2: Pook Sanayan
Halos himatayin ang ina ni Reece ng malaman na nagpalista sila ni Gunter, at halos mabingi naman silang dalawa ni Gunter sa sermon nito pero ang talagang hindi tinantanan ng kanyang ina ay ang amang syang dahilan kong bakit sila natanggap. Habang sila ay pauwi ay nasabi na ni Reece sa ama ang kagustuhang magsundalo at kong bakit ngayon lang nya nasabi ang bagay na ito, ipinaliwanag din nya na hindi naman tumutol si Gunter ng sabihin ang kanyang nais sa halip ay sinuportahan pa sya nito. Nangako din ang kanyang ama na ito na ang bahala sa kanyang ina, ito na ang magpapalianag at kukumbinsi sa asawa.
"Selina nag-aalala din ako sa dalawa pero sino ako para pigilan sila kong sila mismo ay buo ang loob na paglingkuran ang kaharian."
"Ang sabihin mo hindi mo sila pinigilan dahil masaya ka na hindi lang isa kund dalawang anak mo ang susunod sa yong mga yapak! hindi mo man lang naisip kong gaano akonag-aalala, sabawat misyon mo ay halos hindi ako makatulog sa pag-aalala tapos ngayon idadamay mo ang dalawang bata!" Pulang pula sa galit na sagot ni Selina.
"Inaamin kong masaya ako, bago ako naging ama ay isa akong sundalo karangalan ang ialay ang sarili sa kaharian kaya hindi ko pipigilan ang aking anak kong ang ipinaglalaban nya ang kapayapaan ng kaharian."
Napaiyak na si Selina alam nya higit kaninuman ang pagmamahal ng asawa sa kaharian na kahit ang saliri nitong buhay ay handa nitong ialay at ngayon kahit ang sarili nitong anak ay ikasisiya nitong sumunod sa kanyang yapak. Isa syang ina at masmahalaga sa ina ang anak nito higit haninu man, masisisi ba sya ng kahit sino kong handa nyang balealain ang kaharian pasa sa anak.
"Satingin ko ay tapos na silang magtalo." Sabi ni Reece habang tinatanaw ang kanilang bahay, nasa kuwadra sila ngayon at nagpapakain ng kanilang mga alagang kabayo.
Hindi sumagot si Gunter, inaasahan na ito ni Reece kaya nagpatuloy sya sa pagsasalita.
"Naiintindihan ko naman si ina ngunit ito ang gusto ko, isang karangalan ang maglingkod sa kaharian." Ipinagpatuloy nila ang pagpapakain sa mga kabayo, nilingon muli ni Reece ang kanilang bahay, tahimik na at mukhang tapos na nga sila.
Umingay ang kabayong pinapakain ni Reece, mukhang naiinip na ito sa pahinto hintong pagpapakain nya. Hinarap nya ulit ang kabayo.
"Mabuti pa tong si Bondi marunong gumawa ng ingay." Tukoy ni Reece sa kabayo, nilingon nya si Gunter. "Ikaw kailan ka magsasalita."
Hindi sumagot ang kausap at ipinagpatuloy lang ang pagpapakain sa sariling kabayo. Umismid si Reece. ilang sandali pa nilang pinakain at pinainom ang mga kabayo bago sila pumasok sa bahay, nasalubong nila ang kanyang ama na mukhang aali na naman.
"Maghanda kayo, dalawang araw mula ngayon ay aalis na kayo papuntang bahay sanayan. Gawin nyo ang lahat upang maging mabuting sundalo." sabi ng kanyang ama.
"Opo ama! hindi ko kayo bibiguin."
Tumango si Gunter bilang pagsang-ayon.
Tumango din ang heneral at tuluyan ng umalis.
Pumasok narin si Reece sa kanyang silid habang si Gunter ay tinawag ni Selina sa kusina.
"Gunter, alam kong matigas ang ulo ni Reece masyado syang nagmana sa kanyang ama masyado nilang mahal ang kaharian pero masmahal ko sila at ganon ka rin sa maikling panahon na nanatili ka dito ay nanging parte ka ng aming pamilya." umupo si Selina para magpantay sila. "Ipangako mong aalagaan at babantayan mo si Reece, sayo ko lang sya kayang ipagkatiala kaya pakiusap alagaan mo sya." Umiiyak na niyakap ni Selina si Gunter wala na syang ibang magagawa kundi ang ipagkatiwala ang anak kay Gunter.
