Binuksan na ang mga servers ng The Dragonist at sabay-sabay nagsilogin ang mga players na nag- abang sa laro.

"LINK!!!!"-Players

Pagkasabi na pagkasabi ng mga players ay na connect agad ang kanilang mga consciousness nila sa loob ng laro. At ang unang sumalubong sakanila ay isang liwanag at matapos ang iilang segundo ay may lumitaw agad na na game screen na kung saan may nakasulat itong

"Create your character"

Pagkatap nila ay may lumitaw na isang screen muli na may nakasulat na..

"Scanning.... The system will pick your path for you...Scanning................................."

Pagkatapos ng ilang segundo ay natapos din ang pag scan nito.. Ang lahat ng mga character nila ay pinili ng System ng laro. At ang napili ng mga

"The chosen PATH for you is Weilder. You may now customize your character"

At napunta na nga ito sa customization part ng game para sa kanyang character.

("So hindi kami mamimili kung anong klasing path ang aming gugustuhin?")-Kyo

Di na masyadong inabala pa ni Kyo ang kanyang character kaya ang mukha nito ay tila kamukha lang ng kanyang mukha sa tunay na buhay.

At biglang may lumitaw nanaman na screen sa harapan nito.

"Please choose your weapon! Sword , Knife , Lance , Axe , Shield "

At pumili na nga si Kyo ng kanyang magiging weapon.

"Are you sure that you want this weapon?"

Tinap na nga ni Kyo ang yes button at dito na nagsimulang mawala ang mga customization options.

"WELCOME TO THE WORLD OF DRAELVDER"

(DRAELVDER - Drael-v-der)

Naging puti muli ang kapaligiran ni Kyo at ng dahil sa liwanag ay napapikit ito. Lumipas ang ilang segundo ay tila nawala na ang liwanag at may naririnig narin itong mga tao.

Pagbukas na pagbukas ng kanyang mga mata ay nasulyapan niya ang mga taong naglalakad sa kanyang paligid pati na ang mga bagong dating na player na tulad nya.

"Sobrang Realistic talaga neto"-Kyo

Ginalaw galaw nya muna ang kanyang mga kamay at mga paa na tila nasa totoong buhay padin siya. Lahat ng kanyang pandama ay kanyang nararamdaman. Pansin nya din ang mga starter equipment na gawa sa low quality leather. Top, Bottom at Sapatos. Mayroon din syang sword na kung saan ito na kanyang pinili. Ang sword na kanyang dala-dala ay isang Wooden Sword.

("Ang mga equipment talaga na binigay saming lahat ay mga lowest quality")-Kyo

Lumingon muli ito para tignan din ang mga gamit ng ibang player ay halos magkakapareho lang ang lahat ng mga ito at ito lahat ang default items para sa mga starter players para sa simula ng laro ay fair at pare-pareho ang quality nito. Napansin nadin nga ni Kyo na di basta-basta ang naging starting point ng laro. Kahit wala ang mga players ay marami na ang mga tao sa lugar na kung nasaan sya. Sa laki ng lugar ay marami din ang mga taong nakatira rito dagdag pa ang mga players. Naglakad-lakad ito ng kaunti at napunta ito sa isang parte na kung saan maraming mga stall . May mga NPC (Non Player Character ) ang mga nagtitinda sa mga stalls tulad ng mga weapons,items,accessories,ingredients etc.

Pansin nya ang mga players na nakikipag-usap sa mga NPC para siguro sa impormasyon tungkol sa laro. Ganon nadin sana ang balak ng kanilang grupo pagkapasok na pagkapasok sa laro ngunit mayroon silang pinag-usapang gagawin bago pa ang araw na magbubukas ang servers.

("Ang pinag- usapang gagawin namin ay pumunta muna sa guild para makapag register as Adventurer para makakuha ng mga missions para magkaroon ng pera para sa mga equipments at impormasyon. Di maiiwasan kelangan ng suhol para sa impormasyon lalo na kapag ito ay napakaimportante")-Kyo

Nagpatuloy lamang sya sa paglalakad hanggang sa naaamoy na nya ang hangin mula dagat at nakarating na nga sya isang pier na kung saan nanggagaling ang mga produktong binebenta sa mga stalls na kanyang nakita. Di na ganon karami ang tao kaya napatingin sya ng maayos sa kanyang paligid di tulad sa kanina sa dami ng tao ay parang nakakagulo ang ingay at dami ng tao. At dito na nga nya napansin ang isang castle na kung saan kita kahit maraming mga bahay ang mga nakatayo sa lugar. 

"(Ang lahat ng mga gusali sa lugar na ito ay mayroong ikalawang palapag kaya siguro di ko agad napansin ang castle na meron sa likod. Napatagal nadin ata ang paglalakad-lakad ko. Makatanong na nga kuing saan ang guild)"-Kyo

Lumapit si Kyo sa isa sa mga NPC na nasa pier. 

"Maari po bang magtanong kung saan po ang Guild?"-Kyo

Sumagot naman ang Npc na napagtanungan ni Kyo at itinuro nito ang direksyon papunta sa Guild at dumiretso na agad siya papunta rito.

Dumami ang mga players na nakikita ni Kyo.

"Tama na nga ang direskyon na binigay sakin. Sigurado talagang dudumugin ito ng maraming tao"-Kyo 

At tumuloy na nga ito sa paglalakad at mayroong dalawang player na lumapit sakanya. Wala pang sinasabi ang dalawang player na lumapit sakanya ay nagsalita bigla si Kyo kahit di nya pa kita kung sino ang kanyang kausap.

