1. Pagiging Sundalo

 

Isang nanunuring tingin ang binigay ng sundalo kay Reece bago ito umiling.

 

"Hindi maari. Sunod!" Sabi nito pero hindi natinag ang batang babae at hindi umalis sa pila."Ngunit bakit? Gusto kong maging sundalo!"

 

Umiling muli ang sundalo at sunod na hinarap ang ibang nakapila. Namula ang pisngi ni Reece at taas nuong hinarang ang sundalo.

 

"Ako ang nag-iisang anak ng magiting na Heneral Adam! Buo ang aking loob na sundan ang yapak ng aking ama!" Walang pag-aalinlangang pahayag ni Reece.

 

Napakamot sa ulo ang sundalo, si Heneral Adam ay kilala ng lahat dahil sa angking galing nito at halos lahat ng mga sundalo ay hanga sa heneral. Lubhang naguguluhan ang sundalo ngayong kaharap nya ang nag-iisang anak na babae ng heneral na buo ang loob at may kakaibang kislap sa mata. Saglit na nakita ng sundalo sa mata ni Reece ang diterminadng mga mata ng hinahangaang heneral.

 

"Lindo!" Tawag nito sa isa pang sundalo, lumapit naman si Lindo.

 

"Gusto nyang maging sundalo." Paliwanag ng sundalo sa bagong dating.

 

Kunut nuong tinignan ni Lindo si Reece. "Batid namin ang kagitingan ng iyong ama ngunit isa kang babae, masbagay sayong magburda."

 

Namula ang pisngi ni Reece sa inis. Hindi dahil babae sya ay ang kaya lang nyang gawin ay magburda! Pinalis nya ang kamay ng sundalo at malakas itong sinipa sa binti bago kumaripas ng takbo si Reece paalis. Dinig ni Reece ang pagtawa ng dalawang sundalo habang sya ay tumatakbo. Tsk. Hindi man lamang ito nasaktan sa ginawa nyang pagsipa.

 

Nakakainis! Humanda ang mga sundalong yun, pagdating ng kanyang ama galing sa misyon ay sasabihin nya ang kagustuhang magging sundalo at ipapakita sa lahat na kahit ang isang babae ay handa at kayang ipagtanggol ang kaharian! Tumakbo si Reece papasok sa kakahuyan doon muna sya magpapalipas ng inis bago umuwi dahil siguradong pipilitin na naman sya ng kanyang ina na magburda iyon pa naman ang pinakaayaw nyang gawin.

 

Malapit ng gumabi ng umuwi si Reece at malayo palang ay tanaw na ni nya ang kabayo ng kanyang ama na labis na nagpagalak sa kanya. Hindi na sya makapaghintay na kausapin ito tungkol sa kanyang mga plano.

 

”Ama! Nan-" ang masayang pagbati ni Reece ay naputol ng makita nya ang isang batang lalaki na nakaupo sa kanilang sala."

"Magandang gabi.” Bati ni Reece, siguro ay anak ito ng kasamahan ng kanyang ama. Hindi sumagot ang batang lalaki at nanatiling malayo ang tanaw.

 

Nagkibit balikat si Reece at tumuloy sa kusina upang hanapin ang ama. Pagpasok nya sa kusina ay nakita ni Reece ang masinsinang pag-uusap ng kanyang mga magulang, kapwa seryoso ang mga ekspreson nila.

 

”Ama!”

 

Natigil sa pag-uusap ang kanyang mga magulang at masayang bumaling sa kanya, nilahad ng kanyang ama ang mga braso nito nanghihingi ng yakap kay Reece. Agad naman syang tumakbo at mahigpit na niyakap ang ama.

 

”Ang pinakamamahal kong anak, ang yong yakap ay walang kasing init.” Masayang bati ng kanyang ama.”

 

”Ama! May sasabihin ako!”

 

”Reece, anak.” Putol ng kanyang ina. “Mag-uusap muna kami ng iyong ama doon ka muna sa laas at kausapin an gating panauhin.” Marahang sai ng kanyang ina.

