Third Person POV

"Oo Kuya nya ako baket?"

Ang akala ni Kyo ay boyfriend netong si Mayuka si Lucas at ng malaman nyang kuya nya ito ay para bang gumaan ang loob nito..

Kitang-kita sa mukha ni Kyo ang paggaan ng loob nito sa kanyang narinig.

"Anong problema mo?!"-Lucas

"Wala" -Kyo

Sagot ni Kyo pasigaw na tanong ni Lucas sakanya.

"Angal ka?"-Lucas

"Nagtatanong lang ako angal agad?" -Kyo

"Aba naglalaban pa tong mokong nato gusto mopa ah"-Lucas

("Anong ginawa ko sa lalaking to?")-Kyo

"Tumigil na nga kayo!"-Mayuka

Lumapit si Lucas kay Kyo ay hinawakan nya ang kwelyo ng uniform ni Kyo at inangat nya ito.

"Pag may nangyaring masama sa kapatid ko ikaw ang malalagot sakin."-Lucas

Tinanggal na nga nya ang pagkakahawak nito sa kanyang kwelyo at umalis na ito kasama ang kanyang grupo.

"Oo!Hinding hindi ko siya pababayaan!"-Kyo

Sigaw ni Kyo sa banta ni Lucas sakanya. Alam naman nito na para sa kapakanan ni Mayuka ang ginagawa nya kaya hinayaan nalamang nya ito.

Lumapit na nga si Mayuka sakanya sabay sabing..

"nasugat labi mo tapos may pasa kapa sa mukha, halika sumama ka sakin"-Mayuka

"San tayo pupunta?" -Kyo

"Basta halika na" -Mayuka

Pilit ni Mayuka kay Kyo sapagkat ayaw na sana sumama pa nito sakanya.

"Okay lang ako" -Kyo

At kinurot na nga ni Mayuka ang pisngi nitong si Kyo.

"Arayyyy!" -Kyo

"O diba di ka okay kaya tara na"-Mayuka

"Oo na sasama nako basta please lang wag ka mangurot masakit" -Kyo

("Parang masakit pa yung kurot nya kesa sa mga suntok kanina")- Kyo

Naglakad na nga sila at di alam ni Kyo kung saan sila papunta..

Pareho silang di alam ang sasabihin sapagkat pareho silang nahihiya sa isa't-isa. Lumipas ang iilang minuto ay nakarating na sila sa sakanilang kinaroroonan.

"Nandito na tayo"-Mayuka

Kumatok si Mayuka sa isang tila apartment..

"(Ang alam ko ay mayaman ata pamilya netong si MAyuka buti bat dito ata siya nakatira?)"-Kyo

Bumukas na nga ang pintuan at mayroong isang babae na mayroong edad na nasa 40+ ang nagbukas ng pintuan sa apartment

"Magandang gabi master. Mayroon po pala kayong kasama.."-Maid

6:00pm na nga ng gabi..

"Kaibigan ko nga pala Ma Mia.. Si Kyo.."-Mayuka

"Ahh.. Magandang gabi po Master Kyo.."-Mia

(Mia- Isang Maid ng pamilya ni Mayuka at simula pa ng siya ay bata pa ay kasama na nitong si Mayuka.Parang pangalawang ina siya ni Mayuka)

Pumasok na nga sila sa loob ng apartment at mayroong mga pictures na nakadisplay sa kanilang sala. Bigla nalang lumapit si Mayuka sa mga litrato bago kopa ito makita

ay may kinuha itong isang litrato..

"Ano yan? Bat mo kinuha?"-Kyo

Tanong ni Kyo sakanya sapagkat ipapasok na sana nito ito sa kwarto.

"Uhm.wa..waala!"-Mayuka

Nabubulol na sagot ni Mayuka sakanya

"Sigurado ka? Bat ka nabubulol?  Hahaha" -Kyo

("Buti nalang natandaan ko na may litrato kaming dalawa dito sa sala.. Muntikan na nya itong makita")-Mayuka

Naglakad na nga si Mayuka papunta sa kanyang kwarto..

"Sandali lang ha may kukunin lang ako" -Mayuka

Pagkapasok nito sa kwarto ay itinabi nya ang kanilang litrato.. at kumuha sana ito ng isang First Aid Kit .. ng biglang may kumatok sa kwarto niya..

"Ma Mia?"-Mayuka

Tanong ni Mayuka baka kasi si Kyo ang kumatok.

"Master, siya po ba yung lalaking kababata nyo na kinukwento mo sakin?"-Mia

"Shhhh kalang ma Mia.Baka marinig ka nya"-Mayuka

"May problema po ba kung marinig nya?"-Mia

"Basta mamaya ko nalang ikwento shh ka lang okay?"-mayuka

"Opo master,maghahanda napo ako ng makakain" -Mia

"Sige ma Mia, pagdala mo din pala muna ng maiinom si Kyo"-Mayuka

Ang laki ng ginhawang naramdaman ni Mayuka sapagkat hindi nagtanong si Ma Mia kay Kyo tungkol doon sa kanilang pagkabata..

"Okay po Master" - Mia

-----------

Otacute Creator

.