15: Ang panauhin sa kuweba

 

"Reece gumsing ka tignan mo." Natatarantang paggising ni Gabo kay Reece.

 

Agad syang bumangon ng marinig ang tawag ni Gabo at lumabas sa kuweba, may araw na ngunit basa parin ang buong paligd dahil sa malakas na ulan mula kagabi, dahil sa malamig na panahon at init na nagmumula sa kanilang ginawang apoy ay naging mahimbing ang tulog ni Reece at ngayon lang sya nagising dahil sa tawag ni Gabo.

 

Paglabas nila sa kuweba ay nasa labas narin si Ranggo na may tinatanaw sa silangan, sinundan ni Reece ang tingin ni Ranggo at nakita nya sa silangan ang pulang usok. Ang pulang usok ay siguradong galing sa isa sa mga grupo, magpapakawala lang ng pulang usok ang isang grupo kapag may lubhang nasugatan sa kanila at nangangailangan ng agarang tulong pupunta ang mga nakaantabay na sundalo at dadalhin ang sugatan at ang kasama nito sa bukana ng bundok at gagamutin, ngunit bilang parusa sa nasabing grupo ay kukumpiskahin ang kanilang nakuhang bandila at matatanggal na sila sa pasulit. Ibig sabihin may isang grupo ang natanggal sa pasulit at ang bandilang nakakalat sa lugar ay nabawasan na.

 

"Siguro ay dahil ito sa malakas na ulan kagabi. Ha! yan ang nakukuha ng mga hindi nag-iingat." Sabi ni Ranggo at tumalikod na.

 

"Ano kaya ang dahilan ng kanilang pagpapakawala ng pulang usok, kong dahil ito sa mabangis na hayop ay maaari rin tayong manganib." Sani ni Gabo.

 

"Kong dahil ito sa mabangis na hayop ay maaari naman natin itong iwasan maaaring bunga lang ito ng kapabayaan o hindi kaya." Tumigil si Reece.

 

"O hindi kaya ay kagagawan ito ng ibang grupo." Pagpapatuloy ni Ranggo.

 

"Ng ibang grupo! pero hindi ba may dalawa o tatlong araw pa bago magsimula ang labanan?" Hindi makapaniwalang sabi ni Gabo.

 

"Hindi natin alam ang tunay na nangyari kaya walang tiyak na sagot ngunit masmabuting paghandaan natin ang lahat ng posebleng mangyari." Ani ni Reece.

 

"Wala na tayong panahon para sa ibang grupo sa ngayon ang dapat nating unahin ay ang paghahanap sa mga bandila." Sabi ni Ranggo at pumasok na sa kuweba upang maghanda.

 

"Tama si Ranggo saka na natin alalahanin ang ibang grupo." Sang-ayon ni Gabo at pumasok narin ito.

 

Muling tinana ni Reece ang pulang usok. Sana ay wala sa mga kaibigan nya ang kasama sa grupong iyon.Napailing si Reece, may tiwala sya sa kanyang mga kaibigan at nakakasiguro syang wala sa kanila ang mapapahamak.

 

Ipinag patuloy nila ang paghahanap sa mga bandila, at tama nga ang kanilang desisyon na maunang pumuta sa hilaga bago pa ang ibang grupo dahil sa wala pang masyadong nakakarating sa hilaga ay masasabing masosolo nila ang lugar ng isang araw. Isang araw ang ang kanilang tantya bago makarating ang ibang grupo sa hilaga dahil maari rin namang magkapareha sila ng plano sa ibang grupo, mabuti narin talaga at sila ang unang nakakita sa kuweba dahil malaking tulong ito sa kanilang pamamalagi sa hilaga ngunit kailangan din nila itong bantayan dahil baka mahanap din ito ng iba lalo na at papalapit ng papalapit ang huling araw ng pagsusulit.

 

Lumipas ang buong maghapon sa paghahanap nila ang bandila, pangunguha ng prutas at mga sanga, kinabisado rin nila ang mga daan sa hilaga sa paligid ng kuweba at maging ang hugid ng mga bato upang maging palatandaan sa layo ng kanilang narating. Dahil sa masmatarik na ang daan sa hilaga at masmakapal na ang mga puno ay ilang bangil din ang kanilang natagpuan, lubhang mapanganib ang mga bangil dahil puro matatarik na bato ang nakapalibot dito. May mga nakita rin silang baboy ramo, sawa, alakdan at ba pang mabangs na hayop ngunit ang mga hayop sa kabundukan kong hindi mo sasaktan at gagambalain ay hindi ka rin nito aatakehin kaya naging maayos parin ang kanilang paghahanap.

