4: Kaguluhan sa Batis

 

Bitbit ang tig dalawang maliliit na balde ay lumabas sila sa kampo at nagsimulang naglakad papunta sa batis, may mga sulo sa daan kaya hindi problema ang dilim ng gabi. Habang naglalakad ay rinig nila ang huni ng mga panggabing hayop at ang walang tigil na pagsasalita ni Yulan, mukhang marami pa itong lakas para magsalita.

 

"Masaya talaga ang ganitong mga gawain! sa palasyo ay parating may tagapaglingkod kaya halos wala na akong ginagawa, puro din matatanda ang nakikita ko kaya masaya talagang makipag-usap sa mga kasing edad ko!"

 

"Malaki ba ang palasyo Yulan?" Tanong ni Alba.

 

"Aba sobrang laki! aabot ng ilang araw bago mo malibot ang buong lugar, marami ring mga silid."

 

"Talaga! marami bang pagkain!" Si Servo naman.

 

Nagpatuloy ang kanilang pagtatanong tungkol sa buhay sa palasyo na masaya namang sinasagot ni Yulan.

 

Hindi nagtagal ay narating na nila ang batis, nandoon narin ang ibang grupo at kahit gabi na ay napuno ng kwentuhan at tawanan ang lugar. Buong araw silang nag-ensayo at pinagbawalang magsalita hanggat hindi tinatanong kaya ngayon lang talaga nagsimulang magkakilala ang lahat.

 

May lumapit sa kanilang isang grupo.

 

"Kumusta maayos ba ang lahat? ako nga pala si Yugo." Pagpapakilala nito sabay ngiti.

 

"Ako si Yulan!" masayang sagot ni Yulan.

 

"Yulan, alam kong galing ka sa palasyo, iba ang buhay dito sana ay hindi ka masyadong mahirapan ngunit kong kailangan mo ng tulong ay maari mo akong lapitan." Nakangit parin ito at tinapik ang balikat ni Yulan.

 

Masaya namang tinanggap ni Yulan ang alok nito. Nilibot ni Yugo ang paningin at mas lumiwanag ang mukha nito ng makita si Reece.

 

"Reece tama ba ako?" magalang nitong tanong.

 

"Oo, Yugo hindi ba?" Sagot ni Reece.

 

"Masaya akong may babaeng gustong magsudalo pero alam ko ring mahihirapan ka dahil puro lalaki ang kasama mo dito pero wag kang mag-alala hindi naman kami ganoon kahirap pakisamahan. May isa rin akong kapatid na babae kaya maari mo akong lapitan kong may problema ka." Malumanay ang boses at ngiti ni Yugo.

 

"S-sige." wala sa loob na napatango si Reece, ngayon lang sya nakatagpo ng ganito ka bait na nilalang.

 

"Pero ang lubos kong ikinababahala ay si Gunter." ngayon naman ay si Gunter ang binalingan nito. "Lubhang mahirap ang iyong sitwasyon, mahalaga ang pakikipag-komunikasyon dahil sa ganoon lang tayo nagkakaintindihan."

 

"A wag kang mag-alala Yugo na iintindihan ko si Gunter." Sabi ni Reece, nakikita nya sa mukha ni Yugo na talagang nababahala ito sa kalagayan ni Gunter.

 

"Talaga!" nagliwanang ang mukha nito. "Kong ganon ay masaya ako, mabuti nalang at may kagaya mo sa kanyang tabi."

 

Bahagyang natulala si Reece, ngayon lang sya nakatanggap ng papuri galing sa isang maamong nilalang pakiramdam nya ay nakagawa sya ng napakalaking bagay at mukhang nagliliwanag si Yugo sa kanyang paningin.

 

"Kong maaari ay gusto ko ring tumulong Gunter kong ayos lang," Nilingon ni Yugo si Reece. "Reece, maaari mo bang sabihin ang sagot ni Gunter."

 

"Syempre!" nilingon ni Reece si Gunter at nag-usap sila gamit ang mata.

 

Bahagyang napasinghap si Reece pero agad din nya itong tinago at nakangiting hinarap si Yugo.

 

"Masaya sya sa alok mo Yugo." Matalim na sinilip ni Reece si Gunter ngunit ganon din ang tingin na ibinigay ni Gunter sa kanya.