 

Tumango si Reece at kumalas sa pagkakayakap, mukhang seryo nga talaga ang pinag-uusapang ng kanyang mga magulang. Lumabas si Reece sa kusina at nakitang ganon parin ang ayos ng batang lalaki. Nilapitan nya ito at umupo sa tabi nito, hindi mahiyaing bata si Reece kaya wala syang problema sa pakikipag-usap lalo na kong kapwa bata ito kagaya nya.

 

”Anong pangalan mo?” hindi sumagot ang lalaki.

 

“”Isa rin bang sundalo ang iyong ama? Alam mo gusto ko talagang maging sundalo!” hindi parin sumagot ang kausap at nanatiling nakatanaw sa malayo na para bang wala si Reece sa tabi nito.

 

Tumabingi ang ngiti ni Reece dahil sa kawalan ng reaksyon ng lalaki pero nagpatuloy parin sya sa pagsasalita.

 

”Masarap magluto ang aking ina gumagabi na kaya siguradong dito kana kakain, ano kayang ulam ngayon?”

 

Hindi parin ito sumagot. Tuluyan ng nainis si Reece tumayo sya sa harap ng batang lalaki at hinarangan ang tinatanaw nito, mukhang laging malayo ang tanaw nito gayong ang pader lang naman ng bahay nila ang nakikita ni Reece. Hindi parin natinag ang batang lalaki ni hindi nga gumalaw ang pilik mata nito, kumunot ang nuo ni Reece, ano ba talaga ang nakikita nito? Tanong nya sa sarili. Yumuko si Reece at nilapit ang mukha sa batang lalaki gusto nyang makita ang mga mata nito at masiguro kong nakikita ba sya nito. Kumaway sya sa mukha nito pero walang reaksyon ang kaharap.

 

Masnilapit pa ni Reece ang kanyang mukha at bahagyang pinalaki ang mata upang mas matitigan ang mata ng kaharap. Wah, blangko ang mga mata nito at mukhang hindi nga siya nakikita, bulag ba ito? Pero wala din itong reaksyon nung nagsasalita sya kanina baka bingi din ito. Masnilapit pa ni Reece ang mukha sa kaharap, nadarama na nya ang mainit na hininga nito sa kanyang pisngi. Hmm, mabuti at buhay naman ito. Biglang kumurap ang batang lalaki, napatalon si Reece sa gulat at napaatras pero dahil sa mabilisang pag-atras ay tumama ang binti nya sa maliit na lamesa dahilan ng kanyang pagbagsak.

 

”Aw, aw aray.” Halos mamilipit si Reece sa sakit.

 

Dinungaw sya ng batang lalaki at ahagyang kumunot ang nuo nito ng makita si Reece sa sahig, tila a nagtataka ito kong ano ang ginagaa nya doon. Ng maawasan ang sakit na nadarama ay tumayo si Reece at muling hinarap ang batang lalaki, mukhang kailangan nya pang masaktan makuha lang ang atensyon nito.

 

”kanina pa ako nagsasalita rito pero mukhang ngayon mo lang ako nakita.” Nakangiting sabi nya.

 

Kumurap uli ang kaharap at muling inaling ang mata sa pader na para bang nawalan na agad ito ng interes sa kanya. Namula si Reece sa inis, kanina nya pa ito sinusubukang kausapin ngunit parang hangin lang sya sa harap nito. Napaismid si Reece, kong ayaw nitong magsalita edi wag! Padabog syang umupo sa malayong upuan, bahala itong tumitig sa pader!

 

Makalipas ang ilang sandali ay lumabas ang kanyang mga magulang sa kusina, magiliw na ngumiti ang ina ni Reece at nilapitan ang batang lalaki umupo ang kanyang ina sa harap nito upang magpantay sila.

 

“Gunter, anak simula ngayon dito kana titira. Ako si Selina pwede mo akong tawaging ina.” Nakangiting sabi ng kanyang ina. Napatayo si Reece sa gulat.

 

“Ina! Dito na sya titira? Bakit?” binalingan nya ang kanyang ama. “Ama may iba kayong anak!”

