7: Si Yulan sa palasyo ng Damors
tuwid na nakatayo si Yulan sa harap ng salamin na lagpas pa sa kanya ang laki, ang dati nyang makinis at maputing kutis ay bahagyang nasunog dahil sa sikat ng araw, ang dating malambot na dilaw na buhok ay nakatayo kong saan-saan, nabawasan na ang kintabnito at ang dating malalambot na palad ay nakikitaan na ng maninipis na kalyo. Wala namang malaking pagbabago sa kanyang gwapong mukha, ang ilong nya ay maslalong tumagos dahil sa bahagyang pagkawala ng timbang.
Idinipa ni Yulan ang dalawang kamay, dalawang tagapaglingkod ang nasuot sa kanya ng isang mamahaling roba na kulay berde. isang pamilyar ngunit kakaibang pakiramdam ang naramdaman ni Yulan ng dumapo ang mamahaling kasuotan sa kanyang balat, ilang buwan na sya sa pook sanayan at naging bago sa kanya ang karangyaang natatamasa. Ang pangatlong tagapaglingkod ay sinusuklayan ang kanyang buhok at pinapahiran ng mabangong langis, sinusubukang maibalik ang dating kintab nito. Ipinagpatuloy ng isang tagapaglingkod ang pagsasaayos sa kanyang roba umuko naman ang isa at ngayon ay isinusuot ang kanyang kasuotang pang paa.
Ng matapos ang tatlo sa kanilang pag-aayos at sabay silang umatras at umuko bago tumayo sa gilid, naghihintay ng utos. Sinuri ni Yulan ang sarili sa salamin, inayos ng bahagya ang kanyang damit at muling tumingin sa salamin. Wala na ang kakaibang pakiramdam kanina at naging normal na ulit ang lahat, sya na ulit si Yulan ang pangalawang anak ng Duke na kapatid ng Hari. Isang maharlika.
Lumabas sya ng silid at binaybay ang mahaba at malaking pasilyo ng kaharian, nakatayo sa magkabilang gilid ang dalawang sundalo na parang bato ni ang mga mata nila ay hindi gumagalaw. Naalala ni Yulan ang mga kasamahan sa kampo at bahagyang napangiti ngunit agad din itong nawala ng makita ang lalaking nakahalukipkip at nakasandal sa pader, ang suot nito ay kagaya ng suot nya ngunit kulay dilaw. Umahon sa pagkakasandal ang lalaki, huminto si Yulan ilang dangkal ang layo nila sa isat-isa.
"Umayos ka Yulan." Mariin nitong sabi.
"Wala pa akong ginagawa." Sagot ni Yulan.
"Hihintayin ko pa bang may gawin ka?"
"Ma-"
"Manahimik ka Yulan."
"Wala pa akong sinasabi."
"Hihintayin ko pa bang may sabihin kang ikakahiya ng pamilya natin!" bahagyang tumaas ang boses ni Vald, binaklas din nito ang nakahalukipkip na braso.
"babatiin lang naman kita ng magandang umaga."
"Tumigil ka, hanggang ngayon ay nahihiya parin ako sa mahal na prinsepe dahil sa pag-alis mo sa palasyo. Ang edukasyon dito ay masmataas kesa sa kong saan ka galing at nandito ang mahal na prinsepe!" May diin sa huling sinabi nito na parang ito ang pina ka importante sa lahat.
"Pwede ba kuya kong gusto mong bumuntot sa prinsepe ay gawin mo pero ayoko dito sa palasyo." Pagod na sabi ni Yulan. Ilang beses na silang nagkasagutan tungkol dito.
"Ang mga maharlika ay dapat nasa palasyo."
"Ang mga maharlika ay kailangang lumabas ng palasyo upang makita ang kalagayan ng mga simpleng tao."
"Huh, nakatapak ka lang sa maruming lupa ay nagmamarunong kana, masmatanda parin ako sayo."
"Ng isang taon oo, at hindi ko lang basta tinapakan ang maruming lupa nagpagulong gulong din ako doon." Taas noong sagot ni Yulan, natutuwa sya sa kanyang sarili dahil hindi nya akalaing ikasasaya nya ang paghihirap na dinaas sa kampo.
Hindi makapaniwalang tinignan sya ni Vald, agad naman itong napalitan ng pagkadisgusto.
"Wala akong pakialam, ayusin mo ang sarili mo at kong maaari ay huwag kang magpapakita sa mahal na prinsepe."
"Ayoko ring makita ang lalaking yun, at bakit ba ako ang inaatupag mo nasan na ang napakaimportanteng prinsepe at bakit hindi sya ang atupagin mo." Patuyang sagot ni Yulan.
