9: Regalo para kay Mikaela
"Nakakapagod! Muntik na yon, marami talagang salamat Mikaela!" masayang sabi ni Alba sabay akbay kay Mikaela, habang malaki naman ang ngiti nina Servo at Cogs.
Katatapos lang ng kanilang pasulit at mukhang nakakuha ng magandang marka ang tatlo dahil sa pagtuturo ni Mikaela. Nilingon ni Reece si Yulan sumenyas ito sa kanya at sumunod naman sya, huminto sila sa likod ng isang malaking puno kong saan sila madalas na magpahinga.
"Yulan anong gusto mong sabihin?" Tanong ni Reece ng maiwan silang dalawa ni Yulan.
"Reece may plano akong gawin at kailangan ko ang tulong mo." Seryosong sabi nito.
"Nakikinig ako." Sagot ni Reece, ngayon lang nya nakitang seryoso si Yulan at mukhang importante talagi ito kaya kong makakatulong sya ay walang problema.
Sinalaysay ni Yulan ang ginawa nya sa pagdirinwang, kong pano nya naisipang dalhan ang pagkain karne si Mikaela ng makita ang napakaraming pagkain sa palasyo at kong paanong muntik na nya itong maisakatuparan ngunit nahuli sya ng kanyang kapatid. Hindi na sinali ni Yulan na muntik ng umiyak si Marila dahil sa sinabi nyang mataba ito dahil siguradong pagagalitan sya ni Reece.
"Hindi kita masisisi Yulan dahil ganon din ang gagain ko, ngunit anong plano mo? Malayo tayo sa palasyo at siguradong hindi na tayo makakakuha ng karne para kay Mikaela."
"May narinig ako sa pagdiriwang, isang negosyante ang babalik sa lupain nya sa Raba at dadaan sila dito sa kampo upang bisitahin ang kakilala nyang heneral sa tingin ko ito na ang pagkakataon natin."
"Ano pagnanakawan natin ang negosyante!" Napasigaw si Reece.
"Sshh, hinaan mo ang iyong tinig at hindi natin pagnanakawan ang negosyante." Nakangiting napailing si Yulan. "bibilhin natin ang karne, may dala akong isangv piraso ng ginto at talong pilak galing sa palasyo."
Napatango si Reece. "Sige tutlungan kita basta hindi labag sa batas ang gagawin natin."
"Konti lang naman ang lalabagin natin." Napakabatok si Yulan.
"Anong ibig mong sabihin? Yulan kapag dilikado yan!"
"Reece kalma, hindi naman dilekado pagnagkataon ay kailangan lang nating pilitin." Paliwanag nito.
Tumango si Reece hindi ngang malabong medyo magkapilitan. "Kailan dadating dito ang negosyante?"
"Sa tantya ko ay ngayong gabi, kaya babantayan ko ang mga karwahe na papasok."
Napaisip si Reece. "Makikilala mo ba ang karwahe?"
"Oo, iba ang itsura ng pang-arkilang karwahe iba rin sa mga mayayaman at iba sa palsyo." Sagot ni Yulan.
"Mabuti pero Sa tingin ko ay hindi papasok dito ang buong pangkat nila, siguradong maiiwan sa labas ang mga tagapaglingkod at ang negosyante lang ang papasok." Paliwanag ni Reece.
"Malaki ang tyansang ganyan nga. Hmmm, kong ganon ay lalabas tayo ng kapo."
"At alam mo ba ang pinakamabuting oras na lumabas ng kampo ng walang maghihinala?" Nakangising tanong ni Reece.
Ngumisi din si Yulan. "Kapag nag-iigib ng tubig."
"Tama pero hindi natin ito magagawa na tayong dalawa lang mahihirapan tayong pumuslit kailangang may magbantay kong sakaling nay sundalo at siguraduhing hindi malalaman ni Mikaela angating surpresa."
Tumawa si Yulan. "Ang galing mo ah, sanay na sanay pumuslit." pagbibiro nito.
