8: Ang Misyon ni Yulan

Nilibot ni Yulan ang paningin sa buong bulwagan, walang pumapansin sa kanya at abala prin ang lahat sa ibat ibang bagay, buo na ang kanyang pasya ang mga panauhin ngayon ay walang kakulangan sa karne kaya masmabutin dalhin nalang nya ang mga ito at ibigay kay Mikaela!

 

Kong hihiling sya sa mga tagapaglingkod ng ulam na karne ay siguradong makakarating ito sa kanyang kapatid na lagi nalang nakikisawsaw sa mga ginagawa nya sa palasyo kaya ang pinaka mabisang paraan na naisip ni Yulan ay ang kunin derekta sa lamesa ang pagkain at itago ito hanggang sa kanyang pag-aalis. Inisip rin nya kong anong klaseng pagkain ang kukunin dahil ang iba sa kanila ay hinid tatagal ng ilang araw at madaling mapanis. Sa huli ay ang malambot na piniritong karne ng baboy ang napili nyang kunin, ngayon paano nya ito itatago?

 

"Yulan may gusto ka bang kainin?" Tanong ng isang taggapaglingkod na nanging malapit sa kanya. Sanay kasi syang makipag-usap sa mga ito lalo na at ito ang mga lagi nyang nakakasama sa palasyo.

 

"Wala naman Lino, may gusto sana akong ipagawa sa iyo." Nakangiting sabi ni Yulan habang binubuo ang plano sa isip.

 

"Ano? Maaasahan mo ako." Sabi ng tagapaglingkod ng tagapaglingkod.

 

"Mamaya pagkatapos ng pagsasalo ay magdala ka ng maliit na sisidlan sa silid ko," Tumanggo ang tagapaglingkod nakikinig ng mabuti, nagpatuloy si Yulan. "Pero bago yun ay gusto kong hanapin mo ang kapatid ko, bantayan mo lang sya at kapag napansin mong papalapit na sya dito ay senyasan mo agad ako."

 

"Sige naiintindihan ko."

 

"Importante ito, sabihin mo ang iyong gagawin."

 

"Dadalhan ko kayo mamaya ng maliit na sisidlan, babantayan ko ang iyong kapatid at sesenyas kaagad kapag palapit na sya sa lamesa." Pag-uulit nito.

 

Tumango si Yulan at sinabihan na itong gawin ang iniuutos nya. Ilang saglit pagkaalis ng tagapaglingkod ay muling ginala ni Yulan ang paningin. Walang ipinagbago ang lahat, ayos.

 

Agad kinuha ni Yulan ang malaking plato na naglalaman ng ilang pirasong piniritong karne, nilingon nya ang pintian palabas ngunit nakatayo roon ang negosyanteng kausap kanina ng kanyang ana at masayang nakikipagkwentuhan sa isa pang tanyag na mang-aawit. tinanaw nya ulit ang isa pang pinto, walang nakatayo roon malibang sa mga tagapagbukas na siguradong hindi naman magsasalita ngunit may kalayuan at medyo mapanganib. Hihintayin nalang nyang umalis ang negosyante at mag-aawit sa pinto, ibinalik nya ulit sa lamesa ang pritong karne ngunit hindi sya ualis sa harap nito kailangan nya itong bantayan.

 

Halos mapairap si Yulan ng makita si Marila na mukhang kukuha ng pagkain. Agad ngumiti ang mahinhing babae ng makita sya, lumapit ito sa kanya at tumayo sa kanyang tabi.

 

"Yulan mabuti naman at nagkita ulit tayo, nababahala ako na baka matapos ang gabi na hindi ulit tayo nagkausap." Mahinhing sabi nito.

 

Muntik ng maitanong ni Yulan kong itinuro din ba ng ina nito ang mga sinabi. Ngiti lang ang kanyang sagot at muling tinanaw ang pinto, Kailan ba aalis ang mga taong yan?

 

Napansin siguro ni Marila na wala syang balak maipag-usap dito, umuko ito at itinago ang namumulang pisngi at itinuon ang pansin sa pagkain. Naalerto si Yulan ng akmang kukuha ito ang pritong karne sa harap nya, agad nyang hinila ang plato at nilayo kay Marila ang pagkain. Para ito kay Mikaela! at kay Reece narin. Nagtataka itong tumingin sa kanya.