"Lapastangan! wag na wag kang magsasalita ng laban sa mahal na prinsepe!" Halos lumabas na ang ugat sa leeg ni Vald dahil sa pinipigilang inis. Huminga ito ng malalim bago nagpatuloy sa pormal na boses.
"Mamayang gabi na gaganapin ang pagsasalo umayos ka."
"Susubukan ko." Tumaas ang sulok ng labi ni Yulan, sinasadyang inisin ang kaharap.
"Yulan!"
"Oo na, oo na."
Tumalikod si Vald at mabilis na naglakad paalis, iniihip ng hangin ang itim nitong buhok na minana sa kanilang ina. Naalala ni Yulan na pupuntahan nya ang ina sa malayong timog ng kaharian at siguroy doon palilipasin ang buong araw.
Habang naglalakad ay iginila ni Yulan ang paningin sa buong lugar, itinatanim sa isip ang bawat poste, larawan, bulaklak, guwardya, kandila, estatwa, baluti, sinig at iba pang mga kagamitan sa kaharian. Dati na nyang nakita ang mga ito ngunit wala syang interes ngayon ay gusto nyang maalala ang kahit maliliit na detalye upang maikwento sa mga kasamahan.
*****
Isa na namang bagong kasuotan ang nakahanda para kay Yulan na gagamitin sa pagsasalo, iba ang desenyo nito ngunit berde parin ang kulay. Sa tanggapan ng kanyang ina pinalipas ni Yulan ang buong maghapo, nagkentuhan sila ng kahit ano at masaya nyang ikwenento ang mga kasamahang nakilala at ang mga maliliit nilang katuwan. Hindi na nya idenetalye ang mga pagsasanay na ginawa dahil ayaw nyang masmag-alala ang ina. Lubha itong nagulat ng makita ang kaonting pag-iiba ng kanyang kulay at halos magsisi ito sa pagpayag na magsundalo si Yulan ng makita ng maliiit na kalyo sa kanyang palad.
Ng bahagyang lumubog ang araw ay bumalik na si Yulan sa kanyang silid, hinayaan nyang maghanda ang kanyang ina dahil siguradong aabutin ito ng ilang oras sa pag-aayos. Nahiga si Yulan sa malambot at malaking kama sa gitna ng isang malawak na silid at halos hilahin sya ng antok dahil sa lambot nito, naalala nya ang matigas at munting kama sa kampo hindi masyadong komportable ngunit masmalalim ang tulog nya siguro ay dahil na din sa pagod. Naalala nya ang mabigat na paghinga ni Reece sa katabing kama at ang mahinang pagsasalita ni Alba habang tulog, masyado itong mahina upang maintindihan nya. Kumpara sa maluwag na silid na para lamang sa kanya ay maspanatag sya sa maliit nilang tulugan kong saan abot tanaw nya ang mga kasama. Naisip ni Yulan kong ang mga munting bagay ba na ito ang dahilan kong bakit iniwan nya ang palasyo, napangiti sya.
Isang katok ang pumutol sa kanyang pag-iisip, nagsalita ang tagapaglingkod oras na raw upang maghanda. Tumayo si Yulan at pumasok ang tatlong tagapaglingkod sila din ang nag-ayos sa kanya kanina. Tahimik na ginawa ng mga ito ang tungkulin. Ng matapos ay binaybay ulit ni Yulan ang mahabang pasilyo ngunit ngayon ay papunta na sya sa bulwagan, ilang metro nalang ang layo nya sa pinto ng bulwagan ay napahinto si Yulan dalawang pares ng mata ang nakasalubong nya mukhang papasok na rin sila sa bulwagan. Ang isa ay naiinis at sinasabing umalis na sya agad habang ang isang naman ay namamangha.
"Yulan, muntik na kitang hindi makilala." Sabi ni prinsepe Rimuru, inaaliw nito ang sarili sa panunuri sa kanya.
"Mahal na prinsepe," bahagyang yumuko si Yulan. "Ilang buwan rin akong nawala."
Tahimik lang si Vald sa likod ng prinsepe, wala na ang mabangis nitong anyo kanina at parang isang tutang kumakawag ang buntot sa likod ng prinsepe. Gustong irapan ni Yulan ang kapatid ngunit pinigilan nya ang sarili.
"Ganon ba, Yulan anong natutunan mo sa maruming lugar?" Tanong nito.
"Mga bagay na wala dito sa palasyo." May bahid ng ngiti sa boses nya.
"Yulan!" Hindi pinalagpas ni Vald ang tono ni Yulan, sasawayin na sana nya ito ng itinaas ng prinsepe ang isang kamay. Pinapatahimik si Vald. Agad nyang tinikom ang bibig.
"Ayoko kong ulitin ang tanong."
