Nagsimula ang bagong umaga sa eskwelahan at isang normal na araw sa klase ng Elite. Habang nasa kalagitnaan ng Spiritual Class ang mga ito ay patuloy naman si Philia sa pagtakbo paikot sa boung Stadium bilang parusa dito sa kaguluhan na naganap sa canteen.
Kasalukuyan naman na suspendido sina Akihiko at Xiuan habang naglalaan ng anim na pung oras sa community service sa boung isla bilang parusa sa paglabag sa patakaran ng eskwelahan.
Nakasuot ang buong klase ng puting uniporme na ginagamit lang sa mga training at mga military activity nila at sa mga oras na iyon ay abala na ang Elite class sa pag-aaral sa pagpapalawak ng Spirit Energy nila sa katawan. Nakapaikot silang siyam habang hawak nila ang isang krystal na bola na patuloy na nagliliwanag dahil sa pagpapadaloy nila ng Spirit Energy nila.
Habang naman nagaganap ang activity ng buong klase ay hindi nila maiwasan pag-usapan ang dalaga at pinapanuod ang pagtakbo nito sa stadium na ngayon ay nanlalata dahil sa pagod.
"Pambihira siya, nakakadalawang ikot pa lang siya ay parang pagod na pagod na siya agad?" sambit ni Inoseo.
Ang red haired guy na may blue eyes na ito ay si Inoseo Jayila na nagmula sa bansang Indonesia, 16 years old at isa sa miyembro ng Hexagon kung saan kapwa miyembro rin sina Maya at Thalia dahil sa kanilang pamilya.
Ang mapabilang sa isang alyansa ay mahalaga para sa katulad nilang Elite upang magkaroon ng impluwensya sa Guardian at makakuha ng mataas na posisyon sa militar.
Dahil sa malayo sa kanila si Devora upang masubaybayan sila ay nagbubulungan ang mga ito at nakuhang magkwentuhan habang nasa activity.
"Hindi ba nakakapagtaka na ayaw niya maging sundalo pero nandito parin siya?" sambit ni Singre.
Ang blue haired guy naman na ito ay si Singre Linmak, 16 years old na nagmula sa bansang Singapore at kasalukuyang partner ni Inoseo sa activty ng klase.
"Paano mo naman nasabi?" sambit ni Maya.
"Naririnig ko siya ngayon," sambit nito.
Isa sa kakayahan ni Singre ay ang pagkontrol sa tinig sa paligid dahilan para marinig niya ang ano mang tunog sa loob ng higit 100 meters.
Napatingin sila kay Philia habang ito ay naghahabol ng hininga dahil sa katatakbo at ilang sandali pa ay bumagsak na ito sa lupa.
"Mukhang suko na siya"
"Kawawa naman."
PHILIA POV.
Lumipas ang ilang minuto mula nung bumigay ang katawan ko. Dahil sa pagod ay pinayagan ako ni miss Devora na makahiga sa Bench habang nakapatong sa mukha ko ang basang towel para maibsan ang pagod ko.
Dahil sa kahinaan na pinapakita ko ay alam ko na pinagtatawanan ako ng mga kasama ko at hindi ko man aminin ay may pagkamalamya talaga ako sa activity namin kahit pa sinusubukan kong maging matatag at gawin ang best ko.
Habang nasa upuan ako ay kinamusta ako ni Maya at tinanong ako kung kaya ko pa ba na magpatuloy, tumango na lang ako at ngumiti dito upang tugunin siya.
Muli nyang binanggit na wala pa sa kalingkingan ang dadanasin ko kapag nagsimula na ang practical exam namin kay miss Devora.
"Kung ako sayo ay magdadasal na ako Philia."
Nagsimula silang asarin ako at nabanggit na hindi parin sila makapaniwala na may kasama silang hindi sanay sa mga simpleng mga gawain at ehersisyo sa eskwelahan na kung tutuosin ay normal na ginagawa ng mga tao sa araw-araw.
"Alam mo miss Philia mabait at mayumi lang tignan si maam Devora pero grabe siya magpa-exam sa Elite," sambit ni Inosei.
