11: Ang pagsusulit

 

Agad silang nagsimula at pumasok sa kabundukan. Nagkatinginan sila ni Gabo ng makita ang mabilis na paglalakad ni Ranggo na para bang ayaw sila makasama, Hindi ito maaari bi ni Reece sa kanyang sarili. Agad nyang binilisan ang paglalakad upang mahabol si Ranggo.

 

"Ranggo sandali, Hindi maaaring iwan mo kami magka-grupo tayo." Sabi ni Reece.

 

"Edi maglakad kayo ng mabilis ng masabayan nyo ako." Sagot nito at maslalo pang binilisan ang paglalakad.

 

Napailing si Reece.

 

"Hindi kaya tayo magkaproblema dahil sa asal ni Ranggo?" tanong ni Gabo sa kanyang likod.

 

"Siguradong magkakaproblema tayo, tayong tatlo lang ang magkakasama at kong magpapatuloy ito sa loob ng dalawang linggo ay siguradong wala tayong mararating." Sagot ni Reece.

 

Hinawi nya ang malaking dahon ng gabi, pumapasok na sila sa masmalalim na parte ng kabundukan at nagiging matarik narin ang daan. Huni ng iba't ibang uri ng ibon ang kanilang naririnig at ang malalaking ugat ng mga matatayog na puno ay nakalatag sa kong saan-saan. Sa malayo ay naririnig pa nila ng paguusap ng ibang grupo ngunit agad din itong nawala.

 

Nakarating sila sa isang makipot na daan pababa, nakakamanghang pagmasdan na ang mga ugat ng puno ay nagsilbing hagdanan ng makiput na daan ngunit kanailangan parin nilang tumagilid upang makababa. Sa dulo ng makipot na daan ay bumungad sa kanila ang kapatagan, nilibot ni Reece ang paningin, para silang nasaloob ng isang malaking mangkok. Pinapalibutan sila ng matataas na dahilig na pader na lupa at sa tutuktuk nito ay ang matatayog na puno, sa kanilang harapan ang ay kapatagan na tanging matataas na damo lang ang makikita.

 

"Ranggo!" Tawag ni Gabo. Inulit pa ito ni Gabo bago may sumagot.

 

"Dito!" Sagot ni Raggo.

 

Sinundan nila ang boses nito, hinawi nila ang matataas na damo at bumungad sa kanilang paningin ang mga matatanggkad na mais hindi agad makikita ang mga mais dahil nahahaluan ito ng mga damo at kong hindi mo lalapitan ay hindi mo makikita ang mga mais.

 

"Oh ayan may hapunan na tayo." Lumabas si Ranggo mula sa mga tanim na mais at may bitbit na dalawang mais sa bawat kamay.

 

"Ang galing Ranggo!" Masayang sabi ni Reece.

 

"Tsk, wala tayong dalang sisidlan kaya kaunti lang ang madadala natin." Sabi nito.

 

"Naiintindihan namin." Sagol nila at kumuha narin sila ng apat na mais bawat isa.

 

Pagkatapos ay nagpatuloy sila sa paglalakad papunta sa dulo ng kapatagan, isinilid muna nila sa kanilang mga damit ang nakuhang mais. Nakakita ulit sila ng isang makiput na daan palabas ngunit hindi gaya ng una nilang nadaanan ay wala ng mga ugat na nagsisilbing hagdan kaya medyo nahirapan sila sa pag-akyat. Matapos ang dalawang oras na paglalakad ay unti-unti ng lumubog ang araw nagsinula naring umingay ang mga kuliglig.

 

"Sa tingin ko ay kailangan na nating maghanap ng matutulugan, mapanganib ang maglakad sa gabi." Sabi ni Reece na sinang-ayunan naman ni Gabo. "Ranggo?" tanong nya ng hindi ito sumagot.

 

"Oo na, alam ko." Sagot nito at tumalikod. "Maghanap kayo ng magandang lugar, kukuha ako ng mga maliliit na sanga para sa apoy."

 

Bumaling si Reece kay Gabo. "Ikaw na ang maghanap ng matutulugan natin sasamahan ko si Ranggo."

 

Agad syang sumunod kay Ranggo, kong mananatiling galit sa kanya si Ranggo ay mahihirapan sila sa pasulit na ito, dalawang linggong pa silang magsasama. Mahalaga ang pagtutulungan upang makapasa sa pasulit na ito kaya kailangan ay kailangan ay magkabati na sila kahit hindi alam ni Reece kong bakit sila magkaaway.

