Naghanda na nga ang tatlo para sa mga paparating na mga goblins.Dinig nga ang mga steps ng mga halimaw na ito mayroon mga atleast 30 na goblins ang meron sa mga papunta sakanila. 

"Ayan na sila! Kayo na ang bahala sa support! Huwag nyo silang hayaan na makatuloy sa mga bahay ng mga residente!"-Kyo

Tumakbo si Kyo para harapin ang mga Goblins na paparating. At nagcast na nga ng magic si Mayuka para sakanya

"White Magic: Barrier!"-Mayuka 

(Barrier- isang defensive magic na kung saan tataas ang defense. Mas effective ito sa mga magic pero gagana din ito sa physical damage. Maari din itong gamitin pang block ng magic attacks na parang salamin. Maaring imanipulate ang barrier depende sa control ng magic ng player)

At nagkaroon na nga ng Barrier si Kyo at tumaas ang kanyang defense kaya di siya takot kahit na mapagitna sya sa mga goblin na ito. Ang mga goblin na ito ay mayroong mga weapon. (wooden swords, shields ,clubs,axe).Inatake na agad ni Kyo ang mga goblins. At ang mga goblins na ito ay kahit may dalang weapons di pa nila ito gaanong alam pano gamitin.Pero kahit na di pa nila masyadong alam gamitin ng dahil sa kanilang bilang ay nasusugatan si Kyo. Mukhang di ganon kataas ang level ng mga goblins kaya di ganon kataas ang mga damage nito

Pinapataamaan ni Kyo ang mga kamay ng mga goblins para mabitawan ang mga weapons nila. Sapagkat di naman din niya kayang sirain ang weapon nila dahil gawa lang din sa kahoy ang kanyang weapon

"Kahit na mayroon kayong mga weapon ay hindi nyo naman ito alam gamitin. Makakaya ko kayo kahit wooden sword lang din ang aking sandata"-Kyo

Pagkaatake sa mga kamay ng goblins ay aatakihin niya ang mga leeg nito. Gumagana sa una ang kanyang ginagawa ngunit napapalibutan na sya at doon na nga papasok si Kei.

"Kyo atras ka muna! Bow Arts!: Falling Arrows!"-Kei

(Falling Arrows: Isang Arts(Technique) para sa mga Archers na kung saan nagpapaulan ito ng mga arrows mula sa ere para sa maramihang kalaban. Ang di lang maganda sa atakeng ito ay magastos ito sa arrows)

Tumama lang ang mga ito konti ng dahil merong mga iilang goblins ang may dala ng mga shields

"heh-heh-heh!"-Goblins

Tumawa ang mga ito dahil sa hindi lahat namatay ang mga natamaan ni Kei. At patuloy lang sila paghabol kay Kyo gusto nilang paligiran ito para di ito makalaban ng maayos dahil sa kanyang mahinang equipment

"Huwag mong hayaan na mapaligiran ka ng marami! Atras ka ng kaunti! White Magic: Cure!"

(Cure- isang white magic na kung saan kayang iheal ang HP (Health Points) (Included ang injury,sugat etc). Maari iitong gamitin sa sarili at kakampi, (Light Element))

At umaatras atras si Kyo habang kalaban ang mga goblins. 

"Parang hindi sila nauubos!"-Kei

"Kelangan konadin gumamit ng Sword Arts!"-Kyo

Nag step back si Kyo upang makapwesto ng maayos upang magamit nya ang kanyang arts at mas marami ang kanyang mapapatamaan. Inayos na nya ang kanyang posture para sa kanyang atake.

"Sword Arts! Horizontal Slash!"-Kyo

(Horizontal Slash- isang attack nakung saan gagawa ng isang slash dahil sa pangswing ng sword horizontaly gamit ang dalawang kamay)

Tinamaan lahat ng mga nasa harapan at nahati sa dalawa ng iilan sa mga ito mula sa kanilang mga bewang.

"heh-heh-heh! Sino ang pumapatay sa mga nasa harapan?!"

"Huh?! sinong nagsalita?"-Kyo

"Black Magic:Fireball!"

(Fireball- Isang low tier fire magic na kung saan bubuo ng isang maliit na parang bolang apoy gamit ang mana)

"Kyo ilag!"-Kei

Pumunta si Kyo sa likod ng mga goblins at tumama ang atake sa mukha nito. At sa isang atakeng iyon ay namatay ang goblin na ito.

