5: Ang prinsepe ng Damors

 

Mahigpit parin ang hawak ni Gunter sa braso ni Reece habang hinihila sya nito pabalik sa kampo, kanina matapos nyang maipaliwanag ang lahat ng nangyari sa mga kasama ay basta nalang sya hinila ni Gunter paalis. Ayaw iwan ni Reece ang iba pang kasama lalo na at hindi pa tapos ang kanilang pag-iigib pero mukhang wala nang balak si Gunter na pabalikin sya sa batis.

 

"Ayos lang Reece kami na ang bahala dito, tapos na ring maligo ang mga kadete at kaonti nalang ang pupunuing balde." Sabi ni Yulan habang hila-hila sya ni Gunter.

 

"Hindi ko alam kong bakit ka nagagalit, tama lang ang ginawa ko kanina at ipinagtanggol ko lang ang mga kasama natin." Paaliwanag nya.

 

Hindi man lang sya nilingon ni Gunter at mukhang wala itong balak na dinggin ang kanyang paliwanag, hindi nalang ulit nagsalita si Reece dahil alam nyang hindi rin ito sasagot! mahirap makipagtalo sa isang taong hindi nagsasalita!

 

Nakarating sila sa kampo at dumiretso sa paliguan, wala na ngang ni isang kadete doon at tahimik na ang buong lugar. Hinila sya ni Gunter papunta sa harap ng isang malaking balde na puno ng tubig, sinimulan ni Reece ang pagligo habang nakabantay naman sa labas ng paliguan si Gunter.

 

"Tapos na ako ikaw naman." sabi ni Reece pagalabas nya.

 

Mariin syang tinitigan ni Gunter.

 

"Oo na hindi ako aalis dito."

 

Nang marinig ang sagot nya ay pumasok na ito sa paliguan.

 

Kinabukasan ay ganon parin ang kanilang pagsasanay, pagtakbo, pagbubuhat, paggapang sa lupa at iba pa upang maslumakas ang kanilang pangangatwan. Nagsisimula narin silang masanay sa buhay sa kampo at nagagawa naring kainin ni Reece ang mga ayw nyang gulay at maging si Yulan ay hindi narin naghahanap ng karne pero malamang dahil iyon kay Mikaela na kahit kailan ay hindi pa nakakatikim ng karne.

Minsan ay nagkasalubong sila at ang grupo ni Ranggo, akala ni Reece ay maysasabihin na naman ito pero nanatili itong tahimik siguro dahil narin nasa gabi nito si Yugo na matamis ang ngiti sa kanila.

 

"Mga kasama may gusto sana akong sabihin." Sabi ni Mikaela habang kumukuha sila ng maliit na balde sa paliguan, oras na kasi para mag-igib.

 

"Ano yun?" tanong ni Cogs.

 

"Ma-may naisip lang ako para mapadali ang pag-iigib natin at hindi tayo mapagalitan kagaya kahapon."

 

"Hmm, may naisip ka bang plano?" Si Yulan naman ngayon.

 

Tumango si Mikaela, lumapit naman sila Reece at iba pa upang makinig.

 

"Pinag-sipan ko itong mabuti kahapon, sa kabuoan may 30 na malalaking balde at 10 tayo sa grupo ibig sabihin ang bawat isa satin ay kailangang pumuno ng 3 malalaking balde. 8 maliliit na balde ang kailangan upang punuin ang 1 malaking balde ibig sabihin 4 na beses tayong magpapabalik-balik upang makapuno ng 1 at 12 beses upang makapuno ng 3. Sa tantya ko ay 2 minuto ang kailangan upang makarating sa batis at 3 minuto naman ang pabalik, dahil sa may dala na tayong tubig pabalik ay medyo babagal ang kilos natin. Sa kabuoan 60 na minuto o 1 oras ang kailangan natin upang mapuno ang tatlong malalaking balde, 4 beses nating uulitin ito" Paliwanag ni Mikaela.

 

Napasinghap sina Alba at Srevo sa narinig.

 

"Grabe isang oras ang kailang upang makapuno ng tatlong balde!" si Alba.

 

"Sa sinabi palang ni Mikaela ay parang napagod na ako." Napailing is Servo. Kahapon ay isa si Servo sa mga lubhang napagod sa paghahakot at kinailangang magpahinga.

 

"Mukhang ganon nga Mikaela, yan ay kong tuloy-tuloy ang pag-iigib natin at hindi tayo titigil o magpapahinga." Sabi ni Yulan. "Maaring mas humaba pa ang oras na kailangan natin.