 

"Ranggo, tutulong ako." Sabi ni Reece at yumuko rin sya upang kumuha ng mga sanga.

 

"Mukha bang kailangan ko ng tulong mo?" Naiinis nitong sabi.

 

"Gusto kong ayusin ang kong ano mang ikinagagalit mo sakin, nagkasama tayo, magkakampi at hindi natin maipapasa ang pasulit na ito kong hindi tayo magtutulungan. Kong tungkol ito sa pagsuntok ko sayo nuong mga bata pa tayo ay humihingi ako ng paumanhin." Sabi ni Reece. Ngunit imbes na magkabati ay maslalo lang nagalit si Ranggo.

 

"Pwede ba manahimik ka." galit nitong sabi at tumalikod.

 

Nainis na si Reece dahil sa asal ni Ranggo, binitawan nya ang mga sangang nakuha at malakas nyang hinila hinila si Ranggo dahil sa biglaang paghila ni Reece ay nabitawan din nito ang dalang mga sanga.

 

"Hinahamon kita Ranggo! kapag nanalo ako ay tatanggapin mo ang pakikipagbati ko!"

 

"Tumigil ka." Mariin nitong sabi.

 

Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Reece at tumama sa Mukha ni Ranggo, napabaling ito sa kabila ngunit hindi natinag ang pagkakatayo ni Ranggo.

 

"Huh, mukhang ako parin ang nakauna ng suntok gaya ng dati." Nakangising sabi ni Reece.

 

"Gago ka talaga!" binigyan din sya nito ng suntok ngunit inaasaha na ito ni Reece kaya nailagan nya.

 

Umatras si Reece ng dalawang hakbang at naghanda para sa susunod na atake. Hinarap din sya ni Ranggo at pumwesto din ito. Sumipa si Reece ngunit nasalag ito ng braso ni Ranggo, ito naman ang sumipa, umiwas ulit si Reece ngunit nahagip parin nito ang tagiliran nya, ininda nya ang sakit at umatras. Ngumisi si Ranggo, nagpalitan sila ng sipa at suntok kapag nakakatama si Reece ay nakakatama din ito at kapag nakakaiwas sya ay nakakaiwas din ito. Halos pantay lang ang lakas nila at kakayahan na maslalong ikinainis ni Ranggo, hinid matanggap na pantay lang sila.

 

"Susuko kana ba Ranggo?" Hinihingal na tanong ni Reece.

 

"Baka ikaw ang gustong sumuko." Sagot nito.

 

"Ha!" Sumugod ulit si Reece at nagsimula na naman ang palitan nila ng suntok at sipa.

 

Tuluyan ng lumubog ang araw at masdumilim na ang paligid ngunit wala paring gustong tumigil sa kanila. Yumuko si Reece at binigyan ng suntok sa tiyan si Ranggo, napaatras ito at sumipa huli na upang makaiwas si Reece kaya sabay silang bumagsak ni Ranggo.

 

"Ah, hindi ka manlang nagdalawang isip kahit isa akong babae." Sabi ni Reece habang nakaupo parin sa lupa at iniinda ang sakit sa tagiliran.

 

"Tumahimik ka ilang ulit mo ng ipinamukha na hindi ka lang basta babae." Sagot ni Ranggo, inalis nito ang munting dugo sa labi.

 

"Anong ginagawa nyo?!"

 

Sabay silang napalingon kay Gabo na bagong dating.

 

"Nag-away kayo! alam nyong dalawang linggo tayo dito kailangan nyong i-preserba ang inyong lakas, Reece akala ko ba ay kaya mo sinundan si Ranggo dahil gusto mong makipagbati!" Hindi makapaniwalang sabi ni Gabo at habang tinitignan ang kanilang kalagayan.

 

"Yun naman talaga ang intensyo ko pero may mga bagay na malulutas lang gamit ang kamao." Sagot ni Reece at ipinakita ang kanyang kamao.

 

Napailing si Gabo at hinarap si Ranggo. "Ikaw naman Ranggo ayusin mo ang iyong asal, kong gusto mong tumagal tayo ay dapat kang makisama."

 

"Oo na wag mo akong sermunan." Tumayo ito. Tumayo narin si Reece. "Dalwang linngo." Sabi ni Ranggo.

 

"Huh?"

 

"Ipagpapalitan ko ang alitan natin ng dalawang linggo." Sabi nito at tumalikod.

 

Nagliwanag ang mukha ni Reece at agad sumunod kay Ranggo.

