3: Mga bagong kasama
Napasinghap si Reece, ano ang ginagawa ng anak ng Duke!Malaki ang ngiti nito habang hawak parin ang kanyang mga kamay.
"Aking binibini, oh angkapalaran ay sadyang mapaglaro kong kailan ko ginawang bato ang aking puso para maging sundalo ay saka ka dumating!" Malungkot nitong sabi.
Mabilis na binawi ni Reece ang kanyang kamay."Hindi ko alam ang sinasabi mo."
"Binibini kong ito ang iyong kahilingan ay handa kong isuko ang pagsusundalo makasama ka lang!"
Tuluyan ng nainis si Reece sa kaharap, mukhang puno ng hangin ang utak nito. Sasagot na sana sya ng may lumapit na sundalo.
"Yulan, tama ba? nakarating na ang sulat mula sa palasyo simula sa araw na ito ay isa kana sa mga magsasanay upang maging sundalo at gaya ng sabi mo kanina ay ituturing ka namin na hindi iba. Ngunit gusto ko lang siguraduhin kong sigurado kana sa iyong desisyon ginoong may dugong bughaw?" tanong ng sundalo.
"Sinabi ko na na buo ang aking loob ngunit kong kagustuhan ng aking binibini masaya akong aatras." Diretso nitong sagot at hinawakan ulit ang kamay ni Reece.
Hindi na nakatiis si Reece at malakas na binawi ang kanyang kamay.
"Pwede ba! hindi ko alam ang sinasabi mo at isa pa ay magiging sundalo ako kaya bakit kita pipigilan kong pareho ang ating hanggarin!" naiinis nyang sagot.
Ngayon naman ay si Yulan ang napasinghap. "Magiging sundalo ka? bakit?"
Takang tanong nito, bakit ito magtataka hindi ba halata na kaya sya nasa kampo at kaya sya nakahanay ay dahil gusto nyang magsundalo.Ano bang tumatakbo sa utak ni Yulan.
"Yulan, sumama kana sa hanay at walang magsasalita hanggat hindi dumadating ang kapitan!" Sabi ng sundalo at iginala ang paningin sa bulong hanay na nagsisimula ng magbulong bulungan.
Natahimik ang lahat at nagkibit balikat si Yulan, at dahil ang hanay ay naaayon sa tangkad ay medyo napalayo si Yulan kay Reece, mabuti naman, ito rin ang dahilan kaya malayo si Gunter sa kanya.
Ilang sandali pa ay lumapit ang isang sundalo, kulay asul ang uniporme nito ia sa ordinaryong kulay kayumangging uniporme ng ibang sundalo, siguradong ito na ang kapitan na syang mamamahala sa kanilang pagsasanay.
"Magandang umaga.Ako si Kapitan Liano at ako ang magsasanay sa pangkat na ito! Sa susunod na mga taon ay huhubugin ko kayo, pahihirapan, didiplisinahin at tuturuang makipaglaban upang maging karapat dapat na sundalo na syang magtatanggol sa kaharian!"
Nagsimulang maglakad si Kapitan Liano sa pagitan nila, huminto ito sa isang lalaki hindi kalayuan sa kinatatayuan ni Reece.
"Pangalan!"
"Alba po kapitan." Sagot nito.
"Hindi kita marinig!"
"Alba po kapitan!" Masmalakas na sagot nito.
Naglakad ulit ito at huminto sa harap ni Gunter.
"Pangalan?"
Hindi sumagot si Gunter. Napapikit si Reece ng marinig ang katahimikan, kahit hindi sya lumingon ay alam si Gunter ang kausap ng kapitan. Patay!
"PANGALAN!" sumigaw ang kapitan at maslumapit kay Gunter, ipinapadama ang malayong agwat ng kanilang taas pero wala paring sagot.
Matalim na tinitigan ni kapitan Liano ang atang kaharap, sa buong buhay nyang pagsusundalo ay ngayon lang sya nakatagpo ng isang kadete na hindi sumasagot!Higit sa lahat ay hindi man lang ito kumurap at mukhang walang epekto ang ginawang pananakot.
"Huling tawag, ano ang iyong pangalan!"
"Gunter po ang pangalan nya kapitan!" Mula sa harap ay malakas na sigaw ni Reece.
Nilingon ng kapitan ang pinagmulan ng boses at malalaki ang hakang nalumapit dito.
"IKAW BA ANG AKING TINANONG?!"
"H-hindi po kapitan." Halos mapaatras si Reece sa lakas ng boses ng kapitan.
"kong ganon ibig saibihin ay hindi ko kailangan ang iyong sagot! PANGALAN!"
