14: Ang tatlong naliligaw

 

"Reece, Ranggo tignan nyo dito!" Masayang sigaw ni Gabo.

 

"May nakita kang bandila Gabo?" Tanong ni Reece.

 

Pagkatapos ng dalawang araw na paglalakad ay nakarating na sila sa hilaga, maskumapal naman ang ulap at sa tantiya nila ay uulan na mamayang gabi. Kaya ngayon ay kasabay ng paghahanap sa mga bandila ay naghahanap narin sila ng massilungan.

 

"Hindi, pero may nahanap akong kuweba bilis!"

 

Agad silang umakyat sa kong nasaan si Gabo. kumpara sa silangan ay masmatark na ang lupa sa hilaga at maskumakapal narin ang mga puno at masmalakas na ang unggol ng mga hayop. Hindi yon nakapagtatak dahil malayo na sila sa bukana ng bundok Karya at nasa masukal na nabahag ng bundok. Pagdating sa kong nasaan si Gabo ay agad nilang nakita ang bunganga ng isang kuweba.

 

"Ang galing Gabo ngayon ay ligtas na tayo sa ulan!" Masayang sabi ni Reece.

 

"Hehehe."

 

"Bago kayo magsaya ay suriin muna natn ang kuweba mahirap na at baka pnamumugaran ito ng isang mabangis na hayop." Sabi ni Ranggo.

 

Sumang-ayon sila at pinasok ang kuweba, hindi malalim ang kuweba sa katunayan ay ilang metro lang mula sa bukana nito ay narating na nila ang hangganan ng kuweba, malamg sa loob at madilim ngunt dahl umaga pa ay may sapat pang lwanag mula sa araw. Wala silang nakitang bakas o kaht anong palatandaan na pnamumugaran ito ng isang mabangis na hayop kong may nakta man sila ito ay ang isang ahas na agad ding naglaho sa dilim.

 

"Ayos na ang lugar na ito, pwede natin itong gawing pansamantalang kuta." Ani ni Ranggo.

 

"Reece maiwan kana rito at bantayan ang lugar kami na ni Ranggo ang bahalang maghanap ng pagkain at kahoy na gagamitn natin sa apoy mamaya." Si Gabo.

 

"Ayos lang ba pero pwede din naman akong tumulong."

 

"Hindi na, dito ka lang at siguraduhing walang ibang grupo o hayop ang makakapasok sa loob." Si Ranggo.

 

Tumango si Reece bilang pagsang-ayon. Agad lumakad ang dalawa at nawala sa kakahuyan, naiwan si Reece sa bukana ng kuweba, hinawi ng ang iilang bato at inipon sa gilid upang magkaroon ng sapat na espasyo para sa kanilang tatlo, nasa gitnang bahagi na sila ng pagsusulit pitong araw na ang lumipas at eron na silang walong bandila kong tutuusin ay mabagal ang paghahanap nila sa mga bandila dahil sinigurado muna nilang makarating sa hilaga ng masmaaga kesa sa iba ngayong nandito na sila at nakahanap narin ng pansamantalang kuta ay mailalaan na nila ang buong oras sa paghahanap sa mga bandila.

 

Nilibut ni Reece ang lugar sa palibot ng kuweba tinitignan nya ang mga puno at halaman sa paligid umaasa din syang makita ulit ang kakaibang itim na bulaklak na nakita nya nuong isang araw ngunit nabigo siya siguro ay doon lang ito tumutubo sa matarik na batuhan. Sinuri din nya ang mga puno sa paligid, malalaki ang mga ito at may mayayabong na dahon luntian ang kulay ng buong paligd at tanging ang magagandang huni lang ng ibon ang kanyang naririnig. Pumikit si Reece at masdinama ang paligid, maging ang hangin na pumapasok sa kanyang baga ay kanyang dinama. Agad na pamulat si Reece ng maramdaman ang pamilyar na presensya.

 

"Gunter?" Wala sa loob na sabi nya. Pero bago pa man nya nakumpirma ang presensya ni Gunter ay agad din itong nawala, sinubukan itong hanapin ulit ni Reece pero nabigo siya. Napabuntong hininga si Reece.