 

Umiling si Liam at nilapitan si Reece. “Anak mag-usap muna tayo, magpapaliwanag ako.”

 

“”Ama pano nyo nagawa sakin ito! May iba kayong anak!” nangilid ang luha ni Reece, may ibang anak ang kanyang ama! Hindi na sya ang nag-iisang anak ng magiting na heneral.

 

Napasinghap si Liam dahil sa paratang ng anak, yumuko sya at kinarga si Reece, lumaas sila ng bahay at dinala nito ang anak na ngayon ay mukhang gusto ng awayin ang ama. Ibinaba ni Liam si Reece sa balkonahe.

 

“Reece anak makinig kang mabuti, si Gunter ay nailigtas ko sa isang misyon napaslang ang kanyang mga magulang at matindi ang kanyang pinagdaanan. Kukupkupin natin sya at dito na titira sa atin kaya maging mabait ka sa kanya.”

 

Natutup ni Reece ang kanyang bibig, wala syang kamalay malay sa sinapit ng batang lalaki sa halip na damayan ay nainis pa sya dito! Kaya pala ganon nalang ang reaksyon nito kanina dahil sa hirap na dinanas!

 

“Ama lubha akong nalulungkot, pangako magiging mabait ako at hahabaan ang pisi ng aking pasensya.”

 

“Mabuti naman, gusto kong magkasundo kayo.” Ngumiti ang kanyang ama. “Pumasok na tayo at nagugutom na ako.”

 

Masiglang nagkwentuhan ang mga magulang ni Reece sa hapagkainan masigla silang naghapunan kahit na tanging ang inang si Selina lang ang maraming sinasabi tungkol sa kong ano-ano na sinasabayan naman ng kanyang ama. Tahimik na kumakain si Reece pero maya maya’t nyang sinisilip ang batang lalaki na tahimik din kumakain, minsan ay tinatangon ito ng kanyang ina tungkol sa pagkain na sinasagot lang ng tango ng batang lalaki.

 

Matapos kumain ay naatasang maghugas ng plato si Reece habang ang kanyang ina ay inaayos ang isang silid na matagal ng hindi nagagamit upang maging silid ni Gunter at ang kanyang ama naman ay nasa maliit nilang silid aklatan at si Gunter ay nakaupo sa sala, sigurado si Reece na nakatitig na naman ito sa pader nila.

 

Binilisan ni Reece ang paghuhugas at dali daling pinuntahan ang kanyang ama. Kanina ay hindi sya nagkaruon ng oras para sabihin dito ang plano nyang pagsusundalo. Hindi pa man nakakarating sa maliit nilang silid aklatan ay tinawag na sya ng kanyang ina at inutusang kumuha ng bagong kumot, nilingon ni Reece ang pinto ng silid aklatan, mamaya na lang nya kakausapin ang ama.

 

Napabalikwas ng bangon si Reece, mukhang may nakalimutan sya! Naging abala sila ng kanyang ina kahapon sa pag-aayos ng silid ni Gunter at nakalimutan nyang kausapin ang kanyang ama! dali-daling bumangon si Reece at hinanap ang ama ngunit wala na ito, nilibot nya ang buong bahay mula sa loob hanggang labas pero hindi nya parin ito nakita. Ilang beses na nyang nadaan si Gunter sa sala na nakatitig parin sa pader at nagtataka narin ang kanyang ina na nagwawalis sa bakuran kong ano ang ginagawa nya.

”Ina nasaan si ama?” hindi na makatiis si Reece at tinanong ang ina.

 

“Nakaalis na ang iyong ama, tinwag sya sa palasyo.”

 

“kalian po sya babalik?” hindi mapakaling tanong nya.

 

"Hindi ko tiyak anak, ngunit siguradong aabutin ng ilang araw."

 

Nanlulumong pumasok si Reece sa kanilang bahay, pabagsak syang umupo sa tabi ni Gunter na mukhang walang balak taposin ang pakikipag titigan sa pader.

 

"Gunter anong gagawin ko gustong gusto ko maging sundalo pero ngayon na ang huling araw para magpalista."