 

Natapos ang pang pitong araw ng pagsusulit na meron na silang labing-isang bandla, sa pang walong araw ay ipinagpatuloy nila ang paghahanap ngunit agad dng dilang nahinto pagsapit ang tanghali dahil sa pagbuhos ng ulan, hindi masyadong malakas ang ulan gaya noong isang araw ngunit nagpasya silang magpahinaga muna at punin ang lakas dahil sa dami ng bangil sa hilaga ay mapanganib ang maglakad sa ulan.

 

"Ilang araw na akong puro prutas lang ang kinakain, ipinagsasalamat ko na rin na umulan ngayon dahil kahit paano ay may maiinom tayong tubig." Sabi ni Gabo.

 

"Gabo yong mga nakita mong talong meron pa ba?" Tanong ni Reece.

 

"Ah! tama meron pa doon sa pinagkunan ko, mahina pa ang ulan at hindi matarik ang daan papunta roon maaari pa tayong manguha!"

 

"Sige ako na ang mangunguha ihanda nyo nalang ang apoy." Tumayo na si Reece at lalabas na sana sya ng kuweba ngunit pinigilan sya ni Ranggo.

 

"Hindi maaari masyadong mapanganib sa labas." Sabi ni Ranggo.

 

"Ano bang pinagsasabi mo Ranggo, ilang araw na tayo dito sa bundok at tatlong araw na tayo sa hilaga alam ko na kong saan ang daan." Natatawang sagot ni Reece.

 

"Hindi ka parin nakakasiguro paano kong may mabangis na hayop."

 

"Ang mga hayop sa bundok ay hindi mananakit kong hindi mo sila unang sasaktan at kong may talagang mabangis na hayop akong makita ay magtatago agad ako."

 

"Ako nalang ang pupunta at manatili ka dito."

 

"Hindi ko iyan matatanggap Ranggo bakit mo ako pinipigilang gawin ang isang bagay na kayang kaya ko? ako ang pupunta." Giit ni Reece, ang pinaka-ayaw nya ay ang pinipigilan sya sa gusto nyang gawin. "Dahil ba isa akong babae?" Mariing tanong ni Reece.

 

"Hindi yang ang ibig kong sabihin." Nag-iwas ng tingin si Ranggo. Nagsimulang mamuo ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

 

"Uyy tama na yan, Ranggo hayaan na natin si Reece alam nya ang kanyang ginagawa at sigurado akong kaya nyang harapin kong may panganib man." Pag-aawat ni Gabo sa kanila.

 

Tumawa si Reece upang mawala ang tensyon. "Ano ba Ranggo, sapat na si Gunter kaya wag kanang dumagdag." Pagbibiro ni Reece.

 

Napatingin si Ranggo sa kanya. "Alam mo bang ang iyong sinasabi?"

 

"Oo nga siguradong matutuwa si Gunter kapag narinig yan." Ani ni Gabo.

 

"Huh? ano bang pinag sasabi nyo ang ibig kong sabihin ay sapat na ang paghihigpit ni Gunter saakin kaya wag mo ng dagdagan." Paliwanag ni Reece.

 

"Ang ibig ko ring sabihin ay bakit hindi ka kumawala sa kahigpitan ni Gunter." Paglilinaw din ni Ranggo, mainam nyang tinignan si Reece.

 

Natahimik si Reece, ibinuka nya ang bibig upang sumagot ngunit walang lumabas sa kanyang bibig at ng tuluyang walang maisip na sagot si Reece ay kumunot ang kanyang noo. Napansin ni Gabo ang kakulangan ni Reece ng sagot kaya agad syang nagsalita.

 

"Itigil na nga natin ito, Reece hindi ba ay mangunguha ka pa ng talong." Sabi ni Gabo.

 

"Oo nga may gagawin pa ako, maiwan ko muna kayo." Sagot ni Reece at lumabas na sya ng kuweba.