 

Ang totoong sinabi ni Gunter ay wala syang pakialam kay Yugo at ayaw nyang makipag-usap dito pero hinding hindi yun magagawang sabihin ni Reece sa maamong mukha ni Yugo. Kaya bahala si Gunter hindi naman ito magsasalita kaya walang problema.

 

"Mabuti naman, nais kong makatulong hanggat kaya ko. Ganoon din sa iba nyo pang kasama, wag kayong mag-atubili na lumapit saakin."

 

Masayang tumango sila Servo, at mukhang kay Yugo agad sila tatakbo kong may problema at ganon din ang naisip na gain ni Reece.

 

"Masaya ako at maayos ang lahat, maiwan ko na kayo." Nagpaalam na ito at umalis kasama ang mga kasama.

 

"May ganon pala ka bait na tao?" Hindi makapaniwalang sabi ni Cogs.

 

"Medyo nagliwanag nga sya sa paningin ko." Si Servo naman.

 

"Yulan ano sa palagay mo?" Tanong ni Rick sabay baling sa natahimik na Yulan.

 

Nakatingin lang sa kawalan si Yulan. "Nalala ko si Ina ganon din kaamo ang mukha nya habang hinehele ako." mukhang malayo na ang nilakbang ng utak ni Yulan.

 

"Teka kong pagandahan lang ng mukha aba kaya ring makipagsabayan ni Mikaela! Halika ka Mikaela ipapakilala din kita sa iba!" Masiglang sabi ni Alba sabay hila kay Mikaela.

 

"A-ano h-hindi ko kaya yon, a-ayoko." Halos maiyak naman si Mikaela, at pilit nagtago sa likod ni Servo.

 

"Kong mukha lang naman ay siguradong ako na ang panalo!" Puno ng kompyansang sabi ni Yulan. "Ang malaporselana kong mukha ang piaka maganda sa kampo!"

 

"Aba parang may nakakalimutan kayo, kong pagandahan lang naman ay nandito ako!" Sumali narin si Reece dahil mukhang walang balak ang kanyang mga kasama na isali sya sa bilang ng mga magaganda.

 

Natahimik ang mga kasama at tinignan ang kanyang mukha.

 

"Sa tingin ko oras na para mag-igib." sabi ni Rick at lumapit na sa batis.

 

"Oo nga, lumalalim na ang gabi." Kanya-kanya ng alis ang mga kasama nya at iniwan ang naiinis na si Reece.

 

"Mga loko kayo!" Nilingon ni Reece si Gunter ngunit may brasong pumulupot sa kanyang leeg at ang kumikintab na kulay dilaw na buhok ni Yulan ang nakita nya.

 

"Wag kang mag-alala aking binibini ikaw ang piakamagandang babae sa buong kampo!" Sabi nito sabay kindat.

 

"Gusto kolang ipaalala Yulan na mukhang ako lang ang babae sa buong kampo!" Bahagyang siniko ni Reece ang tagaliran ni Yulan.

 

Kumawala naman ito sa pagkaka-akbay sa kanya sabay tawa. "Oras na para mag-igib!" at nauna na ito sa paglalakad.

 

Pabalik nila sa nakatalagang paliguan ay nagulat sila dahil nandoon na ang nga sundalong gustong maligo at mukhang inis na ang mga ito.

 

"Mga kadete bakit ang tagal nyo? akilangan na naming maligo." Naiinis na sabi ng isang sundalo.

 

"Pasyensya na po!" sagot ni Cogs at dali-dali nilang ibinuhos sa malalaking balde ang dalang tubig ngunit hindi parin ito sapat para sa pagligo.

 

"Ang babagal nyo! kulang na kulang yan nakikita nyo ba kong ilan kami!"

 

"Pasensya na po mag-iigib pa kami."

 

"Bilisan nyo!"

 

Agad silang naglakad paalis.

 

"Ano yan maglalakad lang kayo?! takbo! takbo!"

 

Napasinghap sila sa lakas ng sigaw ng sundalo at dali-dali silang tumakbo, nakahinga lang sila ng maluwag ng makalabas sa kampo at binaybay ang daan papuntang batis. Pagkarating sa batis ay tahimik at nagmamadali na ang bawat galaw nila ganon din ang taga ibang grupo mukhang naranasan din ng iba ang naranasan nila kanina.