Alam nyang bata parin si Gunter at may masakit na pinagdadaan dahil sa trahedyang nagyari sa pamilya nito at isang malaking responsibilidad ang ipinapatong nya sa balikat nito pero sa kanya lang nya kayang ipagkatiwala ang buhay ng anak. Ang paglilingkod sa kahirian ay hinid madali ilang buhay na nag nawala para lang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan, ilang sundalo na ang hindi nakabalik, ang mundo ay masnakakatakot at mapanganib ngunit hinid ito maiintindihan ni Reece na lumaki sa isang tahimik at masaganang bayan.
Walang naging reaksyon si Gunter nakatayo lang sya at hinayaan ang ginang na yakapin sya. Dama nya ang init ng mga luha nito. 'Pamilya' para kay Gunter isang misteryo ang salitang ito, salitang pagkatapos ng isang taon ay hindi nya parin maintindihan. Maayos ang turing nila sa kanya lagi syang sinasama ni Reece kong saan man ito pumunta at hindi ito nagsasawang kumausap sa kanya kahit wala syang binibigay na sagot at malaki ang tiwala ni Selina sa kanya sobrang laki na handa nitong ipaubaya ang kapakanan ng nag-iisa nitong anak. Ngunit mukhang iba ang pananaw ni heneral Adam sa kanya, batid ni Gunter na hindi lang ang kaharian ang dahilan kong bakit ito pumayag na maging sundalo si Reece, gusto nitong matutu si Reece na lumaban at maging handa sa panganib. Ano ang panganib na tinutukoy ng heneral ang mga tao ba at ibang nilalang sa labas ng kaharian o siya?
Madaling lumipas ang araw at ngayon sakay ng kani kanilang kabayo at nagtungu sila sa bahay sanayan, isang bundok ang layo mula sa kanilang bayan, puno ng pag-aalalang tinanaw sila ni Selina na umalis batid ni Reece ang pag-aalala ng ina ngunit hindi nya matago ang kasiyahan, nanatiling tahimik si GUnter. Malapit ng gumabi ng dumating sila sa bahay sanayan, may iba ring kasing edad nila ang kasabayan nilang dumating. Ginala ni Reeca ang kanyang paningin ngunit dahil dumidilim na ay hindi nya nagawang pagmasdan ang buong paligid. Bumaba sila ni Gunter sa kabayo at ipinasok ito sa kuwadra bukas ng umaga ay ipapadala ito pabalik sa kanilang tahanan, para siguro siguraduhing walang basta-basta aalis sa pook sanayan ng hindi alam ng mga sundalo.
"Bilisan nyo! hindi pwede ang pabagal bagal dito! dumeretso sa bulwagan ang bagong dating!" sigaw ng sundalo sa labas ng kuwadra.
Agad silang sumunod at naglakad palabas kasabay ng isa pang batang lalaki, lumapit ito kay Gunter at nagtanong.
"Alam mo ba kong saan ang bulwagan?" tanong nito. Kapwa sila bagong dating kaya siguradong hindi rin nila ito alam.
Nilingon lang saglit ni Gunter ang nagtanong at nagpatuloy sa paglalakad, dahil alam ni Reece na wala itong planong sumagot at malamang ay wala itong pakialam sa nagtanong ay sya na ang sumagot.
"Hindi rin namin alam pero mas mabuting sundan nalang natin ang mga nauna." Sagot nya.
Kunot nuo syang tinitigan ng batang lalaki na para bang ngayon lang sya nito nakita. Tinitigan sya nito ng maigi mula ulo hanggang paa bago hindi makapaniwalang nagtanong muli.
"Babae ka?" may halong pagtataka at pagkabigla sa boses nito.
"Oo may problema ba?" Maangas na sagot ni Reece.
Umiling ang kausap at masbimilisan ang paglalakad upang maabutan ang mga nauna, hindi nagtagal ay pumasok ito sa isang pinto, mukhang nakita na nito ang hinahanap. Sumunod sila ni Gunter at pumasok sa bulwagan naruon narin ang iba pang bagong dating, malawak ang buong silid at mukhang magkakasya dito ang isang-daang tao, gawa sa kahoy ang dingding at sahig nito, sa malayong dulo ng bulwagan ay ang maliit na entablado nakatayo doon ang isang sundalo.