 

Ng makaalis si Reece ay kinausap ni Gabo si Ranggo.

 

"Ranggo wag mong tanungin ng mga ganyang bagay si Reece alam mo namang wala syang alam tungkol sa ganyan." Sabi ni Gabo.

 

"Ano bang ganyan ang pinagsasabi mo, dapat maaga palang ay kumawala na sya kay Gunter bago pa sya mahulog sa bitag nito."

 

"Ahm hindi kita maintndihan."

 

"Sa tingin ko ay tayong lahat ang pinapaikot ni Gunter! nakakainis ang taong iyon hindi ko alam kong anong gusto nya at siguradong masmarami pa syang itinatago." Naiinis na sabi ni Ranggo, naalala na naman nya ang paghaharap nila ni Gunter sa ilog.

 

"Ranggo dat akala ko kay Reece ka galit pero ngayon kay Gunter ka pala masnagagalit." Ani ni Gabo.

 

"Bakit naman ako magagalit kay Reece?"

 

"Eh diba magsuntukan kayo dati." Paalala ni Gabo.

 

"Ang tagal na nun mga bata pa tayo, magaling si Reece kaya dapat lang na nandito sya si Gunter ang hindi ko alam kong bakit nandito." Inis na sabi ni Ranggo.

 

Tinahak ni Reece ang daan papunta sa kong saan nakuha ni Gano ang mga talong, ambon lang ang ulan kaya hindi sya masyadong nabasa at hindi naman nagging madulas ang daan kaya matapos ang ilang minuto ay narating na ni Reece ang pakay. Hinawi nya ang mga matatas na damo at ilan pang halam na nakaharang sa daan, nagkalat sa paligid ang mga tanim na hitik sa bunga ngunit dahil hindi naman talaga ito sinadyang itanim sa lugar at basta nalang tumubo doon ay nasasapawan din ito ng ibang damong ligaw. Agad umuko si Reece at nanguha ng bunga, dadamihan na nya ang pagkuha dahil baka lumakas ang ambon at umulan na naman kinabukasan. Habang nangunguha ng bunga si Reece ay nakarinig sya ng isang sipul, kilalang kilala nya ng sipul na iyon kaya tumayo si Reece at nilingon ang lalaking nasa hindi kalayuan kasama ng dalawa pa nitong ka-grupo.

 

"Reece!" Masayang sigaw ni Yulan at agad itong tumakbu palapit sa kanya at binigyan sya ng isang mahigpit na yakap. "Reece ilang araw kitang hindi nakita masyado na akong nalulumbay!"

 

"Yulan masaya din akong makita ka ngunit hindi na ako makahinga." Sagot ni Reece at tinapik ang balikat ni Yulan.

 

"Hahaha pasensya na," Bumitaw si Yulan. "Pero kumusta hindi ka ba nahirapan alam mo namang pwedeng pwede kitang tulungan." Sabi ni Yulan bang sinusuri ang kanyang mukha at mga braso.

 

"Kaya ko ang sarili ko Yulan at bakit mo ba sinusuri ang itsura ko?" Nagtatakang tanong ni Reece.

 

"Syempre tinitignan ko ang iyong kalagayan, parang pumayat ka." Nag-aalalang sabi ni Yulan.

 

Ginulo ni Reece ang magulo nang buhok ni Yulan. "Ewan ko sayo, kong pumayat man ako ay hindi naman masyado at normal lang ito dahil ilang araw ng puro prutas ang aming kinakakain."

 

Nakarating narin sa kinatatayuan nila sina Kobi at Josef ang dalawang kasama ni Yulan at bumati kay Reece.

 

"Reece sino-sino ba ang iyong kasama? hindi ko nakita dahil nagkahiwalay na tayo ng grupo sa una." Usisa ni Yulan.

 

"Ah tama sa timog kayo nagsimula habang nasa silangan naman kami, kasama ko sina Gabo at Ranggo nangunguha ako ng gulay-"

 

"Ano kasama mo si Ranggo! anong ginawa nya sayo sinaktan ka ba akong bahala ipaghihiganti kita!"

