Maraming bagay ang inaasahang ni Philia na magbabago sa pananatili nya sa eskwelahan bilang miyembro ng Elite at sa kasalukuyan ay mararanasan niya sa unang araw niya ang makapasok sa isang magarang hardin sa gitna ng canteen ng eskwelahan na kung tawagin ay Evergarden kung saan tanging mga miyembro lang ng Elite ang pwedeng makapasok at kumain sa loob.






















"Maaari mo syang tulungan, Philia."



"Kung ganung gising ka, bakit hindi mo ako tinulungan kanina?" pagtatanong ko rito.






"Pinili mong manahimik at mapahiya sa maraming tao, nangako ka na tutulungan ako sa lahat ng oras pero hinayaan mo lang ako."


"Ginawa ko iyon para tulungan ka," sambit nito.

"Sinungaling!!" tugon ko. 


"Dahil gusto ko ay kumilos ka para sa sarili mo," sambit ni Pearl.

"Walang magbabago sa sarili mo kung patuloy mong ginagawa ang mga maling kinaugalian mo."


"Lahat ng pwedeng maitulong ko ay ginagawa ko para sayo, ginusto mo na mabago ang buhay mo at umalis sa malansang lugar na kinasasadlakan mo kaya kita pinagsundalo."



"Nagkamali ako ng palagi kitang pinapangalagaan at tinutulungan sa mga problema mo dahilan para umasa ka saakin ng lubos."




"Nung mamatay ang lolo mo ay napilitan akong samahan ka upang mawala ang kalungkutan ko dulot ng pag-iisa. Inalagaan kita at inilayo sa kapahamakan."








"Hindi mo ba napapansin na naging malamya ka at duwag dahil inaasahan mo na palagi kitang tulungan kaya gusto kitang kumilos para sa sarili mo."


"Tutuparin ko ang pinangako ko na tulungan ka upang mabago ang buhay mo pero sana tulungan mo rin ang sarili mo."


"Naalala mo ba ang sinabi nung lalaking nakausap natin?"

"Espesyal tayong dalawa at dahil doon marami tayong pwedeng matulungan."


Alabngapoy Creator