12: Ang plano ng bawat grupo
'Ang pagsusulit sa bundok ng Karya'
Buod
* Ang pagsusulit ay tatagal ng dalawang linggo (14-na araw)
* May 20-grupo na lalahok na may tig-3 meyembro bawat isa.
* Ang 10 grupo ay magsisimula sa timog habang ang natitirang 10 ay magsisimula sa silangan.
* May 200 bandila na nakakalat sa lugar na sakop ng pagsusulit. (May mga sundalong nagbabantay sa hangganan ng lugar ng pagsusulit)
* 14 na bandila ang kailangan upang makapasa.
* Kapag may lubhang nasugatan ay kailangang magpausok ng kulay pula. (may hawak na pausok ang bawat kadete.)
* Ang grupong may meyembrong lubhang nasugatan ay pupuntahan ng mga sundalo at ibabalik sa bukana ng bundok upang gamutin, kukunin ang kanilang nakuhang bandila at ituturing na hindi nakapasa.
* Pagkatapos ng dalawang linggo ay babalik ang mga kadete sa bukana ng bundok at bibilangin ang kanilang bandila.
Nagpatuloy sila Reece sa paghahanap ng mga bandila at sa ika-apat na araw ay meron na silang limang bandila at ngayon ay papunta na sila sa hilaga, may nakasalubong narin silang ilang grupo ngunit walang pag-uusap na naganap pinapakiramdaman lang nila ang isa't-isa.
"Reece sa tingin mo makokompleto natin ang mga bandila bago magsimula ang labanan?" Tanong ni Gabo.
Nakaupo silanga ngayon sa ilalim ng malaking puno at niluluto saapoy ang nahuli nilang isda. Kanina ay nakakita sila ng ilog kaya isda ang kanilang hapunan, nakainom din sila ng tubig nito kasing nakaraang araw ay prutas lang ang kanilang pantaid gutum at iniinom nila ang mga naipung hamog sa mga dahoon tuwing umaga. Sinusubok talaga ng pagsusulit na ito ang kanilang kakayahan na mamuhay sa gubat at bundok.
"Malaki ang tyansang makumpleto natin ang mga bandila at kong hindi man ay siguradong kaunti nalang ang kulang natin pagdating ng labanan. Satingin ko ay maliit na bilang palang ang grupo sa hilaga kaya siguradong marami tayong nahahanap doon." Sagot ni Reece.
"Mabuti naman, sobrang laki talaga nitong lugar ilang araw na tayo dito ngunit kaunting grupo palang ang ating nasasalamuha. Nakita mo naba ang inyong mga kaibigan?"
"Hindi pa nga pero siguradp akong ayos lang sila-, ha! Gabo, Ranggo ang tanga ko talaga ngayon ko lang ito naisip!" Napatayo ng tuwid si Reece. Bakit na nakaligtaan ang isang napakaimportangteng bagay.
"Ano? hinaan mo ang iyong boses may grupong 5,000 metro ang layo satin." Sabi ni Ranggo.
Humilig si Reece upang magkalapit sila.
"Napagdisisyunan na natin na dapat nating iwasan ang grupong may maraming bandalia ngunit hindi lang sila ang dapat nating iwasan at bantayan. Unang-una si Gunter."
"Bakit naman natin yun iiwasan eh sunod ng sunod ngayon sayo." Kunot nuong sabi ni Ranggo.
"Hindi natin maipagkakaila na si Gunter ang pinakamalakas sa atin ngayon, kaya nyang harapin ang tatlong tao ng sabay hindi tayo mananalo kapag nakalaban natin sya, idagdag pa ang kanyang mga kasama hindi pa natin alam kong sino sila."
"Tss."
"Pero Reece sa tangin ko ay hindi naman tayo kakalabanin ni Gunter." Sabi naman ni Gabo.
"Bakit? nasapagsusulit tayo at hindi yun maiiwasan. Gusto ko rin namang personal na hamunin si Gunter ngunit hindi ito ang tamang panahon." Sabi ni Reece. Dati nya pa gustong makipaglaban kay Gunter upang masubukan ang kanyang lakas ngunit lagi itong tumatanggi sa hindi malamang dahilan ni Reece.
Nagkatinginan sina Ranggo at Gabo, ngunit hindi na nila tinanong si Reece dahil mukhang hindi nito alam ang dahilan ng mga kilos ni Gunter.
"Naiintindihan namin, iiwasan natin ang grupo ni Gunter." Si Gabo.