"Reece po kapitan!"
Kumunot ang noo ni kapitan Liano na parang may napagtanto.
"Babae ka?"
"Opo kapitan!" ilang ulit nang narinig ni Reece ang tanong na ito at higit kailan man ay ngayon nya gustong tumindig ng tuwid ibalang isang babae.
"Sigurado kabang magtatagal ka sa kampo?!"
"Opo kapitan!"
"Sigurado ka bang kaya mo?!"
"Opo kapitan!"
"SIGURADO KA BANG HINDI KA UUWING UMIIYAK?!"
"Kahit umiyak ako ng dugo ay hindi ako uuwi kapitan!" Bahagyang natahimik si kapitan Liano.
"Paano kong sapilitan kitang pauwiin ngayon?"
"Magpapalista ulit ako sa susunod na taon!" buo ang loob na sagot ni Reece.
Napatango si Kapitan Liano, tama nga ang balitang taglay ng anak ni Heneral Adam ang lakas ng loob higit kanino man sa mga kadeteng nakahanay, at mukhang ang nagngangalang Gunter ang misteryosong batang inampon ng heneral.
"Isang daang pushup para sa hindi sumagot at limangpung pushup sa sumagot ngunit hindi tinanong!" Deklara ng kapitan.
Agad dumapa sa lupa sina Reece at Gunter at ginawa ang utos ni kapitan Liano. Nagpatuloy sa paglilibot si Kapitan Liano at nagtanong sa iba pang kadete.
Ang umaga nila ay nagtapos matapos ang dalawangpung ulit na pagtakob palibot sa malawak na kapatagan, mataas na ang sikat ng araw tumatagaktak na rin ang kanilang mga pawis. Kanina matapos ang paglilibot ni kapita Liano sa mga kadete ay ipinamahagi ang kanilang uniporme sa pagsasanay.
Habang sila ay tumatakbo ay natatana nila ang isaang kadete na nagsasanay ng arnis at iba pang paraan ng paghawak ng sandata, mukhang aabutin pa ng ilang buwan bago sila makahawak ng sandata dahil purong pagtakbo lang ang ginagawa nila.
"Isa at kalahating oras para sa pagkain, pagkatapos ay bumalik ang lahat dito!" deklara ni kapitan Liano.
"Opo Kapitan!"
Dali-dali silang pumunta sa pook kainan ngunit mahaba na ang pila at mukhang punuan narin sa loob. Matapos ang ilang minutong pagpila ay nakakuha narin sila ni Gunter ng pagkain, kagaya parin kahapon ang laman ng kanilang pinngan, nilibot ni Reece ang paningin upang maghanap ng pwesto nahagip ng kanyang paningin ang lalaking kumakaway, ito yong nagtanong sa kanila ni Gunter kahapon.
"Dito!" Masiglang tawag nito at tinapik ang bakateng upuan. Katabi nito ang iba pa nilang kasama.
Lumapit si Reece at sumunod naman si Gunter, mga kasamahan nila ito kaya tama lang na kakisalamuha sa mga ito.
"Ako nga pala si Cogs," pakilala nito at sunod na pinakilala ang mga kasama. "Ito si Mikaela, Rick, Servo at Alba." Mukhang sa maikling panahon ay nakahanap na ito ng mga kaibigan.
"Ako si Reece, at sya si Gunter." Pagpapakilala din nya.
Masayang tumango ang mga kaharap.
"Alam namin! napaka-astig mo Reece hindi ko yata kayang makipagsagutan ng ganuon sa kapitan!" manghang sabi ni Servo. Mukha itong nakatanggap ng bagong regalo.
"Sapalagay ko mas-astig si Gunter hindi talaga sya natakot sa kapitan at talagang hindi nagsalita!" si Rick.
"Ah, hindi naman talaga nagsasalita si Gunter."
"Talaga?" sabay na tanong ng mga kaharap.
"Pipi ba sya?" tanong ni Cogs.
"Sa tingin koy hindi pero kahit kailan ay hindi ko pa sya narinig na magsalita kahit nakatira kami sa iisang tahanan." sagot ni Reece.
"Ah kapatid mo sya?"
Umiling si Reece. "Hindi, inampon sya ng aking ama."
Tumango ang mga kaharap, maikliing katahimikan ang ubmalot sa kanila bago ito binasag ni Cogs.
"Reece gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa ngangyari kahapon." Nahihiyang sabi ni Cogs. "Alam mo may tatlo akong nakatatandang kapatid na babae sa sobrang nakakatakot nila ay palagay ko bagay din silang magsundalo!"