 

"Tama si Yulan at isa pa kailangan din nating isama sa bilang ang mga sundalo at kadeteng maliligo, hindi sila maghihintay ng mahigit isang oras para maligo." Sabi ni Reece habang inaalala ang naiinip na tingn ng mga sundalo.

 

Mukhang naalala din ng mga kasama nya ang parehong itsura kaya napuno ng pag-aalala ang mukha nila.

 

"Tama, napag-isipan ko narin ang mga iyan at isa pa ako si Servo at ilan pa saatin ay hindi kayang magpabalik-balik sa batis ng 12 beses, nakakahiya mang sabihin ngunit hindi kami ganon ka lakas." si Mikaela.

 

Tumango ang iba dahil sa sinabi nya, hindi pantay ang lakas ng bawat isa sakanila, sa grupo nila ay sina Gunter, Rick, Yulan at Kobi lang ang masasabing malakas ang iba sa kanila ay katamtaman lang.

 

"Kaya ito ang naisip ko, ang unang maliliko ay ang mga sundalo at hindi naman nila nauubos ang isang malaking balde. Imbes na punuin ang malaking balde maaring lagyan natin ito hanggat kalahati ibig sabihin imbes na 12 beses tayong magpabalik-balik ay 6 na beses nalang, ang mahalaga ay may sapat na tubig panligo ang mga sundalo. 30 minuto ang pagitan ng pagligo ng mga sundalo at kadete kaya sapat na ito upang masidlan ulit natin hanggang kalahati ang mga balde. Habang naliligo ang mga kadete ay maari tayong magpahinga pagkatapos nila ay mag-iigib ulit tayo at maliligo, pang-apat na igib natin ay saka palang natin pupunuin ang mga balde ngunit kagaya ng sinabi ko sa mga oras na ito ay hindi lahat kaya pang magpabalik-balik ng 12 beses."

 

"Ibig sabihin may dalawa tayong pagpipilian, maaaring dagdagan ng iba ang kanilang pag-iigib o hahabaan natin ang oaras sa pagpapahinga upang makabawi ng laksa." Sabi ni Reece.

 

"Tama, pero kong hahabaan natin ang oras sa pagpapahinga maaaring maabutan tayo ng pagsasara ng tarangkahan ng kampo. Ang matulog sa labas ang dapat nating iwasan."

 

"Ayo kong matulog sa labas!" sabi ni Alba.

 

"Walang problema maari naming dagdagan an pag-iigib, diba Gunter, Rick." Sabi ni Yulan sabay baling sa dalawa.

 

"Tama, ako na ang bahala sa kulang ni Servo." sagot ni Rick.

 

"Ako narin sa kulang ni Beni." Sabi naman ni Kobi.

 

"Ako sinong sasagot sakin?!" Tanong ni Alba sabay taas ng kamay. "Cogs?"

 

"Wag mo akong tignan Alba hindi ko kayang dagdagan ang akin, Sapat lang ang lakas ko para sa tatlong balde."

 

"Ako nalang sayo Alba." Sabi ni Reece.

 

"Huh? hindi ba si Gunter ang sasagot sayo Reece?" Takoang tanong ni Alba.

 

"Hindi! kaya kong punuin ang tatlong balde tapos tutulungan kita."

 

Hinawakan ni Gunter ang braso ni Reece.

 

"Ano?" pagalit na tanong ni Reece.

 

"Sa tingin ko masmabuting si Gunter nalang ang bahala kay Alba, sapat na na mapuno mo ang tatlong balde Reece." Sabi ni Yulan ng makitang mukhang magtatalo ang dalawa, hindi ngalang nya alam kong paano sila magtatalo kong hindi naman nagsasalita si Gunter.

 

"Tss, mukhang wala na akong magagawa." Sagot ni Reece at binawai ang braso nya na hawak ni Gunter.

 

"Kong ganon ayos na ang lahat, Mikaela ako ng bahala sayo."

 

"Salamat Yulan, masaya ako na nakatulong ang plano ko pero hindi rin naman ito magtatagal. Araw-araw tayong nagsasanay kaya siguradong lalakas ang ating pangangatawan sisikapin namin na makahabol." Sagot ni Mikaela na sinang-ayunan nilang lahat.

 

"Ano pang hinihintay natin magsimula na tayo!" sigaw ni Cogs at nagsimula na itong maglakad, sumunod naman agad si Alba kaya nagsimula na rin sila.

 

"Yulan, Reece may gusto pa sana akong sabihin." Sabi ni Mikaela habang papalabas sila sa kampo.

 

"Ano yun?"