 

"Wag mo itong kainin tataba ka." Sabi nya, muntik ng matawa si Yulan sa sinabi pero agad itong nawala ng makita ang reaksyon ng kausap.

 

"M-Mataba ako?" Halos naiiyak na sabi nito.

 

bahagyang napaatras si Yulan ngunit wala nasyang panahon na bawiin ang sinabi.

 

"Medyo lang kaya mag-prutas kanalang." Sagot nya habang sinusuri ang payat na payat nitong batang katawan.

 

"Ganon ba, ah sige." Mahinang bulong nito at tumalikod upang iwan ang hapag. Mukhang hindi na ito kakain sa gabing iyon.

 

Napailing si Yulan at bahagyang nagsisi sa sinabi, pero wala na syang ibang maisip gawin upang pigilan ito. Sa susunod nilang pagkikita ay sasabihan nya ng babae na kuain kapaggusto nito at sa subarang payat nya ay baka matumba na sya.

 

Nilingon ulit ni Yulan ang pinto at nakitang wala ng tao roon, kukunin na sana ulit ni Yulan ng ula ng akita ang pagsenyas ni Lino gamit ang isang mata at agad nya ring nakita ang kapatid na si Vald na papalapit. Puno ng pag-aakusa ang tingin nito na para bang alam nito na may ginawa syang kalukohan.

 

"Akong ginagawa mo dito?" Naiinis na sabi ng kapatid.

 

"Ano pa edi kumakain." Pilosopo nyang sagot.

 

"Wala akong nakikitang ni kutsa ra kamay mo kaya malamang hindi ka kumakain." Mukhang walang makakaligtas sa mapanuring tingin ni Vald.

 

"Kakain palang ako, ikaw anong ginagawa mo dito pumunta kana ron at sundan ang prinsepe." Pagtatamoy nya.

 

"Inutusan ako ni ama na tignan ang kalagayan mo, ayaw ko ring iwang ang prinsepe ngunit wala akong magagawa." Puno ng pagka disgustong sabi nito.

 

"Maayos naman ako kaya pwede ka nang umalis." bahagya pang idinipa ni Yulan ang braso upang ipakitang maayos sya.

 

Isang mapanuring tingin pa ulit ang ibinigay ni Vald bago ito naglakad paalis. Ng masigurong hindi na sya tanaw ng kapatid ay agad kinuha ni Yulan ang ulam at naglakad papunta sa pinto, bumkas ang pinto ngunit bahagyang natigilan si Yulan ang may makasalubong na dalawang panauhin akala nya ay mapapansin sya ng dalawa ngunit abala sila sa pag-uusap.

 

"Sa susunod na araw ay babalik na ako sa aking lupain sa Raba ngunit bibisitahin ko muna ang aking kakilalang Heneral sa kampo, alam mo na." Dinig ni Yulan.

 

"Aba mabuti kong ganoon, kumusta naman ang ani?"

 

Agad nilagpasan ni Yulan dalawa at lumabas sa buwagan kaya hindi na nya narinig ang iba pa. Dali-daling naglakad si Yulan papunta sa kanyang silid, malaki ang kanyang ngiti ng maisarado ang pinto ng silid nilapag nya sa maliit na lamesa ang pritong karne. Ngayon ang kailangan nya nalang gain ay ang hintayin si Lino, ang tagapaglingkod na inutusan nyang magdala ang sisidlan. Siguro mga isa o dalawang oras pa bago matapos ang pagsasalo ngunit kilala nya ang prinsepe at mainipin ito at madaling mawalan ng interes kaya siguradong hindi rin magtatagal ang salo-salo.

 

Humiga si Yulan at pinalipas ang oras sa pamamagitan ng pag-iisip ng kong ano-ano. matapos ang isa at kalahating oras ay narinig na nya ang katok sa pinto, agad bumangon si Yulan at binuksan ito.

 

"Lino, dala mo ba?"

 

"Opo." Sabi nito sabay pakita ng dalang sisidlan.

 

Kinuha ito ni Yulan at matapos purihin ang tagapaglingkod at sabihing maghintay ito sandali ay isinara nya ulit ang pinto. Agad nyang inilipat sa sisidlan ang pritong karne, binuksan nya ulit ang pinto upang ibigay kay Lino ang plato ngunit laking gulat nya ng makita ang kapatid sa labas ng silid at ang malingkot na mukha ni Lino.