 

Ilang beses pa silang nagpabalik balik bago makontento ang mga sundalo laking pasasalamat nila ng matapos ang mga ito at umalis ngunit ng akala nila ay makakapagpahinga na sila bago maligo ay ilang minnuto lang ay nagsidatingan ang ibang mga kadete sila yong mga nag-aaral ng arnis at sandata kanina mukhang oras na nila para maligo! lakad takbo nanaman ang ginawa ng grupo ni Reece at nagsisismula narin nilang maramdaman ang matinding pagod.

 

Hinihingal na huminto si Mikaela, nabitawan nya ang bitbit na balde kaya natapon ang laman nito.

 

"Hah, hah, hah, pa-pasyen sya na mukhang hindi ko na kaya." tagaktak ang pawis ni Mikaela at mukhang bumigay na ang braso nito.

 

"Ganon din ako ayoko na." pabagsak na napaupo sa bato si Servo. Nasa batis pa sila at hindi makaalis dahil sa nagyayari.

 

"Hindi pa nakakabalik ang iba nating kasama, kaya ko pang maghakot kaya ako nalang ang magsasabi sa kanila." Sabi ni Rick.

 

Si Reece, Gunter, Rick, Mikaela, selvo at Beni-isa sa bago nilang kasama ang naiwan sa batis at nauna na ang iba sa kanila.

 

"Satingin ko ay kaya ko pa Rick ngunit babawasan ko na ang laman aking balde." Si Beni.

 

"Ako rin kaya ko pa." Sabi ni Reece at binuhat ang kanyang balde.

 

Magsisimula na sana si Reece sa paglalakad ngunit mariing hinawan ni Gunter ang braso nya, nilingon ni Reece si Gunter. Umiling naman ito bilang pagtutul.

 

"Gunter kaya ko pa." Pilit binabawi ni Reece ang braso ngunit mashumigpit lang ang pagkakahawak ni Gunter.

 

"Sa tingin ko ay tama si Gunter, dito ka nalang Reece para may kasama sila Servo lagyan nyo ng tubig ang mga balde upang mas madali ang amig paghahakot." Sabi ni Rick.

 

Napaisip si Reece at mukhang tama ito, hindi nila pwedeng basta iwan sina Mikaela at Servo na halos hindi na makagalaw.

 

"Naiintindihan ko ako muna ang magbabantay sa kanila."

 

Nakonteto si Gunter sa sagot nya kaya binitawan na sya nito, binitawan na rin ni Reece ang mga bitbit na balde.

 

"Babalik na sila Yula dito kaya wag kayong mag-alala at magpanginga nalang muna." Sabi ni Rick.

 

Matapos ang ilang bilin ni Rick ay umalis na silang tatlo. Ng mawala sa paningin ang tatlo ay nilagyan ni Reece ng tubig ang mga balde at umupo sya sa tabi ni Mikaela, itinuid nya ang kanyang binti at sinimulang hilutin ramdam narin nya ang pangangalay.

 

"Pasyensya na Reece, kong masmalakas lang sana ako."

 

"Hindi mo kasalanan Mikaela, lahat tayo ay nagsisimula narin maramdaman ang matinding pagod kaya masmabuting magpahinga muna tayo."

 

"Tama si Reece, saka kababta ko si Rick kaya alam ko rin na likas syang malaks kesa sakin." Humiga si Servo sa bato at tinanaw ang mga bituin sa langit.

 

"Salamat."

 

Ilang minuto silang natahimik at binawi ang kanilang lakas, kailangan pa nilang punuin ang lahat ng balde pagkatapos maligo hindi naman pwedeng pabayaan lang nila ang mga kasama sa pag-iigib kaya kailangan na nilang mabawi agad ang lakas upang makatulong.

 

Tak!

 

Napalingon sila sa pinagmulan ng ingay, sa gilid ay nakatayo ang isang lalaki may dalawa itong kasama sa likod.

 

"Pasensya na hindi ko sinasadya." Nakangisi nitong sabi.

 

Lumapit ang tingin nila Reece sa paanan nito, natumba ang kanilang dalawang balde ay kumalat sa lupa ang tubig na inigib ni Reece kanina. Sinipa ng lalaki ang isa pang balde at ganon din ang nangyari.

 

"Pasensya na ulit hindi ko nakita haha, pero mukhang nagpapahinga lang naman kayo kaya igiban nyo nalang muli haha." Nanunuya nitong sabi at sinabayan pa ng tawa ng dalawa nitong kasama.

 

Napaupo si Selvo mula sa pagkakahiga. "Loko ka! anong problema mo!"