"Magandang gabi." Paunang bati ng sundalo. "Marami pa ang dararating bukas kaya pinapayuan ang lahat na magpahinga hanggat maaari, pagkatapos ng hapunan ay didiretso kayo sa mga itinalagang silid pagpatak ng alas-siete ay papatayin ang lahat ng ilaw at wala ng pwedeng lumabas." Pahayag nito at itinuro kong saan ang pook kainan bago umalis.
Agad lumabas sila Reece at Gunter, hindi maipagkakaila ni Reece na nagugutom na nga sya dahil sa malayong paglalakbay. Nasa malayong dako ang pook kainan, magkahiwahiwalay ang mga establisimento sa buong kampo ang pook kainan ay gawa sa kawayan ang dingding at nipa ang bubung nito, wala itong sagid at lupa na ang kanilang inaapakan. Apat na mahahabang mesa na gawa sa kahoy ang nakahilera at ganon din ang walong mahahabang upuan, sa dulo ay may pila para sa rasyon ng pagkain. Pumila silang dalawa ni Gunter. Ang kanilang pagkain ay isang sandok ng kanin, gulay, isang piraso ng maliit na isda at isang mangkok ng saba na walang sahog.
Tinanaw nila ang mga lamesa, konti pa langa ang mga tao roon kaya maluwag ang buong lugar at magkakalayo ang bawat nakaupo, hindi ito kataka-taka dahil mula sila sa malalayong bayan na ngayon lang nagkita. Pinili nilang umupo sa ikatlong upuan malayo rin sa iba, nagsimula silang kumain ng walang kibo dahil sa gutom ay ayaw munang magsalita ni Reece samantalang mukhang habang panahon namang walang balak magsalita ni Gunter. May nakitang okra si Reece sa gulay, hindi siya kumakain ng okra kaya tinabi nya ng mga ito mukhang napansin ito ni Gunter kinuha nito ang okra sa kanyang pinggan at kinain may nakita ulit na okra si Reece kinuha nya ito at sya na mismo ang naglagay sa pinggan ni Gunter.
Hindi pa man sila tapos kumain ay may pumasok ng isang sundalo.
"Pagbilang ng sampu ay dapat ubos na ang inyong mga pagkain at wala ng tira ni isang butil ng kanin!" Malakas na pahayag nito na nagpasinghap sa lahat.
"Isa! Dalawa! Tatlo!..." Nagsimulang magbilang ang sundalo, dali-dali silang kumain halos mabilaukan pa ang iba dahil sa pagmamadali pero hindi parin sila huminto sa pagkain dahil patuloy pa rin ang pagbibilang ng sundalo.
"Sampu!" Pagtatapos ng sundalo. "Tumayo ang lahat."
Sumunod naman sila at tumayo, nilibot ng sundalo ang buong pook kainan at inisa isang tinignan ang kanilang pinggang. Ng makarating ito sa pwesto nila ni Gunter ay nagtaggal ang tingin nito kay Reece akala ni Reece ay may sasabihin ito kagaya ng mga nauna pero sinuri lang nito ang pinggan nya at ipinagpatuloy ang paglilibot. Nakahinga ng maluwag si Reece, mabuti nalang at kinain ni Gunter ang okra sa kanyang gulay kanina dahil kong hindi ay malamang malilintikan sya dahil sa hindi pag-ubos ng pagkain.Pero alam ba ni Gunter na mangyayari ito? malamang hindi at nagkataon lang ang lahat ngunit kailangan nya parin magpasalamat dito mamaya.
Ng makontento ang sundalo na wala ngang natirang pagkain sa bawat pinggan ay iginiya sila papunta sa bahay tulugan na nasa masmalayong parte. Huminto sila sa harap ng dalawang magkatabing bahay pumasok sila sa isa nito, Sampong higaan ang nakahanay sa magkabilang gilid ang mga higaan ay may dalawang palapag ibig sabihin ay apat-napong katao ang maaaring matulog dito malamang ay ganito rin ang itsura ng kabilang bahay at kagaya ang ibang mga establisemento sa buong lugar ay gawa din ito sa kahoy.