 

"Siguro ay guni guni ko lang iyon." Sabi ni Reece sa sarili.

 

Napaisip si Reece. Maliban sa biglaang pagkakita nya kay Gunter nuong isang araw ay ito na ang pinakamahabang panahon na nagkalayo sila, hindi nya ito gaanong naiisip sa pagsisimula ng pagsusulit dahil nakatuon ang atensyon nya sa kong paano nila ito malalagpasan.

 

"Hmm tama bang umiwas ako ng makita si Gunter? Kahit isa iya sa dapat naming iwasan pero hindi pa naman nagsisimula ang labanan kaya ayos lang siguro na magkausap kami ni Gunter kahit saglit at hindi naman namin pag-uusapan ang plano ng bawat grupo."

 

Pumasok si Reece sa loob ng kuweba at umupo. Naalala nya ang tanong ni Ranggo, kong ano ang tingin nya kay Gunter at kong ano ang nararamdaman nya para dito. Pero totoo namang maliban sa pagiging magkababata nila ay ang tingin ni Reece kay Gunter ay isang istirktong magulang!

 

"Ay ano ba tong iniisip ko! sa susunod na makita ko si Gunter ay lalapitan ko sya! pero sa susunod na makita ko sya ay nagsisimula na ang labanan parang hindi tama na nakausap ko sya ng normal. Ah! tama ito na ang pagkakataon na makalaban ko si Gunter ng seryoso, kaya sa susunod na makita ko sya ay maghaharap kami!"

 

Ng makabalik sina Gabo at Ranggo ay nagsimula ng lumubog ang araw, marami silang dalang maliliit na prutas at sanga na gagamitin sa apoy, nakakita rin si Gabo ng gulay na talong kaya ngayong gabi ay mag-iiha sila ng talong sa mga nakalipas na araw ay hindi rin nakakain si Reece ng gulay dahil kahit may nakita silang mga gulay ay wala naman silang kasangkapan upang lutuin ito kaya masaya si Reece na nakitita ng gulay na maaaring ihawin si Gabo. Matapos nilang kumain ay mas nilakihan nila ang ginawang apoy dahil nagsisimula ng umulan at di nagtagal ay talagang bumuhos na ang malakas na ulan.

 

*****

 

"Rick ito pa ang mga baging." Sabi ni Mikaela at iinabot kay Rick ang ilang baging na nakuha nila.

 

Kinuha ito ni Rick at itinali sa isa pang baging habang ang kabilang dulo ay itinali nito sa katawan ng puno. Inabot naman ni Sabasa ang ilang malalapad na dahon kay Rick at iilang sanga na pinutol nito.

 

"Pasensya na Rick at sayo namin iniasa ang ganitong gawain." Hinging paumanhin ni Mikaela.

 

"Hindi iyan problema, normal na saakin ang maabutan ng uln sa bundok kaya natutunan ko kay ama ang paggawa ng masisilungan makakaasa kayong hindi tayo mababasa." Seryosong sabi ni Rick habang ipinagpapatuloy ang ginagawa.

 

"Mabuti nalang talaga at kayong dalawa ni Mikaela ang nakasama ko! mangunguha pa ako ng dahon at sanga!" Masayang sabi ni Sabasa.

 

"Masaya din kaming makasama ka Sabasa, mangunguha rin ako ng baging, sabihin mo lang Rick kong ano pa ang iyong kailangan." Sagot ni Mikaela.

 

Agad silang nanguha ng mga gagamitin para sa ginagawang silungan ni Rick, wala na silang problema sa pagkain dahil marami na silang naipong pagkain at pagkatapos nilang gawin ang silungan ay mangingisda sila sa ilog. Kabisado narin nila ang ibang daan at naglagay sila ng iilang palatandaan na tanging silang tatlo lang ang nakakaintindi, ang ideya ni Mikaela na manatili sa kanluran at maging pamilyar dito ay nagpagaan sa buhay nila sa loob ng bundok Karya. Matapos ang kalahating oras ay natapos na nila ang ginagawang silungan maliit lang ito ngunit sapat para sa kanilang tatlo at sa mga naimbak nilang pagkain, mayroon ding espasyo para sa apoy. Matibay ang pagkakagawa at dahil sa mga baging na nakatali sa matatayog na puno at mga sanga at siguradong hindi malilipad sa hangin ang mga malalapad na dahong ipinagtagpi-tagpi.

