6: Liham para kay Yulan
Tinanaw ni Reece sina Yulan at Mikaela na nakikipag-usap ngayon kay Yugo. Noong nagdagang gabi ay sinunud nila ang plano ni Mikaela na lagyan lang ng kalahating tubig ang mga malalaking balde upang masmapabilis ang kanilang pag-iigib at nagging maayos ang kinalabasan nito. Malaking oras ang kanilang natipid at hindi in masyadong napagod ang kanilang katawan, kaya ngayon ay ipinapaliwanag ni Mikaela at Yulan ang plano nila kay Yugo upang ganon din ang gain ng iang grupo.
Natatanaw din ni Reece ang ngiti at pagtango ni Yugo, mukhang maayos ang kinalabasan ng pag-uusap nila. Ilang sandali pa ay bumalik na sa grupo nila sina Mikaela at Yulan na kapwa may ngiti.
"Ayos na ang lahat at si Yugo narin ang bahalang magpaliwanag sa iba, gusto ko sanang ako ang magpaliwanag sa lahat pero mukhang kakilala na ni Yugo ang lahat kaya masmadali kong sya pero gusto ko talagang ako ang magpaliwanag sa lahat at sabihin ang naisip kong plano." Napapikit si Yulan habang hawak ang noo nya, naguguluhan kong ano talaga ang gustong gawin.
"Yulan hindi ikaw ang nakaisip ng paraan kundi si Mikaela, mahiya ka nga!" Sabi ni Reece.
"Reece hayaan mo na ang maliliit na detalye."
Napailing nalang sila sa sinabi ni Yulan.
"Tiwala naman ako na maayos na maipapamahagi ni Yugo ang plano natin, magaling syang makipag-usap at mukhang may tiwala ang lahat sa kanya. Hindi ko kasi kayang makipag-usap sa maraming tao lalo na kong hindi ko masyadong kilala." Sabi ni Mikaela na nahihiya.
"Wag kang mag-alala Mikaeala akong bahala sayo." Puno ng kompyansang sabi ni Yulan.
"Naku Mikaela mapapariwara ka kay Yulan! at saka Yulan akala ko ba si Reece ang gusto mo?" tanong ni Servo.
"Tumigil ka Servo ayaw kong mamatay sa tingin ni Gunter at maskailangan ng proteksyon ni Mikaela."
"P-pasensya na kong mahina ako." Nakayukong sabi ni Mikaela.
"Tumigil nanga kayo, at wag nyo kaming idamay ni Mikaela." Sabi ni Reece sabay tago kay Mikaela sa kanyang likod.
"Kong wala ng problema ay simulan na nating mag-igib!" Sabi ni Alba sabay taas ng bitbit nitong balde. Sumang-ayon sila at tinahak ang daan papunta sa batis.
"Ah!" Napahinti si Reece. "Isang balde lang ang nadala ko, babalikan ko lang sandali mauna na kayo."
"Ang tang mo talaga Reece." Sabay tawa ni Servo.
"Gusto mo suntukin kita?" Pinakita ni Reece ang kamao nya.
Agad namang nagtaas ng dalawang kamay si Servo na parang sumusuko, kumalampag ang bitbit nitong mga balde.
"Suko na ako."
Tumalikod si Reece at nagsimulang naglakad pabalik ganon din ang ginawa ni Gunter na ikinatigil nilang lahat.
"Gunter kaya ko ng mag-isa."
Hindi Sumagot si Gunter pero halata sa itsura nito na wala itong planong iwan si Reece. Agad namang inakbayan ni Yulan si Gunter.
"Ano kaba Gunter malapit lang naman yunat isa pa wag mo masyadong higpitan lalo yang kakawala, haha." Hindi mapigilan ni Yulan ang pagtawa na parang aliw na aliw.
Isang mariing titig naman ang sinagot ni Gunter, hindi nagustuhan ang sinabi ng katabi. Pinilig ni Reece ang kanyang ulo, hindi nya maintindihan ang ibig sabihin ni Yulan.
