Sa gitna ng kaguluhan na nagaganap sa mga sandaling iyon ay biglang may humawak sa balikat ng lalaking nasa harap ko.

"Itigil mo na ito Xiuan."

Nakilala ko ang boses nito at agad na nilingon. Ang lalaking nagpapahinto sa pang-bubully na ginagawa saakin ni Xiuan ay ang parehong lalaking nakasalubong ko sa harap ng puting hagdan nitong umaga na si Akihiko.

Sa gitna ng pagwawalang bahala ng ibang miyembro ng Elite na naroon sa loob ay bigla syang dumating upang tulungan ako.

"Hindi mo kailangan maging malupit sa kanya," matapang na sambit nito.

Nakahinga ako ng maluwag nung makita ko si Akihiko na tila pinagtatanggol ako laban kay Xiuan. Pakiramdam ko ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko dulot ng kahihiyan.

Gayunpaman ay hindi natinag ang mayabang na lalaking ito at binale-wala lang ang sinasabi ni Akihiko. Nagmatigas ito sa ginagawa niya at pinagsasabihan si Akihiko na iwasan makialam sa ginagawa n'yang pagtatama sa mali.

"Wala akong nakikitang mali sa ginagawa ko. Perpekto na ang Elite kaya hindi natin kailangan ng isang katulad niya na sisira sa reputasyon natin," sambit nito.

Hinawi ni Xiuan ang kamay ni Akihiko sa kanyang balikat at pinagbantaan ang binata na madadamay kung hindi ititigil ang pagtulong saakin.

"Kung hindi ka titigil sa pakikielam ay ituturing ko itong pagkalaban saakin at sisiguruhin kong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko."

Humarap ito kay Akihiko at matapang na pinagbabantaan. Kitang-kita sa tindig ni Xiuan na palaban syang tao at handang lumaban kahit kanino pero gayunpaman, sa kabila ng paninindak nito ay hindi umatras si Akihiko at nanatiling nakatayo sa harap nito.

"Hindi ko gusto magkaroon tayo ng anumang alitan Xiuan pero hindi ako mananahimik na lang lalo pa may nakikita akong mali."

Seryosong nagkatitigan ang dalawa at sa tingin ko walang gustong magpatinag sa kanila. Sa pagkakataon na iyon ay biglang tumitig saakin si Akihiko at humakbang palapit saakin.

Tinalikuran niya si Xuian para kausapin ako at alamin ang kalagayan ko. "Kamusta, ayos ka lang ba?" sambit nito.

Inalok niya ang kamay niya saakin upang tulungan akong tumayo. Nakakapagtaka dahil kahit nagkakatensyon na sa paligid ay naglaho ang kaba na nararamdaman ko dahil sa takot at napapalitan ng kapanatagan dahil lamang sa lalaking nasa harap ko.

Pakiramdam ko ligtas na ako sa mga oras na iyon dahil sa pagdating niya. Kumalma ang nanginginig kong mga kamay at sinubukan itong itaas habang dahan-dahang inaabot ang kamay ni Akihiko.

Pero bago ko pa man mahawakan ang kamay nito ay nakita ko na ang nakakatakot na anino ng ahas sa likod ni Akihiko.

Kasabay nito ay ang pagsipa ni Xiuan na dahilan ng pagkakatalsik ni Akihiko na umabot pa hanggang ikalimang lamesa.

Napakalakas ng pagkakasipa nito at unang beses kong makakita ng taong tumalsik ng ganung kalayo dahil lang sa isang sipa.

"Sinabi ko na sayo, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko," sambit ni Xiuan habang nakataas pa ang kanang paa nito.

Agad namang tumayo si Akihiko habang hawak ang braso nito na tinamaan ng pagsipa. Nababalot ito ng asul na awra na nagpapakita na nababalot siya ng sariling spirit energy.

Ang mga katulad nilang Spirit Artisan ay kayang magmanikula ng enerhiya sa katawan at dahil na rin doon ay nagagamit nila ito sa maraming bagay tulad ng pagpapalakas ng mga atake at pagprotekta sa katawan .

Nanatiling nagmamataas si Xiuan at patuloy na binabantaan ito sa mga pwede nyang gawin lalo na sa sinasabing alaga ng binata.