"Kong ganon iwasan narin natin ang grupo ni Yulan, kaya ko naman syang harapin ngunit naiinis ako as mukhan at buhok ng Yulan na yun." Sabi ni Ranggo.
"Iwasan narin natin si Yugo, kaibigan ko sya kaya alam ko ang kakayahan nya at siguradong mabubuklod nya ang kanyang grupo at magkakaroon sila ng magandang plano." Si Gabo naman.
"Tama iwasan natin sila ngunit ang grupong pinakamalakas ngayon ay ang grupo kong nasaan si Mikaela." Sabi ni Reece.
"Si Mikaela? mahina naman yun." Kunot noo na sabi ni Ranggo.
"Siguro nga hindi ganoon ka lakas si Mikaela ngunit siya ang pinakamatalino. Noong papunta tayo dito ay sya ang nakapansin sa kaonting dala na pagkain at nakabuo sya ng teyoryang kailangan tayo ang maghanap ng pagkain sa pagsusulit na ito at tama sya. Yung pinag-usapan natin tungkol sa mga bandila at nalalapit na labanan, yong mga grupong dapat iwasan sigurado akong unang araw palang ay naisip na iyon ni Mikaela!"
"Gayan katalino si Mikaela!" Hindi makapaniwalang sabi ni Gabo.
"Masmatalino pa sya kesa sa inaakala nyo, ngunit higit sa lahat nakita nyo ba kong sino ang kagrupo nya?"
"Si Rick." Seryosong sagot nito, naiintindihan na ang buong sitwasyon.
"Oo si Rick, si Rick na lumaki sa pamilya ng mga mangangso at kabisado ang buhay sa bundok, sya ang pinakamagaling sa pamamana at kaya ngyang makipagsabayan kina Gunter, Yulan, at sayo din Ranggo pagdating sa lakas natatalo ko lang si Rick sa labanan dahil sa pamamaraan ko sa pakikipaglaban ngunit nabibilang ko lang iyon sa aking mga daliri. Kong pagsasamahin ang talino ni Mikaela at lakas ni RiCk ay siguradong maslalo silang lalakas."
"Ngayong nabanggit mo yan tama ka nga, pero malakas din naman ang ating grupo hindi din tayo mahuhuli pagdating sa labanan." Ani ni Gabo.
"Kompiyansa ako sa lakas ng ating grupo ngunit hindi hindi rin tayo magtatagal kong ang mga grupong nabanggit natin ay ang una nating makaharap."
"Magpahinga na tayo, kong ako lang ang masusunod ay haharapin ko ang mga grupong yun dahil hindi ako mahina ngunit dahil nakipagkasundo ako sayo Reece ay kikilos ako para sa ikakabuti ng grupong ito." Sabi ni Ranggo at nahiga na ito.
"Masaya ako Ranggo, magpahinga na tayo bukas ay magpapatuloy tayo sa paghahanap." Masayang sabi ni Reece at humiga na ulit sila.
*****
"Yulan nakita ko na." Sabi ni Kobi at ibinigay kay Yulan ang pulang bandila.
"Ayos, may anim na tayo." Kinuha ni Yulan ang bandila at itinago.
"Saan tayo sa silangan o kanluran?" Tanong naman ni Josef.
"Sa hilaga." Nakangising sagot ni Yulan.
"Sa hilaga? ngunit masmalayo dito ang hilaga aabutin tayo ng tatlong araw, hinid ba't masyado pang maaga upang iwan ang timog?" Ani ni Kobi.
"Wag kayong mag-alala mananatili muna tayo dito ng dalawang araw pagkatapos ay didiretso tayo sa hilaga at doon maghihintay."
"MUkhang sa una pa lang ay balak mo na talgang manguna sa labanan." Napailing si Josef.
"Ano ba naman kayo sa ganiton paraan mas sasaya ang pagsusulit, haha. Kapagsu-swertehin tayo ay baka makaharap pa natin si Gunter."
"Bakit mo gustong makaharap si Gunter ikaw na rin ang nagsabi na totoong galit sya sayo ngayon dahil sa hiniwalay mo sya kay Reece."
"Yun na nga ang gusto ko Kobi, gusto kong makaharap ang galit na Gunter."
"Wag kang mag-alala Kobi kapag nakaharap natin sila Gunter ay iiwan natin si Yulan."
"Ang sama mo Josef magka-grupo tayo!" Nagtawanan sila sa sinabi ni Yulan.
*****
"Mikaela may ilog 1,000 metro ang layo dito, sa tingin ko patungu ito palabas sa lugar ng pagsusulit." Sabi ni Rick.