"Tama na, tama na lumakad na tayo." Tinapik tapik ni Cogs ang balikat ni Gunter.
Hinigpitan naman ni Yulan ang pagkaka-akbay at pilit hinihila si Gunter, mariin parin ang tingin ni Gunter kay Yulan pero nagpahila padin ito. Tumalikod narin si Reece upang kunin ang naiwang balde.
Agad namang nikita ni Reece ang kanyang hinahanap, agad syang lumabas sa paliguan, bigla syang napahinto ng makasalubong si Ranggo na mukhang papunta rin sa batis. Saglit silang nagkatinginan at sabay ring nagiwas ng tingin at dahil pareho lang naman ang pupuntahan nila ay hindi maiiwasang magkasabay sila sa paglalakad maliban nalang kong sasadyain ng isa sa kanila na maglakad ng mabilis.
Ilang sandali silang tahimik na naglakad, na ayos na ang alitan nila dati kaya naisip ni Reece na masmauting mag-usap sila. Kahit na maangas ang pagmumukha ni Ranggo ay sa tingin nya mabuti itong tao at nakikita din nya na seryoso si Ranggo sa pagsasanay mukhang gustong gusto rin nitong magsundalo gaya nya.
"Ginamit mo ba yong panghilod na bigay ko? ipektibo yon." Sabi ni Reece, wala kasi syang ibang maisip na paksa.
"HUH!" Gulat na sabi ni Ranggo at ilang hakbang itong napaatras.
"Anong problema mo nagtanong lang naman ako!"
"Gago kaba? bakit ganon ang tanong mo!" Nag-iwas ng tingin si Ranggo.
"Aba masgago ka! Sinusubukan ko lang makipag-usap!" Nagsimula ng mainis si Reece.
"Wag mo akong kausapin hini tayo magkaiban!"
"Wag mo rin akong sisigawan, binabawi kona ang mga inisip ko sayo!" Tss, kakasabi palang ni Reece na mukhang mabait na tao si Ranggo at binabawi na nya ito agad.
"Huh? anong iniisip mo sakin?" Kunot noong tinignan sya nito.
"binawi ko na kaya hindi mo na malalaman."
"Pakealam ko."
"Ano nga, ginamit mo ba?" Tanong parin ni Reece, yun kaya ang pinaka makinis nyang panghilod.
"Tinapon ko."
"Gago ka ang kinis non hinilod ko nga yon sa kabayo ko dati!" Pinigilan ni Reece ang pagtawa ng makita nya ang panlalaki ng mata ni Ranggo.
"Mas gago ka itatapon ko na talaga yon!" Malakas na sigaw nito sabay takbo paalis.
Tuluyan ng hindi napigilan ni Reece ang pagtawa habang tinatanaw ang papalayong si Ranggo. Nasa kanya parin ang huling halakhak.
*****
Isang malakas na tawag ang nagpagising sa kanila ng masmaaga kesa sa nakasanayan.
"Sulat para kay Yulan!" Malakas na sabi ng sundalo.
Agad namang napabangon si Yulan ng marinig ang pangalan nito, at dahil nagising din sila sa tawag at bumangon narin sila. Agad lumapit si Yulan at kinuha ang sulat hindi nito maitago ang pagtataka. May itinakdang araw kasi sila kong kailan lang sila makakatanggap ng sulat at kong kailan lang pwedeng magpadala at isang beses lang ito sa isang taon kaya siguradong nakakapagtaka na nakatanggap ng sulat si Yulan ngayon.
bumalik si Yulan sa grupo nila habang binabasa ang sulat, seryoso ang mukha nito malayo sa palangiti at maingay na Yulan na kilala nila. Tahimik nilang hinintay na matapos sa pagbabasa si Yulan.
"Anong sabi?" Tanong ni Alba ng matapos sa pagbabasa si Yulan.
Napabuntong hininga si Yulan. "Pinapabalik ako sa palasyo."
"bakit? may masama bang nangyari sa palasyo?" Nag-aalalang tanong ni Reece.
