Tumitig ako sa ibang mga kamag-aral ko na tila walang paki-alam sa nagaganap sa loob ng klase. Walang kahit isa sa kanila ang nagsasalita at tila ba walang gustong pumigil sa ginagawang pangbubully saakin habang nagpapatuloy ang klase.
Napalingon din ako sa likod ko pero kagaya ng iba ay tahimik lang na nakatingin saakin si Miss Devora na tila ba ok lang sa kanya ang ginagawa ng kanyang estudyante.
Sa mga sandaling iyon labis akong pinanghihinaan ng loob at puno ng takot sa isip. Naguumpisa nanaman akong mapraning at mag-isip ng mga negatibong bagay sa mali kong nagawa.
Ganito ba ang turing nila saakin dahil isa akong probinsyana? Dahil hindi ako mayaman katulad nila? O dahil ba sa kulay ng balat ko?
Naiiba ako sa mga henyo at mayayaman na kagaya nila at malayong malayo upang mapabilang sa kanila pero hindi ko naman ginusto na mapasama dito.
Nanginginig ang tuhod ko at wala akong nagawa kundi yumuko sa harap at pumikit dahil sa kahihiyan at takot.
Ilang sandali pa ang lumipas ay biglang may boses na nagsalita, isang tinig ng lalaking bumasag sa katamikan ng silid.
"Ano ang pangalan mo?" pag uulit nito.
Isang mistiso at blondie na lalaki ang ngayon nakikipag-usap saakin. Medyo cold ang reaksyon ng mukha niya habang pinipindot ang hawak na ballpen sa kamay pero deretso syang nakatingin saakin at tinatanong ako.
Nagulat ako ng muli nyang tanungin ang pangalan ko sa ikatlong pagkakataon. Npakahinahon ng boses nito, malayong-malayosa naging pag-uugali nung lalaki na naka upo sa harapan ko.
"A-A-Ak-ako ba? A-Ako si P-phi-Philia Ma-ma-maharlikha," nakayukong sagot ko rito at sa sobrang taranta ko ay hindi ko namalayan na napalakas ang boses ko.
"Ngayon miss, itaas mo ang ulo mo at tumayo ka nang deretso," biglang sambit nito.
Inutusan ako nitong huminahon at tumitig sa kanya habang kinakausap ito. Napakakisig ng kanyang boses at sa dating niya ay masasabi mong isa syang kagalang-galang na tao.
Wala akong makitang kahit anong marahas na pagdidikta kahit na inuutusan ako nito sa isang napakahirap na bagay para saakin.
Noong mga oras na iyon ay tila naglaho ang mga tao sa paligid namin at wala akong ibang nakikita at naririnig kundi ang makisig na lalaking nasa harapan ko.
Muli niya akong kinakausap at sa hindi maipaliwanag na pagkakataon ay kusa na lang gumalaw ang katawan ko upang sundin ito.
Tumindig ako ng deretso at sumaludo sa harap nito kagaya ng nakagawian ng mga estudyante tuwing magbibigay ng respeto at paggalang.
"Ngayon, pwede ka bang magpakilala miss? Interesado akong malaman ang pagkakilanlan mo."
"Ako si Philia Maharlikha, 16 years old at nagmula ako sa Pilipinas, nandito ako dahil sa rekomendasyon ng Union upang magsanay. Kinagagalak ko kayong makilala," sagot ko rito.
Natahimik na lang bigla ang lugar pagkatapos kong magsalita sa harap at ipakilala ang sarili. Sa sandaling 'yon ay itinigil niya ang pag-pindot sa kanyang hawak na ballpen at dito ko na unti-unting napansin muli ang nasa paligid ko.
Napalingon ako sa paligid ko na kanina ay isang madilim na kawalan. Nagtataka man ako sa naranasan kong kakatwang bagay ay hindi ko na ito pinansin pa. Napagtanto ko rin na nagawa kong makapagsalita ng deretso sa harap ng maraming tao sa unang pagkakataon.
Nagulat ako dahil kaya ko palang gawin iyon ng hindi kinakabahan at nabubulol. Unang beses kong nagawa ito ng hindi nagkakamali pero siguro dahil sa tulong na rin ng lalaking ito.