Nag-iwas ng tingin si Yulan, mukhang mararanasan na naman nya ang mapangmaliit na tingin ni prinsepe Rimuru.
"Tinuruan kaming sumunod sa utos ng mga opisyal." Sagot nya.
"At sino ang pinakamataas na opisyal sa kaharian?" Dagdagtanong ng prinsepe.
"Ang mahal na hari."
"Maliban sa gurang na yun." Sabi nito na parang kong sino lang ang naunang nabanggit.
"Ang mahal na prinsepe." Hindi nakaligtas kay Yulan ang matagumpay na ngiti ni Vald na parang bang pangalan nito ang binanggit, maslalo syang nainis sa mukha ng kapatid.
"Luhod." Utos ng prinsepe.
Agad sumunod si Yulan, sumayad sa makintab na sahig ang mamahalin nyang damit. Nakaluhod ang isang tuhod, ang kaliwang kamay ay nakatago sa likod hang ang kanan naman ay nasa pagitan ng kanyang isang tuhod at nakayukong ulo. Parang isang kabalyerong galing sa digmaan at binabati ang magiting na hari. Ang kaibahan lang ay hindi pa isang kabalyero si Yulan at hindi magiting ang kanyang niluluhuran ngunit walang dudang magiging hari ito.
"Umalis ka para lang mamatutung lumuhod? haha." Matapos ang maikling tawa ay nawalan na ng interes ang prinsepe.
bumukas ang malaking pinto ng bulwagan na para bang alam nito na papasok na prinsepe. Pumasok na ang prinsepe at agad namang sumunod si Vald na may matagumpay na ngiti. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Yulan ng sumara ang pinto, tumayo sya at ilang beses na ginupit ang hanggang balikat na buhok ng prinsepe sa isip pagkatapos ay binura nya gamit ang sariling mga palad ang pangit na ngiti ng kapatid. Kong sana lang ay pwede nya itong gawing sa totoong buhay, huminga sya ng malalim bago lumapit sa pinto bumukas ito at pumasok sya sa loob.
Naggagandahang kasuotan at nakikintaban na alashas, desenyong ginawa ng mga piling personalidad sa sining, mga ngiting matatamis ngunit halatang hindi totoo, mga pagbati at kumustahan ng mga taong hindi gusto ang isat isa, mga tagapagsilbing hindi pwedeng tumitig sa mga panauhin at sinisikap na dimapansin ng kahit sino, at mga gwardyang ni pagkurap ay hindi mo makikita ang bumungad kay Yulan sa kanyang pagpasok, mga pangyayaring normal lang sa palasyo. Ginala ni Yulan ang [aningin at hinanap ang kanyang ina at ama, agad naman nya itong nakita sa gitna ng mga mayayamang panauhin.
Lumapit sya upang batiin ang mga magulang. Habang papalapit ay narinig nya ang pinag-uusapan ng mga ito.
"Kagalang galang na Duke hindi ko yata nakikita ang mahal na hari." Sabi ng isang tanyag na negosyante, nakakapit sa balikat nito ang asawang malaki ang ngiti habang ipinapakita sa ina ni Yulan ang mamahaling alahas sa leeg.
"Nagpapahinga na ng mahal na hari ang pagsasalong ito ay pinapanguluhan ng ating prinsepe." Sagot ng Duke.
"Talaga namang kamangha mangha ang ating prinsepe, sa murang edad ay malaki na ang nagagawa."
"Ama." Sabi ni Yulan upang ipahayag ang kanyang pagdating.
"Yulan anak!" Masayang bati ng kanyang ina.
Inabot nya ang kamay ng ina at hinalikan. Tumango naman ang kanyang ama.
"Kagalang galang na Duke nabalitaan ko ang pagalis ni Yulan sa palasyo upang magsundalo." Nakangiting sabi nito, ngunit rinig parin ni Yulan ang disgusto sa boses nito.
"Ikinagulat ko rin ito, ngunit ikinasasaya kong malaman na ganon nya kagustong protektahan ang kaharian." Sagot ng kanyang ama.
bahagyang nagulat si Yulan, hindi nya pinaalam sa ama ang plno at basta nalang umalis sa palasyo sa tulong ng kanyang ina. Ngayon ay nalaman nyang ayos lang ito sa ama ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Ngunit anong problema ng Vald na yon? tanong ni Yulan sa isip.
Nagpaalam ang negosyante na hahanapin nito ang prinsepe, naiiwan silang tatlo.
"Nakikita kong may pagbabago sa iyong itsura Yulan." Sai ng Duke.
"Wala kang dapat ipag-alala ama, bunga lang ito ng pagsasanay."