 

"Nakakatawa, nagtatapang tapangan kapa eh hindi kana nga makatayo." Hindi parin natapos sa panunuya ang lalaki.

 

Tumayo si Reece at pumagitan, naiinis din sya sa lalaki ngunit kailangan nya munang pakalmahin si Servo.

 

"Ayaw namin ng gulo kaya pwede ba umalis kana, gusto lang namin magpahinga."

 

"Binibini kong gusto mong magpahinga umuwi ka sa inyo walang lugar ang mga babae dito!"

 

Nagpatig ang tenga ni Reece sa narinig pero mukhang mas naapektuhan ang dalawa nyang kasama dahil tuluyan ng napatayo sina Servo at Mikaela.

 

"Loko ka ah!" Sigaw ni Servo.

 

"Tama na." si Mikaela.

 

"Haha natakot naman ako." tinignan nito si Mikaela. "Tignan mo ito, binibini masmukha pa itong babae kesa sayo o baka naman isa karing babae halika dito at titignan ko!"

 

"Hahahaha." nagtawanan ulit ang dalawa nitong kasama, napayuko si Mikaela dahil sa kahihiyan.

 

Susugon na sana si Servo pero pinigilan sya ni Reece.

 

"Ako na." Nilapitan ni Reece ang natatawa paring lalaki at agad itong binigyan ng isang suntok sa mukha.

 

Napaatras ang lalaki at natahimik ang dalawa nitong kasama, nabigla ang mga ito sa ginawa ni Reece magging sina Servo at Mikaela ay hindi rin nakagalaw.

 

"Gago ka pala! pasalamat ka hindi ako pumapatol sa babae!" Hawak ang pisngi na sabi ng lalaki.

 

Sinuntok ulit ni Reece ang mukha nito.

 

"Masgago ka! pumapatol ako sa lalaki!"

 

Mamula sa galit ang lalaki, hindi naito matanggap na nakadalawa ng suntok si Reece sa kanya at hindi lang basta suntok dahil talagang binuhos ni Reece ang natitirang lakas nya sa suntok na yon.

 

"Wag mo akong sisisihin!" sunogod ang lalaki at sinuntok si Reece sa mukha.

 

Natumba si Reece at napaupo sa lupa, mukhang pati ang binti nya ay tuluyan ng bumigay.

 

"Reece!" agad lumapit si Mikaela at inalalayan syang tumayo, sumugod si Servo pero sumugod din ang dalawa nitong kasama.

 

Nang makita ni Reece na pinagtutulungan na ng tatlo si Servo ay agad syang tumayo at tinulungan ang kaibigan. Nagkagulo na sila pati ang ibang grupo ay napansin na ang nangyayari at nagsimulang manuod ngunit walang umawat.

 

"A-awatin nyo sila! T-tulong!" Humingi ng tulong si Mikaela pero walang umawat.

 

Nalilito na si Mikaela, tatlo ang kalaban at dalawa lang sina Reece at Servo at pagod pa ang mga kasama. Tinigil ni Mikaela ang paghingin ng tulong, alam nyang wala syang masyadong maitutulong ngunit masmabuting pantay ang bilang nila! Sumugod narin si Mikaela at maslalong gumulo ang lahat.

 

"Yulan anong meron don?" tanong ni Alba habang tinuturo ang kompulan.

 

"Hindi ko rin alam, tiganan natin." Tinawag ni Yulan ang iba pang kasama at nilapitan nila ang kopulan ngunit laking gulat nila ng makita ang kaguluhang nagaganap.

 

"Oi! Oi! Ano yan!" Siga ni Yulan at hinila si Reece.

 

Hinila din nina Alba at Cogs sina Servo at Mikaela, hindi natinag ang kalaban nila susugod pa sana ang lalaki kay Reece pero tinulak sya ni Yulan.

 

"Gago ano sa tingin mo ang ginagawa mo!" inis na sabi ni Yulan. Napatigil ang lalaki at ng makita si Yulan at bahagya itong tumawa.

 

"Dumating na pala ang maharlika, ano dugong buhaw sigurado ka bang kaya mo ang buhay dito?" Panunuya nito, mukhang gusto pa nitong maghamon ng away at hindi man lang natinag kahit nadagdagan na ang mga kaaway nito.

 

Kumunot ang noo ni Yulan at binalingan si Reece, hindi pinansin ang pang-iinis ng lalaki.