 

"Na-isip ko lang na kapag maganda ang kinalabasan ng plano natin ay maari nating sabihan sina Yugo at ang iba pang grupo."

 

"Tama ka Mikaela ang bait mo talaga!" Hindi mapigilang sabi ni Reece, bukod sa matalino ay likas na mabait si Mikaela.

 

"Sigurado kaba Mikaela, masasakit na salit ang binitiwan ni Ranggo tungkol sayo at nauwi pa sa gulo ang lahat." Sabi ni Yulan.

 

"Tama ka Yulan, hindi ko rin alam kong bakit mainit ang ulo ni Ranggo saamin pero kapag tinulungan natin sya baka hindi na nya tayo guluhin pa."

 

"Wag kang mag-alala Mikaela kong manggugulo pa rin ang Ranggo na yun ay susuntukin ko sya ulit!" Puno ng kompyansang sabi ni Reece habang pinapakita ang kamao.

 

"Hahaha, iba ka talaga Reece!" Tumatawang sabi ni Yulan sabay akbay sa kanya.

 

"Tumigil ka Yulan kong ayaw mong ika ang una kong masuntok!" sisikuhin na sana ni Reece si Yulan pero agad itong bumita at umatras habang nakataas ang dalawang kamay.

 

"Suko na ako haha!" Habang umaatras si Yulan ay may nabangga syang kong sino sa likod. "Ouh Gunter! andito ka pala haha magsalita kanaman para kang anino sa dilim hahaha!" Tumawang sabi ni Yulan habang naglalakad palayo.

 

"Mukhang hindi kana hahayaang maiwan ni Gunter, Reece." Nakangiting sabi ni Mikaela.

 

"Sinabi mo pa, nagpapasalamat nga ako minsan dahil hindi yan nagsasalita alam mo ba mas mahigpit payan kesa kay ina!" napailing nalang si Reece.

 

"Nakakatuwa, subrang lapit nyo sa isat-isa."

 

Nagkibit balikat si Reece. "Hindi ko alam, hanggan ngayon nakatanaw parin sa malayo si Gunter."

 

Napa-isip si Mikaela sa sinabi ni Reece at pinagmasdan nya si Gunter. Blangko ang mga mata nito na para bang hindi nito hinahayaang mabasa ng kahit sino ang laman ng isip nito, nakasunod lang ito kay Reece at walang pakialam sa paligid. Ngunit pano sila nagkakaintindihan ni Reece? natural ba na naiintindihan sya ni Reece o hinahayaan ni Gunter si Reece na maintindihan sya? Gaano ka layo ba ang tinatana ni Gunter na kahit si Reece ay hindi ito naaabot. Napangiti si Mikaela, mukhang marami syang nakilalang hindi ordinaryong tao.

 

SA PALASYO NG DAMORS

 

"Mahal na prinsepe dumating na po ang inyong guro."

 

"Tanda ilang beses ko nang sinabi na wag mo akong gambalain sa saking pagligo."

 

Umahon ang prinsepe mula sa kanyang malawak na paliguan, hindi alintana ang hubad nitong katawan at puno ng kompyansang naglakad agad namang lumapit ang isang tagapaglingkod at ipinatong sa balikad ng prinsepe ang tuwalya.

 

"Patawad mahal na prinsepe ngunit oras na ng iyong pagsasanay." Yumuko ang matandang taga paglingkod.

 

"Ang aking damit?"

 

"Handa na po."

 

Malakas na binuksan ng prinsepe ang dalaawng malaking pinto ay pumasok sa silid agad namang sumunod ang matandang tagapaglingkod. Nakatayo ang kanyang bagong guro at ang isang batang lalaki na kasing edad lang ng prinsepe.

 

"Mahal na prinsepe." sabay na bati ng dalawa.

 

Hindi man lang tinapunan ng tingin ng prinsepe ang guro sa halit at hinrap nito ang batang lalaki.

 

"Vald, narinig kong umalis sa palasyo ang inutil mong kapatid upang magsundalo."

 

Yumuko si Vald bago sumagot.

 

"Ikinahihiya ko ang ginawa ng aking kapatid mahal na prinsepe, hindi ko lubos maunawaan ang takbo ng kanyang isip." Napapikit si Vald ng maalala ang padalos dalos na disisyon ni Yulan na iwan ang palasyo at magsanay sa kampo, ngayon ay siya ang nahaharap sa kahihiyan.

 

"Hmm, mabuti at hindi ka sumama."

 

Napahakbang si Vald ng marinig ang sinabi ng prinsepe. "H-hindi po ako aalis sa palasyo."