Hindi ko alam pero nung kausapin at utusan niya ako sa dapat kong gawin ay para bang napanatag ang kalooban ko at kusang sumunod mag-isa ang katawan ko.
"Magaling Miss Philia, maaari ka ng maupo sa likod," Sambit ni Miss Devora habang nakangiti saakin.
Nakaligtas ako sa mga oras na iyon at talagang lumuwag ang dibdib ko ng marinig ko na maaari na akong umupo. Humakbang ako papunta sana sa pwesto na itinuturo saakin upang makapag simula na ang klase nang biglang tumayo ang lalaking nakaupo sa harapan na kanina pa iritableng nagsasalita.
Galit na galit itong hawak ang isang papel sa kamay at harap harapang kinukutya ako sa pagiging malamya at mahina na nagmula sa lower section.
"Isa itong kalokohan! Malinaw sa mga papel na ito na hindi siya qualified na pumasok sa Elite class kaya bakit natin siya hahayaan na mag aral dito kasama natin?"
Muli syang nagdabog sa kanyang mesa habang humihingi ng paliwanag at nagbanta na hindi sya titigil hanggat hindi ako lumilisan sa silid na iyon.
Muli akong nasindak at napahinto sa paglalakad dahil sa pag-aamok nito sa harap ko. Alam ko na nagagalit siya sa pagpasok ko dito upang maging kabahagi ng Elite pero hindi kaya sobra na kutyain niya ako at ipahiya sa ibang tao.
Sa mga sandaling iyon ay nagsalita si Miss Devora at pinapatigil ito sa pagpapakita ng marahas na pakikitungo pero gayumpaman ay hindi natigil ang lalaking ito at ipinipilit na kailangan masunod ang dating sistema at proseso sa pagiging myembro ng Elite.
Ang prosesong tinutukoy nya ay mga pagsasanay at pagsusulit na kinuha nila at ipinasa bago maging myembro ng Elite na hindi ko na kinailangan pagdaanan at ipasa dahil sa desisyon ng council.
"Alam ko ang iyong pinupunto at naiintindihan kita kung naguguluhan ka pero ang council ang nagdesisyon tungkol sa paglipat niya at wala na tayong magagawa tungkol sa bagay na iyon."
"Pero kung ganun nga ay hindi ba may karapatan kaming malaman ang dahilan kung paano ang isang tulad n'yang mahina ay makakasama namin sa iisang klase. "
Dahil sa pataas ng pataas na tensyon sa paligid ay muling nagsalita at sumabat ang lalaking may blondie na buhok upang patigilin ito.
"Tumigil ka na Xiuan, wala kang karapatan para kwesyunin ang mga desisyon ng nasa itaas na kung bakit inililihim nila ang mga bagay bagay saating lahat."
"Wag mong sabihin Alexis na papayag kang mapabilang saatin ang walang utak na babaeng yan?" sambit nito.
Nagulat ako sa narinig kong pagtawag saakin ng walang utak at kasabay nun ay ang galit na pagbato niya ng mga papel na hawak.
Sa nakikita ko lahat sila ay may parehong kopya na nakalapag sa mga desk nila kung saan nakalagay ang impormasyon ko at mga grado sa nakaraang mga pagsusulit. Kasama na rin dito ang evaluation ng mga guro sa aktibidad ko sa class Z na ibinagsak ko at talagang kompletong nakatala ang bawat detalye sa mga papel na iyon.
"Nakakahiya ito, maging ang mga simpleng quiz ay ibinagsak niya, sapat na katibayan na iyon na walang laman ang utak ng babaeng gusto nilang maging kapantay natin."
Napayuko na lang ako at nanatili sa kinatatayuan ko dahil sa kahihiyan sa mga naririnig kong pang iinsulto ng lalaking ito tungkol saakin. Hindi ko magawang kumibo at ipagtanggol ang sarili ko sa kagaya niya.
