PHILIAs Point of view (POV)
Sa gitna ng pag-uusap namin tungkol sa aking pagkatao ay hindi ko napigilan aminin kina Maya at Thalia ang katotohanan na hindi ako kagaya nila na hinasa at dumaan sa mga pagsasanay para maging sundalo.
Binanggit ko rin na hindi ako katulad nila na mula sa pamilya ng mga sundalo kundi sa pamilya ng mangingisda sa maliit na bayan sa Pilipinas.
Kagaya ng inaasahan ay labis nila itong ikinabigla at alam kong hindi nila ito ikinatutuwa dahil mataas ang pagtingin nila sa Guardian at sa pamunuan nito.
Pero sa totoo lang ay wala akong alam tungkol sa eskwelahan na ito at sa sinasabi nilang organisasyon. Basta ang alam ko lang ay papasok ako sa isang military school kasama ni Pearl.
"Kung ganun bakit ka pumasok dito kung wala kang kaalam-alam sa eskwelahan na ito?" Tanong ni Maya.
Ewan ko kung dapat ko pa bang ituloy na sabihin sa kanila ang katotohanan pero siguro hindi ko na lang babanggitin na nasilaw lang ako sa malaking pera na inalok sa pamilya ko kapalit ng pagpayag ko na mag-aral dito.
Binanggit ko na lang sa dalawa ang tungkol kay Mr. Coco na syang nagdala saakin sa ilang tao para ipasok ako dito. Siya yung parehong tao na nasalubong namin ni Pearl noon at binigyan kami ng pagkakataon na makapag-aral dito.
Hindi ko alam kong sino siya pero mukhang maimpluwensya syang tao dahil sinusunod siya ng maraming tao at sa itsura niya ay mukha syang arabo dahil sa suot nyang balabal sa katawan.
"Nasisiraan ka na, mabuti pa mag quit ka na," Sambit ni Thalia.
Sa pagkakataon na iyon ay nag-panik bigla ako sa naging pagtataray ni Thalia saakin. Alam ko sa sarili ko na hindi ako karapat-dapat mapabilang sa kanilang hanay pero wala naman akong magagawa sa bagay na iyon dahil hindi ko kontrolado ang mga tao sa Council kung saan nila ako ilalagay.
Hindi rin nila mauunawaan na kailangan ko ng pera para magbago ang buhay ng pamilya ko kaya ako nandoon dahil nagmula sila sa mayamang pamilya at tradisyon na nila ang maging sundalo ng Guardian.
"Hindi ako galit sayo tungkol sa pagpasok mo sa Elite pero ako na ang nagsasabi sayo na hindi mo kakayanin tumagal dito."
"Tama si Thalia, hindi biro ang pinapasok mo. Maraming tao ang namamatay sa training ng Elite, sabat ni Maya.
Lalo akong kinabahan sa mga nasabi nila pero siguro naman hindi ganun kapanganib iyon kagaya ng sinasabi nila dahil nasubukan ko na magsanay at mag exam noong nasa class Z ako at puro lang iyon pagtakbo, pagtalon at paggulong sa field.
Aaminin ko na bumagsak ako doon pero siguro naman makukuha ko rin matapos iyon kung magsasanay pa ako.
Buong pagmamalaki ko pang pinuri ang sarili ko na madaling matuto at matatag kung pagiigihan ko ang pag-aaral pero hindi yun nakatulong para suportahan ako ng dalawa.
Dito ay biglang kinontra ng dalawa ang mga sinasabi ko tungkol sa mga pagsasanay at ipinaliwanag na iba ang mga pagsasanay na ibinibigay sa Elite kesa sa ibang klase.
"Nakakapagtaka at hindi mo alam ang tungkol sa Elite gayong higit isang buwan ka na pumapasok dito."
Napakamot na lang ako ng ulo sa pagpuna nila ng kamangmangan ko sa ilang bagay. Masyado kasi akong stressed nitong mga nakaraan para paghandaan ang mga pagsusulit kaya wala akong pakialam sa ibang bagay.
Sa mga sandaling iyon ay ipinaliwanag ng dalawa ang tungkol sa Elite at sa ekwelahan.
Ang eskwelahan ay naghahanap sa iba't ibang bansa ng mga mahuhusay na Spirit Artisan na sasanayin upang maging miyembro ng Guardian.
Itinuro ni Thalia ang mga estudyante sa labas ng hardin na kinalalagyan namin at binanggit na lahat sila ay nominado at kumuha ng sampung pagsusulit.