"Hindi naman, kailangan lang nila ako don bilang anak ng Duke." Napailing na napa-upo si Yulan sa kama nito, agad silang pumalibot dito.
"Wah, ang swerte mo talaga Yulan makakapunta ka ulit sa palasyo." Sabi ni Servo.
"At makikita mo ulit ang mahal na prinsepe! hindi ba pinsan mo ang mahal na prinsepe?" Namamananghang sai ni Alba na sinang-ayunan nilang lahat.
"Hah, ayoko sa palayo nakakasakal don at saka kong alam masama ang ugali ng prinsepe at maliban sa sarili nya ay mababang uri ang tingin nya sa lahat." Napailing si Yulan na parang may naalala.
"Pero kong iisipin mong mabuti ay talagang masmababa tayo kong ikukumpara sa mahal na prinsepe." Sabi ni Mikaela.
"Yan ang mas-ikinaiinis ko." Sagot ni Yulan na si nang ayunan na naman nilang lahat.
Pero hindi maiwasang isipin ni Reece ang mahal na prinsepe na hindi nya pa nakikita, ito ang kinaukasan ng kaharian at balang araw ay gusto nyang paglingkuran ito gaya ng ginagawa ng kanyang ama sa kanilang hari.
Mariing tinitigan ni Gunter si Reece, alam ni Gunter ang tumatakbo sa isip ni Reece ngayon.
"Tsk."
"Gunter?" Nagtatanong na lumingon si Cogs. Mukhang ito lang ang nakapansin dahil ito ang pinakamalapit sa kanya at abala rin sa pakikipag-usap ang iba nilang kasama.
Hindi sumagot si Gunter at tingin lang ang ibinigay kay Cogs.
"Ah, guniguni ko lang yon haha." Napakamot si Cogs sa ulo at nakipag-usap kay Rick, tuluyan ng nakalimutan ang narinig.
******
Pumasok si Reece sa isang silid nakasunod naman sa kanya si Gunter na tahimik lang, ganon naman ito palagi kaya walang problema. Pagpasok nila ay umagaw sa atensyon ni Reece ang malaking pisara sa harapan, may mahahabang lamesa na nakaharap sa pisara puno ang mga ito ng nakaupong kadete, ang iba ay nag-uusap at ang iba naman ay namamangha sa silid aralan. Hindi ito nakakapagtaka dahil maging si Reece ay namamangha rin, tinuturuan sila ng mga magulang na magbasa, magbilang at magsulat na magagamit sa pang ara-ara na pamumuhay ngunit hindi parin sila nakatanggap ng pormal na edukasyon.
Ang mga mayayaman at maharlika lang ang nakakapasok sa paaralan, hindi kabilang ang mga kagaya nilang anak lang ng ordinaryong mamamayan, kahit na isang heneral ang ama ni Reece hindi naman sila nabibilang sa mayamang angkan. Dahil salat sa edukasyon nalilimitahan din ang kanilang maaring gawin, ang mga usapin tungkol sa pulitika at iba pang komplikadong bagay ay hindi nila masyadong nauunawaan.
Nasa loob na ang ibang mga kasamahan ni Reece maliban kay Yulan na umalis kaninang umaga pabalik sa palasyo. Ngayon ang unang araw na magkakaron sila ng leksyon kaya natutuwa si Reece pero mukhang mas masaya si Mikaela sa kanya, tinaas nito ng bahagya ang kamay at nilahad ang dalawang upuan na para sa kanila ni Gunter.
"Sa tingin nyo ano kaya ang ituturo saatin matagal na akong hindi nakakahawak ng libro kaya talagang natutuwa ako." Ang kadalasang mahiyaain na Mikaeala ay masayang nakikipagkwentuhan kay sa kanila.
"Naku Mikaela mabuti kapa masaya." busangot ang mukha ni Alba na katabi ni Mikaela.
bumuntong hininga naman si Servo at napahawak sa sintido, wala paman ay mukhang masakit na ang ulo nito. Tahimik namang nag-uusap sina Cogs at Rick tumango sila bilang agbati sa kanila ni Gunter at nagpatuloy sa pag-uusap mukhang importante ito.