 

"Tumigil ka Yulan, walang ginawa si Ranggo at sa ilang araw naming pagsasama ay masasabi kong nagkasundo na kami." Sagot ni Reece, hindi na nya sinabi ang paglalaban nila ni Ranggo sa unang araw at ang kasunduan nilang magkabati hanggang sa matapos ang pasulit dahil siguradong marami na namang sasabihin si Yulan at baka komprontahin pa nito si Ranggo.

 

"Sigurado kaba?" Tumango si Reece. "Kung ganon ay walang problema! ano nga pala ang ginagawa mo dito?" Tanong nito.

 

"Nangunguha ako ng talong upang gawing hapunan namin."

 

"Mukang masarap nga iyan, Kobi, Josef manguha narin tayo." Ani ni Yulan, sumang-ayon naman ang dalawa at nagsimula narin silang kumuha. "Reece kong gusto mo ay meron din akong ibang talong dito." Sabi nito sabay kindat.

 

"Ganon ba, halika at putulin natin."

 

"Ah! nagbibiro lang ako."

 

Matapos makakuha ang mga bunga ay naglakad na si Reece pabalik sumunod naman si Yulan at ang dalawa, ang sabi ni Yulan ay gusto nitong makita kong talagang ayos lang si Reece at kong saan sila namamalagi. Tatangi sana si Reece dahil hindi pa nila napaguusapan sa grupo kong ayos lang bang ipaalam sa iba ng pinaglalagian nila ngayon pero naisip din nyang hindi nila maiiwasan na madiskobre ng iba ang kanilang kuweba at kilala ni Reece si Yulan, kahit nakakainis ito minsan ay hindi ito nanglalamang at isang patas na laban ang gusto nito.

 

"Wah! isang kuweba, may nakita kayong kuweba ang galing para lang kayong nagbabahay-bahayan." Natutuwang sabi ni Yulan at agad pumasok sa loob. "Ranggo ipakita mo yang pagmumuka mo!" Malakas nitong sabi habang pumapasok.

 

Napailing nalang si Reece at hindi na napigilan ang kaibigan, agad syang sumunod upang mapigilan kong ano man ang gustong simulan ni Yulan.

 

"Anong kailangan mo at paano mo nalaman na nandito kami?" Rinig ni Reece na tanong ni Ranggo.

 

"Ranggo nakita ko sila kong saan ako nangunguha ng gulay gusto lang makita ni Yulan kong maayos ba ako at aalis narin sya." Sabi ni Reece bago paman nabuka ni Yulan ang bibig.

 

Sinalubong naman ni Gabo sina Kobi at Josef at nagkamustahan mukhang wala namang magigng problema sa tatlo at masaya na silang nagkuwentuhan tungkol sa mga pinagdaan sa bundok kaya hinarap ni Reece sina Yulan at Ranggo na ngayon ay nagsusukatan na ng tingin.

 

"Yulan ipinaliwanag ko na ang lahat kanina at sa nakikita mo ayos kami."

 

"Wala naman akong sinabi." Inakbayan ni Yulan si Reece. "Napagdisisyonan kong dito na kami magpapalipas ng gabi." Nakangisting sabi ni Yulan.

 

"At sinong nagsabi na pwede ka dito?" Naiinis na sabi ni Ranggo, nilingon nya si Reece.

 

"Yulan hindi ba ang usapan ay titignan mo lang ang lugar at aalis na pagkatapos." Sabi ni Reece nagsisimula na ring sumakit ang ulo nya dahil sa kaibigan.

 

"Anong masama dito na kami at maglaro muna tayo ng bahay-bahayan at isa pa may gusto akong itanong tungkol kay Gunter pero bago yan kumain muna tayo dahil nagugutom na ako." Sabi nito sabay himas sa tyan.

 

"Anong tungkol kay Gunter?" Tanong ni Ranggo.

 

"Pakialam mo?" Sagot ni Yulan.

 

"Ranggo pasensya na pero hayaan na natin sina Yulan na manatili dito ngayong gabi."

 

"Tss, bahala kayo." Sagot ni Ranggo at lumapit na ito sa apoy upang simulang ihawin ang mga talong.

