Christmas special.

 

"Psst."

 

"Hmm?"

 

"Psst."

 

Bahagyang napabangon si Reece at tinanaw si Yulan na nakahiga sa katapat na kama.

 

"Gabi na bakit?" Mahinang bulong nya.

 

"Alam mo ba yong pasko?"

 

"Pasko?"

 

"Oo, nabasa ko sa libro ito yung araw ng pagsilang ng anak ng Diyos kaya nagbibigayan ang mga tao ng regalo bilang pagdiriwang." Masayang sabi ni Yulan na parang batang tuwang tuwa.

 

"Talaga mukhang masaya."

 

Sumilip si Reece sa ibaba para gisingin si Gunter at sabihin ang pinagusapan nila ni Yulan ngunit gising na ito at nakikinig lang sa kanilang pinag-uusapan. Sumenyas si Reece kay Yulan na baba sila, tumango ito. Bumaba si Reece at umupo sa tabi ng nakaupo ng si Gunter at ginising ang mahimbing na si Cogs sa katapat na kama, bumaba din si Yulan at ginising ang iba pa nilang kasama hindi nagtagal ay nagkumpulan na sila sa kama nina Gunter at Cogs.

 

"Anong meroon?" Humihikab na tanong ni Alba.

 

"Alam nyo ba ang tungkol sa pasko?" Tanong ni Yulan.

 

Umiling ang mga kasama nila samantalang itinaas naman ni Mikaela ng kaunti ang kanyang kamay.

 

"Nabasa ko sa isang libro." sabi nito.

 

"Maaasahan ka talaga Mikaela, ikaw ng magpaliwanag sa lahat." Masayang sabi ni Yulan.

 

"Hindi ko alam ang buong detalye pero ang pasko ay ang kapanganakan ni Kristo sya ang anak ng tunay na Diyos, sinasabing ito ang pinakamasayang ara ng taon nagkakaisa ang pamilya, may kantahan, kainan, sayawan at nagbibigayan ng regalo ang mga tao marami ring mga ila na iba't iba ang kulay at may nakasabit na parol sa bawat tahanan ginagawa nila ito bilang pagdiriwang." Paliwanag ni Mikaela.

 

Nagliwanag ang mukha nila ng marinig ang sinabi ni Mikaela at parang napuno ng galak ang kanilang puso. Nakikita na nila ang ilaw at parol sa kahit saan at parang naririnig narin nila ang musika na bumabalot sa buong lugar.

 

"Wahh, mukhang masaya yan!" Masayang sabi ni Servo habang nakatingin sa kawalan mukhang nalalasahan narin nito ang mga nakahandang pagkain.

 

"Syempre! kaya naisip ko bakit hindi tayo magbigayan ng mga regalo kagaya ng ginagawa nila tuwing pasko." Parang batang sabik na sabi ni Yulan.

 

"Ayos yan payag ako." Si Cogs na sinang-ayunan naman nila.

 

"Mukhang masaya yan maari bang sumali kami?"

 

Sabay silang napalingon kong saan nagmumula ang malumanay ng boses at nakita nila ng nakangiting si Yugo.

 

"Pasensya na narinig ko ang inyong usapan sanay ayos lang na sumali kami, dinala ko rin si Ranggo." Nakangiti paring sabi nito sabay hila sa nakasimangot na si Ranggo.

 

"Tss, ba't kailangan kong sumali!" Busangot na sabi nito.

 

"Aya rin naming sumali ka." Sagot ni Servo na agad namang sinaway ni Rick.

 

"Walang problema mas marami masmasaya, hindi ba Mikaela, Reece?" Si Yulan na mukhang walang makakasari sa kasiyahan nya.

 

"Ayos lang." Sang-ayon ni Reece.

 

"Magandang pagkakataon ito para magkabati ang lahat." Ngumiti si Mikaela na sinuklian din ng matamis na ngiti ni Yugo.

 

Bahagya silang napatulala ng makita ang nakakasila na ngiti ng dalawa at parang nakakita sila ng liwanag. Pati si Ranggo na nakakunot ang mukha ay walang nagawa kundi ang bumuntong hininga nalang.

 

"Kong ganon bakit hindi tayo magpalabunutan upang malaman kong sino ang ating bibigyan ng regalo." Sabi ni Yulan ng makabai.

 

"Tama, ngunit hindi natin maaring sabihin kong sino ang ating nabunot hanngat sa dumating ang tamang oras para magpalitan ng regalo." Sabi ni Mikaela.