"Ang iyong desisyon ay hindi kagandahan ngunit inaaasahan kong hindi mo ako ipapahiya, hindi ako tatanggap ng kabiguan."
Sa madiling salita ay ayos lang sa kanyang ama ang kanyang pagsusundalo ngunit dahil pinili nya ito kesa sa mataas na edukasyon sa palasyo ay kailangang magbigay din sya ng katangi-tanging resulta sa piniling gawin.
"Opo."
"Kagalang galang na Duke." Sabi ng isang matandang propesor.
"Maiwan kana kayo ama, ina." Paalam ni Yulan.
Tumango ang kayang ama at hinarap ang propesor, ngumiti naman ang kanyang ina at hinalikan sya sa noo. Naglakad si Yulan palayo hindi alam kong saan sya pupunta dahil wala naman talaga syang interes na makipag-usap sa kahit kanino. Isang ginang ang humarang sa kanyang dinadaan at pilit ipinapakita sa kanya ang batang anak na babae.
"Yulan, naalala mo ba ang anak kong si Marila nagkita kayo nuong nakaraang taon." Masayang sabi ng ginang.
Ngumiti ng matamis ang anak nito. Hindi ito maalala ni Yulan at ang makinang na kulay ng malaking laso sa ulo nito ay nakakapagpasakit ng kanyang ulo. Ngumiti si Yulan, isang ngiting ilang taon nyang sinanay upang maging perpekto ngunit nakakatawang isipin na kagaya ito ng ngiti ng batang babae.
"Magandang gabi." bati nya.
Tumawa ang ginang. "Magandang gabi, magandang gabi ang aking anak si Marila." masayang sabi nito at bahagya pang tinulak ang anak.
"Yulan." mahinang sabi ng babae.
"Gusto ko pa sanang makipag kwentuhan ngunit ipinatawag ako ng mahal na prinsepe. Kong ayos lang sa inyo pwede naman natin syang paghintayin."
"Ang mahal na prinsepe! isang malaking kasalanan ang paghintayin ang mahal na prinsepe. Wag mo kaming alalahanin at tumulay kana." Medyo nagpapanik na sabi ng ginang, nawala naman ag ngiti ng anak nito.
"Kong ganon ay maiwan ko na kayo." Nakangit parin sabi ni Yulan. Ng tumalikod sya ay nawala na ang kanyang ngiti. Hindi naman sya pinatawag ng prinsepe at mas lalong aya nya itong makita.
Halatang inirereto ng ginang ang anak sa kanya, bakit nya naman gugustuhin ang ganong babae, walang ibang alam kundi sundin ang magulang. Masmaganda pa si Reece doon at di hamak na masikakatuwa nya ang palaban nitong personalidad kesa sa isang manika.
Natanaw ni Yulan ang mahabang lamesa na puno ang ibat ibang pagkain. Walang masyadong pumapansin dito Malibang sa mga tagapag silbi na tinitignan kong may laman pa ba, abala ang mga panauhin sa pakikipag-usap at pagkompara sa mga alahas na suot. Tumapit si Yulan dito, mga karne, gulay, prutas, panghimagas, karne at karne ulit ang mga ulam na nakahain, mga masasarap at dekalidad na pagkaing sa palasyo at mga piling pamilya lang ang may kakayahang maghain.
Napatitig si Yulan sa mga pagkain. Karne ng baboy, ng tupa, baka, kabayo, usa, at iba pa. Naalala nya ang mga kasamahang hindi gaanong nakakain ng karne, siguradong hindi pa nila nikikita ng mga nakikita nya ngayon. Naalala nya si Mikaela na kahit kailan ay hindi pa nakakatikim ng karne at ang kanyang pangako na ipapatikim ito sa kanya. Ikinuyom ni Yulan ang mga kamao.
Sa loob ng malaking bulwagan ay masayang magkwekwentuhan ang mga panauhin, masyado silang abala sa pagkukumpara ng mga yaman na walang ni isa ang pumapansin sa mga pagkain nakahain, mga pagkain salat sa ibang parte ng kaharian. Hindi ito alam dati ni Yulan, o kong alam nya man ay hindi nya maintindihan kong bakit may pamilyang salat sa pagkain ngunit ng makapasok sa sa kampo at marinig ang mga karanasan ng mga kaibigan ay nakaramdam sya ng hiya sa sari, kaya pinilit nyang matutunan ang mga bagay upang ipakita na hindi sya iba sa kanila gusto nyang ipakita na isa lang din syang ordinaryong tao.
Ngunit ngayon habang nakahain sa harap nya ng mga masasarap at mamahaling pagkain, habang suot nya ng magandang kasuotan ay naramdaman nya ulit ang parohing kahihiyan. Ikinahihiya nya bang isa syang maharlika? siguro.