Sa Eskwelahan ng International Spirit Art Academy. Kung saan kasalukuyang ginaganap ang unang pagsusulit sa mga baguhang estudyante.
Nagsisimula ang buwanang pagsusulit mula sa pinakamababang klase ng Z hanggang matapos sa klase ng Elite.
Mayroong espesyal na pasilidad na nilaan ang eskwelahan para lang sa mga mahahalagang kaganapan katulad ng mga pagsusulit na ginagamitan ng malalakas na kapangyarihan at paglalaban.
Ang boung Stadium na iyon ay kasing laki ng isang football field at gawa sa purong bakal at may espesyal na magic barrier na pomoprotekta sa bawat kagamitan nito.
Unti unti nang pumapasok ang mga estudyante sa loob ng training ground at pinapapila sa gitna ng stage bago mag umpisa ang pagsusulit at habang nagaganap iyon ay pumapasok na rin sa isang espesyal na silid ang mga guro at ilang tao upang panuorin ang performance ng mga estudyante.
Sa silid na ito binibigyan ng grado at minomonitor ang kakayahan ng bawat estudyante sa gaganaping unang pag susulit.
Ngunit habang inihahayag ang pagsisimula ay biglang nagulat ang lahat ng nandoon sa silid nang biglang pumasok ang ilang mahahalagang tao sa Guardian.
Maliban sa mga guro ng ilang klase ay naroon din ang ilang mga pinuno ng guardian na tinatawag na Wings upang manuod.
Naging kaugalian na ng eskwelahan ang panunuod ng ilang matataas na official ng guardian sa mga pagsusulit ngunit bihira na mag abala ang mga Wings of guardian na dumalo lalo pa na ang nagaganap na pagsusulit sa mga oras na iyon ay sa pinaka mababang klase ng Z.
Apat sa mga ito ang naroon kasama na dito ang Supreme commander ng Guardian na si White comet ang Wing of Freedom.
Sampung taon pinamunuan ni White Comet ang Guardian at bilang pinuno ay malaki ang inaasahan nya na makahanap ng taong papalit sa posisyon nya mula sa hanay ng mga bagong sundalo.
" Supreme commander, Bakit po kayo nandito? Pasensya na pero mali yata ang naibigay na araw at oras sainyo dahil bukas pa po ang pagsusulit ng Elite Class." Sambit ng guro ng Class Z na si Herit.
" Alam namin yun pero hindi namin pwedeng palagpasin ang pagkakataon na makita ang kayang gawin ng mga sundalo natin." Tugon nito.
" Hayaan mo lang kami basta ituloy mo lang ang pagsusulit, wag mo kaming intindihin Mr.Herit ." Sambit ng isa sa mga ito.
Dahil doon ay walang nagawa si Herit kundi ituloy ang pagsusulit kahit na kinakabahan ito. Nasa isip nya na baka sinusukat sya ng mga ito kung paano nya naturuan ang klase nya at makaapekto sa pananatili nya sa eskwelahan bilang guro.
Si Herit ay dating Estudyante sa eskwelahan na iyon at nagmula sa Class A. Pangalawa sa pinakamagaling na klase sa lahat. Karamihan ng mga mahuhusay sa hanay nila ay ginagawang guro sa eskwelahan kaya malaki ang posibilidad ng pagpapalit ng mga guro sa bawat taon na lilipas.
Lumapit ito kay devora na kapwa guro nito sa eskwelahan upang magtanong sa biglaang pagdating at sa pakay ng mga ito.
" Miss Devora, maaari ko bang malaman kung bakit kasama nyo mismo ang supreme commander? Kinakabahan tuloy ako baka tanggalin nila ako sa eskwelahan na ito."
" Huminahon ka lang hindi sila interesado gawin ang trabahong iyon kaya sigurado akong hindi nila yun gagawin sayo." Nakangiting sambit nito.
Ang Guro na si Devora ay pawang Dating myembro ng Elite Class Sampung taon na ang nakakalipas at kasamahan ng mga kasalukuyang Wings pero dahil sa kanyang mahinang kalusugan ay bumaba sya sa pagiging pinuno at nagturo sa eskwelahan bilang maging homeroom teacher ng Elite class.
Dahil sa sinabi ni Devora sa kanya ay nakahinga nang maluwag si Herit at kinontact na ang mga estudyante upang magsimula gamit ang mic at speaker sa labas.
Ang napiling pagsusulit ni Herit para sa kanyang estudyante ay ang isang obstacle race kung saan kinakailangan na matapos ng mga estudyante ang karera sa loob ng labing limang minuto.
Ang mga obstacle ay may kaunting panganib dahil naglagay ang mga guro ng mga patibong na kailangang iwasan at lagpasan ng mga estudyante.
Ang ganitong pagsusulit ay normal sa pinapagawa sa eskwelahan na ito kahit na ang iba rito ay delikado dahil na rin sa bihasa ang mga estudyanteng naroon sa pag kontrol sa spirit energy nila na pwedeng gamitin sa pag protekta sa katawan nila.
Habang nagsasalita si Herit ay pinatigil ni White comet ang pagsusulit upang papalitan ang ipapagawa sa mga estudyante.
" Masyado kasing luma ang paraan na ito at sa tingin ko hindi mailalabas ng estudyante ang tunay na kakayahan nila." Sambit nito.