 

"Ano bang ikinagagalit mo?" Tanong nya.

 

"Isang linggo."

 

"Ah! ayos na ang dalawang linggo hindi na ako magtatanong."

 

"Sana naman ay hindi nyo nakaliBbmutan ang mga sanga." Sabi ni Gabo ng makalapit sila dito.

 

"Ah! yun na nga ang kukunin namin Gabo, pasensya ulit hehe." Sagot ni Reece at muli nilang pinulot ang mga nabitawang sanga.

 

Iginiya sila ni Gabo sa nakita nitong lugar kong saan sila magpapalipas ng gabi, gumawa sila nga apoy at niluto ang nakuhang mga mais. Tinupad naman ni Ranggo ang kasunduang makipagbiti, tahimik silang kumakain at masdama na ni Reece na isa silang grupo.

 

Kinabukasan ay nagpatuloy sila sa paghahanap ng mga bandila. Noong hinati sila sa dalawang grupo at inutusang lumipat ng lugar ay nagsimula sila sa silangan habang ang grupo nina Yulan ay sa timog naman nagsimula kaya malaki ang tyansa nasa mga susunod na araw ay makakatagpo sila ng pangkat na galing sa grupo nina Yulan. Ang plano nila ay suyurin muna ang silangan bago tumuloy papuntang hilaga dahil siguradong ang mga nagsimula sa timog ay pupuntang kanluran o silangan dahil ito ang pinakamalapit.

 

"Ranggo! Reece dito!" Tawag ni Gabo.

 

Agad silang lumapit at itinuro ni Gabo ang sanga ng puno, nakapulupot sa isang sanga ang kulay pulang tela. Agad itong inakyat ni Ranggo at kinuha ang tela ng makababa ay sinuri nila ito, at laking tuwa nila ng makita ang dalawang espada na naka-ekis sa gitna ng tryanggulong kulay pula na tela, ito ang simbulo ng kaharian ng Damors walang kaduda-duda na ito na ang bandilang hinahanap nila.

 

"Ayos may isa na tayo." Masayang sabi ni Reece.

 

"Marami pa tayong hahanapin pero sa ngayon ay maghanap muna tayo ng pagkain at tubig, talasan nyo rin ang inyong paningin ngayong alam na natin na kulay pula ang bandila." Ani ni Ranggo.

 

"Tama pero maari ring iba-iba ang kulay ng mga bandali, maging alerto tayo lagi." Si Gabo.

 

"Walang problema pero maghanap muna tayo ng tubig dahil uhaw na ako." Sabi ni Reece at nauna nasyang naglakad.

 

Ilang oras pa ang nilakad nila ngunit wala silang nakitang sapa na maaaring pagkunan ng tubig mabuti nalang at nakatagpo sila ng prutas na makakain kaya kahit paano ay napawi ang gutom nila. Nagpatuloy sila sa paglalakad at paghahanap ng mga bandila, sa buong maghapon nilang paglalakad ay hindi na nadagdagan ang kanilang bandila. Nagpasya silang magpahinga sa ilalim ng malaking puno ng Akasya, nanguha si Gabo ng prutas habang sila ni Ranggo ay nanguha ulit ng sanga para sa apoy. Habang nangunguha ng sanga ay laking tuwa ni Reece ng makakita ulit ng bandila sa likod ng mga bato.

 

Masaya silang kumain at nagkwento si Gabo at Reece ng kong ano-anong bagay habang paminsan minsan ay nagkukumento si Ranggo. Matapos kumain ay nagpasya silang magpahinga dahil kailangang mabawi agad nila ang lakas upang maipagpatuloy ang paghahanap, habang nakahiga ay tanaw ni Reece ang makikinang na bituin sa langit malamig ang hangin ngunit hindi nya ito alintana dahil sa mga iniisip ng biglang napabangon si Reece dahil sa kanyang napagtanto.

 

"Ranggo, Gabo gumising kayo." Sabi nya sa mga kasama.

 

Agad namang bumangon si Ranggo kasunod si Gabo kapwa alerto.

 

"May problema ba?" Tanong ni Ranggo.

 

"May napagtanto ako at lubhang importante ito!"

 

"Ano?"