Hindi ako nakakibo sa nasambit ng lalaking iyon dahil sa biglaang takot na naramdaman ko dahil mukhang hindi sila nagbibiro tungkol sa pagsusulit.
Malaking bagay iyon saakin gayung pakiramdam ko bibigay na ang katawan ko ng tuluyan kung palagi na lang akong patatakbuhin ng maraming beses sa lugar na ito.
Sa mga sandaling iyon ay nagpakilala ang dalawang lalaking kasama nila Maya na kapwa nila kasama sa isang alyansa.
May mga itsura ito at kagalang-galang na kung titignan mo ay mahahalata mo na nagmula sa mayamang pamilya pero gayunpaman ay hindi sila masusungit kagaya ng iba at ngumingiti kapag kausap ako.
Hindi naiwasan ng mga ito ang mainggit at magduda sa pakikitungo ng ibang guro saakin na malayo sa nakasanayan nila sa isang military school.
Pinuna rin ng mga ito ang pagdadala ko kay Pearl na itinuturing nilang isang spirit item. Para sa kanila ay kalabisan ang pagbibigay ng pabor saakin lalo pa katatapos lang ng isang kaguluhan na may kinalaman sa paggamit ng dahas. Dito ay natanong ako ni Inoseo kung paano ba ako napasok sa eskwelahan na ito at bakit ako naroon gayong hindi naman ako nababagay sa lugar na ito.
Hindi ako sigurado kung pwede kong sagutin ang tanong niya dahil baka pagnalaman nila ay lalo nila akong pag-initan ng mga ito.
Ayaw ko na muling ma-bully lalo pa na nararamdaman ko na hindi pa tapos ang problema ko sa intsik na lalaking gusto akong palayasin dito.
Dahil may pagaalinlangan akong nararamdaman ay sinabi ko na lang sa mga ito na swinerte akong makita ng isang taong may impluwensya sa Guardian na syang nagpasok saakin.
"Hindi siya nagmula sa pamilya ng mga sundalo ng Guardian at ang totoo isa lang syang simpleng probinsyana na inalok ng Union na pumasok sa Eskwelahan," sabat ni Thalia.
Biglang sumabat si Thalia sa usapan at binulgar ang sekreto ko tungkol sa nalalaman nito. Tumayo naman agad ako sa upuan ko para pigilan si Thalia sa pagiging madaldal nito pero imbis na tumigil ay itinuloy nyang ibuko ako at idinahilan na lang niya na walang magbabago kahit na malaman ng lahat ang bagay na iyon.
"Sa tingin ko kahit ayaw namin na nandito ka ay wala kaming magagawa para paalisin ka kaya kahit na malaman nila iyon ay bale wala rin," sambit ni Thalia.
Malamig ang tono ng pagsasalita ni Thalia habang sinasabi yun sa lahat na para bang wala ako sa paligid nila at walang paki sa nararamdaman ko. "Ang swerte mo kung ganun dahil halos dumaan ako sa butas ng karayom para mapili bilang Elite," sambit ni Singre.
Tinignan ko ang mga classmate ko para makita ang reaksyon nila pero parang bale wala naman sa iba ang nalaman nila.
"Alam mo tama si Thalia sa sinabi niya, siguro nga marahil hindi ka namin katulad pero anong magagawa namin kung ilagay ka nila dito?" sambit ni Inoseo.
"Pero alam mo dahil sa ginawa mong kaastigan nung pabagsakin mo si Xiuan gamit yang bolang krystal mo ay medyo umaangat yung pagtingin ko sayo," sambit ni Maya.
"Perlas kaya ito at hindi ito bolang krystal."
Napayuko ako sa kahihiyan sa mga sinasabi ni Maya at patuloy na binabanggit yung nakakahiyang bagay na ginawa ko. Hindi ko naman talaga gusto manakit ng tao pero napilitan na lang talaga akong kumilos dahil sa sitwasyon ko kahapon. Sumang-ayon naman ang mga kasama ko sa sinabi ni Maya at pinagkakatuwaan ako bilang isang wild na babae.