 

"Patawad Yulan." Panghihinging paumanhin nito.

 

"Ayos lang malis kana Lino." Sabi nya sabay abot dito ng plato. Kinuha ito ng tagapaglingkod at bagsak ang balikat na umalis.

 

"Ano yan? nagpuslit ka ng pagkain!" Galit na sabi ni Vald. Agad itong pumasok sa silid nya ay agad nahanap ang sisidlan, galit na kinuha ito ni Vald.

 

"Diba sinabi ko ng wag kang gagawa ng kalokuhan ano to?"

 

"Akin na yan kuya." Akmang babawiin ito ni Yulan ngunit agad na inilayo ni Vald ang sisidlan.

 

"Wala namang nagbabawal sayong kumain pero bakit kailangan mo pang magpuslit! paano pag nakita ka ng mga panauhin, paano pag nakita ka ng prinsepe!" Galit na galit nitong sigaw.

 

"Wala namang nakakita sakin diba."

 

"Hindi yan ang punto, ang punto dito ay ang pagpupuslit mo."

 

"Akin na yan kuya pangako hindi na ulit ako gagawa ng ikagagalit mo, huli na ito." Sabi ni Yulan sinusubukang kumbinsihn ang kapatid.

 

"Ilang beses mo nayang nasabi."

 

"Huli na ito kuya at kong gusto mo hindi na ulit ako babalik sa palasyo kapag may pagdiriwang! Hanggat maaari ay iiwasan kong makabalik dito ng hindi kona mapahiya ang pamilya natin."

 

"baliw kaba!" Imbes na makumbinse ay maslalo lang nagalit ang si Vald. Nagmartsa ito palabas bitbit ang sisidlang may lamang printong karne.

 

Nanlulumong napaupo sa kama si Yulan.

 

******

 

"Reece anong gagawin ko?" Hindi mapakaling sabi ni Alba.

 

"bakit ano bang problema?" Tanong ni Reece. katatapos lang nilang tumakbo sa buong kampo at ngayon ay nagpapahinga upang maghanda sa susunod nilang gagain.

 

"Hindi bat ngayon magbibigay ng pagsusulit si kapitan Liano, anong gagawin ko wala akong maisasagot!" Ang tinutukoy ni Aba ay ang lingguhan nilang pagsusulit sa mga leksyon na itinuro ni Kapitan Liano at ngayon ang unang linggo.

 

"Wag kang mag-alala Alba siguradong may maisasagot ka kapagnag-aral ka." Sabi ni Reece at tinapik sa balikat si Alba. Ngunit imbes na mapagaan ang loob nito ay maslalo lang itong nawindang.

 

"Yun nanga Reece, wala akong naalala sa leksyon kahit isa!"

 

"Tanga kaba Alba bakit wala kang maalala, haha." Hindi naman napigilan ni Servo ang tawa.

 

"Tuigil ka Servo! eh ikaw ilan ang naalala mo?" Angil ni Alba.

 

"Huh? may naalala akong tatlo!"

 

"Ang yabang mo tapos tatlo lang ang naalala mo!"

 

"Tumigil na kayong dalawa may natitira pa naman tayong oras kaya mag-aral nalang tayo." Positibo naman ang pananaw ni Cogs.

 

"Tama si Cogs mag-aral nalang tayo muli." Sabi ni Reece. Nakapag-aral na sya at panatag naman sa kanyang nalalaman ngunit hindi masamang mag-aral ulit.

 

"Teka ngayon ang balik ni Yulan diba kaya siguradong wala din syang maisasagot sa pasulit! Hindi ako nag-iisa!" Sigaw ni Alba na mukhang naghahanap pa ang kasamang bumagsak kesa ng kasamang mag-aral.

 

"Sa tingin ko ay malayo yang mangyari Alba." Sabi ni Mikaela na sinang-ayunan naman ni Rick, bahagya ring napatango si Reece habang nagtataka naman sina Alba, Servo at Cogs habang walan reaksyon si Gunter.

 

"Pano mo nasabi Mikaela?" tanong ni Servo.