"Anong pinag-uusapan nila?" Tanong ni Reece kay Mikaela.
"Mukhang interesado si Cogs tungkol sa pangangaso kaya nagtatanong sya kay Rick, may nakita kasi syang mga sundalo kanina na may dalang mga palaso." Paliwanag nito.
"Ahh," sagot ni Reece, naalala nya na galing sa pamilya ng mangangaso si Rick interesadon din sya sa paggamit ng palaso kaya siguro ay tatanungin din nya si Rick tungkol dito.
Ilang sandali pa ay pumasok si Kapitan Liano tumayo ito sa kabisera at nilibot ang paningin sa kanila, ng masigurong isang tao-si Yulan- lang ang kulang ay nagsalita ito.
"Mula sa araw na ito ay magkakaroon kayo ng dalawang oras na leksyon, dalawang beses sa isang linggo. Maliban sa pagsasanay ng inyong katawan ay mahalaga din sa isang sundalo ang paggamit ng utak alalo na sa mga pagkakataong buhay ang kapalit sa isang maling disisyon. Ituturo ko rin ang bagay sa kaharian at iba pang kaharian, mahalaga ito upang makisalamuha sa ibang uri, mamaring inyong kakampi okaaway."
Nakinig ng maayos si Reece, isa itong mahalaggang leksyon na dapat nilang matutunan, hindi pa sya nakakita ng ibang uri ngunit sa kwento ng kanyang ama ay masasabing likas na malakas ang ibang lahi kesa sa kanilang mga tao.
"Magsisimula tayo sa Kaharian ng Damors, ang ating kaharian na syang ating ipagtatanggol kahit magging kapalit ng ating buhay."
Napaupo sila ng tuwid ng marinig ang sinabi ni Kapitan Liano, lahat silang pumunta dito ay alam na maaring buhay nila ang kapalit sa paglilingkod sa kaharian at lahat din sila ay buo na ang loob tungkol dito ngunit hindi parin maiiwasan ng iba sa kanila na magdalawang isip. Normal lang ito dahil wala namang gustong mamatay lalo na sa kanilang murang edad.
"Ang kahariang ng Damors ay nasa timog silangan ng bahagi ng Aldama, nandito ang dalawa sa anim na kristal ng Aldama na syang nagbibigay buhay sa kaharian. Ang kristal ng liwanag at ang kristal ng dilim na syang pinapangalagan ng ating magiting na Hari. sa paligid ng kaharian ay ang walong pangunahing bayan ng Damors, ito ay ang bayan ng Sinag, Alab, Dama, Linga, Himig, Raba, Maliw, at Gasa. Maliban sa malalaking bayan na ito ay nagkalat din sa buong Aldama ang iba pang maliliit na bayan ng mga tao."
Wala sa loob na napatango si Reece, maraming maliit na bayan ang mga tao sa malalayong lugar at ang ba sa kanila ay lampas pa sa ibang kaharian kaya naman laging naglalakbay ang kanyang ama upang protektahan ang mga ito, dahil kapag ang isang bayan ay malayo sa kaharian nito mahina din ang depensa nito, lagi itong nasasangkot sa gulo lalo na sa labanan ng agawan ng teritoryo.
"Ang pangunahing tungkulin ng isang sundalo ay ipagtanggol ang mga bayan, lupain at mga nasasakupan ng kaharian, at higit sa lahat ang buhay ng ating mahal na hari at ang ating nag-iisang prinsepe na syang kinabukasan ng buong Damors."
Napatango ulit si Reece. Ilang minuto pang nagpaliwanag si Kapitan Liano ngunit mabilis lang ito dahil mahigt kumulang ay alam na nila ang mga bagay sa kahariaan at sa bayan kong saan sila nagmula.
A/N: memdyo natagalan ako sa pag update natambakan ako ng gagawain sa online class, bawi ako next week. see you on monday!