Dito ay umiwas ng tingin kay Xiuan ang isang batang babae na nakaupo sa isa sa mga mesa sa hardin. Elite member din ito at sa reaksyon niya ay mukhang natatakot din ito kay Xiuan.

"Nanghihinayang ako sa talento mo pero isa kang mangmang para tulungan ang babaeng ito. Nakikita ko na ang kabaitan mo ang syang magpapahamak sayo Akihiko."

"Pinili kong maging sundalo upang magligtas ng buhay at wala akong nakikita na mali sa ginagawa kong pagtulong sa kanya," sagot nito.

"Dahil ang babae na mismo ang mali dito na dapat itinatama," sabat ni Xiuan.

Tumayo si Akihiko at tila may hawak na espada at naka akmang bubunutin. Huminga ito ng malalim at ilang saglit pa ay unti-unting nai-ipon ang asul na enerhiya niya papunta sa kamay na naghuhugis espada na syang nahahawakan niya.

Nararamdaman ko ang umaagos na presensya niya sa paligid na tila hangin na humahawi sa kulay abo na buhok nito habang nakayuko at nakapikit.

"Wala kang kadaladala," sambit ni Xiuan.

Kasabay nang pagsambit nito ng mga salitang iyon ay ang biglaang nyang pagtalsik mula sa kinatatayuan niya. Parang may hangin na humampas sa katawan ni Xiuan na nagpalipad sa kanya hanggang sa tumama siya sa isang poste ng hardin.

Nagulat ang lahat ng naroon at umalingawngaw ang bulungan ng pagpuri mula sa mga estudyante sa pambihirang kakayahan ng binata.

Agad kong nilingon si Akihiko na ngayon ay nababalot ng asul na awra at iba sa posisyon niya kanina ay tila ba binunot niy na ang enerhiyang espada nito mula sa bewang.

Maliban sa mga Spirit Item ay mayroon espesyal na abilidad ang mga katulad nila at malakas ang kutob ko na ginagamit na nila iyon upang makipaglaban sa isa't-isa kahit na wala sa kanila ang mga Spirit Item nila.

Agad na bumangon si Xiuan sa pagkakaupo sa lapag at tila nagbabanat ng buto. Kahit na tinamaan ng atake ay wala akong makitang kahit na anong galos o pinsala. Maging ang kayabangan nito ay hindi man lang nabawasan kaya nagagawa nitong ngumusi habang kalmado.

PHILIA POV. END.

Nagsimulang mag-init ang dugo ni Xiuan at nakakaramdam ng kasabikan na lumaban at kahit na tinamaan ay mayabang parin ito at may kumpyansa sa sariling kakayahan na kaya n'yang manalo ng walang kahirap hirap

Nagsimulang mag-init ang dugo ni Xiuan at nakakaramdam ng kasabikan na lumaban at kahit na tinamaan ay mayabang parin ito at may kumpyansa sa sariling kakayahan na kaya n'yang manalo ng walang kahirap hirap.

"Ang pinagmamalaking teknik ng pamilya Yuudai, ang hindi nakikitang talim ng espada."

"Nakakabilib pero hindi n'yan ako magagawang matalo."

Si Akihiko ay mula sa maimpluwensyang pamilya ng Yuudai at anak ng isa sa mga pinuno ng Pakpak ng Guardian, Ang Wing of Justice na si Phantom Samurai.

Nanggaling siya sa pamilya ng mga samurai sa Japan na naglilingkod sa organisasyon ng Guardian.

Tumadyak naman bigla si Xiuan sa lapag kasabay ng pagkalat ng pulang awra na dumadaloy mula sa mga paa niya paakyat hanggang sa ulo nito.

Dito ay niyuko niya ang katawan niya at hawak ang lapag at bumwelo ito na tila tatakbo.

Hindi naman na hinintay ni Akihiko ang susunod na gagawin ni Xiuan at inulit ang porma niya kanina para muling umatake gamit ang espada na gawa sa enerhiya.

"Serpent Dragon"

Ilang sandali pa ay tumalon si Xiuan at tuluyang nabalot ng pulang enerhiya na halos hindi na siya makita. Nagsilbi itong pulang liwanag na lumulutang na sa hindi katagalan ay nilabasan ng isang dambuhalang ahas na ngayon ay bumubulusok palusob sa binatang si Akihiko.