 

"Alam naman nating may dugong bughaw si Yulan at lumaki sya sa palasyo. Mataas ang edukasyon doon at matalino din si Yulan kaya sigurado akong ang mga leksyon natin ay matagal ng naituro sa kanya sa palasyo." Paliwanag ni Mikaela.

 

Napasinghap si Alba at nagpatango tango naman sina Servo at Cogs.

 

"Nakalimutan kong taga palasyo at sobrang yaman pala ni Yulan." Napailing iling si Alba.

 

"Alam ko na turuan mo nalang kami Mikaela." Suhistyon ni Cogs na ikinagulat namn ni Mikaela.

 

"Huh, ano hindi ako matalino."

 

"Ano kaba Mikaela alam ng lahat na ikaw ang pinakamatalino at sa tingin ko ay magandang ideya na turuan mo sila." Sabi ni Reece sabay akbay sa nahihiyang si Mikaela ngunit maslalo itong nahiya sa sinabi nya.

 

"Si Yugo ang pinakamatalino." Nahihiya paring sabi ni Mikaela.

 

"Ano kaba," Umakbay din si Servo dito kaya dalawa na silang nakaakbay ka Mikaela. "Si Yugo ang pinakamabait, si Yulan ang pinakasikat at pinakamayaman, ikaw ang pinakamatalino, si Alba ang pinakanakakatawa at pinakabobo, si Cogs na walang kwenta-"

 

"Hoy Servo!"

 

"Loko ay kwenta ako."

 

"Sshh," pagputol ni Servo sa ga uangal. "Si Rick ang pinaka seryoso, si Gunter ang pinakatahik, si Reece ang pinakamaganda at ako ang pinakagwapo! kaya walang dapat ipag-alala!"

 

"Gago ka Servo kailan kapa naging gwapo!" Angal ni Alba.

 

"Servo hindi ko alam kong matutuwa ba ako sa pinaka maganda gayong ako lang ang babae dito."

 

"Kaya nga ikaw ang pinakamaganda ikaw ang prinsesa ng kampo!" Sigaw ni Servo at nakisigaw narin si Alba, pumalakpak si Cogs at napailing naan si Rick, tuitig si Gunter sa kanya.

 

"Anong prinsesa! suntukan nalang!" Inambahan ng suntok ni Reece si Servo ngunit agad itong nagtago sa likod ni Rick.

 

"Hahahahaha." Napatingin sila kay Mikaela na hindi apigilan ang pagtawa hanggang sa nahawa narin sila at nagtawanan, malibang kay Rick na malaki ang ngiti at kay Gunter na walang bakas ng eosyon sa ukha at nakatitig parin kay Reece.

 

"Uyy anong nangyayari dito?"

 

"Yulan!!" Maingay na bati nila ng makita ang bagong dating. Isang linggo ring nawala si Yulan dahil pinatawag ito sa palasyo.

 

"Magkwento ka! magkwento ka!" Para silang mga bata na nasasabik sa pasalubong ng kanilang magulang pero ayos lang naman sigurong masabik sila dahil totoong mga bata pa sila.

 

"Sigurado bakayong yan ang dapat unahin? narinig ko kay Yugo ang pagsusulit ngayon handa naba kayo?" Natatawang sabi ni Yulan. Napaungol si Alba ng marinig ang pag-aaral.

 

"Tutulungan ko kayong mag-aral." Masayang sabi ni Mikaela, may kompyansa na sa sarili.

 

Lumapit si Yulan kay Reece at bumulong, hindi ito nakaligtas sa matalas na pandinig ni Gunter.

 

"Gusto kana kitang makausap mamaya." Seryosong bulong ni Yulan. Tumango si Reece.

 

"Siulan na natin ang pag-aaral!" Masiglang sabi ni Yulan sa grupo. "Tiwala akong alam ko ang leksyon!" may pagmamayabang nitong sabi.

 

"Taksil ka Yulan! At Servo hindi kopa nakakalimutan na sinabi mong ikaw ang pinaka gwapo!" Angil ni Alba.

 

"Ano?! Ako ang pinakagwapo rito!" Sagot naman ni Yulan.

 

Nagtago ulit si Servo sa likod ni Rick.

A\N: kitakits sa Monday!
JoyShell Creator