Mikaela ako, kayo ni Gunter Yulan." Inakbayan ni Reece si Mikaela pero bahagya syang nahirapan dahil sa masmatangkad na ito sa kanya, dati ay masmatangkad pa sya dito.

 

May pagtutul na tinignan ni Gunter si Reece.

 

"Maraming salamat Reece, pero kahit na sino ang ating makasama ay dapat tayong maghanda may mga bagay parin na hindi malinaw sa ating pagsusulit." Sabi ni Mikaela na sinang ayunan nila.

 

Matapos ang isang araw at kalahati ay nakarating narin sila sa bundok ng Karya ngunit hindi parin nila lubos na maunawaan ang kanilang pagsusulit. Sumenyas si kapitan Liano at huminto silang tahat sa bukana ng kagubatan.

 

"Yulan, Yugo hatiin sa dalawa pangkat at pamunuan ang bawat isa." Sabi nito.

 

Agad kuilis sina Yulan at Yugo at hinati sa dalawa ang grupo sa pamamagitan ng pagbibilang. Sumunod si Gunter kay Reece ngunit agad na hinawakan ni Yulan ang braso nito upang pigilan.

 

"Gunter dito ka kong hindi ko magiging ka grupo si Reece ay hindi mo rin sya makakasama." Malaki ang ngisi ni Yulan.

 

Mariin syang tinitigan ni Gunter hindi parin bumitaw si Yulan at sinalubong ang tingin ni Gunter.

 

"Yulan kompleto na kami." Sabi ni Yugo hindi alam ang tensyon sa dalawa.

 

"Kami rin kompleto na." Sagot ni Yulan na may ngiting tagumpay sa labi.

 

binai ni Gunter ang kanyang braso at nalakad papunta sa mga kasama, sinalubong sya nina Cogs at Servo. Sabay namang nilapitan nina Yulan at Yugo si kapitan Liano upang ipaalam na tapos na iniutos nito.

 

bumaba si kapitan Liano sa kanyang kabayo at tinignan ang dalawang grupo.

 

"Ang isang pangkat ay maglalakad ng 30 minuto papunta sa kabilang dako ng bundok kasami si bise-kapitan Surila habang maiiwan dito ang isa, pagkalipas ng 10 minuto ay ipapaliwanag namin ang kabuoan ng inyong pasulit. Ibig sabihin ay maglalakad ang isang pangkat ng 30 minuto at maghihintay ng 10 minuto at ang maiiwang pangkat dito ay maghihintay ng 40 minuto upang sabay na maipaliwanag sa dalawang grupo ang pagsusulit." Deklara ni kapitan Liano, tumango ito sa ise-kapitan.

 

"Sumunod kayo." Sabi ni bise-kapitan sa pangkat nina Yugo. Agad silang sumunod at naglakad.

 

"Reece!" Tawag ni Mikaela.

 

"Mikaela magka-grupo tayo."

 

"Oo si Gunter hindi mo kasama?" Nagtatakang tanong ni Mikaela.

 

bilang lang sa daliri ang mga pagkakataong hindi nakabuntot kay Reece si Gunter kapaglang naliligo si Reece o inuutusan ang isa sa kanila ng mga sundalo, sa ibang pagkakataon ay laging magkasama ang dalawa o dikaya ay abot tanaw lang ni Gunter si Reece.

 

"Hindi, nakita ko syang hinarangan kanina ni Yulan." Sagot ni Reece.

 

bahagyang napatawa si Mikaela na sinabayan naman ng malakas na halakhak ni Alba na biglang sumulpot sa kabilang gilid ni Reece nakitan din nila si Rick na nakasunod dito.

 

"Iba talaga si Yulan." Natatawa paring sabi ni Alba.

 

"Alba, Rick masaya ako na magkasama tayo." si Mikaela.

 

"Masmasaya akong naghiwalay sina Alba at Servo." Patuksong sabi ni Reece na tinawanan lang ni Alba.

 

"Mikaela sa tingin mo ito na ang huling beses na hahatiin tayo sa grupo?" Seryosong tanong ni Rick.

 

"Sa totoo ay hindi, malaki ang tyansang hahatiin pa tayo sa masmaliit na grupo." Sagot ni Mikaela.

 

"Malaki rin ang posibilidad na paghaharapin ang bawat grupo." Dagdag ni Reece.

 

"Ang natitirang tanong nalang ay kong ano ang baglalabanan ng bawat grupo." Si Mikaela ulit.

 

*****

 

"Ano Gunter may gusto kabang sabin?" Nang-aasar na sabi ni Yulan sa tahimik na naka-upong si Gunter.

 

Madalas ay walang ekspresyon si Gunter at mukhang walang pakialam sa paligid pero ngayon ay nakikita nilang seryosng seryoso ito, bagay na nagpaaliw kay Yulan kaya tinutukso nya ito. ariing titig lang ang isinagot ni Gunter, agad namang pumagitna si Cogs.

 

"Wag mo ng masyadong intindihin yan Gunter, isipin mo nalang na kapag nagsimula na ang pagsusulit ay makikita mo ulit si Reece sa gubat." Sabi ni Cogs.

 

"Cogs naman iniinis ko nga si Gunter dahil baka sakaling magsalita sya."