 

"Ayos! Ngayon ay manguha na tayo ng isda! ilang araw na akong hindi nakakakain ng isda!" Masayang masayang sabi ni Sabasa, maging si Mikaela ay malaki rin ang ngiti.

 

Ilang hakbang palang ang nagagawa nila ay may narinig na silang kaluskus, sumenyas si Rick na tumigil sila at makinig. Nasundan pa ang kaluskus at ngayon ay papalapit na ito ng papalapit sa kanila, naghanda si Rick hinihintay ang pagdating ng isang mabangis na hayop. Gumalaw ang mga matataas na sanga at ilang saglip pa ay may narinig silang boses na parang nagtatalo tumuwid ng tayo si Rick ng makumpermang hindi mabangis na hayop ang papalapit. Pinakinggan nila ang mga boses.

 

"Sinabi ko ng hindi dito ang daan!" Sabi ng isang boses.

 

"Ilang beses na kaming naniwala sayo pero wala ka namang nahanap na daan!" sagot naman ng pangalawa.

 

"Pwede ba bilisan nalang natin saan ba talaga ang daan?" Ani ng pangatlo

 

"Doon nga, doon ko narinig yong ilog!"

 

"Kahapon mo pa sinasabing may narinig kang ilog pero hanggang ngayon wala parin tayong nakita."

 

"Nauuhaw na ako hanapin na natin ang ilog!"

 

"Sa tingin ko uulan mamaya, hintayin mo nalang ang ulan at doon ka uminum."

 

"Ano uulan mamaya?! doon na talaga tayo dumaan sigurado ako nandon ang ilog."

 

"Ahm hindi ba delikado na lumapit tayo sa ilog lalo na kapag uulan?"

 

"Ahh!" Sabay na sabi ng una at pangalawang boses.

 

"Parang kilala ko ang boses ng isa sa kanila." Sabi ni Mikaela. "Rick?"

 

Tumangu si Rick. "Walang duda."

 

"Alba!" Tawag ni Mikaela.

 

"Luh! Alba may tumatawag sayo." Sabi ng pangatlong boses.

 

"Huh! may multo!" Sagot ni Alba.

 

"Alba si Mikaela ito!" Tawag ulit ni Mikaela bago pa sya maging multo sa paningin ni Alba.

 

"Mikaela! Mikaela huhu nasaan ka?!" Balik sigaw ni Alba.

 

"Nandito!"

 

"Huhuhu Mikaela hindi ko alam kong saan ang dito!"

 

"Gago ka Alba sundan natin ang boses nya." Sabi ng pangalawang boses.

 

"Dito!" Tawag ulit ni Mikaela upang masundan nila ang boses nya.

 

Ilang saglit pa at kumaluskos ang mataas na damo sa kanilang harapan at lumabas sina Alba at ang dalawa pang kasama.

 

"Mikaela! Rick!" Malakas na siga ni Alba at kumapit ito kay Mikaela. "Mikaela kumusta! hindi kaba nagutom? kasi ako ilang beses ng nagutom, hindi ba sumakit ang likod mo dahil sa tigas ng lupa? lasi ako ang sakit na ng likod ko at higit sa lahat ay hindi ka ba naligaw? kasi kami limang araw ng naliligaw! huhu ang lupit ang bundok Karya!" Mahabang litanya ni Alba habang mahigpit na nakakapit kay Mikaela, halos maglambitin na nga ito sa braso ni Mikaela.

 

"Ayos lang ako Alba dahil tinuturuan kami ni Rick kong ano ang dapat gawin pero nalulungkot akong marinig ang iyong kalagayan." Nag-aalalang sabi ni Mikaela.

 

Nilingon ni Alba si Rick. "Rick! huhuhu!" Lilipat sana si Alba at kay Rick naman kakapit ngunit bago paman sya makalapit ay tinulak na sya ni Rick at binigyan ng matalim na tingin.