Wala akong pwedeng sabihin sa kanya dahil ano nga bang laban ko sa isang ito? Mayaman, gwapo at henyo at kung ikukumpara sakanya ay balewala ang probinsyanang katulad ko kaya naman nauunawaan ko kung bakit siya nagagalit at tutol sa pagiging bahagi ko ng Elite.
Gayunpaman ay hindi pinakinggan ng lalaking si Alexis ang mga sinasabi ni Xiuan at ibang iba sa pagpapalayas saakin ng chinitong binata ay nakiusap ito saakin na magpatuloy akong magpunta sa aking pwesto upang maupo.
" Wag kang mag alala, hindi ka nya pwedeng saktan sa loob ng klase." Dagdag nito.
Napangiti ako at bahagyang kumalma ang panginginig ng mga tuhod dahil sa takot nung muli akong kinausap nito. Hindi ko alam kung bakit nya ako tinutulungan pero dahil sa mga salita nya ay nagagawa kong humakbang pasulong.
Madali para saakin na magtiwala sa ano mang sinasabi nya saakin kahit pa alam kong may taong nagagalit at maaari akong saktan lalo pa't harap harapan akong pinapalayas nito sa loob ng silid at itinataboy palabas.
Marami akong iniisip na negatibong bagay dahil sa pagiging mahina ko at hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga oras na kinukutya ako lalo pa't hindi rin nagbibigay saakin ng tulong ang mismong homeroom teacher ko na tila pinapanuod lang akong ibully ng iba pero dahil sa lalaking ito at sa mga salita nya ay nagkakaroon ako ng lakas ng loob na magpatuloy .
" Maraming salamat. " Sambit ko dito.
Dahil sa tila pagpanig saakin ni Alexis ay lalong nanlaki ang mga mata ng chino sa galit. kinukwesyon nya ang karunungan ng binata sa mga batas na nababale wala dahil sa pagpanig nito saakin na manatili sa loob.
"Kung isang kalokohan man na maging miyembro ng Elite ang babaeng ito ay hindi saating pagkakamali iyon kundi sa itaas at bilang mga sundalo ay kailangan natin sundin ang ano mang mga pagdedesyonan nila," sambit nito
" Maging mali man ito o tama" Dagdag nito.
"Ano? Nasisiraan ka na talaga Alexis ," Tanong nito kay Alexis.
Kitang kita ko na sa reaksyon nito ang pagka irita habang nakikipag usap ngunit kahit ganun ay kalmado lang syang sinasagot at ni hindi sya tinitignan ng mistisong lalaking si Alexis na para bang hindi alintana ang pag aamok nito.
"Maam Devora masyado ng nasasayang ang oras natin sa pagtatalo sa bagay na wala naman kaugnayan sa pag aaralan kaya hinihiling kong simulan niyo na ang pagtuturo," mungkahi ni Alexis sa guro.
" Tama, mamaya na natin pag usapan iyan sa ngayon ay huminahon ka muna at ituloy na natin ang klase."
Sa pagkakataon na iyon ay sinegundahan ng aming guro ang sinabi ni Alexis tungkol sa desisyon ng pamunuan ng eskwelahan kaya naman kahit gigil na gigil ang binatang chino ay wala itong magawa kundi muling maupo sa kanyang pwesto.
" Hindi pa tayo tapos" Bulong nito sa hangin.
Hindi rin nagtagal ay muli na akong pinapalakad papunta sa pwesto ko sa likod upang simulan ang klase.
Hindi maalis ang napakatalim na tingin ng lalaking ito saakin kaya naman wala akong nagawa kundi umiwas ng tingin at magmadali na lang sa paglalakad upang maka upo.
Naging matagumpay man ang pagpapakilala ko ay alam ko sa sarili ko na hindi pa tapos ang kalbaryo ko. Dahil sa mga narinig ko ay nararamdaman ko na hindi titigil ang lalaking iyon hanggat hindi ako napapaalis sa silid-aralan na ito.
Kinakabahan ako at hindi makapag-concentrate sa pakikinig sa guro dahil sa kaba sa pwedeng mangyari.
Anong gagawin ko? Bakit ba nangyayari ito saakin. Hindi ko man gusto pero mukhang magiging mahaba ang unang araw sa klase bilang myembro ng Elite.