 

"Yulan gusto ko ring marinig magsalita si Gunter pero nakakatakot na ang mga tingin nya haha." Sai ni Servo. "Ang inaalala ko ay kong bakit nahiwalay ako kay Rick, pagsiya ang ka-grupo ko siguradong hindi ako magkakaproblema."

 

"bakit?" tanong ni Cogs.

 

"Alam nyo naman galing sya sa pamilya ng mangangaso sa kabundukan yun lumaki bago pumasok sa kampo." Sagot ni Servo.

 

"Servo bakit hindi rin naging mangangaso ang pamilyo mo hindi ba nagkapit-bahay kayo ni Rick?" Tanong ni Yulan, nilubayan na ang matalim na tingin ni Gunter.

 

"May maliit na pwesto kami sa palengke saamin ibinabagsak ang mga huli nila."

 

Nag-usap pa sila tungkol sa kung ano-anong bagay bago sila pumasok sa kampo, interesadong nakinig si Yulan sa mga kwento nila tungkol sa buhay ng mga nasa labas ng palasyo habang tahimik lang na nakatanaw si Gunter sa kagubatan walang nakapansin sa kanyang madidilim na mata. Hindi nagtagal ay tagal ay tinawag na sila ni kapitan Liano.

 

"Makinig ang lahat! Simple lang ang inyong pagsusulit ngunit base sa inyong gagawin at magiging disesyon ay maaari itong maging mapanganib. Mananatili kayo sa loob ng kabundukan sa loob ng dalawang linggo, kayo ang maghahanap ng sarili nyong pagkain, tubig at natutulugan wala kayong ibang magiging kasangkapan kung hindi ang inyong sariling lakas at isip. Nagkalat sa buong kabundukan ang 200 na maliliit na bandila kailangan nyo itong hanapin malalaman nynong ito ang inyong hinahanap kapag nakita nyo ito pagkatapos ng dalawang linggo ay babalik kayo dito. 14 na bandila ng kailangan upang pumasa at makalahok sa susunod na pagsusulit. Kapag may lubhang nasugatan o nasaktan ay sindihan nyo ito." May ipinakitang parihabang kulay pula si kapitan Liano. "Mukha itong paputok ngunit maglalabas lang ito ng pulang usok, ibig sabihin ay may lubhang nasugatan. Agad kayong papunthan ng ilang sundalo at dadalhin pabalik dito ngunit kukumpiskahin namin ang inyong bandila at ituturing na bagsak sa pasulit na ito. Kong paano nyo ito sisindihan ay kayo na ang bahala...

 

... kaya kailangang alagaan nyo ang inyong sarili dahil puno ng mababangis na hayop ang kagubatan. Hahatiin namin kayo sa masmaliit na grupo at sila ang inyong makakasama, alalahanin nyong sila lang ang inyong kakampi ang ibang grupo ay kalaban nyo sa pagkuha ng mga bandila ipinagbabawal ang pakikipagtulungan. May mga sundalo sa paligid kapag nakita nyo sila ibig sabihin ay nasahangganan na kayo ng lugar na laan sa pagsusulit at kailangan nyong bumalik, ito ay upang maiwasang may mawala sa inyo sa kabundukan. Hindi ako sasagot ng mga tanong kaya tandaang mabuti ang aking mga sinabi, ngayon ay humanay kayo ayon sa inyong tangkad!"

 

*****

 

"Humanay kayo ayon sa inyong tangkad!" Sabi ni bise-kapitan Surila matapos nitong ipaliwanag ang kanilang pagsusulit.

 

Agad silang hunanay ayon sa tangkad may limang tao sa bawat pahalang at anim naman pataas sa kabuoan ay 30 silang lahat sa pangkat na ito, nasaharap nakatayo si Reece.

 

"Magbilang ng isa hanggang sampu." Ani ulit ng bise-kapitan.

 

"Isa!"

 

"Dalawa!"

 

"Tatlo!" Sigaw ni Reece.

 

"Apat!"

 

"Lima!" Sigaw ni Mikaela.

 

Nagpatuloy ang pagbibilang hanggang sa huling kadete. Nakabuo sila ng sampung grupo na may tatlong miyembro.

 

"Kong ano ang inyong bilang ay siyang inyong grupo pagkatapos ng limang minuto ay opisyal na magsisimula ang pagsusulit!" Sabi nito at naglakad paalis.

 

Agad silang kumilos upang hanapin ang makakasama, itinaas ni Reece ang kanyang tatlong daliri.

 

"Tatlo!" sigaw ni Reece.

 

"Tatlo."

 

Nilingon ni Reece ang nagsalita.

 

"Ranggo."

 

"Tss, parasabihin ko sayo ayaw kitang makasama." Naiinis nitong sabi.

 

"Hanggang ngayon galit kaparin sakin? ang tagal na nun." Hindi makapaniwalang sabi ni Reece.

 

Nag-iwas ng tingin si Ranggo.

 

"Tatlo."

 

Napalingon sila sa nagsalita.

 

"Gabo, masaya akong makasama ka." bati ni Reece sa huli nilang miyembro.

 

"Salamat Reece, Ranggo." Sabi nito.

 

Kabilang si Gabo sa mga malalapit na kaibigan ni Yugo, sanay itong makihalubilo sa mga tao at magaan kausap.

 

"Maghanda ang lahat!" Sigaw ni bise-kapitan Liano.

  I'm done developing the characters kaya dito na magsisimula ang adventure!! See you sa monday !!
JoyShell Creator