"Sorry, Di ako interesadong makipag party sainyo"

(Note: Party - isang game term na kung saan bubuo ng isang grupo para mag adventure or gumawa ng mga quest)

Pagkatapos na pagkatapos niya magsalita ay ipinalo ng isa sa mga player ang kanyang staff sa ulo ni Kyo.

"Aray!! Anong ginawa ko sayo?!"-Kyo

Sabay kamot sa ulo nito. At tumingin bigla sa kasama nito ang pumalo sakanya.

"Ay tama ba ang pinalo ko?"-Caster

(Note: Ang larong The Dragonist ay mayroong program na kung saan kahit gamit mo ang mukha mo mula sa totoong buhay ay di ka makikilala sa laro. Depende nalang kung ang taong titingin sayo ay iyong kakilala. Mas mataas ang chance na makikilala ka ng taong titingin sayo sa laro lalo na kung may pinagsamahan kayo sa tunay na buhay.)

Ang pumalo na player kay Kyo ay nasa Caster Path. May dala-dala itong wooden staff at ang kasama nito ay isang archer.

"Tignan mo muna kasi sya ng maigi bago ka pumalo!"-Archer

Napaisip na nga si Kyo bat may papalo sakanya sa loob ng laro at tila parang pamilyar nga ang dalawang ito sakanya.

("Bat parang pamilyar nga tong dalawang to sakin?")-Kyo

Tinignan na nga ng maiigi ng Caster si Kyo at tinitigan din niya ito pabalik. Sabay nilang narealize na magkakilala nga silang dalawa.

"AH!"-Kyo & Caster

Papaluin na sana muli ng caster si Kyo ngunit bago pa tumama sakanya ang staff ay sinalo niya ito.

"Nakaisa kana tama na yon Mayuka"-Kyo

"Kanina pa kami nag-aantay sayo!"-Mayuka

Si Mayuka at Kyo ang dalawang player na lumapit kay Kyo.

"Pagka login namin sa laro dumiretso nakami. Kanina kapa namin hinahanap sa mga naglalakad lakad na mga players"-Kei

"Sorryyy nawala sa isip ko HAHAHA"-Kyo

"Aba gusto mo ba talaga mapalo ulit!"-Mayuka

"Kung kaya pumasok nalang tayo para mag register? O pede rin mag away nalang kayo dyan hanggang mamaya"-Kei

At ng dahil nga sa sinabi ni Kei ay pinalo din sya ni Mayuka.

Tinawanan ni Kyo si Kei sa nangyari sakanya

"Tumawa kapa dyan gusto mopang mapalo?"-Mayuka

"Sabi ko nga tara na pumasok na tayo"-Kyo

At naglakad na nga sila papasok sa Guild at sobrang daming mga tao. May mga adventurers din na mga NPC pero mostly mga players na ang mga taong nasa loob.

Dumiretso na sila sa Guild Receptionist.

"Hello! Magandang Araw. Ako si Shizu. Anong maitutulong ko sainyo?"-Shizu

"Gusto po sana naming mag register as Adventurers"-Mayuka

"Kayong tatlo? Mayroong fee na kelangan bayaran para sa pag register"

"200 Silver Coins Per Head "-Shizu

Checheck pa lamang sana ni Kyo ang perang meron siya ay nagsalita agad si Kei.

"Per Player ay mayroon tayong tig 250 silver coins"-Kei

"Ang Currency na meron sa larong ito ay tinatawag na Cod. Nahahati ang Cod sa limang klase. Copper,Bronze,Silver,Gold,Platinum"-Mayuka

"100 coppers = 1 bronze , 100 bronze = 1 silver , 1000 silver= 1 gold, 1000gold = 1 platinum"-Kei

"Aba buti alam nyo na agad ang convertions?"-Kyo

"Sino ba naman hindi maiinip sa pag aantay sayo? habang hinahanap hanap ka namin ay nakapag tanong nakami sa mga ibang players at mga npc"-Mayuka

"Ito ay ang isa sa mga pinaka importanteng bagay kaya habang inaatay ka kanina ay nagtanong-tanong nakami"-Kei

"Tignan nyo na may nalaman kayo dahil sa paghihintay saken"-Kyo

"Gusto mo ba talaga mapalo ng masakit?"-Mayuka

"Mahiya naman kayo may mga ibang taong nandito sa labasd nalang kayo mag away ng ganyan"-Kei

"Kaya nga sabi ko ay magbabayad na tayo"-Kyo

Tinitignan lamang sila ni Shizu habang nag uusap na parang nag aaway. Kinuha na nga ni Mayuka ang bayad at ibinigay nila ito kay Shizu.

"Pakifill up ang form na ito"-Shizu

Sabay abot ng form na kung saan lalagay lamang nila ang kanilang pangalan/nickname age class lvl at mayroong kasulatanan na hindi na responsibilidad ng Guild ang maaaring mangyari sa Adventurer sapagkat ito ay delikadong trabaho.

Nag fill up na nga sila ng kanilang form at ipinasa nila ito kay Shizu.

"Kyo , Kei ,Mayuka. Salamat sa pag register sa Guild. Kayo ay member na ng Guild na kung saan maari na kayong kumuha ng mga mission sa ating Quest Board. Ang inyong rank ay magsisimula sa Rank E Adventurers, Maari kayong kumuha ng Rank E at D missions. Mag-iingat kayo. Maraming salamat "-Shizu

Sabay Bow ni Shizu sa tatlo.

"Oras na para kumuha ng quest boys!"-Mayuka

-----------------------------------------------------

Otacute Creator

This chapter features the 1.0 version of the game. The game will update in the future for more features and new things.