 

"Reece anong nangyari?" Tanong ni Yulan.

 

"Sinuntok ko sya!" sagot ni Reece.

 

"Bakit?"

 

"kasi pangit sya!"

 

"Aba gago kang babae ka hindi ka rin kagandahan!" Napigtas ang pisi ng lalaki at susugod na sana ulit ngnit may humawak sa braso nito.

 

"Ranggo ano ang nangyayari, bakit kayo nagkakagulo?" Tanong ni Yugo na bagong dating. Nang makita ng mga nanunuod ang pagdating ni Yugo ay umalis narin sila mukhang alam na nila na tapos na ang away.

 

Naiinis na binawi ng lalaki na Rangga pala ang pangalan ang braso nito at naglakad paalis, sumunod naiwan naman ang dalawa nitong kasama na hindi alam kong paano harapin ang nagtatanong na mata ni Yugo.

 

"Pasensya na sa inyo, ka-grupo ko sila Ranggo hindi ko alam kong ano ang nagyari pero mukhang nagkagulo ng dahil sa kanila, patawad kakausapin ko sila." Humingi ng patawad si Yugo kahit wala itong kasalanan.

 

"Kadarating lang din namin at hindi pa lubos naunawaan ang nagyari, kakausapin ko rin sila Reece." Sagot ni Yulan.

 

"Pasensya ulit, wagnanating palakihin ang gulo at baka makarating pa sa kapitan ayaw kong maslumala pa ang alitan ng dalawang panig Yulan."

 

"Walang problema Yugo ganon din ang gusto kong mangyari." Tumango si Yulan at ganon din si Yugo at umalis na ito kasa ang dalawa pang kasama.

 

Ng makaalis si Yugo ay nagsimulang magtanong ni Yulan, sinabi ni Reece ang buong nangyari na sinang-ayunan naman nina Servo at Mikaela. Ilang sandali pa ay nakabalik na rin sina Gunter, Rick at Beni. Kumunot ang noo ni Gunter ng makita ang itsura ni Reece hindi rin nakalampas sa paningin nya ang galos sa gilid ng labi ni Reece.

 

Matalim ang tingin ni nalapitan ni Gunter si Reece at hinila sya sa braso, nagtatanong ang mga mata nito kong ano ang nangyari.

 

"Anong nangyari?" Tanong ni Rick ng makita ang kalagayan nilang tatlo. Hindi na makapagsalita si Reece dahil sa matalim na tingin ni Gunter kaya sina Servo at Mikaela ang sumagot sa mga tanong ni Rick.

 

"Sangayon ay si Yugo na ang bahala sa mga ka-grupo nya at nagkasundo kami na hindi na palalakihin ang kaguluhang ito upang hindi na umabot sa kapitan." Sabi ni Yulan.

 

"Tama masmabuting hindi na lumaki ang gulong ito." Tumango si Rick at hinarap sina Servo at Reece. "Hindi nyo na sana pa pinatulan si Ranggo tignan nyo at nadamay pa si Mikaela." Seron nito.

 

"A-ako dapat ang nagpproprotekta kay Reece!" Sabi ni Mikaela, may gasgas din ito sa braso.

 

Tinapik ni Cogs ang balikat ni Mikaela. "Ayos lang Mikaela wala kang kasalanan."

 

"Hindi naman talaga namin kasanan nauna yung Ranggo na yun!" Si Servo naman na kahit nakaupo na sa lupa ay mukhang gusto pang lumaban.

 

"Servo tama na, hindi ka na nga makatayo." Saway ni Rick sa kababata.

 

"Kong nandito lang ako ganon din ang gagain ko!" Puno ng konpyansang sabi ni Cogs at ipinakita pa ang kamao.

 

"Reece ilang suntok ang naitama mo?!" Sabik na tanong ni Alba.

 

"Huh! Dalawa at sa mukha!" Itinaas pa ni Reece ang dalawang daliri nya. Mashinigpitan ni Gunter ang pagkakahawak sa braso ni Reece, binaba nya ang dalawang daliri at nag-iwas ng tingin.

 

"Pero Reece diba sabi mo sinuntok mo si Ranggo dahil pangit sya." natatawang sabi ni Yulan.

 

"Hehe."

  A/N: I enjoy writing this haha, Mikaela is so cute. Anyway see you on Thursday !  
JoyShell Creator