Nasa harapan na sila ng Entrance at biglang may lumabas na message prompt

"Are you sure want to enter the Illusion Forest?

Warning! You can't Logout in the game while inside of the dungeon. You can't go out until you finish the dungeon or die inside it.

Yes or No

"

Pagkatapos lumitaw ng Choices sa message prompt ay sabay-sabay nilang tinap ang Yes at nateteleport na sila papasok sa loob ng Forest. Habang nateteleport pa sila ay tila nasa isang kawalan sila ay nag usap-usap muna

"At bago pa matapos ang pagteteleport natin ay briefing muna. Pakicheck ang message ko sainyo"-Mayuka

Ang laro ay mayroong message feature na kung saan maaaring gamiting komunikasyon sa ibang players. Kapag ang playesr ay offline ay maiipon lamang ang mga message kanilang message box at maaring basahin pag sila ay nagonline muli.

Kasama sa paghahanda nila ang ang pagreresearch ng impormasyon tungkol sa illusion forest. Mayroon ng mga players ang mga nagtry ngunit ni isa way wala pang nagtagumpay. Lalo na sa mga rumors ay mayroon daw mga pagsubok at iyon ang mga dahilan kung bakit hindi nila ito matapos-tapos. Sinasabi din sa pagkakafail ng pagsubok ay di mo maalalala ang mga pangyayari na ginawa mo sa pagsubok. Sinasabi din na ang mga halimaw dito ay nakadepende sa mga tumatak na halimaw na iyong na encounter sa mga kumakailan lamang na encounter.

"Good Info"-Kyo

"Ah Syempre iba na pag handa diba?"-Mayuka

Hanggang sa natapos na nga ang kanilang pagteleport at nasa loob na nga sila ng Illusion Forest

"Parang katulad lang nasa labas"-Kei

"Oo pero mukhang malalaki ang mga puno dito kumpara sa mga puno sa labas ng Dungeon pero parang wala namang gaanong pinagkaiba"

"Oo pero mukhang malalaki ang mga puno dito kumpara sa mga puno sa labas ng Dungeon pero parang wala namang gaanong pinagkaiba"

"Tara na!"-Mayuka

At naglakad na nga si Mayuka at sumunod ang dalawa sa kanya

"KEH-KEH-KEH"

Tila mayroon narinig ang tatlo na pamilyar sakanila

"Hm?? Bat parang pamilyar tong naririnig natin?"-Kyo

Matapos lamang ang iilang segundo ay narealize na ni Kyo kung saan galing ang boses na kanilang narinig

"Mayuka teka!"-Kyo

Hinawakan ni Kyo ang kamay ni Mayuka para pigilan ito sa paglalakad pa niya ng mag-isa.Ng dahil sa mga malalaking puno ay di nila napansin ang kanilang paligid.

"Huh ano?!"-Mayuka

Di expect ni Mayuka ang ginawa ni Kyo at napabitaw na nga lang ito dahil sa reaksyon ni Mayuka. Lumakas pa nga lalo ang kanilang naririnig na tila di lang din ito nag-iisa. Sa pagkarinig muli nila sa tawang ito ay naalala na nila kung saan ito nanggaling.

"KEH-KEH-KEH" "KEH-KEH-KEH" "KEH-KEH-KEH"

"Wag mong sabihing...."-Mayuka

"Nakupo sila nga"-Kei

Tama nga ang kanilang hinala

Umatake na nga ang naririnig nilang boses at hinarapan ni Kyo ang atakeng ito

"Fireball!!"

Hinati ni Kyo sa dalawa ang Fireball gamit ang kanyang Aluminum Sword

"Need pa ng adjustment para magamit ko ng maayos ang sword kong ito "-Kyo

At mayroong muling umatake ngunit nanggaling ito sa ibang direksyon. Ang atakeng ito ay papunta sa likod ni Kyo.