Ang tinutukoy nito ay ang dalawang taon na pagbibigay ng pagsasanay at pagsusulit sa mga taong nominado.
"Ang bawat nominado ay kailangan makakuha ng 80 average sa bawat exam upang matanggap dito."
Naka base sa grado ng isang estudyante kung saang klase ito naroon at ipinagmalaki nila na sa loob ng ilang dekada ay naging istrikto at mitikulosa ang pamunuan sa pagpili ng mapapasama sa Elite.
Ipinaliwanag nila ang dapat na taglay ng isang Elite bago ito mapili kagaya ng tapang at talino sa gitna ng mga pagsubok.
"Sinusubukan nilang gumawa ng mga Perfect Soldier sa eskwelahan na ito at tayo iyon sa Elite," Sambit ni Maya.
"P-p-perfect Soldier?"
"Kung ang mga simpleng exam ay hindi mo mapasa ay paano ka pa magiging Perfect Soldier?"
Medyo masakit sa dibdib yung sinabi ni Maya saakin pero totoo naman iyon. Kahit nga ang exam sa Math at Communication Art dito ay halos pinapatay na ako dahil sa hirap.
"Maraming buhay ang nakasalalay saatin kaya hanggat maaari ay gusto nilang maging pinakamahusay tayo sa lahat ng mahuhusay."
Kada sampung taon ay pinapalitan ang mga pinuno ng mga sundalo ng Guardian nang mas bata at maliksi sa kasalukuyang mga bayani ng Guardian.
Dito ay ipinaliwanag nila na pagkatapos ng limang taon namin sa eskwelahan na ito ay ipapadala kami sa iba’t ibang bansa upang pamunuan ang ibang mga sundalo at protektahan ang mga tao.
Mayroong Labing dalawang Grupo na bumubuo sa Guardian na sumisimbolo sa pakpak na nasa Logo ng Guardian o kilala bilang Wings if Guardian.
Hawak nito ang libo libong sundalo na pumuprotekta sa bansang itinakda ng supreme commander ng Guardian.
" Hindi mahirap intindihin iyon, Sinasanay nila tayo para pamunuan ang mga grupong iyon kaya malaking bagay ang pagiging Elite."
Nagulat ako sa nasabi nito at kung totoo iyon ay balang araw ay magiging pinuno ako ng isang batalyong sundalo. Teka kaya ko ba iyon ?Hindi ko yata maimagin ang sarili ko na maging leader ng kahit sino.
" Ang kakaiba nga lang sa nangyayri ay labing dalawa lang ang Wings of Guardian at ikaw ang ika labing tatlo myembro ng Elite kaya hindi ko lam kung anong mangyayari sayo." Sabat ni Maya
"Pero hindi mo iyon dapat iniisip ngayon ang dapat problemahin mo ay kung mabubuhay ka ba sa loob ng limang taong pagsasanay dito sa eskwelahan."
Hindi naiwasan ng dalawang ito na punahin ang pagiging malamya ko at matatakutin kaya gusto nilang magdesisyon akong mag-quit dito at pinaalalahanan na sinasayang ko lang ang buhay ko sa pananatili sa lugar na hindi ako nababagay.
Totoo naman na hindi ako nababagay dito at naniniwala akong hindi ako tatagal kung puro military training ang ipapagawa saakin.
Pabor naman ako sa mga sinasabi nila pero hindi ko basta pwedeng ihinto ito at isa pa nasa akin naman si Pearl kaya siguro kakayanin ko ang mga pagsasanay dito.
"Pearl? Teka bakit nga pala palagi mong dala-dala ang Spirit Item mo?" sambit ni Maya.
Dito ay nabati nila ang pagdadala ko ng isang bola ng perlas at pinagkatuwaan na ikinumpara sa isang manghuhula .
"Ah.. Teka ipapakilala ko sainyo si Pearl."
Ipinakilala ko sa kanila si Pearl at binanggit ang pagiging espesyal nito sa iba. Dito ay labis nilang ipinagtaka kung bakit pinapayagan akong dalhin ang Spirit item ko sa labas ng training area.
Mahigpit ang patakaran ng eskwelahan lalo na sa pagbabawal sa mga estudyante na gamitin ang spirit item sa ilang lugar lalo na sa canteen at opisina upang iwasan ang ano mang gulo.