 

"Talaga? paano kong paalisin kita." Tumaas ang sulok ng labi ng prinsepe, naaliw sya sa hindi mapakaling itsura ng kaharap.

 

"Kong ganon ay aalis po ako kung iyon ang nais mo."

 

Napawi ang kakarampot na ngiti ng prinsepe ng marinig ang sagot ni Vald, nawalan na nang interes sa kausap.

 

"Hindi ko alam kong sino sa inyong magkapatid ang talagang inutil."

 

"Patawad po."

 

Tumalikod ang prinsepe at hinarap ang guro. Agad naman itong yumuko at bumati.

 

"Magandang umaga mahal na prinsepe."

 

"Tanda," tawag ng prinsepe sa tagapaglingkod na agad namang lumapit. "Kong masmagaling pa ako sa taong ito ay palitan mo agad."

 

"M-mahal na prinsepe magaling ako at kaya ko kayong turuan. Kong iyong mararapatin ay maari tayong pumunta sa silid sanayan at ipapakita ko sa inyo." Hindi magkanda-ugaga na sabi ng guro, ito ang unang ara nya sa trabaho ngunit mukhang gusto na syang palayasin ng prinsepe!

 

"Hmm, mabuti gusto na kitang pakainin ng alikabok ng nawala kana sa paningin ko." Tumalikod ang prinsepe at naglakad palabas.

 

Agad sumunod ang tagapaglingkod at si Vald. Nilunok nalang ng guro ang mamumuong inis sa prinsepe at sumunod narin.

 

"Ha ha ha ha ta-tama na." Hinihinagal na sabi ng guro ng sa ikalimang pagkakataon ay napaupo sya sa lupa.

 

Gaya ng napag-usapan ay nagharap sila ng prinsepe gamit ang mga kahoy na espada ngunit ni isa ay hindi magawang tamaan ng guro ang prinsepe. Masyado itong mabilis na kahit sa murang edad ay nagagawa na nitong higitan ang mga nakatatanda, narinig na ng guro ang husay ng prinsepe sa pag-aaral ngunit hindi nya alam na hanggang sa pakikipaglaban ay nalagpasan na nito ang husay ng isang ganap na sundalo. Masasabing isang henyo ang prinsepe.

 

"Walang kwenta." Hinai ng prinsepe ang hanggang balikat na buhok at itinapon sa paanan ng guro ang kahoy na espada. "Wag kanang magpapakita ulit sakin."

 

"O-Opo!" Yumuko ang guro at dali-daling umalis.

 

"Tanda sa susunod na may gustong makipaglaban saakin ay gagamit tayo ng tunay na espada."

 

"Ngunit mahal na prinsepe masyado itong mapanganib."

 

"Wala akong pakialam, at sa susunod siguraduhin mong magaling ang dadalhin mo dito."

 

"Opo mahal na prinsepe."

 

Naglakad na paalis ang prinsepe at agad namang sumunod si Vald.

 

"Vald gusto mo bang palitan si tanda?" tanong ng prinsepe habang naglalakad sila sa pasilyo.

 

"H-hindi po."

 

"Kong ganon bakit ka sunod ng sunod, wala akong maalalang bumili ako ng aso."

 

"Patawad po, gusto ko lang manatili sa inyong tabi."

 

"Kong gusto mong manaliti sa aking tabi siguraduhin mong karapatdapat ka, at hindi sapat na maging panganay na anak ka lang ng duke Vald."

 

"Naiintindihan ko po."

 

Ilang minuto silang nagpatuloy sa paglalakad, binabaybay ang malaking pasilyo na tila walang katapusan. Akala ni Vald ay magpapatuloy pa sila ng biglang huminto ang prinsepe.

 

"Hahahahaha." Tumawa ito.

 

"Mahal na prinsepe?"

 

"Hahahaha, hindi ka ba natatawa Vald?" Tanong ng prinsepe na mukhang aliw na aliw.

 

"Hindi po, may nakakatawa ba?" Tanong ni Vald, nilibot nya ang paningin ngunit silang dalawa lang ang nasa pasilyo.

 

"Hindi ba't subrang nakakatawa!"

 

"Ang alin po?"

 

Napai ang ngiti ng prinsepe.

 

"Nakakatawang isipin na ako lang ang kailangan ng kahariang ito." Sabi nito at tuluyan ng nawalan ng interes.

 

Nagpatuloy sa paglalakad ang prinsepe ganon din si Vald.

  A/N: Oh my! sabi ko sa Thursday ako mag-u-update pero friday na ngayon! pabaya si author huhu. Bawi ako sa Monday I will update a christmas special! hehe. Enjoy!
JoyShell Creator