 

"Huhuhu Mikaela ang sama ni Rick!"

 

"Pasensya na kayo alam kong walang kwenta si Alba." Sabi ni Rick sa dalawa nitong kasama.

 

"Ah hindi rin, sa palagay ko ay kaming tatlo ang walang alam sa mga ganitong bagay."

 

"Nero, Dindo masaya akong makita kayo pero mukhang hindi maganda ang inyong pinagdaan." Sabi ni Sabasa.

 

"Sabasa, mabuti ka pa at maaasahan ang iyong mga kasama samantalang kaming tatlo ay kapwa walang alam sa direksyon." Sagot ni Nero sya ang nagmamay-ari sa pangalawang tinig na kanilang narinig habang kay Dindo naman ang pangatlo.

 

"Hinahanap namin ang ilog, kahapon pa sinasabi ni Alba na naririnig nya ang agos ng ilog pero hindi namin ito nahanap." Si Dindo.

 

"Papunta rin kami sa ilog upang maguha ng isda." Sagot ni Mikaela.

 

"Isda! isda! gusto kong kumain ng isda!" Sigaw na Alba na tuwang-tuwa, mabilis din ang tango nina Nero at Dindo maging sila ay sabik sa isda.

 

"Maaari tayong sabay na pumunta sa ilog at manghuli ng isda." Ani ni Mikaela.

 

"Mikaela ang bait m- teka! ano ito!" patakbong lumapit si Alba sa kanilang ginawang silungan. "Bahay! may bahay kayo!" hindi makapaniwalang sabi ni Alba

 

Lumapit na rin sina Nero at Dindo at maging sila at namangha sa ginawa ni Rick.

 

"Isa lang yang maliit na silungan para sa ulan." Sabi ni Sabasa.

 

"Tama ang ulan, sinabi ko na sa inyo Dindo, Alba na may paparating na ulan!"

 

"Alam namin yan Nero nakikita namin sa itsura ng ulap ang hindi namin alam ay kong kailan ito darating!" Sagot ni Alba.

 

"Pero anong gagawin natin pagdating ng ulan?" Tanong naman ni Dindo at sabay silang napatingin sa grupo nina Mikaela.

 

"Ah," nilingon ni Mikaela si Rick. Dahil si Rick naman ang gumawa ng kanilang silungan ay ito ang may karapatang magdisisyon.

 

Agad nilapitan ni Alba si Rick. "Rick! isa kang magiting na kaibigan sige na hayaan mo na kaming makisilong, pangako ay makikisilong lang kami at paglipas ng ulan ay-ay maglalakbay na ulit kami hindi ba mga kasama!" sabi ni Alba at nilingon ang dalawang kasama.

 

"Oo, makikisilong lang kami at aalis pagkatapos ng ulan." Sabay na sabi nina Nero at Dindo.

 

Napabuntong hininga si Rick. "Maliit lang ang ginawa naming silungan-"

 

"Ayos lang sa amin kahit maliit na espasyo, hindi ba?"

 

"Oo, tama si Alba ayos lang kahit maliit." Si Dindo.

 

"Patapusin nyo muna ako." Seryosong sabi ni Rick. Natahimik sila. "Maliit lang ang ginawa naming silungan kaya palalakihin natin ito upang magkasya tayong lahat-"

 

"Talaga! isa kang dakilang kaibigan Rick!" Isang matalim na tingin ang ibinigay ni Rick kay Alba dahil sa pangalawang pagkakataon ay hindi na naman sya nito pinatapos. Agad tinikom ni Alba ang bibig.

 

"Palalakihin natin ito kaya kailangan ko ang tulong ninyong lahat, manguha kayo ng sangang katamtaman lang ang laki, mga malalapad na dahon ng gabi dahl mabisa itong panangga sa ulan, at mga baging upang mapagbuhok natin sila." Pagbibigay direksyon ni Rick sa kanilang gagawin. "At pagkatapos ay saka tayo pupunta sa ilog upang manguha ng isda, bilisan nyo ang kilos ng hindi tayo maabutan ng ulan."

 

"Oo! gagawin namin!" Masayang sabi ng tatlo.