"Lalo akong nagdududa kung ano ang tunay mong pagkatao dahil pinapayagan ka nilang lumabag sa batas."
"Hindi naman ako lumalabag sa rules, hindi naman ako pinagbabawalan kaya hindi yon matatawag na paglabag." Sagot ko.
Wala akong maibigay na rason sa kanila pero isa siguro na dahilan ay dahil alam nila na may buhay si Pearl at hindi basta kagamitan na pwedeng itambak lang kung saan.
Pinagmalaki ko sa kanila na hindi basta kagamitan si pearl at nakakausap ko ito pero ang masama ay hindi nila ako pinaniniwalaan dahil hindi nila ito naririnig at isa pa hindi nakikisama si Pearl sa mga sinasabi ko.
"Totoo ang sinasabi ko na may sariling buhay siya."
"Magpakilala ka sa kanila Pearl."
Walang naging pagkilos o kahit pagkibo si Pearl na tila nagpanggap na isang normal na bola ng perlas sa harap ng dalawa kaya naman para akong timang na nakikipag-usap dito.
"Hoy! Pakita mo naman sa kanila ang kaya mong gawin," sigaw ko rito.
Bakas sa mga tingin nila ang pagdududa sa mga sinasabi ko at dahil hindi sumusunod si Pearl sa mga iniuutos ko na gumalaw sa harap nila ay lalo akong hindi pinaniwalaan ng dalawa.
"Mukhang nasisiraan ka na dahil sa stressed dito kaya kung ano-ano na ang mga sinasabi mo," sambit ni Thalia.
Patuloy ang pakikipag-usap ko kay Pearl para patotohanan ang mga sinasabi ko at hindi ko naiwasang itaas ito at alugin.
"Sige na pearl sumunod ka na paki-usap! Wag mo akong ipahiya."
Sa ginawa kong pagwasiwas kay pearl ay hindi ko sinasadyang mabitawan ito at bumagsak sa lapag.
"Naku, Pearl!"
Gumulong ito palayo saakin kaya napatayo ako para habulin ito at kunin pero habang gumugulong si Pearl ay biglang may tumapak dito para huminto ito.
"Naku pasenya na."
Nabigla ako nang makita sa harap ko ang chinitong lalaking nanigaw saakin sa loob ng silid ng Elite at kagaya kanina ay mukhang iritable parin ito dahil sa pagpasok ko sa Elite.
Nakangiwi ito at bakas sa matatalim na tingin nito saakin na tila ba lalamunin ako ng buhay at halata sakanya na hindi ito natutuwa na makita ako.
Wala akong kasalanan na ginawa sa kanya kaya hindi dapat ako matakot sa tuwing nakikita ko siya pero sadyang nakakatakot ang presensya niya para saakin kaya wala akong nagawa kundi muling masindak sa kanya.
"Sa-sa-sandali, P-pw-pwede bang makuha ko si Pearl?" hiling ko rito.
Hindi nito dinampot si Pearl at patuloy na tinatapakan ito ng kanang paa niya.
"Anong ginagawa mo?" tanong nito.
Galit ang tono nito nang pagsasalita dahilan para lalo akong matakot dito kaya naman hindi ko naiwasan na muling mataranta. Hindi ko talaga gusto ang nararamdaman kong mangyayari sa tagpong ito.
Kailangan kong makaalis agad dito para iwasan ang gulo pero pwede ko bang hablutin na lang basta sa paa niya si Pearl o hayaan kong ibigay niya ito saakin?
Yumuko at humingi ako ng tawad habang ipinapaliwanag na wala akong intensyon na lumapit sa kanya at idinahilan ang pagkadulas ni Pearl sa kamay ko.
Pero habang nakayuko ako sa harap nito at nagpapaliwanag ay biglang sumigaw ito at pinapalayas ako sa hardin na kinalalagyan namin.
"Ang lugar na ito ay para lang sa tunay na miyembro ng Elite at hindi para sa mga pusang kalyeng katulad mo."
"Kaya tinatanong ko sayo kung ano ang ginagawa mo dito, " galit na sambit nito habang nakatingin ng masama saakin.
Nabigla ako sa nasabi nito at mukhang seryoso talaga itong hindi ako nito tanggap bilang miyembro ng Elite. Napaka-agresibo nyang tao at tingin ko hindi gagana ang pagyuko at pakiki-usap ko dito.
Mukhang tototohanin nito ang banta nito na ituloy ang pangbu-bully saakin. Anong gagawin ko?