Tumawa rin si Reece. "Lagi akong pumupuslit dati kay ina, ayaw ko kasing matutng magburda kaya tumatakas ako at lagi naman akong nahahanap ni Gunter at dinadala pauwi." Napailing si Reece ng maalalang kahit ilang beses syang tumakas ay lagi parin syang nahahanap ni GUnter.
Napailing si Yulan. "Kaya pala nasalikod ng puno ngayon si Gunter at nakikinig sa usapan natin."
"Huh?" Lumingon si Reece, lumabas naman si Gunter sa pinagtataguan nito at limapit sa kanya. "Gunter! kanina kapa?"
Tinitigan ni Gunter si Yulan, hindi ito sang-ayon sa plano nila.
"Yulan wag kang mag-alala kukumbinsihin ko si Gunter at sisiguraduhin kong hindi sya magsasalita."
"Wag kang mag-alala Reece alam ko namang hindi magsasalita si Gunter." Tumawa si Yulan sa sariling biro. "Ako ng bahalang maghanap ng iba nating makakasama. Mag-usap ulit tayo mamaya." Sabi ni Yulan at umalis na.
Hinarap ni Reece si Gunter. "Gunter para ito kay Mikaela at hindi ito mapanganib bibili lang kami ng pagkain at babalik agad, tapos." Paliwanag nya.
Umiling si Gunter.
"May plano na kami ni Yulan at kilala mo ako hindi ako magpapapigil." Mariing sibi nya.
Napabuntong-hininga si Gunter ngunit hindi parin kumbinsido.
"Sige sasama ka, tayong tatlo ang pupunta sa karwahe. Ayos kana don hindi ba."
Dahan-dahang tumango si Gunter.
*****
Nilingon ni Reece si Rick, tumango ito bilang tanda na ayos na ang lahat. Tumango rin si Reece at naglakad papunta sa kakahuyan sa kabilang banda ng batis kong saan naghihintay si Yulan, nakasunod sa kanya ang tahimik ngunit alertong si Gunter. Kanina ay nagplano sila ulit kasama sina Rick at Cogs, si Rick ang bahalang magbantay sa batis kong may mga sundalo ito narin ang magbabantay sa mga timba nila habang si Cogs ang sasama kina Alba, Servo at Mikaela upang siguraduhing hindi makahalata ang mga ito lalo na ang mga maiingay nilang kaibigan. At ng makumpirma nilang ilang metro sa labas ng kampo mananatili ang mga tagapaglingkod ng mayamang negosyante ay isinakatuparan na nila ang plano.
Hindi maiwasang makadama ng kaba si Reece lalo na ito ang unang pagkakataon na lumagpas sila sa batis, malalim na ang gabi at gising na gising na ang mga panggabing hayop. Walang kasiguraduhan kong ano ang matatagpuan nila sa kakahuyan.
"Yulan?" Mahinang tawag ni Reece. Dalawang beses nya pa itong inulit bago sya nakatanggap ng sagot.
"Reece dito." Sa likod ng mayayabong na damo ay itinaas ni Yulan ang kanyang kamay.
"Nahanp mo?" Tanong nya, yumuko sila ni Gunter upang magtago sa mga damo.
"Oo, ayon." Itinuro ni Yulan ang isang munting liwanag na nanggagaling sa sulo ng mga karwahe at ilan pang karo na may lamang mga kahon.
Hindi kalayuan mula sa mga sasakyan ay ang mga tagapaglingkod na nagkwekwentuhan sa palibot ng apoy. Ang iba naman ay mag-isa sa gilid. Dahan dahan silang lumapit, itinuro ni Reece ang isang hindi katandaan at payat na lalaki na nakaupo sa bato at nagbabalat ng patatas mukhang ito ang tagapagluto o utusan ng tagapagluto. Nilapitan nila ito ng dahan-dahan, alerto sa ingay at galaw na ginagawa ng mga tao sa harap ng apoy.