Iniwan sila ng sundalo matapos ipaalala ang pagpatay sa mga ilaw pagsapit ng alas-siete, wala itong sinabi kong saan sila matutulog kaya ang lahat ay kanya kanyang pumili ng gusto nilang puwesto. Kinuha ni Gunter ang mga gamit ni Reece at agad naglakad sa pinakadulo ng silid, konti lang ang dala nilang mga gamit dahil bibigyan sila ng uniporme at yun na ang dapat nilang suotin. Hindi na nagtanong si Reece kong saan sila hihiga hahayaan na nyang si Gunter ang magpasya ala naman kasi syang problema kahit saan sila humiga.
Ipinatong ni Gunter ang mga gamit nya sa ikalawang palapag ng pinakahuling higaan katabi ng dingding, nilagay naman nito ang sariling gamit sa baba.Umakyat si Reece at madaliang inayos ang kaunting gamit, may oras pa naman bago ang pagpatay ng ilaw ngunit dahil sa malayong paglalakbay ay agad na syang natulog bukas nalang nya aalahanin ang mga tingin at bulungan ng ibang kasama.
Kinabukasan ay maaga silang sinising ng isang sundalo, ngayon ang opisyal na pagsisimula ng pagsasanay at mukhang dumating narin ang iba pa nilang kasama, dahil sa maliwanag na ang paligid ay napagmasdan ng maigi ni Reece ang buong kampo. Napakalawak nito at mukhang sinakop ang kapatagan at paa ng kabundukan, nasa ibat- ibang lugar nag mga bahay at kubo na gawa sa kahoy at kawayan. Malaki ang ngiti ni Reece ng lingunin nya ang katabing si Gunter, tinignan lang sya nito at hindi nagsalita. Dahil sa marami na ang dumating ay naging punuan ang silid kainan pero hinid pa naman ganuon ka puno kaya umupo parin sila kong saan pinaka malayo sa iba. Pagkatapos ng isa na namang madaliang umagahan ay inutusan silang gumawa ng hanay, marami na nga sila ngayon kumpara kahapon at ramdam din ni Reece ang masmaraming mata na nakatingin sa kanya. Malamang ay nagtataka ang mga ito kong anong ginagawa ng isang babaeng kagaya nya sa kampo.
"Tumabi ang lahat!" Sigaw ng isang lalaki, sa tingin nila ay hindi ito isang sundalo dahil sa suot, bumukas ang tarangkahan at pumasok ang apat na lalaki at isang batang lalaki sakay ang kani kanilang kabayo.
"Dumating na ang anak ng Duke!" Pabibigay alam ulit ng lalaki.
Nagpatuloy ang paglalakad ang lima. Bumaba ang batang lalaki na sakay ng kabayo na nasa gitna. Mula sa suot nitong kumikintab at halatang mamahalin, sa mga tauhang nakasunod at maging sa sout ng kabayo nito ay hindi maipagkakaila na may dugo itong bughaw.
"Magbigay galang ang lahat!" pagalit na sigaw ng lalaki ng makitang nakatayo lang ang lahat at nakatingin sa bagong dating maging ang mga sundalo ay nabigla sa pagdating ng isang dugong bughaw mukhang wala silang alam sa nagaganap.
Itinaas ng batang lalaki ang kanyang kanang kamay. "Hindi na kailangan dahil mula sa araw na ito ako si Yulan na anak ng Duke ay magiging isang sundalo!"
Hinubad nito ang kumikintab na balabal na suot at basta nalang hinulog sa lupa, dali-dali naman itong pinulot ng isang tauhan at maingat na tinupi. Naglakad si Yulan palapit sa hanay nila ni Reece.
"Ito ba ang aking hanay?" Tanong ng anak ng Duke, alang nagsalita at nanatiling nagmamasid ang lahat. "Pakiusap, ituring nyo ako katulad ng lahat."
Nagsimulang kumilos ang ibang sundalo, halata sa mukha nila na bihirang tumapak sa lugar na ito ang may dugong bughaw kaya nalilito sila kong ano ang gagawin.
"Aha!" Malakas na sigaw ng anak ng Duke. Dali-dali itong lumapit kay Reece at ginagap ang kanyang kamay.
Dahil sa pagkabigla ay hindi nagawang kumilos ni Reece.
"Oh aking binibini!"
Napaasinghap si Reece.
A/N see you on Thursday!