Lumipas ang ilang minuto nang kausapin ako ni Miss Devora, pagkatapos ay bumaba na ako ng gusali upang pumunta sa canteen. Naisip ko na mahaba ang isang oras para itambay lang sa itaas kaya nagdesisyon akong pumunta sa canteen bago magtungo sa susunod na klase.
Habang nasa Elevator ay naiisip ko parin ang mga nabanggit ni Miss Devora saakin tungkol sa gusto kong gawin. Kahit ako ay nagdududa kung gusto ko ba talaga ang mga ginagawa ko.
Hindi ko nabigyan ng sagot noong tanungin ako ni Miss Devora at nanatiling nakayuko sa harap niya na parang pipi. Gusto kong sabihin na ayokong mamatay, natatakot akong makipaglaban at lalong wala akong tapang para iligtas ang mga tao sa mga terorista.
May mga bumabagabag sa isipan ko sa mga sandali na iyon, lalo na kung ano ang mangyayari saakin sa hinaharap kung sakaling magpatuloy ako sa pag-aaral dito. Naguguluhan ako kung kailangan ko nang sabihin na napipilitan lang akong pumasok sa paaralan na ito para sa pera na ibibigay sa pamilya ko pero tila hindi ko kayang gawin iyon dahil sa takot na bawiin ang lahat ng meron ang pamilya ko.
Siguro naman kaya ko ang pag-aaral at may magbabago saakin upang maging totoong matapang kung mag-aaral ako ditto. Iyan ang lagi kong nasa isip noon pero nung mga oras na sinabi nyang maaari akong mamatay sa pagpasok sa klase niya ay tila ba nabasag ang kakarampot na tapang at lakas ng loob ko sa katawan.
Ayokong mamatay pero mas ayokong muling pumalaot ang mga magulang ko sa dagat at mamatay ng mahirap na lamang. Yung pakiramdam na alam mong maginhawa na ang magulang mo na nagpapakahirap sa araw-araw para may makain kami kinabukasan ang syang nagpapatatag na lang saakin ngayon.
Hindi ko maisip kung saan kami pupulutin kung nagkataon na bawiin nila ang mga ibinigay nila saamin.
Kinakailangan kong manahimik at tiisin ang takot na nararamdaman dahil ito na lang ang bagay na maaari kong gawin para sa pamilya ko.
Sa gitna ng pananahimik ko sa loob ng elevator ay bigla akong napabuntong hininga. Sa mga sandaling iyon ay biglang lumabas sa loob ng backpack ko si Pearl at tumungtong sa ulo ko.
Sa pagkakataon na iyon ay kinausap niya ako at pinapakalma. Alam nito na labis akong natatakot at nangangamba sa mga oras na iyon kaya naman lumabas ito at sinasabi saakin na magtiwala sa kanya.
Tama, nandito ako dahil sa tapang na ibinibigay saakin ni Pearl, hindi niya ako pababayaan at nangakong ipagtaranggol sa lahat ng oras kaya wala akong dapat ikatakot.
Tumugon ako kay Pearl na may buong puso nang tanungin niya kung may pagtitiwala ba ako sa kanya bilang partner niya.
"Oo naman Pearl, naniniwala akong hindi mo ako pababayaan," nakangiti kong tugon.
Lumipas ang ilang minutong paglalakad ay narating ko na rin ang canteen bitbit si Pearl. Hindi ko alam kung bakit tila lahat ng estudyante na masasalubong ko ay napapatingin saakin. Hindi ako sigurado kung dahil na yun sa may bitbit akong malaking perlas o baka dahil parin sa mga usap-usapan na isa akong basagulerang dalaga.
Ang gusaling pinasok ko ay nagsisilbing canteen ng eskwelahan. Mas malaki pa sa basketball court ang lugar na kinakainan ng mga estudyante at ang nakakamangha sa lugar na ito ay maroon itong hardin sa gitna.
Ang man-made garden na ito ay tinatawag na "Evergarden" at espesyal itong ginawa para lang sa mga miyembro ng Elite.
Hindi ko alam kung bakit kinakailangan pang gumawa ng ganitong lugar ang eskwelahan para ibukod ang mga miyembro ng Elite sa ibang estudyante tuwing kakain sila.
Kitang-kita mo kung gaano ka espesyal ang trato nila sa mga nagiging miyembro nito magmula sa tinitirahang dorm hanggang sa pagpasok nito sa eskwelahan.
Napahinto na lang ako sa entrada ng garden at napaisip kung maaari ba akong pumasok dito o kagaya ng nakasanayan ko ay bibili na lang ako ng makakain at magpunta sa isang sulok upang doon mag-isang kumain.