"Hindi, hindi ako ganung babae. Nabigla lang talaga ako."
Habang nagkukwentuhan kami ay biglang itinigil ni Alexis ang ginagawang activity at lumapit saakin. Wala itong kibo na tumayo lang sa harap ko at nakipagtitigan lang saakin.
"B-ba-bakit?"
Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya nung mga oras na iyon dahil masyado akong na-iintimidate sa kanyang mga titig lalo pa na napakaganda ng mga mata niya sa malapitan na nagpapakabog lalo sa dibdib ko.
"Magaling ang ginawa mo."
Yumuko ako dito at nagpasalamat bilang tugon sa papuri niya saakin. Kasabay nun ay nagtanong ito bigla saakin kung gusto ko pa bang ituloy ang pananatili sa eskwelahan na ito.
Hindi ko makuha kung bakit niya ito naitanong kaya naman hindi ko siya nasagot sa mga oras na iyon.
"Iba ang gusto mong gawin sa dapat mo lang gawin. Kung ginagawa mo ito dahil pinipilit ka lang nila ay magiging walang kwenta ang pagiging sundalo mo."
Sa mga oras na iyon ay ipinaintindi niya na dapat may paninindigan ako sa mga desisyon ko at hindi ito kayang tibagin ng kahit sino. Inalok niya ang tulong niya para sa ano mang desisyon ko.
"Kung ayaw mo na at hindi mo na gusto ang manatili dito sa eskwelahan na ito ay tutulungan kitang lumaya sa sino mang dumidikta sayo."
"Pero kung gusto mong magpatuloy at samahan kami na iligtas ang mga pangarap ng mga tao bilang sundalo ng Guardian ay nakakaasa ka na makakasama mo ako sa laban."
Bigla niya akong hinawakan sa balikat habang pinapangakuan ng kanyang suporta at tulong sa kahit anong magiging desisyon ko. Hindi ko sigurado kung bakit niya ako sinasabihan ng ganito o anong pakay niya sa pagtulong niya saakin gayong hindi ako humihingi ng tulong sa kanya pero pakiramdam ko pwede ko syang pagkatiwalaan.
Kahit anong isipin ko ay wala akong nakikitang dahilan para bigyan niya ako ng atensyon at alukin ng tulong lalo pa at nalaman nila na iba ako sa kanila. Wala syang mapapala saakin at mas pabor pa nga kung mawawala ako sa lugar na ito.
Totoo kayang pwede ko syang asahan? Ewan ko pero siguro mabait lang talaga syang tao kahit na mas mukha syang matapobre dahil sa pagiging palasimangot nito.
Wala akong nasagot dito kundi isang pasasalamat habang hindi ko magawang makatingin ng deretso sa kanya dahil sa hiyang nararamdaman ko sa pagtitig niya.
"Isa lang ang payo ko sayo na kung handa kang manatili dito dapat ipaglaban mo ang posisyon mo bilang Elite. Maraming tao ang ginusto ang mapabilang dito kaya dapat patunayan mo sa lahat na karapat dapat ka," dagdag nito.
Dahil sa mga nasabi nyang iyon ay bahagya akong nabigyan ng lakas ng loob na ituloy ang sinimulan ko. Nanlalambot man ang katawan ko dahil sa pagod ay nawawala sa isip ko na mag-quit na lang dahil nalaman ko na may katulad niya pala sa loob ng eskwelahan na ito na pwede kong hingan ng tulong.
Hindi ko alam kung ano ang totoong opinyon niya tungkol sa paglipat ko sa Elite class at kung kagaya rin ba ng iba na gusto ako mawala dito. Gayunpaman, hindi ako maglalakas ng loob tanungin pa ito basta isa lang ang alam ko at iyon ay may matatakbuhan ako sa katauhan ng amerikanong ito.
Napakalaking bagay para saakin na marinig na may isang taong handang tumulong saakin. Si Alexis Whitestone na anak ng Supreme Commander ng Guardian na syang namumuno sa aming lahat.
Ngayon pa lang ay nahihiwagaan na ako sa pagkatao ng gwapong binatang nasa harap ko
End of part 1