Dahil sa pinapakita ni Philia ay nadismaya ang lahat ng nasa silid na iyon at nagbigay ng mga opinyon sa nangyayari dahil doon ay lalong nagpanik si Herit upang ipagtanggol ang kanyang katayuan bilang guro.

" Mukhang magreretiro ako ng maaga dahil sa kanya" Sa isip nito.

Ilang saglit pa ay tumayo ang isa sa mga kasama ng mga Wings na si Kiza, ang Wing of Hope. Kinuha nito ang mic upang kausapin ang mga estudyante.

Ipinatigil sandali nito ang paglalaban upang baguhin ng kaunti ang pagsusulit.

" Tama, magkakaroon lang ng kaunting pagbabago sa ating pagsusulit."

Dito ay maliban sa mga Badge ng kapwa estudyante na magbibigay sa kanila ng isang puntos ay nag alok ito ng isang daang puntos sa makakakuha ng isang item at mapanatili sa kanila ito sa loob ng labing limang minuto.

" Kayong bahala kung kukunin nyo ba ang espesyal na item na iyon o itutuloy nyo ang pagkokolekta ng badge. "

" Ang espeyal na item na tinutukoy ko na hahanapin nyo ay isang bilog at matigas na bagay, kulay puti ito at makinis na tila perlas."

Nagtaka ang mga estudyante sa gustong ipahanap sa kanila kaya naman nagdalawang isip sila na kumilos upang sundin ito.

" Ah.. Para hindi na kayo mahirapan ay hawak ito lagi ng inyong kamag aral na babae ."

Sa pagkakataon na iyon ay naalala ng mga estudyante ang tahimik nilang kaklase na kilala nila bilang kulelat sa boung class Z. Gayumpaman ay wala sa kanila ang nakakita kung nasaan si Philia dahil sa pagkaabala nila sa pakikipaglaban.

" Ah ... Pwede nyo syang hanapin sa boung lugar pero simulan nyo sa Rock mountain ." Dagdag nito.

Dahil sa pagbibigay ng clue nito ay nagdagsaan ang mga estudyante pabalik sa burol na isa sa mga stage ng stadium upang hanapin si philia.

" Teka, Commander Kiza hindi kaya manganib ang estudyante na si Philia? "

" Napakalupit mo talagang tao." Sambit ni White comet."

" Matagal ng malupit ang mundo at ito ang nagbibigay ng excitement sa buhay." Tugon nito.

Sa pagkakataon na iyon ay nagpanik si Philia at tumakbo palayo sa lugar pero dahil may mga abilidad ang ilan sa mga kamag aral nya ay madali syang nasundan at makita sa mga tinataguan nya.

Halos pagpawisan si Herit dahil sa kaba habang pinapanuod ang pagtakas ni Philia sa mga estudyante. Napapalunok na lang sya habang nakikita na pinagtutulungan na lusubin ang kawawang babae para lang sa isang simpleng pagsusulit na dapat ay exercises lang.

Nagtataka ito kung bakit walang imik ang ibang guro sa pinapagawa ng mga Wings kahit na harap harapan nilang nakikita na nahihirapan ang estudyanteng si Philia na halos gumugulong na sa lupa para lang makatakas.

Dahil doon ay muli syang lumapit kay Devora at binulungan ito na ipatigil ang pagsusulit.

" Miss devora pwede nyo bang paki usapan sila na itigil na ito? Ako na ang nagsasabi sainyo na hindi pa alam nung bata na iyon na gumamit ng basic spirit barrier. Baka mamatay sya doon."

Alam ni Devora na walang pwedeng magbaliktad ng desisyon ng mga wings na sino man sa kanila pero minungkahi nya parin kay white comet na ibahin ang ginagawang pagsusulit.

Walang naging tugon si White comet sa paki usap ni Devora kundi ang pag ngiti at pag uutos dito na manuod na lang nang mabuti.

Sa muling pagkakataon ay hinawakan ni Kiza ang mic at muling nag announce ng pagbabago upang mas lalong ganahan ang mga estudyante sa pagsusulit.

" Ang sino mang makakuha ng perlas na iyon ay exempted sa mga susunod na pagsusulit."

Dahil doon ay nakumbinsi ang marami pati ang ibang hindi naghabol na kunin ang perlas kay philia nung una dahil sa awa dito.

Nagkaroon ng bulong bulungan sa loob ng silid kung nasaan ngayon sila white comet dahil sa hindi makatarungan na pagsusulit.

Napansin nila na nakatuon ang boung pagsusulit upang pahirapan ang isang estudyante kaya nakiki usap na ang ilang naroon na palitan ang desisyon.