Nahihirapan akong magdesisyon, dahil sa baba ng tingin ko sa sarili ko ay nag aalinlangan akong tumanggap ng kaparehong pribilehiyo na nakakamit ng mga henyong nasa klase ng Elite.
Pero sa isang banda ay nacu-curious ako na pumasok at maramdaman din kahit minsan ang magtungo sa ganitong kagandang lugar dahil bihira akong makaranas ng magagandang bagay sa probinsyang pinanggalingan ko.
Sa gitna ng pag aalinlangan ko ay biglang may humampas sa ulo sa likod. Agad akong napalingon dito at nakita ang dalawang magandang babae na pawang mga miyembro ng Elite.
"Anong ginagawa mo sa dyan?" tanong nito habang hawak ang kanyang libro na pinanghampas sa ulo ko.
Isang babae na may itim at maikling buhok, berdeng mga mata at may pagkamasungit ang itsura nito habang tinanong kung ano ang ginagawa ko sa gitna ng daan.
Agad kong binuklat ang papel na hawak ko at hinanap dito ang litrato ng dalawang babaeng nasa harap ko.
Ayon sa listahan at litrato ng mga kasama ko sa Elite na binigay ni Miss Devora saakin ay siya na siguro si Thalia Hain Ilmar na mula sa Thailand,16 years old at isa ring prodigy na pinadala ng bansa nila. Mapapansin sa katawan niya ang mga tattoo at bracelet na kung titignan ay mga antigo pero sa itsura niya ay parang napakataray nito. At sa paghampas niya sa ulo ko ay pakiramdam ko hindi kami magkakasundo.
Yumuko ako dito at humingi ng tawad dahil alam ko na may mali rin ako sa pagharang sa daanan nila kaya naman wala akong nagawa kundi tumabi at padaanin sila.
"Pa-pa-pasensya na," sambit ko.
Sa gitna ng pag-uusap namin ay biglang yumakap sa braso niya ang kasama nitong babae at masiglang binati ako.
Gumamit siya ng ibang lengwahe para kausapin ako pero kahit hindi ko maintindihan ay sa palagay ko ay bumabati siya saakin. Agad ko itong pinigilan na magpatuloy sa pagsasalita at inamin na hindi ko siya kayang maintindihan.
"Pasensya na bago lang ako sa Elite kaya hindi pa ako masyadong mahusay sa ibang lengwahe."
"Huh ? Pero bata pa lang ay tinuturo na saakin ang matuto ng ibang lengwahe ng ibang bansa at sa totoo lang higit sampung lengwahe na ang alam ko noon bago ako grumaduate ng elementary," sagot nito.
Nagulat ako sa narinig ko pero siguro dahil isa syang prodigy kaya advance ang tinuturo sa kanila mula pagkabata.
Ang babaeng ito ay si Maya Tataru, 15 yrs old at isang Malaysian.
"Wag mong ikumpara ang sarili mo sa kanya dahil hindi sadista ang mga magulang niya ." Sambit ni Thalia.
"Ano? hindi naman sadista ang magulang ko."
Nagtalo ang dalawang ito sa harap ko tungkol sa pinangalingan ni Maya at sa tingin ko nga sumasang-ayon ako kay Hain tungkol sa sinabi niya dahil nakakabaliw mag-aral ng ibang lengwahe kaya paanong nagawa iyon pagsabayin ng isang elementary student?
"Pwede ba bumitaw ka sa saakin at kumilos ka ng tama para sa isang babae," sambit nito.
Bigla akong napangiti sa nakita ko sa kanila dahil kahit na nagtatalo sila habang yumayakap sa braso si Maya kay Thalia ay masasabi kong magkasundo sila.
Itinutulak ni Thalia si Maya at inilalayo sa kanya pero patuloy itong kumakapit at naglalambing dito.
Napangiti ako sa nakita ko at biglang nasabi sa kanila ang iniisip ko. "Nakakatuwa kayo tignan, magkasundo na magkasundo talaga kayo," Sambit ko.
Sa pagkakataon na iyon ay bigla silang nanahimik at naging seryoso. "Teka nagbibiro ka ba? Hindi mo ba nakikita na naiirita ako sa isang ito?"
"Yahoo! Sa wakas, Sabi sayo bagay tayo eh," Sambit ni Maya.
Kinilabutan si Thalia sa pagyakap sa kanya ni Maya sa katawan habang nanlalambing. Dahil sa ginawa nito ay bigla syang hinampas sa ulo ng libro nito dahilan para bitiwan siya nito.
"Kadiri ka, pwede ba tigilan mo akong tomboy ka."
"Masakit yun ah at hindi ako tomboy. Tiyak papatayin ako ng mga magulang ko kapag naging tomboy ako."
"Kung ganun tumigil ka sa kakadikit at kakayakap saakin dahil pareho tayong babae."
"Paano kaya kung magpa-sex change ka Thalia."