"White Magic: Barrier"-Mayuka

At lumitaw ang tila parang salamin sa likod ni Kyo at ito ang sumalo sa Fireball

"Ayan at wala na akong utang sayo"-Mayuka

"Yes,Yes"-Kyo

"Mukhang di lang sila dalawa"-Kei

Lumitaw na nga ang tatlong Goblin Shaman na kung saan may dala-dala ang tatlong ito ng kanya-kanyang mga staff. At pinalibutan naman agad sila ng tatlong halimaw sa tatlong magkakaibang direksyon

"KEH-KEH, Mga bagong biktima"-Goblin Shaman

Magsasalita pa nga sana ang mga ito upang laitin sina Kyo ngunit di nagdalawang isip si Kyo na sumugod agad papunta sa isa sa mga tatlo.

"Kei! Dali!"-Kyo

"Copy! Bow Arts: Focus Shot!"-Kei

(Bow Arts: Focus Shot ay isang Archer skill nakung saan ay napapataas ang accuracy ng kanyang mga arrows.Kailangan nya muna mag concentrate ng ilang segundo kung saan ito aatake. Kapag nawala sa view niya ang kanyang aatakihin nya ay marereset ang skill at kailangan nya muna muling magfocus bago ito magamit. Effective itong ginagamit sa pag dissable ng parts ng katawan ng isang target mostly sa kamay at paa)

Nagfocus agad itong si Kei sa kanyang atake at nagfocus ito sa paa ng target na shaman ni Kyo. Ng dahil sa distracted ang mga ito sa kanilang pagsasalita ay di agad nakareact ang tatlo. Naramdaman agad ng Shaman na kanilang aatakihin na kailangan na nya agad tumakbo ngunit siya ay nataranta at hindi agad nakagalaw sa kanyang kinaroroonan. Matapos magawa ni Kei ang kanyang atake ay nakalakad na ng kaunti ang Shaman sa kanyang kinaroroonan ngunit dahil sa mabagal na reaksyon nito ay sobrang lapit na ni Kyo at ang kanyang inaantay nalamang ay ang tumama ang atake ni Kei. Sorbrang tiwala si Kyo sa atakeng iyon kaya tumuloy lamang siya sa pagtakbo hanggang sa tumama ang arrow sa kanang paa ng Shaman hanggang sa ito ay nadapa. Sa iilang segundong iyon ay nagtawag na ng mga kasama ang dalawa pang Shaman ngunit alam nila na wala ng pag-asa. Aatake pa nga sana ito kay Kyo ng Magic ngunit di sapat ang oras para mag cast pa siya sapagkat nasa harapan na niya si Kyo at handa na ang kanyang porma para umatake

"Oh Patay na ako"-Goblin Shaman 3

Di nagdalawang isip si Kyo at pinugutan na ng ulo ang Shaman para sa siguradong kill. Sapagkat alam niya na sila ay ang mahihirapan kung kakalabanin nila ang tatlo ng harapan.

"KEH! Mga walang respeto!"-Goblin Shaman 2

"KEH! Di man lang kami pinatapos magsalita! KEH!"-Goblin Shaman 1

Lumabas na nga ang iilang mga Goblins pati na ang mga Hobgoblins

(Hobgoblins- Mababang Monster class compare sa mga Goblin Shamans Ngunit mas mataas sa mga Goblins. Ang hieght ng mga ito ay halos singtangkad ng mga tao ngunit ang kanilang postura ay nakayuko padin tulad ng mga goblins. Mas maraming alam ang mga ito kumpara sa mga normal na goblins kayat mas expert ang mga ito sa paglalaban kesa sa mga goblins at mas malakas ang mga ito)

"Tignan nalang natin kung makaalis pa kayo dito KEH-KEH-KEH"-Goblin Shaman 2

Ang mga nagsilabasang mga Goblins at Hobgoblins ay may mga dalang weapons. Halos mga goblins ay nasa taas ng mga puno at may mga dala-dalang bow para sa support. Ang mga ito ay nakapalibot muli sa tatlo sa magkakaibang direksyon.

"Nakupo problema to"-Kyo

"Maghanda na kayo. White Magic: Barrier"-Mayuka

Nagcast sya ng tatlong barrier para sakanilang tatlo na tila parang armor. At sabay inom ng isang mana potion para mabawi ang kanyang mana.

"Ako na ang bahala sa mga long rage "-Kei

"KEH-KEH! Lusob!!"-Goblin Shaman 2

At tumakbo na nga ang mga Goblins at Hobgoblins sa tatlo upang umatake.....

Otacute Creator

Sorry for the delay due to personal reasons. Enjoy!