 

Hindi sumagot si Gunter pero kumurap ang blangko nyang mga mata at bahagyang sinilip ang katabi, hindi ito napansin ni Reece.

   

PAGKLIPAS NG ISANG TAON

 

Inabot ni Reece ang isang sanga at tinulak ang sarili nya paakyat sa puno, pagkatapos ay umupo sya sa isang masmalaking sanga. Mula sa kinauupuan ay tanaw nya ang malawak na kapatagan na puno ng mga sari-saring halaman mula sa magagandang bulalaklak sa kanan hanggang sa masusustansyang gulay sa kaliwa at ang mga taga nayon na masayang nagkwekwentuhan habang nagpapahinga sa ilalim ng mga puno. Sa likod ng malawak na kapatagan ay ang malayo at matayog na kabundukan kong saan sumisilip ang liwanag ng papalubog na araw.

 

"Gunter alam mo na ang gagawin bukas, maaga tayong aalis at magpapalista upang maging sundalo." Tiningala ni Reece si Gunter na nakaupo sa masmataas na sanga.

 

Dumungaw ito sa kanya at tumango. Tinanaw muli ni Reece ang papalubog na araw. Isang taon na ang nakalipas ngunit wala pa ring planong magsalita si Gunter na kumpirma naman ni Reece sa kanyang ama na hindi ito pipi sadyang ayaw lang talaga nitong magsalita. Kumpara nuong una silang nagkita ay malaki na rin ang pinagbago ni Gunter at hindi na ito palaging nakatititg sa pader, hindi nagtagal ay namalayan nalang ni Reece na nagkakaintindihan na sila ni Gunter kahit sya lang ang nagsasalita at kagaya ngayon ay nakakagawa narin sila ng plano.

 

"Pangarap ko talagang maging sundalo, ang pangalagaan ang kaharian at mga mamamayan. Gusto kong panatilihin ang simple at tahimik na pamumuhay ng lahat."

 

Tumayo si Reece upang magpantay sila ni Gunter. Gumalaw ang mga sanga, hinawakan noli Gunter ang braso ni Reece upang panatilihin ang balanse nito.

 

"Alam bo ba yung mga kwento ni ama tungkol sa dyosa ng liwanag! Sya ang nagpapanatili sa ganda ng bawat kaharian pinapayabong nya ang mga puno at pinapabukadkad ang mga bulaklak. Sya ang nagpuprotekta sa lahat!"

 

Umupo si Reece sa tabi ni Gunter, umisog naman ang huli upang magkasya sila sabay nilang tinanaw ang kawalan. Ngayon ay halos natatabunan na ng bundok ang araw at nagkukulay pula na ang langit.

 

"Kagaya ng dyosa ng liwanag kailangan din nating protektahan ang lahat." Bulong ni Reece.

 

Tumalon si Gunter pababa sa sanga kong saan galing si Reece, tumitig ito sa kanya at pinilig ang ulo hudyat na kailangan na nilang umuwi. Nakangiting tumango si Reece, sabay silang bumaba sa puno at naglakad pauwi. Kailangan nilang maghanda para bukas lalo na at hindi nya sinabihan ang mga magulang sa plano nilang pagsusundalo dahil siguradong hindi papayag ang kanyang ina at ang kanyang ama naman ay ilang linggo ng nasa misyon.

 

Kinabukasan ay maaga silang tumulak papunta sa tanggapan kong saan nagpapalista ang mga gustong magsundalo.

 

"Gusto mong maging sundalo?" Tanong ng isang sundalo na syang naglilista. Mapanuri ang tingin nito.

 

Halos mapaismid si Reece ganito rin ang natanggap nya nung isang taon.

 

"Pangalan?" Tanong ng isang sundalo na nasa kabilang mesa.

 

Hindi sumagot ang kaharap nito.

 

"Pangalan?" Ulit ng sundalo.

 

Napasinghap si Reece, iniwan nya ang sundalong mapanuri parin ang tingin sa kanya at nihapitan si Gunter. Hinarap nya ang sundalong nagtatanong dito.