Muli syang hinampas sa ulo ni Thalia ng libro na hawak dahilan para mapahinto ito kakapangulit sa kanya.
Parang bata kung umasta si Maya kaya napapatunganga na lang ako. Ang cute talaga nila tignan sa ginagawa nila kahit na kitang kita sa mukha ni Thalia na nandidiri sya sa panglalambing ng dalaga .
Nagpatuloy silang magtalo dahil sa pagiging makulit ni Maya na hindi maitatanggi na nahuhumaling sa kapwa babae.
Dahil sa mga nalaman kong kakulitan nila ay Medyo lumuwag ang pakiramdam ko dahil mukha namang mabait sila at may kakulitan ng estudyante kahit na mga miyembro sila ng Elite.
Normal parin sila kagaya ng ibang babae pwera lang siguro doon sa pagiging tomboy ni Maya sa kagandahan ni Thalia
"Mabuti pa pumasok na tayo," Pag-aya ni Thalia
Dito ay bigla akong nagulat ng kasama niya akong ayain na pumasok sa loob ng garden.
"Teka, ayos lang ba sainyo na pumasok ako dyan?" tanong ko.
"Huh?" matamlay na reaksyon nila.
Hindi sila nagbigay ng marahas na reaksyon ng kagaya nung chinitong lalaki ng bangitin ko sa kanila na maraming ayaw saakin bilang miyembro ng Elite dahil sa mababang mga grado ko kaya naman hindi ko sigurado kung maaari akong pumasok sa hardin na para lang sa mga Elite.
Bumuntong hininga si Thalia at sinabing naaawa siya saakin dahil sa kalagayan ko. Hindi ko alam kung para saan iyon pero nilinaw niya na maging siya ay hindi pabor sa pagpasok ko bilang kasamahan nila.
Tinanong nito saakin kung gusto ko bang malaman ang saloobin niya tungkol sa bagay na iyon.
"Wag mo sanang personalin ito at hindi ako galit sayo pero magkaiba ang mundong ginagalawan natin mula pagkabata at kailanman hindi mababago ang katotohanan na hindi tayo magkapantay."
Dito ay nasambit niya na sa bansa nila ay maraming tao ang nilagpasan niya at kinuhanan ng pagkakataon at pangarap para lang makamit ang pagiging Elite at kumpara sa kanila ay isa lang akong mahinang tao.
Nalungkot ako sa mga narinig ko sa kanya at kahit inaasahan ko na ang masasakit na salitang pwede nilang sabihin sa tulad ko ay may nararamdaman parin akong sakit sa dibdib ko.
"Gayumpaman, wala ako sa posisyon para pigilan kang pumasok sa loob at hanggat suot mo yang uniform ng Elite ay parte ka ng Elite kaya malaya kang gawin ang gusto mo basta saakin lang ay kumilos ka bilang Elite," dagdag nito sabay ng pag irap.
Napaangat ang ulo ko sa pagkakayuko nang tila mag-iba ang tono ng pagsasalita niya. Tumitig ako sa nakasimangot nyang mukha
"Maaari ka parin sumabay saamin kumain kung hindi ka maingay at makalat," sambit nito habang naglalakad papasok ng garden.
Hindi ko alam kung pumapayag ba siya o hindi pero base sa sinasabi niya ay pinapayagan niya akong sumabay sa pagkain nila. Hindi ko maramdaman ang ano mang pagkairita o inis sa tono ng boses niya pero malinaw na hindi siya pabor na naroon ako.
Napakagulo ng pagkakaintindi ko kaya wala akong naging reaksyon kundi mapatunganga at manatiling nakatayo habang naglalakad si Thalia papasok. Dito ay bigla akong hinampas ni Maya at pinapasunod.
"Wag kang mag-alala, kahit ako nilalait niya pero sa totoo lang mabait na tao si Thalia. Isipin mo na lang ganun lang syang maglambing sa mga tao."
Nagdadalawang isip parin akong na maglakad pasulong hanggang sa bigla na lang akong hawakan sa kamay ni Maya at isinama sa loob.
"Tulad ng sinabi ni Thalia ay hanggat sinasabi ng council na isa kang miyembro ng Elite ay walang problema saakin na makasama ka, kaya tara sa loob," sambit nya habang nakangiti.
Nabigla ako sa sinabi nya dahil hindi ko inaasahan na matatanggap nya ako sa kabila ng pagkakaiba namin. Nakikita ko na hindi sya ganun kakomplikado kahit isa syang Prodigy , malayong malayo sa ibang myembro ng Elite.
Napangiti na lang ako bigla dahil nagkaroon ako ng dahilan at lakas ng loob upang humakbang papunta sa loob ng hardin kasama ng dalawang miyembro ng Elite na si Maya at Thalia.