Mabilis itong umaatake dahilan para mapatalon si Akihiko palayo upang dumistansya at kasabay ng paglapag ng paa niya sa lupa ay ang pagbunot niya muli ng espada.

"Death strike!"

Naglabas ito ng malakas na hampas ng hangin pero tila ba alam ito ng dambuhalang ahas at bumaba sa lupa upang iwasan ang atake.

Muling tumalon pa-atras si Akihiko at umakma ng pagbunot ng espada upang muling umatake ngunit napahinto siya ng makita si Philia sa likuran ng ahas.

"Kaasar"

Imbis na itira ang kanya teknik nito ay nagdesisyon syang tumakbo upang ilayo ang dereksyon ng pag-atake niya sa ahas sa nakaupong dalaga.

Pero dahil sa liit na lang ng distansya nila ay nabigo na itong magtagumpay sa plano at sa sobrang liksi ng ahas sa paggapang ay hindi na muling nakagawa pa ng paraan si Akihiko.

Nagawa ng ahas na makalapit at nilingkisan ang katawan ng binata. Pumulupot ito kay akihiko na ngayon hindi magawang makagalaw sa kinalalagyan niya.

Pumalag man ay tila bale-wala ito dahil sa malaking katawan ng ahas at mala-bakal na balat nito. Ilang saglit pa ay kinagat siya ng dambuhalang ahas na iyon sa braso at biglang napasigaw.

"Ahhhh!!"

Unti-unting pinakawalan ng ahas na ito si Akihiko na ngayon ay nanatiling nakabagsak sa lapag at hawak ang mga braso.

Nagliwanag naman ang ahas habang nababalot ng pulang enerhiya at katulad kung paano ito lumitaw ay syang paglaho nito sa liwanag at unti-unting nag-aanyo bilang tao. Ilang segundo pa ay lumabas sa pulang liwanag na iyon si Xiuan na may mayabang na tindig habang patuloy na pinagyayabang ang sarili.

"Isang pagkakamali mo lang ay maaaring buhay mo na ang maging kapalit."

Hindi napigilan ng marami na humanga sa pinakitang husay ni Xiuan at umugong ang mga bulong-bulungan sa paligid.

Si Xiuan ay kasalukuyan na kinikilalang pinakamahusay sa labing dalawang miyembro ng Elite kahit na walang official na laban pa na nagaganap sa pagitan ng mga miyembro.

Nakabase ang mga estudyante sa eskwelahan na iyon sa naging final grade ng mga miyembro sa sampung exam na kinuha ng lahat kung saan ang Chinong si Xiuan ang nakakuha ng pinakamataas na marka.

Maging ang mga kapwa Elite ay namangha sa nakita nilang kakayahan nito sa kasalukuyang laban. "Napakamapanganib niya, kaya nyang mag-anyo bilang isang tunay na Spirit Beast. Masyado iyong madaya."

"Malaki ang laban ni Akihiko kung hindi siya nagpabaya nang ganun pero humahanga parin ako kay Xiuan dahil sa talino niya."

"Malakas, mabilis at matalino tapos kaya niya pang maging isang immortal na ahas. Sa tingin ko malapit na siya sa pagiging perpektong sundalo," sambit ni Maya.

"Wala pa sa kalahati ng kaya n'yang gawin ang pinakita niya ngayon pero sa tingin ko ay mallit ang chansa ng sino man na matalo siya kung one-on-one ang labanan dahil sa kakayahan n'yang iyon," sabat ni Thalia.

"Anong problema? Bakit tila yata napakadaling talunin ang anak ng bayani ng Guardian?"

Hindi parin magawang bumangon ni Akihiko dahil sa paralisadong katawan dulot ng lason na pamparalisa na ikinalat sa katawan niya gamit ang kagat ng ahas kanina.

"Nakita mo na Akihiko kung ano ang idinulot sayo ng pagiging malambot mo?"

Magagawa mo akong matamaan kanina kung itinuloy mo ang pangalawang atake mo pero nagalangan ka na gawin ito dahil natatakot ka na baka tamaan ang babaeng iyon."

Sa pagkakataon na iyon ay pinagtawanan ni Xiuan ang kakayahan ni Akihiko sa pakikipaglaban at ang diskarte nito sa gitna ng isang delikadong sitwasyon kung saan nanganganib ang buhay nito.