"Sa tingin mo saan namumula ang ilog, wala tayong nakita sa timog kayo siguradong sa hilaga o silangan ito galing." Sagot ni Mikaela.
"Galing itong silangan. Ang mga hayop ay namamalagi sa lugar kong saan may tubig at napansin kong galing silangan ang kalimitan sa kanila."
"Tama, maghanda na tayo ng apoy ilang sandali lang ay makakabalik na si Sabasa." Sabi ni Mikaela.
Agad namang kumilos si Rick at ilang saglit lang ay napapalibutan na sila ng liwanag at init mula sa apoy. Ang kaalam ni Rick sa kabundukan ay siyang nagpadali sa mga plano ni Mikaela.
"Sigurado ka bang hindi na tayo tutuloy sa hilaga?" Tanong ni Rick.
"Maku-kompleto natin ang mga bandila dito sa kanluran kaya dito natin ilalaan ang ating panahon, sa hilaga magsisimula ang labanan dahil karamihan sa mga grupo ay doon magkikita, ang mga matatalo sa hiliga ay tutungo sa silangan o kanluran kaya dapat nating palakasin ang ating depensa hindi lang iyan malaki din ang banta ng mga malalakas na grupo alam kong kaya mong makipagsabayan sa kanila ngunit kailangan natin panatilihin ang iyong lakas. Mananatili tayo dito at pag-aaralan ang buong lugar pagnagawa natin iyon ang buong kanluran ay magiging teretoryo natin."
Napangisi si Rick. "Mikaela ayaw kitang maging kalaban."
"H-huh? pero mas-ayaw kitang kalaban! pati si Gunter, Yulan at Reece naiisip ko palang ay talo na ako hindi ko kayang makipagsabayan sa lakas nyo. Ang mga mahihina na kagaya ko ay kailangan ng stratehiya upang makatagal."
"Hindi lang naman lakas ang dahilan ng pagkapanalo. Mikaela sa tingin ko pagkalipas ng ilang taon ay ikaw ang magiging utak ng kaharian."
"Ha! H-hindi! isa lang akong hamak na batang nangangarap maging sudalo, masyadong mataas ang iyong sinasabi at ipomsible ni hindi ko panga natatanaw ang ating kaharian."
"Haha, sira ka talaga maging ako ay hindi pa natatanaw ang kaharian."
*****
Malakas na hinila ni Reece si Ranggo payuko, dahil sa gulat ay halos masubsub si Ranggo sa bato. Naghahanap silang dalawa ngayon ng pagkain bago sila tumuloy sa hilaga plano nilang makarating doon ng masmabilis kaya hinahanda na nila ang kailangan lalo na ang pagkain upang maging tuloy-tuloy na ang kanilang pagalalakad sa mantalang naiwan si Gabo upang ihanda ang kanilang matutulugan. Marami na silang nakuhang pagkain ng may natanaw si Reece kaya agad nyang hinila si Ranggo upang makapagtago sila.
"Ano bang problema mo muntik na akong masubsub!"
"Sshhh, hinaan mo ang boses mo may natatanaw ako." Sagot ni Reece.
Naging alerto si Ranggo at tinanaw din ang nakita ni Reece ngunit sa sobrang layo nito ay halos hindi na ito maghugis tao pero alam nilang isa itong grupo.
"Ang layo nila halos hindi kona matanaw sigurado akong hindi rin nila alam na nadito tayo."
"Nakikita ko si Gunter, kailangan nating mag-ingant." Seryosong sabi ni Reece.
Kunot noong tinitigang mabuti ni Ranggo ang tinutukoy ni Reece ngunit sa sobrang layo ng kabilang grupo ay nagmukha silang mga anino, imposibleng makilala ang kahit sino sa kanila.
"Imposibleng makilala ang kahit sino sa kanila dahil sa sobrang layo." Sabi ni Raggo.
"Anong sinasabi mo, makikilala ko si Gunter kahit maging kasing liit sya ng langgam at kahit matabunan sya ng makapal na hamog."
"Ha?"
"Wala na tayong oras, bumalik na tayo bago pa sila makapansin. Hindi ko akalaing makakatagpo agad natin si Gunter, katatapos lang nating pag-usapan na isa sya sa mga dapat nating iwasan. Mabuti nalang at bukas ay tutuloy na tayo sa hilaga kailangan palakihin natin ang distansya ng ating grupo sa kanila." Tumalikod na si Reece at nagsimulang naglakad pabalik.