 

"Ngunit ano ang ating ireregalo?" Tanong ni Alba.

 

"Ayos na ang kahit ano na meron tayo ngayon." Si Yulan.

 

"Tama, ihahanda ko ang gagamitin sa palabunutan at sa susunod na gabi tayo magpapalitan ng regalo upang may panahon ang lahat na pag-isipan kong ano ang gusto nilang ibigay." Si Mikaela.

 

Masaya silang sumang-ayon. Hinanda ni Mikaela ang kailangan sa palabunutan at ilang sandali pa ay nagpalubunutan na sila. Ng matapos ay masaya ang bawat isa na bumalik sa kanilang higaan, nakangiting nilingon ni Reece si Gunter tumitig ito sa kanya at sumenyas na bumalik na sya sa kanyang higaan. Masayang umakyat si Reece at nahiga hawak-hawak nya ang papel na may nalasulat na pangalan.

 

Kinabukasan ay nagpatuloy ang kanilang pagsasanay at nagsimula narin silang mag-isip kong ano ang ibibigay sa nabunot nila. Nag-isip ng mabuti si Reece kong ano ang ibibigay nya, pwede naman ang kahit ano na pag-ssri nila ngunit wala syang masyadong dinala sa kampo may kaonti syang damit ngunit siguradong hindi ito magugustuhan ng nabunot nya at baka isipin pa nito na pang-babae ang iniregalo nya. Tinanong rin ni Reece si Gunter kong ano ang ireregalo nito ngunit nagkibit lang ito ng balikat.

 

Sa sumunod na araw ay ramdam ni Reece ang saya ng iba pa nyang kasama mukhang hindi na makapaghintay ang mga ito na sumapit ang gabi, nakapagdesisyon narin si Reece kong ano ang ibiigay nya. Sigurado syang magugustuhan ito ng bibigyan nya at siguro ay gaganda na ang pakikitungo nila sa isa't isa, positibo si Reece sa napiling regalo naguha sya sa batis ng malapad na dahon upang gawing pambalot. Ng sumapit ang gabi ay hinintay muna nilang tumahimik ang buong kampo at ng masigurong wala ng sundalo sa paligid ay nagkumpulan sila sa pinakalikod na bahagi ng silid sa kama nina Gunter at Cogs.

 

"Handa na ba ang lahat?" Masayang tanong ni Yulan.

 

"Oo, pinag-isipan ko talaga ang ireregalo ko haha!" Pagmamalaki ni Cogs, tumango naman sila bilang pagsang-ayon.

 

"Sige ikaw na ang mauna Cogs. Sabihin mo kong bakit yan ang napili mong regalo at kong sino ang bibigyan mo nito." Sabi ni Mikaela upang simulan na ang palitan ng regalo.

 

"lang problema."

"Pero mamaya na natin ito bubuksan kapag nakatanggap na ang lahat." Dagdag ni Yulan, tumango sila bilang pagsang-ayon.

 

"Napili ko itong regalo kasi alam kong magagamit nya ito at isa rin ito sa mga paburito ko kaya maswerte talaga sya! Ang nabunot ko ay si Servo!" Sabi ni Cogs at ibinigay kay servo ang isang supot.

 

"Salamat Cogs." Masayang tinanggap ni Servo ang supot. "Ako naman ang susunod, ang regalo ka ay sobrang importante sa atin kaya talagang importante ito! Ang nabunot ko ay si Cogs! haha." Tumatawang sabi ni Servo at inabot din kay Cogs ang isang supot.

 

"Ha, ako pala ang nabunot mo kaya pala ayaw mong sabihin sakin kong ano ang ireregalo mo!"

 

"Ikaw nga eh, ako din pala ang nabunot mo gago sakin kapa nanghingi ng supot!"

 

"Hahaha." nagtawanan sila sa palitan ng dalawa.

 

"A-ako nalang ang susunod." sabi ni Beni ng matapos ang tahimik nilang tawanan.

 

Kailangan pa rin nilang hinaan ang boses dahil baka magising ang ibang natutulog sa silid o ang masmalala ay marinig sila ng mga sundalo.

 

"Hindi ko alam kong ano ang ireregalo ko pero ng maghanap ako sa mga gamit ko ay nakita ko ito. Sa kapatid ko ito at hindi ko alam kong bakit napunta sa gamit ko kaya ibibigay ko nalang haha." Natatawang sabi ni Beni. "Ang nabunot ko ay si Alba." Ibinigay nito kay alba ang isang maliit na bagay na nakabalot sa dahon ng saging.