Itinuturing n'yang katangahan ang ginawa ng binata dahil sa pag-iisip na magagawang protektahan ni Philia ang sarili sa isang normal na atake bilang isang Spirit Artisan na katulad nila.

"Kadakilaan maituturing kung isa talagang normal na tao ang babaeng yan pero isa syang Spirit Artisan kaya natitiyak akong poprotektahan niya ang sarili niya gamit ang ang sariling enerhiya."

"Inuuna mo ang puso kesa utak kaya naman imposible kang manalo laban saakin, tandaan mo hindi tayo bayani para iligtas ang mahihina kundi mga sundalo na nagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan ng hinaharap."

Pinangaralan niya ito na mag-isip bilang matalinong sundalo na lumalaban para sa ikabubuti ng nakararami at kinabukasan ng hindi sa iisang tao lamang.

Para sa binata ay hindi matalinong desisyon na isakripisyo ang napakahalagang buhay ng isang katulad nilang sundalo upang iligtas ang iisang buhay.

Para sa kanya ay mas matimbang ang buhay ni Akihiko bilang sundalo na maaari pang makapagligtas ng maraming tao sa hinaharap kesa sa isang walang silbing tao.

"Kung tutuusin mapapatay mo ang kalaban mo sa pagkakataon na iyon na pwedeng kumutil ng isang daan pang inosenteng buhay sa hinaharap. Kaya sabihin mo Akihiko kung naging matalino ka bang sundalo?" sambit nito.

Inihalimbawa niya ang naging laban nila kung saan pinakita niya na maaaring gamitin ng terorista ang kahinaan ng binata upang manalo dito .

Hindi naiwasan na manggigil ni Akihiko dahil sa pagkainis habang ipinagmamalaki sa kanya ni Xiuan na magmula sa talino hanggang sa husay ay angat siya sa katunggaling binata.

"Kulang ang talas ng espada mo upang matalo ang pinakamalakas na miyembro ng Elite na balang araw ay syang papalit sa Supreme Commander at babago sa boung Guardian. "

"Ako ang walang kapantay na si Xiuan, ang tunay na Serpent Dragon!"

Sa gitna ng kanyang pagpupunyagi at pagyayabang sa kanyang kadakilaan ay syang pag-echo ng isang sigaw.

"Ang walang katulad na..."

"Yaaahh! tigilan mo siya!!!" sigaw ni Philia habang tumatakbo.

Kasabay ng pagsasalita ni Xiuan ay syang paghampas ni Philia sa likod ng ulo ng binata gamit ang perlas na bolang hawak niya.

Napayuko ang katawan ni Xiuan dahilan para mapahawak bahagya sa lapag dulot ng pagkakahampas sa kanya. Maging siy ay natulala sa pagkabigla at ngayon ay nakararamdam ng pagkahilo dahil sa nangyari.

"Huh?" bulong nito habang pinagmamasdan ang pagpatak ng dugo sa lapag na nanggaling sa ulo niya..

Nanggigil si Xiuan at galit na lumingon kay Philia upang harapin ito ngunit nagulat siya ng sumalubong muli ang perlas.

Walang pagaalinlangan na ibinato sa mukha ng binata ito na naging dahilan para mapalipad ito at bumagsak sa lapag.

Walang makapagsalita sa mga sandaling iyon na tila bumaliktad ang sitwasyon sa napakabilis na pangyayari. Nagulat ang lahat ng mga estudyante kasama na ang kapwa Elite nang mapabagsak si Xiuan ng dalagang si Philia na ngayon ay matapang na nakatayo sa harap ng binata.

Hingal na hingal ang dalaga habang nanginginig ang mga kamay na dinuduro ang nakahandusay na si Xiuan.

Hindi na nagawang makatayo ni Xiuan dahil sa patuloy na pag-ikot ng paningin at nanatiling nabibigla at pinagmamasdan ang dugo sa kamay na mula sa ilong nito dahil na rin sa lakas nang pagkakabato ni Philia .

"Hindi ko alam kung anong paniniwala ang meron ka pero wala kang karapatan na tapakan ang dignidad ng ibang tao."

"Magligtas sa kung ano ang mas matimbang? Kalokohan! Ang buhay ay buhay mapa-isa man ito o marami ay nararapat itong iligtas kaya sa tingin ko hindi katangahan ang piliin na maging patas at makatwiran," galit na sigaw ng dalaga.

Alabngapoy Creator