Tahimik na sumunod si Ranggo pero maraming nabubuong tanong sa kanyang isip. Kagaya ng kong bakit sobrang bilis nakarating ng grupo ni Gunter sa silangan gayong ilang araw ang kailangan upang makarating dito, hindi ba sila tumigil sa timog upang maghanap ng mga bandila? nasapusod na sila ng silangan at kong ang grupong nagsimula sa timog kagaya ng kat Gunter ay nakaratihng na dito ibig sabihin ang direksyong tatahikin nila ay papuntang hilaga, ngunit bakit nagmamadali ang grupo ni Gunter na pumuntang hilaga? Tinitigan ni Ranggo ang likod ni Reece na patuloy na naglalakad. Hindi importante kay Gunter ang hilaga, sadyang may tao- may babae syang hinahanap na papuntang hilaga.
Hindi mapakaling napabangon si Ranggo mula sa pagkakahiga, hindi maalis sa isip ang ang Grupo nila Gunter. Maslaki ang posibilidad na hinahanap nga ni Gunter si Reece, nakaramdam ng kakaibang lamig si Ranggo gaano ba kagaling si Gunter na nagawa nitong mahanap sila sa loob lang ng apat na araw. Tumayo si Ranggo, hindi nagising sina Reece at Gabo kaya tahiCmik syang naglakad papuntang ilog ilang daang metro ang layo kailangan nyang palinawin ang kanyang isip upang hindi makahalata ang kanyang mga kasama sa mga bumabagabag sa kanyang isip. Nakarating si Ranggo sa ilog, ang liwanag mula sa bilog na buwan ay nagpakintab sa buong paligid kagaya ng isang pilak ang tahimik na daloy ang tubig ang huni ng mga pangabing insekto at ang mahinang pagsayaw ng mga dahon ay nagbigay buhay sa malalim na gabi. Ang maaliwalas at malinis na hangin ay pumasok sa baga ni Ranggo na syang dahilan ng paggaan ng kanyang pakiramdam.
Ilang sandali pa nyang tinanaw ang buong paligid bago sya yumuko upang sumalok ng tubig gamit ang kanyang mga palad. Inihilamos nya nga malamig na tubig ilang beses nya pa itong ginawa bago na kontento. Tatayo na sana si Ranggo ng biglang may malakas na puwersa ang pumigil sa kanyang pagtayo, isang malakas na kamay ang nakahawak sa kanyang ulo. Gamit ang likas na kilos ay agad ikinumpas ni Ranggo ang kamay upang maalis ang kamay na nakahawak sa kanya ngunit nahawakan ng kabilang kamay nito ang braso ni Ranggo at malakas syang isinubsob sa tubigan napaluhod si Ranggo at halos makainum sya ng tubig ngunit agad nyang ginamit ang lakas at pinigilan ang sarili na tuluyang mahalikan ang tubig.
"Puta sino ka!" Galit na sabi ni Ranggo.
Hindi sumagot ang kong sino mang mayhawak kay Ranggo.
Gamit ang isa pang kamay ay sinubukan ulit ni Ranggo na abutin ang kamay na pumipigil sa kanyang ulo na lumingon ngunit namilipit sya sa sakit ng masalo ulit nito ang kamay nya, ngayon ay ang dalawang kamay na nya ang kawak nito sa kanang kamay habang ang kaliwang kamay nito ay nasa kanyang ulo at idinidiin sya sa tubig.
"Argh!" Naiinis na unggol ni Ranggo, may hinala na sya kong sino ang tao sa kanyang likod dahil bilang lang naman sa daliri ang kadeteng may ganitong lakas at iisang tao lang kayang makapagaramdam sa kanila ng kakaibang misteryo, ang isiping ito ay mas nagpainis kay Ranggo.Mm
Sinubukang labanan ni Ranggo ang puwersang pumipigil sa kanyang ulo at gamit ang liwanag mula sa bilog na buwan ay nakita nya ang replesyon ng isang lalaki sa tubig.
"Anong kailangan mo Gunter?" Galit na sabi ni Ranggo.
"Makinig ka." Bulong ni Gunter.
Nanlaki ang mga mata ni Ranggo sa narinig at ilang saglit pa bago sya nakabawi.
"Tang-ina! Nagsasalita ka!"
Hi people! sorry kasi nag MIA ako for 2 weeks but I'm back and I'll try to update regularly. Bukas ko pa sana ito iu-update pero may lakad ako eh hehe. see you on thrusday! balik na tayo sa 'ideal' monday and thursday update