 

Ganon din ang ginawa nila, lumapit narin sina Gabo, Kobi at Josef upang tumulong at habang nag iihaw sila ay tuloy ang kuwentuhan nila tungkol sa mga napagdaan nitong nakalipas na araw ngunit walang kahit isa sa kanila ang nagbanggit tungkol sa mga bandila at kong ano ang plano ng bawat grupo sa darating na labanan. Siguro ang hindi pagbanggit tungkol dito ay isang mabuting desisyon upang hindi magkaroon ng tensyon ang masayang kuwentuhan.

 

"Reece nakatagpo mo naba si Gunter?" Tanong ni Yulan habang kumakain.

 

"Nakita ko sya sa malayo pero hindi ko sya nilapitan." Sagot ni Reece.

 

"Hmm, hindi na siya lumapit sayo?"

 

"Bakit naman sya lalapit sakin hindi nya ako nakita ako lang ang nakakita sa kanya."

 

Nagiwas ng tingin si Ranggo at itinuon ang atensyon sa kinakain ngunit nainam syang nakikinig sa usapan.

 

"Ha? pero imposibleng hindi ka nya nakita at isa pa simula ng nagsimula ang pasulit ay hinanap ka na nya sigurado ako dahil galit na galit sya nung nagkahiwalay kayo ng grupo haha."

 

Kumunot ang noo ni Reece. "Si Gunter galit? hindi ko alam yan hindi ko pa sya nakitang nagagalit siguro ay nagkamali ka lang at isa pa kong tutuong hinahanap ako ni Gunter ay dapat nilapitan na nya ako kong nakita nya ako at sinabi ko na na hindi nya ako nakita. Bakit mo ba hinahanap si Gunter?"

 

"Sinabi ko na galit si Gunter nong nagsimula ang pasulit."

 

"Kasi Reece gustong hamunin ni Yulan si Gunter sa pang-isahang laban." Sabi ni Kobi.

 

"At iniisip nya na isa sya sa dahilan kong bakit galit si Gunter dahil si Yulan ang naghiwalay sa inyo." Dagdag ni Josef.

 

"Ano ba yang sinasabi nya hahamunin natin sila Gunter bilang isang grupo."

 

"Ah hindi Yulan ikaw lang mag-isa ang hahamon kay Gunter." Sagot ni Josef.

 

"Pero kong tutuong galit si Gunter ay malamang lumipas naiyon dahil ilang araw na rin ang nagdaan." Ani ni Gabo na sinang-ayunan naman nina Kobi at Josef.

 

"Ah tama kayo lumipas na nga ang galit nya lalo na at nakita na nya si Reece, pero bakit hindi ka nya nilapitan?"

 

"Ewan ko sayo Yulan, pero wag kang mag-alala plano ko ring hamunin si Gunter sa isang laban!" Masayang sabi ni Reece.

 

"Reece wala kang ganyang nabanggit pero baka hindi ka rin harapin ni Gunter kahit na hamunin mo sya." Sabi ni Gabo.

 

"Ah! busog na ako." Tumayo si Yulan at hinila si Reece. "Halikana Reece matulog na tayo at simulan ang bahay-bahayan hehe."

 

Binatukan ni Reece ang makulit na Yulan. "Busog na rin ako kaya mauna na kaming magpapahinga." sabi ni Reece sa ibang mga kasama.

 

"Maliit lang ang kuweba kaya baka magsisiksikan tayo ngayon sa pagtulog." Sabi ni Reece at umupo sa kanyang puwesto.

 

Sumunod naman si Yulan at humiga ng patagilid, paharap sa kanya. "Reece umalis na kayo dito bukas." Seryosong sabi ni Yulan.

 

"Bakit? iniisip mo ba ang labanan sa tantiya namin ay meron pang isang araw bago ito magsimula."

 

"Hindi, umalis na kayo bukas maganda itong nahanap nyong lugar pero madali rin itong matuntun, bukas ng hapon magsisimula ang lahat." Nag-inat ng katawan si Yulan at tumihaya. "Kaya matulog na tayo ng mahimbing dahil ito na ang huling gabi na makakatulog tayo ng maayos sa pasulit na ito. Halika Reece payakap dahil masyadong malamid dito at baka magbalik ang galit ni Gunter pagnakita nya tayong magkayakap hehe."

 

"Suntok gusto mo?"

 
JoyShell Creator

wahhh! sabi ko sa tursday ang update pero friday na ngayon hehe, akala ko saki aabot ako kahapon, anyway enjoy!!