At ang umatakeng kalaban ay humarap kina Kyo.

"keh!-keh!-keh! Nailagan mo pa iyon? keh-keh-keh"

Ang humarap sakanila ay isang Goblin Shaman

(Goblin Shaman - isang evolved form ng goblin kung saan kaya na nitong gumamit ng magic)

"Goblin Shaman?! Kaya pala parang ang organize nilang umatake sa lugar na to"-Mayuka

"Di talaga kilala ang mga goblins sa pag atake maayos tulad nito parang ba aatake lang sila ng walang kaplano-plano at paghahanda"-Kei

"Mukhang ikaw ang leader ng pag atakeng ito?"-Kyo

Sumagot naman ang Goblin Shaman at nasa harapan na sya ng mga kanyang kasama. Mayroon pang mga 15 ang mga natitirang goblins na kasama ng kanilang leader.

"Di ko inaasahan na mayroong mga mapapadpad na mga adventurers dito heh!-heh!-heh!"-Goblin Shaman

"So alam nyo na talaga na walang mga adventurers dito kaya dito kayo umaatake?"

("Di ganon kacommon ang mga monsters na matataas ang mga intelligence. Anong meron kaya dito?!")-Kyo

"Hindi nyo na kailangan pang malaman pa sapagkat mamatay nadin kayo dito! Heh-heh-heh! Lusob!"-Goblin Shaman

"Mayuka,Kei kayo na muina ang bahala sa Shaman! Playtime lang!"-Kyo

"Copy!"-Kei,Mayu

Lumusob na nga ang mga goblin at susuportahan na sana ng Goblin Shaman gamit ang kanyang Fireball ang kanyang mga kasama ngunit pinigilan ni Kei ito. Pinatamaan nya ito ng pana sa kanyang balikat at na cancel ang kanyang casting.

"Dito ka tumingin!"-Kei

Sigaw ni Kei habang nakatutok sa Shaman ang Bow ni Kei

"keh!keh! Black Magic:Fireball!"-Goblin Shaman

Di nagdalawang isip na umatake ang shaman kay Kei. Tumakbo lamang ito para iwasan ang atake. Sa mga segundong ito kalaban ni Kyo ang mga alagad.

"Black Magic:Fireball! Fireball!"-Goblin Shaman

"White Magic: Barrier! Hindi ko lahat mabablock lahat! baka magkulangan ako ng mana kaya tumakbo kalang ng tumakbo!"-Mayuka

Nablock ni Mayuka ang Fire Ball ngunit ang barrier nya ay halos magcrack na sa dalawang Fire Ball. Napansin na nga ng Goblin Shaman ang plano ng dalawa kaya tinawag na nito ang iilan sa mga lumalaban kay Kyo para tulungan sya.Tumakbo na nga ang iilan papunta kay Kyo at Mayuka, tumakbo lamang si Kei habang pinapatamaan nya ang mga humahabol sakanya. 

"Nauubusan na ako ng mga arrows!"-Kei

Naubusan na ng arrows at iniilagan nalamang nya ang mga atake ng mga goblins. Di lahat naiiwasan nya pero dahil sa healing ni Mayuka ay di sya na knoknock out. .

"White Magic!Heal!Kyo! Dalian mo dyan!!"- Mayuka 

"Sword Arts: Horizontal Slash!!"-Kyo

Pinatamaan lahat ni Kyo ang mga goblins na nasa kanyang harapan at napatay nya ang lahat ng mga ito.

Pagod na pagod na si Kei sa kakatakbo papalayo sa mga goblins na humahabol sakanya. Ginamiy na nga nya ang kanyang bow panangga sa mga atake at halos mabali na nga ito sa kanyang paggamit. Tumakbo naman agad si Kyo papunta sakanya para tulungan sya. 

"Huling Heal kona ito! White Magic: Cure! Isang Holy Light nalang ang kaya kong icast!"-Mayuka

Kitang-kita sa mukha ni Kyo ang pagod. Kahit na naheal ito ay hindi naman mawawala ang pagkapagod nito.

"KEKEKEKE. Naubos nyo talaga ang aking mga kasama. Kung magtawag pa kaya ako makakasama? Gamitin kona ang aking alas!Dark Magic!"-Goblin Shaman

"Dark Magic?!?!"-Kyo,Kei,Mayuka

Aatakihin na sana ni Kyo ngunit mas nauna ang magic ng Shaman kesa sa kanyang atake

"Tsk. Di ako umabot"-Kyo

"Necromancy Magic: Skeletons!"-Goblin Shaman

Biglang nagsilubog ang mga katawan ng mga goblins sa lupa at biglang umangat ang mga skeletons. Hindi na nagbigay ng command ang Shaman sa mga ito at umatake ang ito agad agad. Umatras ang mga ito habang pinagaatake nila ang mga skeletons. 