 

"Sumama kayo sakin ituturo ko kong saan tayo mangunguha ng dahon at baging." Sabi ni Sabasa at nagsimula na silang naglakad. Puno ng sigla ang tatlo na sumunod.

 

"Rick masaya ako at makakatulong tayo kina Alba." sabi ni Mikaela ng maiwan silang dalawa ni Rick.

 

"Naniniwala ako na dahil hindi ka tumutol ay wala itong masamang epekto sa mga plano natin sa mga darating na araw." Sagot ni Rick.

 

"Wag kang mag-alala walang problema at gaya nga ng sinabi nila ay ipagpapatuloy din nila ang paglalakbay pagkalipas ng ulan kaya ayos lang pero kahit na magka-problema ay pede naman nating baguhin ang ating plano ang mahalaga ay makatulong tayo sa ating kaibigan."

 

"Mikaela sa pagkakataong ito ay kalaban natin sila, masyado kang mabait."

 

"Ah, naiintindihan ko pero kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang tignan si Alba bilang kaaway pasensya na masyado akong mahina."

 

"Sa tingin ko ang ugali mong iyan ay isa sa iyong kalakasan, at wag kang mag-alala ako ang bahala sa proteksyon ng grupong ito."

 

Dahil sa mabilis nilang galaw at sa bilang nila ay madali na nilang napalaki ang silungan, manghang-mangha si Alba sa kanilang nagawa hindi nya lubos maisip na pwede pala silang gumawa ng munting bahay. Pero napaisip din siya hindi na man maaaring tumanggap lang sila ng tulong galing kina Mikaela at hindi nila ito susuklian. kaya matapos nilang manghuli ng isda ay sinabi nya kina Nero at Dindo ang plano na sinang=ayunan naman ng dalawa. Kaya habang kumakain at nagsisimulang bumuhos ang ulan ay nagsalita si Alba.

 

"Mikaela, Rick at Sabasa gusto naming magpasalamat sa pagtulong ninyo sa amin kaya napagkasunduan namin na bigyan kayo ng Tatlong bandila!" Masayang sabi ni Alba na sinang-ayunan ng dalawa nyang kasama.

 

"T-tatlong bandila!" Hindi makapaniwalang sabi ni Sabasa.

 

"Oo bilang pasasalamat." Si Nero.

 

"Pero kailangan nyo rin ang bandila upang makapasa hindi nyo ito pwedeng basta-basta nalang ibigay." Sabi ni Mikaela.

 

"Oo pero meron na kaming 12 na bandila at siguradong nakakahanap pa kami ng masmarami sa mga susunod na araw." Wala sa loob na sabi ni Alba.

 

"12!" Hindi makapaniwalang sabi ni Sabasa, maging si Mikaela ay nagulat napangisi naman si Rick na tila naaaliw.

 

"Oo, bakit ilan ba ang sa inyo?" Tanong ni Dindo.

 

"Ah," Nilingon ni Sabasa si Mikaela.

 

"Meron na kaming 9 na bandila." Sagot ni Mikaela.

 

"Yun naman pala, sa inyo na ang tatlo naming bandila! kahit na nagkanda ligaw-ligaw kami at hindi alam kong saan pupunta sa mga nakalipas na araw ay madali kaming nakakahanap ng bandila kaya ayos lang na bigyan namin kayo." Masayang sabi ni Alba.

 

"Hindi na Alba, kukunin nalang namin iyan pagdating ng labanan." nakangising sabi ni Rick.

 

"Huh? anong labana?" Takang tanong ng tatlo.

 

"Ah! hindi nyo alam ang labanang magaganap sa loob ng ilang araw?" Si Sabasa.

 

"Ano bang labanan ang sinasabi nyo, ang pasulit lang natin ay ang maghanap ng bandila."

 

Dahil sa pagiging walang alam ng tatlo ay ipinaliwanag ni Mikaela ang magaganap na labanan upang makakuha ng mga bandila, matapos ang paliwanag ni Mikaela ay puro hindi makapaniwala ang tatlo at ang masayang ekspresyon nila ay napalitan ng pangamba.

 

"Patay!"

JoyShell Creator