 

"Naku Beni sa kapatid mo ako magpapasalamat at hindi sayo!" Biro ni Alba.

 

"Haha, walang problema."

 

"Sige ako naman, Bigay ito ni ina noong kaarawan ko pero taon-taon ganito lagi ang binibigay nya nakakasawa na kaya ibibigay ko nalang din ito, ang nabunot ko ay si Yulan!" Inabot ni Alba ang regalong inirolyo sa dahon din ng saging.

 

Masaya itong tinanggap ni Yulan at piniga piga. "Salamat! ako naman ngayon. Malapit sakin ang bagay nato minsan na itong nawala pero nahanap ko ulit kaya ibibigay ko ito ngayon sa naunot ko! ang nabunot ko ay si Rick!" Inabot nito kay Rick ang regalo na nasa supot din.

 

"Salamat Yulan, mahalaga ito sayo kaya iingatan ko."

 

"Naku! wala yon luma nayan kong nasa palasyo tayo ay mas makakahanap pa ako ng bago."

 

"Nakakahiya naman sayo Yulan, wag kang mag-alala luma din ang regalo namin!haha." Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Alba.

 

"Sige ako naman, kapag nangangaso kami ay marami kaming nakukuhang ganito maganda ito kaya dinala ko dito. Mabuti nalang at dinala ko kaya may pangregalo ako ngayon, ibibigay ko ito kay Mikaela." Sabi ni Rick at inabot kay Mikaela ang regalo.

 

"Salamat Rick, may mga nabasa din ako tungkol sa pangangaso."

 

"Ahh, pasensya na hindi yan karne." Napakamot si Rick sa batok, dahil siguro sa hindi pa nakakakain ng karne si Mikaela kahit kailan.

 

"Walang problema, ako naman ngayon. Mahilig akong magbasa at ginagamit ko rin ito sanay ay magustohan mo at magamit mo rin. Reece." sabi ni Mikaela sabay abot ng regalo nito.

 

"Samalat Mikaela sigurado akong magagamit ko ito." Masayang tinanggap ni Reece ang regalo, dinama nya ito at medyo matigas.

 

"Mabuiti naman kong ganon."

 

"Pinag-isipan ko talaga itong mabuti, ito ang ireregalo ko kasi maganda ito sa katawan at subok ko na kaya epektibo talaga! Ang nabunot ko ay si Ranggo." Inabot ni Reece kay Ranggo ang regalo.

 

Bahagyang natahimik ang lahat at pinagmasdan ang reaksyon ni Ranggo, noong nakaraan lang ay nagkainitan sila ni Ranggo at Reece. Pero wala na ito sa isip ni Reece at masmahalaga sa kanya na gamitin ito ni Ranggo dahil isa ito sa paburito nya.

 

"Ahh, ahm salamat." Medyo hindi mapakaling sabi ni Ranggo siguro naramdaman nya ang titig ng iba.

 

"Siguradong epektibo yan!" Puno ng kompyansang sabi ni Reece.

 

"Sige ako naman ngayon. Nakuha ko ito sa isang sirang bahay na nadaanan namin ng mga kapatid ko noon, ewan ko kong magugustuhan nya ito pero ibibigay ko parin. Ibibigay ko ito kay Kobi." Sabi ni Ranggo.

 

Tumango si Kobi at tinanggap ito. "Gagamitin ko ito."

 

"Bahala ka."

 

"Ang regalo ko ay galing din sa mga kapatid ko, mainam ito kapag may mga bagay na gusto mong itago. Ibibigay ko it kay Yugo." Sabi ni Kobi.

 

Masayang tinanggap ni Yugo ang regalo at mukha na naman syang nagliliwanag habang nakangiti.

 

"Masaya ako Kobi."

 

"Ahh, masmasaya ako." Wala sa loob na sagot ni Kobi.

 

"Ang regalo ko ay matagal ko nang itinatago napulot ko lang ito dati pero sa tingin ko nagdadala ito ng swerte kay gusto ko itong ibigay sanay ay makapagbigay din ito ang swerte sayo. Masaya ko itong ibibigay kay Gunter." Nilahad ni Yugo ang regalo kay Gunter.

 

Tinanggap ito ni Gunter at tumango.

 

"Sana ako nalang ang nabunot ni Yugo kailangan ko ng swerte." Pabulong na sabi ni Servo, binatukan naman sya ng katabing si Cogs na syang nakabunot sa pangalan nito.