Hindi nagtagal ay hindi nakatiis si Devora at humarang sa gitna ng monitor upang bigyan sya ng atensyon ng mga Wings na ngayon ay walang paki elam sa mga mungkahi nila.

" Supreme commander white comet alam kong wala ako sa posisyon upang kwesyunin ang mga desisyon nyo pero sana bigyan nyo ng konsiderasyon ang batas ng eskwelahan na ito."

" Ang pagbibigay ng malupit na pagsubok na derekta na nagdadala sa kapahamakan ng iisang estudyante ay labag saating alituntunin . Pakiusap, itigil nyo na ito." Sambit nito.

" Wala akong nakikitang mali sa nangyayari, Ang totoo ay mahusay ang ganitong paraan . " Tugon nito.

Muling kinumbinsi ni Devora ito at ipinaliwanag na hindi pa handa ang dalagang si Philia para sa ganitong bagay hindi katulad ng mga estudyante sa Elite.

Tinakot nya ito na kung mapapahamak si Philia habang nagaganap ito ay maaaring masira ang reputasyon ng Supreme commander dahil sa pag labag sa batas at pag gamit ng kanyang authority upang magbigay ng mapangahas na utos.

" Wag kang mag alala Miss Devora dahil ano mang mangyari sa mga oras na ito ay pananagutan ko."

Sa gitna ng pagbalewala sa sinasabi nya ay hindi tumigil si Devora na maki usap dito. " Alam ko na hindi nyo naiintindihan ang sitwasyon ng estudyanteng iyon kaya nyo ito nasasabi Commander. " Sambit ni Devora.

Dito ay biglang ngumisi si White comet at pinabulaanan ang opinyon ni Devora. Ipinaliwanag nito na malinaw nya na nakikita ang sitwasyon ni Philia at pinaburan ang mga nangyayari.

Para sa kanya ay hindi nakikita ng iba ang potensyal na meron ang mga estudyante dahil nililimitahan ng eskwelahan ang kakayahan nila para lang hindi mapahamak ang kamag aral nito.

Muli nyang sinabi na ang mga estudyante na ito ay mga susunod na bayani na magliligtas ng mga tao sa hinaharap at upang mangyari iyon ay dapat handa silang alisin ang limitasyon nila.

Mga emosyon at nararamdaman kagaya ng takot, galit,kawalan ng pag asa, pagkaganid,pagnanais na mabuhay. Inilalarawan nya ang tao bilang isang nilalang na nagdedeklara ng sarling limitasyon sa sarili.

" Makikita mo lang ang tunay na potensyal ng isang tao sa oras na nalalagay sila sa kapahamakan " Sambit ni White Comet.

" At kapag nalagpasan na nila ang limitasyon nila ay magiging panibagong tao na sila."

Hindi lubos maunawaan ni Devora ang mga plano ni White comet at ang tanging nalalaman nya ay maaaring masakripisyo ang buhay ng babaeng si Philia dahil sa kabaliwan ni White comet.

Habang nagsasalita ito ay nagliwanag ang monitor na nasa likod ni Devora  dulot ng isang pagsabog .

Nagulat ang lahat nang may biglang may sumabog sa rock mountain terrain na pinapanuoran nila.

Dito ay agad na lumingon dito si Devora at nabigla sa nakita. Dahan dahang lumalabas sa usok ang isang babae hawak ang isang malaking sandata. Nilalagpasan nito ang mga nakahandusay na estudyante na nadamay sa pagsabog.

Ang babaeng ito ay may puting buhok at dilaw na bangs, sa dulo ng mga hibla ng buhok nito sa likod ay nahahati ang kulay na asul at pula. Bitbit nito ang isang dambuhalang baril na may malaking talim

" Gusto nyo akong makuha ? Sige! "

" Lumapit kayo at kunin ako !!! " Sigaw ni Philia.

Walang makapagsalita sa kanila dahil sa pagkamangha at pagtataka sa biglaan nitong pagsulpot. Kitang kita ng lahat ang umaapaw na awra na lumalabas sa dalagang ito at nararamdaman ang nakakatakot na presensya mula dito.

Napaatras ng hakbang si Devora habang patuloy na nabibigla " Imposible. Paanong nangyaring? "

" Ang babaeng yan ay isang espesyal na nilalang na magbabago sa takbo ng lahat. Sya ang pag asa natin upang matapos ang digmaan laban sa Celestial." Sambit ni White Comet.

" Nakikita mo na ba Devora kung bakit sya Espesyal para kay Coco katulad mo? "

Walang naging tugon si Devora sa nasambit ni White comet at napayuko na lang habang nagpapatuloy ang marahas na pag atake ni Philia sa mga kamag aral nya habang nakangiti na tila nasisiraan.

" Isang nanamang Celestial " Bulong nito.

Alabngapoy Creator