 

"Makinig kayong mabuti, 60 tayong lahat na lumahok sa pagsusulit at una tayong hinati sa dalawang pangkat, tig-30 bawat pangkat sa silangan at timog. Pagkatapos ay hinati ulit tayo sa 10-grupo na may tig-3 miyembro ibig sabihin sa ganitong paraan din hinati ang kabilang pangkat kaya sa kabuoan ay merong 20 pangkat ang naghahanap ng mga bandila, may 200 na bandali na nagkalat sa buong lugar ng pagsusulit at ang sabi ni bise-kapitan Surila ay kanakailangan nating makakuha ng 14 na bandila upang makapasa." paliwanang ni Reece.

 

"Kong 14 na bandila ang kailangan natin at meron lang 200 bandila ibig sabihin 14 lang na grupo ang makakapasa!" si Gabo na naisip din ang iniisip ni Reece.

 

"Eh ano naman? Malamang hindi lahat ay makakapasa." Ani ni Ranggo.

 

"Alam nating lahat yun, 14 na grupo lang ang makakapasa yun ay kong ang 14 na grupo ay nakakuha ng 14 na bandila at ang isang grupo ay 4 na bandila lamang habang ang lima naman ay wala talagang nakuha, imposible itong mangyari! sabihin nating lahat tayong 20 na grupo ay makakakuha na tig-10 bandila ibig sabihin walang makakapasa." Magsasalita na sana si Gabo ngunit pinigilan sya ni Reece.

 

"Wag kang mag-alala Gabo imposible parin yong mangyari. Ngayon ipagpalagay natin na ang 10 na grupo ay nakakuha ng tig-14 na bandila ibig sabihin makakapasa sila at ang natitirnag 10 grupo naman ay paghahatian ang natitirang 60 na bandila. Ano sa tingin nyo ang gagawin ng grupong may 6 lang na bandila?" Tanong ni Reece.

 

"Hahanap ng paraan ang grupong iyon upang masmaparami ang kanilang bandila." Sagot ni Gabo.

 

"Ranggo kong tayo ang grupong may 6 lang na bandila ano ang gagawin mo?" Si Reece.

 

"Gagawin ko ang lahat makakuha lang ng bandila, tatalunin ko ang ibang grupo at kukunin ang bandila nila." Seryosong sagot ni Ranggo.

 

"Tama! yun nalang ang natitirang paraan. Magsisimulang maglaban ang bawat grupo at malaki rin ang tyansa ng nakawan, anong grupo ang hahamunin mo Ranggo?"

 

"Ang grupo na may 14 na bandila."

 

"Kong 6 lang ang bandila natin ay kailangan nating talunin ang grupong may 8 at pataas na bilang ng bandila upang makapasa tayo. Ngunit ganon din ang iisipin ng ibang grupo na may kaunti lang na bandila."

 

"Ibig sabihin ay kahit na kompleto mo na ang 14 na bandila ay hindi parin ito kasiguraduhan na makakapasa ka at higit sa lahat ay ikaw ang hahabulin ng mga grupong kaunti lang ang bandila!" Sabi ni Gabo.

 

"Ang grupong may 14 na na bandila ay mapipilitang sumali sa labanan upang ipagtanggol ang kanilang bandila. Ipagpalagay natin na nagharap ang grupo na may 14 na bandila at grupo na may 6 na bandila kahit sino sa kanila ang manalo ay magkakaroon ng 20 na bandila, sobra-sobra na ito upang pumasa at kapag sinarili lang ito ng grupong yon ay maskukunti ang grupo na makakapasa." Si Reece.

 

"Pero kapag nalaman din ng ibang grupo na sobra-sobra na ang bandila nila ay masmarami na ang maghahabol sa kanila, malaki ang tyansa na tambangan sila ng dalawa at higit pang mga grupo." Ani ni Gabo. "Kong masmarami ang ating bandila ay masmalaki ang ating problema."

 

"Dapat nating iwasan na magkaroon ng sobra-sobrang bandila." Si Ranggo.

 

"Ganyan din ang naisip ko, kapag-6 lang ang bandila natin ay hindi natin kailangang labanan ang grupong may 14 na nabandila. Maaari tayong maghanap ng 2-3 grupong may kaunti lang ang bandila."

 

"Paano kong makompleto natin ang bandila bago magsimula ang labanan?" Tanong ni Gabo.

 

"Hindi na tayo hahanap ng iba pang grupo at sisiguruhin ang depensa. Ranggo sa tingin mo anong araw magsisimula ang labanan?"

 

"Apat o Tatlong araw bago matapos ang pagsusulit, sa panahong iyan ay sigurado ng matatagpuan ang 200 bandila." Seryosong sagot nito.

  A/N: pasensya na kong natagalan hehe, I'll try harder to update this thursday!!
JoyShell Creator