 

"Ah si Gunter na, pero pano nya sasabihin kong ano ang regalo nya at kong sino ang nabunot nya?" Tanong ni Alba.

 

"Reece?" Bumaling si Yulan kay Reece.

 

"Hindi ko rin alam kong ano ang regalo nya ayaw nyang sabihin sakin." Sagot ni Reece.

 

"Satingin ko ako nalang ang hindi pa nakakatanggap ng regalo kaya siguro ako ang nabunot nya?" Sabi ni Beni habang nakataas ang isang kamay.

 

Lumapit si Gunter kay Beni at iniabot ang regalo na agad naman nitong tinanggap.

 

"Salamat Gunter, masaya ako dahil ako ang nabunot mo."

 

"Dahil may natanggap na na regalo ang lahat oras na para buksan ito ng sabay-sabay! sa bilang ko ng tatlo!" masinglang sabi ni Yulan.

 

"1...2...3!" Sabay-sabay nilang binuksan ang regalong natanggap.

 

Napangiti si Reece ng makita ang kulay abong maliit na kwaderno, luma na ito at halatang matagal ng itinago. Siguradong magagamit nya ito sa pagsusulat.

 

"Hoy Servo ano to?" Sabi ni Cogs. "Bakit kanan na medyas lang ito asan yung kaliwa!"

 

"Gago ka Cogs bakit kaliwa lang ito asan yng kanan!" Balik tanong naman ni Servo.

 

"Sinabi ko na diba isa sa mga paburito ko kaya isa lang."

 

"Loko ka."

 

"Ikaw naman servo labhan mo muna bago mo ibigay ang baho!"

 

"Sayo nayan ngayon kaya ikaw na maglaba!"

 

"Beni salamat dito sa pangyong ibinigay mo." Sabi ni Alba at hindi pinansin ang sagutan nina Cogs at Servo.

 

"Mabuti naman at nagustuhan mo." Sagot ni Beni.

 

"Oo kaso lang may kasabihan na kapag nakatanggap ka ng panyo ibig sabihin lagi kang iiyak, gusto mo ba akong paiyakin Beni?"

 

"Naku! Alba hindi ko alam!"

 

"Uyy Alba ang ganda nitong damit na ibinigay mo!" Masayang sabi ni Yulan.

 

Nilingon ni Alba si Yulan. "Talaga? nagsawa na ako dyan."

 

"Oo, ngayon lang ako nakatanggap ng ganito ka murang damit. Ganito pala ka gaspang kapag mura."

 

"Loko ka Yulan!"

 

"Hahaha, biro lang!"

 

"Yulan masyadong mamahalin ang suklay na ibinigay mo." Sabi ni Rick, lumapit nag iba nilang mga kasama para tignan ang suklay na natanggap ni Rick.

 

"Huh, sinabi kona luma nayan."

 

"Diba sabi mo nawala ito at muling bumalik sayo."

 

"Oo, una ko itong ibinigay sa isang matandang tagapangalaga ngunit namatay na sya kaya kinuha ko ulit."

 

"Yulan! galing ito sa patay!" Hindi makapaniwalang sabi ni Cogs samantalang tuid na lang nakatayo si Rick at hindi alam kong anong gagawin sa hawak na suklay.

 

"Hahaha, sinabi kona matagal na yon."

 

"Sige Yulan itatago ko nalang ito."

 

"Rick, masaya ako sa malilit na puting balahibi ng ibon na ibinigay mo, isasabit ko ito sa panulat ko." Masayang sabi ni Mikaela.

 

"Mabuti naman at nagustuhan mo!" Mukhang bumalik sa dating sigla si Rick ng marinig ang sinabi ni Mikaela.

 

"Mikaela! masaya din ako sa regalo mong kwaderno gagamitin ko ito ng maayos!" masayang sabi ni Reece.

 

Nagliwanag ang mukha ni Mikaela sa narinig at parang nagliwanag din ang paligid.

 

"Mabuti naman."

 

"Hoy Reece ano to! ginagago mo ba ako!" Galit na sabi ni Ranggo. natahimik ang lahat at sabay na napalingon sa kanya.

 

"Huh?" Takang tanong ni Reece.

 

"Bakit mo ako binigyan ng bato! Naghahamon kaba!" Inis na ipinakita ni Ranggo ang isang makinis na bato.

 

"Hindi lang yan basta bato! panghilod yan at talagang epektibo nakakagaan ng pakiramdan, nasubukan ko na yan habang naliligo at talagang masarap sa pakiramdam!" Paliwanag ni Reece.