Narinig nila ang mahinang bulong ng lalaking nagbabalat ng patatas, ang pagkainis nito kong bakit kailangang paghandaan nya ng pagkain ang mga kasamahang nagtratrabaho lang kapag nasaharap ng amo at masayang nagkwe-kwentuhan kapag walang magbabantay samantalang siya ay kinailangang magbalat ng patatas sa gabi at bumngon ng maaga kinabukasan upang ipagluto ang mga malalaki nilang bunganga.
Hindi parin sila napansin ng lalaki kahit nasa likod na sila nito, patuloy parin ito sa pagsasalita ng mag-isa. Tinapik ni Yulan ang balikat nito, hindi ito pinansin ng lalaki at nagpatuloy sa ginagawa tinapik ulit ito ni Yulan. Ngayon ay naiinis itong lumingon at handa ng singhalan ang kong sino mang dumidistorbo dito. Nanlaki ang mga mata nito ng makita sila tatayo na sana ito at sisigaw ng hilahin ito ni Gunter at tinakpan ang bibig gamit ang kanyang palad. Maslalong nanlaki ang mga mata nito hindi akalain madadaig ng isang bata ang kanyang lakas.
"Sshh, wag kang mag-alala hindi kami masamang tao may maliit lang kaming kailangan. Hahayaan ka naming magsalita pero wag kang sisigaw." Sabi ni Reece.
Mashinigpitan ni Gunter ang pagkakahawak sa lalaki, agad namang itong tumango ng maramdaman ang sakit. Dahan-dahang inalis ni Gunter ang palad nya.
"Ngayon anong pangalan mo?" tanong ni Yulan.
"Kiko." Sagot nito.
"Kiko, alam namin na ikaw ang tagapagluto, kailangan lang namin ng ulam, karne." Sabi ni Reece.
"H-hindi ko ibibigay sa kawatan ang mga pagkain namin." Medyo tumaas na ang boses nito at akmang tatayo ng hinila ulit ito ni Gunter at maslalong hinigpitan ang pagkakahawak upang maibalik ito sa pagkakaupo.
"Hindi naman namin kailangan ng marami, isang ulam lang na karne, kahit anong karne ayos lang." Sabi ni Yulan. "At hindi kami magnanakaw babayaran ka namin dalawang pilak."
bahagyang nagliwanag ang mata nito ng mabanggit ang pilak. "May tirang karne ang aking amo sa kanyang hapunan." Sai ng lalaki.
Nagsalubong ang kilay ni Yulan. "Tira?" Halos mawindang si Yulan sa narinig.
"Wala ng iba, bukas makakarating na kami sa Raba." Paliwanag ng lalaki.
"Ayos nayan, bibilhin namin ng isang pilak isang ginto." Sabi ni Reece.
"Dalawang pilak at dalawang ginto." Sagot nito, aangal na sana ulit si Yulan ngunit pinigilan sya ni Reece.
"Dalawang pilak isang ginto." Tawad ni Reece.
"Tatlong pilak isang ginto." Diparin paawat ng lalaki.
"Sige payag kami."
binitawan ni Gunter ang lalaki tumayo ito at luapit sa isang karo, maingay paring nagkwe-kwentuhan ang ibang mga naroon walang nakakapansin sa kanila. matapos ang ilang minuto ay bumalik ang lalaki dala ang isang pirasong piniritong karne ng baboy na maspinatigas ng malamig na gabi. Tinanggap ito ni Reece, masamaliit pa ito sa palad nya ngunit pwede na, agad itong ibinalot ni Reece sa dahon ng saging at itinago sa kanyang damit. Kunot noo parin si Yulan habang inaabot sa lalaki ang tatlong pilak at isang ginto. Matapos masigurong hindi magsasalita ang lalaki at kalilimutan ang mga nangyari ay agad silang umalis bumalik naman sa pagbabalat ng patatas ang lalaki ngunit masaya na ito ngayon. Kinabukasan ay makikita ng lalaki ang markang iniwan ng mahigpit na pagkakahawak ni Gunter.
"Hindi ako makapaniwalang ang mahal ng isiningil nya para sa isang maliit na tirang pagkain!" Naiinis paring sabi ni Yulan. "Reece masmarami pa yong sa palasyo at dikalidad pa!"