Nagtawanan sila sa sinabi ni Cogs maliban syempre kay Gunter na patuloy lang kumakain, totoo ngang minsan ay mas nakakatakot pa ang ibang babae.
"Wala na iyon." ngumiti si Reece, masayang kasama ang grupo ni Cogs at mukhang magkakasundo sila.
"Pero lataga bang hindi nagsasalita si Gunter? Kong hindi sya pipi bakit kahit ikaw ay hindi pa sya naririnig na magsalita?" Si Alba.
"Oo nga siguradong hindi kayo magkakaintindihan kong hindi sya magsasalita." tumango tango pa si Selvo.
"Huh? pero nagkakaintindihan kami sa katunayan ay sabay naming pinagplanuhan ang pagiging sundalo."
"Pano yun kong hindi sya nagsasalita?" Kuryosong tanong ni Cogs, tumango ngaman si Mikaela.
Teka bago sya nila tanungin ay sigurado ba sila na nagsasalita din itong si Mikaela, kanina pa ito tahimik at bahagya lang na tumatango.
"Hindi ko alam basta namalayan ko nalang na nagkakaintindihan kami."
"Pano yun nababasa mo ang isip nya?"
"Hindi, pero parang ganon narin. Sa palagay ko nababasa ko ang ekspresyon ng mukha nya at kong ano ang ibig sabihin ng mga kilos nya."
"Wow! Talaga!" Sabay pa sila Rick at Servo.
"Sige nga kong tutuo ang sinasabi mo amo ang sinasabi ngayon ni Gunter?" Hamon ni Cogs.
Binalingan ni Reece si Gunter na patuloy lang sa pagkain. Pinagmasdan nya ito bago nag-aalinlangang binalik ang tingin sa mga kasama.
"Ah, haha... ano kase." Nag-aalinlangan nyang sabi.
"Ano?" Mukhang inaabangan talaga nila ang sagot nya.
"Satingin ko gusto nyang sabihin ko na wala syang pakialam." Tabinging ngumiti si Reece.
Bumaling ang lima kay Gunter at mukhang sinusubukan ding basahin ang kanyang ekspresyon. Nagpatuloy sa pagkain si Gunter at bahagyang nilingon si Reece.
"Ah! sabi nya na kong hindi ko raw sisimulan ang pagkain ay mahuhuli na ako."
Nagpabalik-balik ang tingin ng lima sa kanilang dalawa bago sila bahagyang tumawa.
"Mukhang tama ka nga Reece." Si Rick.
"Oi oi! Anong nangyayari dito?" Lumapit sa kanila si Yulan at pilit ipinagsiksikan ang sarili sa gitna nila Reece at Gunter, umusog sila para bigyan ito ng espasyo.
"Yulan!" mas-umingay ang grupo dahil sa bagong dating.
"Ngayon lang ako nakakita ng isang dugong bughaw sa personal!" Si Alba habang mabilis naman ang pagtango ni Mikaela.
"Huwag mag-alala, ang aking malaporselanang mukha ay maaari nyong titigan." Bumaling ito kay Reece. "Aking binibini!"
"Reece ang pangalan ko."
"Aking Reece!"
"Reece lang."
Nagkibit balikat si Yulan. "Aking Reece, kamangha-mangha ang kagustuhan mong maging sundalo ngunit lagi mog isipin na nandito lang ako upang protektahan ka." puno ng kompyansang sabi nito.
Napabuntong hininga si Reece at sumubo nalang ng kanin. Ganon din ang ginawa ni Yulan ngunit agad din itong huminto.
"Ah, mukhang kailangan ko ng masmaraming lakas ng loob upang kainin ang pagkain dito."
"Bakit Yulan hindi kaa kumakain ng gulay?" tanong ni Servo.
"Kumakain naman ngunit ang tanghalian ay hindi buo ng walang karne."
"K-karne!" halos sabay nilang sabi maging si Reece ay napaasinghap din.
"Huh? bakit hindi bakayo kumakain ng karne?" Takang tanong ni Yulan.
"Kumakain syempre ngunit kapag may okasyon lang o di kaya kapag masagana ang ani at hindi sa isang ordinaryong tanghaliaan." sagot ni Alba.
"Oo at isa pa marami kami sa pamilya kaya kong may karne man ay kaunti lang ang napuputa sa akin." si Cogs.
"Mangangaaso ang aking ama kaya minsan ay may dala syang karne ngunit kalimitan ay ibenibenta ito maskailangan namin ng pera kesa karne." si Rick.
Tumango naman si Servo. "Magkapitahay kami ni Rick kaya nakikikain ako pag may karne sila."