Nagtataka man si Herit ay sumang ayon sya sa sinasabi ni White comet at humingi ng mungkahi sa maaaring maging pagsusulit ng klase nya.
Dito ay iminungkahi ng isa sa mga kasama nito na si Queen of Heart, Ang Wing of Faith na palitan ito ng isang Badge battle.
Ang Badge battle ay ang pagsusulit na ginagawa lang tawing matatapos ang taon para sa mga klase. Hindi rin ito normal na pinapagawa sa mababang klase lalo na sa Class Z.
" Commander Veronica hindi ata magandang suwesyon yan dahil nag uumpisa pa ang klase at wala pa silang sapat na kaalaman sa paglilimita sa kapangyarihan nila. " Sabat ni Devora.
" Hindi ako naniniwala sa bagay na yan, Ang tanging nakakapasok lang sa eskwelahan natin ay yung pinakamahusay kaya alam kong alam nila kung paano limitahan ang kapangyarihan nila upang hindi mapahamak ang kamag aral nila." Sagot nito.
Kahit na maaaring mapahamak ang mga estudyante sa sinabing pagsusulit ay sinang ayonan ito ng Supreme commander na tila natutuwa pa sa naging mungkahi. Dahil doon ay walang nagawa si Herit kundi pumayag at sumunod na lang.
Inihayag nya ito sa mga estudyante at kahit na nagtataka ang mga ito ay itinuloy parin nila ang pagsusulit ayon sa gusto ng mga Wings.
Simple lang ang patakaran sa Badge Battle kung saan maglalaban laban ang lahat ngunit kailangan na makuha mo ang badge ng tinalong estudyante upang magkapuntos ka at kailangan mong matapos ito sa loob ng labing limang minuto.
Dito ay tumunog ang bell hudyat ng pagsisimula ng pagsusulit nila kaya ganadong sinimulan ng mga ito ang pakikipaglaban.
Habang nagaganap ito ay napansin ni Herit na nanunuod sa iisang monitor lang ang mga Wings sa higit sampung monitor na nasa harap nila na tila ba may hinihintay doon na mangyari.
Ang monitor na iyon ay nakasubaybay lang sa isang babaeng estudyante na si Philia Maharlikha na ngayon ay nagtatago sa isang butas hawak ang isang bola ng perlas.
" Bakit sya nagtatago lang ? "
" Yan ba ang pinagmamalaki ni Coco saatin? Mukhang hindi sya ganun ka interesante kagaya ng sabi nito." Sambit ng isa sa kanila na si Serenity, Ang Wing of Peace.
Nagpatuloy ang pagsusulit at wala silang nakita sa estudyanteng pinapanuod nila kundi ang magtago at tumakas sa mga kalaban. Pinupuna nila ang tila pinapakitang kaduwagan nito at malamyang kinikilos habang tumatakbo na tila isang normal na sibilyan na walang kahandaan.
Lalong kinabahan si Herit nang ipakuha ang mga resulta ng exam at activty ni Philia sa kanya upang basahin ng mga pinuno. Sa isip nya ay mukhang malalagot sya dahil hindi nya naturuan ng maayos ang estudyante nya.
" Pasensya na kayo sa isang yan, tinuruan ko na sya at pinagalitan upang gawin ang makakaya nya pero sadyang mahina lang talaga sya. Sinisuguro ko na ginawa ko ang makakaya ko commander bilang guro nya."
" Hindi ako nagkulang sa isang yan siguro dahil mula sya sa pilipinas kaya sadyang mahina sya. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya." Pagpapaliwanag nito.
Tahimik na binabasa ni White comet ang mga nakasulat sa papel kung saan nakatala ang mga mababang grado ni Philia.
Pinagpasa pasahan nila ang papel na ito at napataas ang mga kilay na tila nadidismaya sa nakikita.
Dito ay napabuntong hininga si Devora at pinuna na hindi ito pasok sa pamantayan ng eskwelahan at maihahanay sa grado ng isang normal na high school student sa labas.
" Hindi sya nararapat sa eskwelahan na ito kung ganito kababa ang mga nakukuha nya. Anong gagawin mo sa bagay na ito ? " Tanong nito sa Supreme Commander.
Tumingin lang ito kay Devora at ngumiti. Wala syang masamang pagpuna dito at binangit na nakikita nito si Devora sa katauhan ni Philia dahil sa pagiging duwag nito at mahinhin na kilos.
" Hindi ko maitatangi na naging duwag ako noong unang pasok ko dito pero matataas ang grado ko noon sa mga pagsusulit kaya hindi mo kami pwedeng ihambing."
" Kung sabagay, pero kilala mo si Coco. Pambihira ang kakayahan nya sa pagpili sa mga babae. Alam nya kung paano pumili ng espesyal. " Sambit nito kay Devora.
" Iyon ang dahilan kaya ko nasabing nakikita kita sa isang yan." Dagdag nito.
Nanahimik bigla si Devora at hindi sumang ayon sa sinasabi nito at ipinilit na kinakailangan na ikonsidera nila ang mga batas at alituntunin ng eskwelahan tungkol sa pag kuha ng mga estudyante sa ibat ibang bansa.
" Hindi parin ako sang ayon na pumapasok ang isang normal na taong kagaya nya na hindi man lang makontrol ang sariling spirit energy. Mapapahamak lang sya dito kaya kung ako sainyo ay paalisin nyo na sya habang humihinga pa sya." Seryosong tugon nito.