"Yulan wala na tayong magagawa ito nalang ang natira at saka sigurado akong ikakatuwa parin ito ni Mikaela."
Napabuntong hininga si Yulan. "Tama ka, pero Reece hindi ko alam na magaling kang tumawad."
"Aba syempre!"
*****
"Rick nasan sina Yulan, Reece at Gunter? puno na ang mga timba ito na ang huling igib natin." Tanong ni Mikaela ng makabalik sa batis at wala ang mga kasama, napatingin si Cogs kay Rick hindi alam ang gagawin.
"May tinignan lang sila." Kalmadong sagot ni Rick.
"bilisan na natin gusto ko nang maligo!" malakas na sabi ni Alba.
"Alba wala pa sila Reece." Sagot ni Mikaela.
"Huh? Asan sila?" Naguguluhang tanong ni Alba, nagtatanong din ang tingin na ibinigay ni Servo kay Rick.
"Ahh, satingin ko nandyan lang sila sa tabi." Tabingi ang ngiti ni Cogs habang sumasagot. "Ah! ayan na sila!" masaya nyang sigaw ng makita ang tatlong papalapit.
"Saan kayo galing?" Inusenteng tanong ni Servo.
"May nakita kaming paruparu." Sagot ni Yulan
"Talaga malaki?" si Alba.
"Yulan walang parparu sa gabi." Si Mikaela na nagsisimula ng maghinala.
"Natutulog! natutulog na paruparu ang nakita namin diba Reece?"
"Oo natutlog! diba Gunter."
Hindi sumagot si Gunter.
"Tayo na nga at wag na nating hintayin ang sagot ni Gunter at baka abutan pa tayo ng pagputi ng uwak!" Masiglang sabi ni Alba at magka-akbay silang nauna na sila ni Servo agad namang sumunod si Cogs na ngayon ay nakahinga na ng maluwag.
*****
Matapos nilang makaligo lahat ay pinagtipon ulit sila ni Yulan sa loob ng paliguan.
"May gusto lang sana akong ibigay kay Mikaela, isang pangakong ibinigay ko dati na ngayon ay tutuparin ko na." Nakangiting pagsisimula ni Yulan.
"Anong pangako?" tanong ni Servo.
"Servo hindi ikaw ang pinangakuan kaya wag kang magtanong. Yulan anong pangako?" Si Alba naman ngayon.
"Gago Alba hindi rin ikaw ang pinangakuan."
"Servo, Alba makinig muna tayo." Pigil ni Cogs sa dalawa.
"Nangako akong patitikimin ng ulam na karne si Mikaela." Pagpapatuloy ni Yulan. "Ipapaliwanag namin ni Reece ang mga ditalye mamaya ngunit ngayon ay gusto ko munang matikman ni Mikaela ang aning regalo."
Inilabas ni Reece ang dahon ng saging at ipinakita ang lamang nitong maliit na pirasong pritong karne ng baboy. Namangha ang lahat. Inabot ito ni Reece kay Mikaela, nangingilid ang luha ni Mikaela ng tanggapin ito mula kay Reece at nilingon si Yulan.
"Tikaman mo na Mikaela." Sabi ni Yulan.
Nag-abang ang lahat sa bawat galaw ni Mikaela hinihintay ang reaksyon nya dahil sa kauna unahang pagkakataon ay makakatikim na ito ng karne. Kumagat si Mikaela, ngumuya at kasabay ng paglunok nya ay nahulog na ang kanyang luha.
"A-ang s-sarap... ito ang pinakamasarap na pagkain na natikman ko." Umiiyak na sabi nito.
Ilang sandali pa silang napatitig sa umiiyak na si Mikaela bago sila nagsigawan sa tuwa. Sapagdiriwang na ito ay nakatagpo si Yulan ng lugar na kanyang kinabibilangan, malayo sa matatayog na pader, mamahaling kasuotan at magagarang kasangkapan sa palasyo.