"Pag-umuuwi si ama galig sa misyon ay may dala syang karne pero minsan lang sya umuwi." si Reece naman ngayon.
"Hmm, may mga ganon pala. Sa palasyo araw-araw may karne at iba't ibang uri pa."
Napasinghap silang lahat. Ngayon lang nila lubusang napagtanto ang layo ng agwat ng mga dugong bughaw sa kanila, ang kapalaran ay sadyang malupit!
"Mapalad kayo, hindi pa ako nakakatikim ng karne." Sabi ni Mikaela na ngayon lang nagsalita.
Sabay nilang hindi makapaniwalang nilingon si Mikaela, hindi nga sila kasing palad ni Yulan ngunit kahit paano ay nakakain naman sila ng karne! hindi nila akalaing ang tahimik at medyo mahinhing si Mikaela ay hindi pa ito natitikman. Napansin siguro ni Mikaela ang mga tingin nila kaya agad itong ngumiti.
"Pero huwag kayong mag-alala nabasa ko na sa libro kong ano ang karne at kong saan ito galing may mga nabasa din ako kong pano ito lutuin kaya parang alam ko narin kong ano ang lasa nito." Masigla nitong sabi.
"M-mikaela!" Mahigpit syang niyakap nina Alba at Servo na nakaupo sa tabi nya.
"Hindi na ako magrereklamo kong kaunti lang ang parte ko sa aming karne." Nakatulalang sabi ni Cogs na sinang-ayunan naman ng tulala ring si Rick.
"Pinagsisisihan ko na minsan kong nasunog ang karne ng sinubukan kong magluto." Sabi ni Reece at ginagap ang kamay ni Mikaela na para bang dito sya humihingi ng tawad.
"Anong prolema?" nagtatakang tanong ni Mikaela, mukhang hindi nito naintindihan ang pagbabago sa kilos ng mga kaharap.
Tumayo si Yulan at hinawakan ang magkabilang balikat ni Mikaela. Kumalas naman sina Alba at Servo sa yakap.
"Ako si Yulan anak ng Duke ay nangangakong pakakainin ka ng karne!"
Kumurap si Mikaela at ng maintindihan ang ibig sabihin ni Yulan ay nagliwanag ang inosente nitong mukha.
"Talaga!"
"Oh munting Mikaela."
Natapos ang kanilang pagkain, sa huli ay pinilit ni Yulan na kumain alang-alang sa kapakanan ni Mikaela.Kinain din ni Reece ang okra ng walang reklamo.
Sa hapon si ipiagpatuloy nila ang pagsasanay, nagbubuhat sila ng mga bato, gumagapang sa lupa at iba pang mga gawain upang mapalakas ang kanilang katawan. Lumubog ang araw na pagod na pagod sila ngunit mukhang may iba pang ipapagawa si Kapitan Liano.
"Makinig ang lahat! Ang kampo ay may apat na paliguan, lumikha ng apat na grupo. Pupunuin nyo ang bawat balde sa mga paliguan, mag-iigi kayo mula sa batis sa labas ng kampo hihintayin nyong matapos maligo ang ibang mga kadete pagkatapos ay muli nyo itong pupunuin pagkatapos ay pede na kayong maligo at pagkatapos nyong maligo ay pupunuin nyo ito muli saka palang kayo puwedeng matulog.Bukas susuriin ko ang mga balde at mananagot sakin kong sinong grupo ang hindi makapuno!"
"Opo Kapitan!"
"Kailangan tapos na kayo pagsapit ng alas-nuebe kong ayaw nyong maseraduhan at matulog sa labas ng kampo!"
"Opo Kapitan!"
Agad silang bumuo ng apat na grupo na may tig sampumg meyemro. Ka-grupo ni Reece at Gunter sina Alba, Cogs, Rick, Servo, Mikaela, Yulan at dalawa pang kasama. Mabuti nalang at kilala na nila malian sa dalawa ang isa't isa kaya madali na ang gagawin. Bawat isa sa kanila ay may dalang dalawang tima, nakita narin nila ang mga baldeng pupunuin at hindi biro ang laki ng mga ito at umaobot sa mahigit kumulang tatlongpu ang bilang nito. Hindi pa nila matiyak ang layo ng batis sa kampo kaya hindi pa nila alam kong ilang oras ang aabutin bago nila mapuno ang lahat ng balde idagdag pa ang oras na gugugulin ng ibang kadete sa pagligo at higit sa lahat pagod na ang mga katawan nila kaya siguradong magiging mabagal ang mga kalaw nila. Ang mahabang gabi ay mukhang magsisimula pa lamang.
A/N: enjoy! See you on Monday!