Hindi naman mahirap labanan ang mga ito ngunit ang problema nanaman nila ay ang kanilang bilang. Nakakapatay sila ng mga skeletons ngunit nabubuo lamang ulit sila sa dati dahil sa mana ng Shaman.

"Kekeke. Masyado nyo akong minaliit mga bata. Akala nyo na fireball lang ang aking alam?! Keh-keh"-Goblin Shaman

Kahit ang Bow at Staff lang ni Kei at Mayuka ang gamit nilang pamalo ay nakakapatay sila. Ngunit tila di sila nauubos at wala na silang utilities para tumagal pa don. 

"Di sila nauubos!!"-Mayuka

"Pag sinabi kong Cast gamitin mona ang Holy Light! Kei alam mo na ang gagawin mo!"-Kyo

"Huh?! Anong gagawin?"-Kei

Tinignan lamang ni Kyo si Kei ng sobrang seryosong mukha at tila naintindihan naman nya ang gustong ipahawatig ni Kyo

"Wag kayong mag senyalan dyan! Anong dapat kong gawin!"-Mayuka

Nagsisigawan ang mga ito habang kalaban nila ang mga skeletons.

"Cast na!"-Kyo

"Last na magic kona to!! White Magic: Holy Light!"-Mayuka

(Holy Light -Isang white magic na kung saan kayang iblind ang kalaban. Mayroon din itong buff sa kakampi na kayang itaas ang kaunting Strength. Mayroon din itong kaunting damage sa Dark Element Monsters. Ang blind ay gumagana lang sa kalaban at hindi sa kaparty)

Pagkacast na pagkacast ng Holy Light ay nabulag ang mga skeletons ng kaunting segundo. Ay ito na nga ang habol ni Kyo upang matalo sana ang Shaman. Napansin kasi nito na pagkatapos nya magcast ng Necromancy ay hindi na nakagamit pa ng Fireball. Dali daling tumakbo si Kyo sa kalagitnaan ng napakaraming skeletons. Nabulag din ang Shaman ngunit bago pa nya masaksak ang Shaman ay siya ay tinamaan ng isang atake mula sa ulo gamit ang isang mace.

At tumilapon si Kyo papalayo sa Shaman.

Tumawa nalamang ang Shaman sa nangyari at sumigaw si Mayuka sa sobrang alala sa nangyari kay Kyo.

"Kyoooo!"-Mayuka

Hirap na hirap sa pagtayo si Kyo mayroon din syang sugat mula sa ulo at ito ay dumudugo ngunit tumayo padin ito. Ang damage na kanyang natamo ay isang critical hit at ng dahil lamang sa barrier na ibinigay ni Mayuka kanina kaya hindi pa siya namatay.

"Kei pasensya na alam mo na iyong gagawin. Umalis na kayo dito!"-Kyo

"Huh anong umalis?! Ano...."-Mayuka

Bago pa natapos ang sinasabi ni Mayuka ay pinalo ni Kei ang batok ni Mayuka at nawalan ito ng malay. 

"Mag-iingat ka Kyo. Ginawa naman natin lahat ngunit mahihina pa talaga tayo"-Kei

"Salamat! Alis na!!"-Kyo

Sigaw nito sakanya at binuhat na nga niya ito sabay takbo papaalis

"Kehkehkeh anong sapalagay nyo papaalisin ko kayo ng basta-basta?!"-Goblin Shaman

Hahabulin na sana ng mga skeletons ang dalawa ngunit hinarangan ni Kyo ang mga ito sabay sigaw ng..

"Ako ang harapin nyo!!!!"-Kyo

"Tignan natin kung magtatagal ka!kekeke"-Goblkn Shaman

Sa mga oras na iyon ang di alam ng tatlo ay sila ay inoobserbahan... mula sa di gaanong kalayuan sa lugar ng labanan...

"Ahh Isasakripisyo nya ang kanyang buhay para sa kanyang mga kasama? Hmm parang tulad lang nya.."

--------------------

 

Otacute Creator

This is the first chapter of Volume 2: Hidden Quest Arc