 

"Gunter ang pangalan nya. Gunter mula sa bayan ng Silab." Sagot ni Reece.

 

Kumunot ang nuo ng sundalo pero sinulat parin ang sinabi nya, nilingon ni Reece ang kabilang mesa ang kaninang nanunuring sundalo sa kanya ay may bago ng kausap at mukhang nakalimutan na sya. Napabuntong hininga si Reece uunahin nya muna si Gunter.

 

"Edad at sino ang iyong mga magulang?"

 

Hindi sumagot si Gunter, inasahan na ito ni Reece kaya sya ang sumagot.

 

"Sya ay labing-isang taong gulang at nakatira sa bahay nina Selina at Adam."

 

Maslalong kumunot ang nuo ng sundalo.

 

"Sandali nga bakit ikaw ang sumasagot? Hindi ikaw ang aking tinatanong at anong ginagawa mo dito?"

 

"Ako ang sumasagot dahil hindi sya nagsasalita." Sagot ni Reece.

 

"Ano hindi sya nagsasalita! kong gayon ay hindi sya pwedeng magsundalo kong sya ay may sakit."

 

"Ano!? Walang sakit si Gunter ayaw nya lang magsalita!"

 

"Ineng sinabi ko na, kong hindi sya nagsasalita ay hindi sya pwedeng magsundalo."

 

"Anong hindi! Kami ay may karapatan ring maging sundalo!" Nagsisimula ng mainis si Reece bakas ito sa namumula nyang pisngi.

 

"Kami? Wag mong sabihing magsusundalo karin ngunit isa kang babae." Halos marinig na ni Reece ang panunuya sa tinig nito.

 

Buong lakas na sinalampak ni Reece ang dalawang palad sa mesa, lumikha ito ng malakas na tunog na syang nagpalingon sa ibang mga naruruon sa kanila. Mariing tinukod ni Reece ang dalawang kamay at nilapit ang mukha sa sundalo.

 

"Ako si Reece mula sa bayan ng Silab, anak ni Selina at Heneral Adam ay magiging sundalo kasama si Gunter!!" Buong lakas nyang sigaw.

 

Napasinghap ang sundalong kaharap gayon din ang ibang bata at mga sundalong na naruruon. Hinihingal na tumuwid ng tayo si Reece sawang sawa na syang marinig na hindi sya pwedeng maging sundalo dahil sya ay isang babae at ngayon ay madadamay pa si Gunter dahil lang sa ayaw nitong magsalita.

 

"Mukhang kailangan mo silang tanggapin Ben."

 

Napalingon sila sa nagsalita. Nagliwanaga ang mukha ni Reece.

 

"Ama!"

 

"H-heneral Adam." Dali daling tumayo ang sundalong nagtatanong kay Reece at sumaludo ganon din ang ginawa ng ibang sundalo sa paligid.

 

"Ang isang sundalo ay handang ipaglaban kong ano ang sa tingin nitoy tama at ganon ang ginawa ng batang ito." Lumapit si Heneral Adam kay Reece at tinapik ang kanyang balikat.

 

"At ang batang ito," bumaling ang heneral kay Gunter. "Kahit na hindi sya nagsasalita ay hindi sya umalis sa kanyang kinatatayuan, buo ang kanyang loob at handa itong panindigan. Ben, hindi ba ito sapat upang sila ay tanggapin?"

 

"S-sapat na po Heneral, a-ayusin ko ang pagre-rehistro."

 

"Ama!" Masayang tawag ni Reece hindi nya akalaing dadating ang kanyang ama at higit sa lahat ay tinulugan sila nito ni Gunter.

 

"Reece, kong ikaw ang magiging sundalo dapat mo akong kilalanin bilang heneral at hindi bilang iyong ama." Seryosong sabi nito.

 

"Opo Ama!"

 

Nilingon ni Heneral Adam si Gunter, tumango si Gunter bilang pagbati.

    A\N: hi! I challenge myself to update every Thursday and Monday so yeah! I try my best!

JoyShell Creator