 

Napatulala ang lahat sa sinabi nya, unang nakabawi si Yulan.

 

"Ano! ginamit mo sa buo mong katawan! akin nayan Ranggo palit tayo!" siagw ni Yulan.

 

"Yulan alam kong pangti nyang damit ko ngunit wag mo namang ipagpalit." Reklamo naan ni Alba.

 

"Bakit Alba ayaw mo rin bang ipagpalit yang panyo mo sa bato ni Reece?"

 

"H-huh, gusto!"

 

"Ano Ranggo palit tayo!" Pamimilit ni Yulan.

 

Nag-iwas ng tingin si Ranggo at itinago ang bato. "G-gagamitin ko to."

 

"Gago!"

 

Kunot nuong nagkibit balikat si Reece, hindi maintindihan ang pinag-uusapan nila.

 

"Ranggo, gagamitin ko rin itong kapiraso ng salamin na bigay mo." Nakangiting sabi ni Kobi.

 

"Bahala ka." hindi parin makatingin na sagot ni Ranggo.

 

"Kobi gagamitin ko rin itong kahon na ibinigay mo, mahilig akong magulekta ng kahit ano kay salamat talaga."

 

Napakamot sa batok si Kobi dahil sa sinabi ni Yugo.

 

"Wala yun."

 

Nilapitan ni Yugo si Gunter.

 

"Gunter masaya kaba sa natanggap mo?" Tanong nito.

 

Tinitigan lang ni Gunter ng ilang sandali ang barya na hawak at tumango.

 

"Mabuti naman!"

 

"Ah Gunter bakit isa lang itong gwantes naibinigay mo? Pero wala namang problema sakin kong isa lang haha." Sabi ni Beni

 

Napalingon si Reece sa narinig.

 

"Naku Beni kasalanan ko yata."

 

"Bakit Reece?"

 

"Naiwala ko kasi yong pares nyan dati pasensya na."

 

"Naku sinabi kona na ayos lang."

 

Masaya silang ipinakita ang bawat regalong natanggap at nagkwentuhan, marami pa silang haharapin sa mga susunod na taon ngunit dahil sa paskong ito ay sigurado silang makakanila ang bawat hamon dahil nakatagpo sila ng mga kasama. Ang pising nagbubuklod sa kanila ay lalong tumibay at titibay pa sa pagdaan ng mga taon.

 

SA KAHARIAN NG DAMORS

 

"Mahal na prinsepe ngayon ay araw ng pasko, ano ang gusto mong regalo?" Masayang sabi ni Vald habang nakasunod sa prinsepe.

 

"Walang pasko sa kaharian Vald."

 

"Alam ko pero gusto kitang bigyan ng regalo prinsepe Rimuru."

 

"Anong maaari mong ibigay sakin gayong nasa akin na ang lahat."

 

"Ahh, tama pasensya na." Napayuko si Vald.

 

"Tss, ano ka babae? hindi ko kailangan ng drama."

 

"Pasensya na."

 

Huminto sa paglalakad si prinsepe Rimuru at hinarap si Vald.

 

"Tanda." Sabi nito. agad namang lumapit ang matandang tagapangalaga at inilahad kay Vald ang isang Tela.

 

"Ano ito mahal na prinsepe?" tanogn ni Vald.

 

"Tignan mo."

 

Kinuha ni Vald ang tela at bimuklat ito. Nakappinta dito ang isang magandang larawan ng isang mansyon sa gitna ng kabundukan.

 

"Napakagandang larawan."

 

"Yang ang bahay ko sa silangang kabundukan, bigay ito ng amang hari ngunit ayaw ko sa itsura."

 

"Ngunit napakaganda nito at kong bigay ito ng mahal na hari ay dapat itong ingatan."

 

"Tss, ayaw ko sa itsura nito kaya sayo na."

 

"Mahal na prinsepe!" hindi makapaniwalang sabi ni Vald.

 

Tumalikod ang prinsepe at naglakad ulit, hindi na nito pakikinggan ang kahit anong sabihin ni Vald.

 

"Maligayang pasko mahal na prinsepe, iingatan ko ito." Masayang sumunod ulit si Vald sa prinsepe.

      A/N: Merry Christmas and advance Happy New Year!! so ito na ang last update ko for 2020, babalik ako sa Jan 11  next year. I will take my holidays! and holiday is anime and manga and novel days haha. ejoy din kayo and stay safe. See you next year!
JoyShell Creator