Kinabukasan pagkatapos ng kanilang klase ay chineck na nila agad ang mga items na kanilang nakuha. Para makapaghanda pa sila bago pumunta sa lugar na sinabi ni Fuyumi kay Kyo. Para maging fair ang items, may mga gamit na kailangan mo munang maabot ang level requirements bago ito magamit. Kaya kahit bigyan ka ng items ng kasama mong mas malakas sayo kailangan mo pading magpalevel. Mas mataas na grade ng item mas maraming requirements ang kailangan.

"Kahit anong try kong equip sa item na nakuha natin kahapon ay hindi pwede ang requirements nya ay hindi kita"-Kei

"Kailangan muna natin ng Identification Scroll bago siguro natin makita?"-Kyo

(Identification Scroll- Isang item na kung saan ginagamit ito para ipakita ang impormasyon ng isang item. Tulad ng pangalan,level,quality,enchantments,requirements,special abilities etc. Ang item na ito ay maaring gamitin lamang ng isang beses. Ito ay importante sa mga adventurer sapagkat ito ay kayang tumukoy sa pagkakakilanlan ng isang item. Note: Hindi lahat ng item ay kayang i identify ng scroll na ito)

"Marami namang mga merchant dito sa city hanap tayo"-Mayuka

At iyon na nga ang kanilang ginawa sa araw nayon naghanap sila ng merchant na nagtitinda ng scrolls. Hanggang sa sila na nga ay nakakita nito,bumili sila ng tatlong identification scroll para sa tatlong equipment.Inopen na nga nila ang kanilang mga inventory para kunin ang scroll at ang equipment.

"Ako na mauuna"-Kyo

Chineck na nga ni Kyo ang kanyang equipment tinap nya sa system ang use sa Identification Scroll

"Bronze Sword- isa itong espada na mayroong blade na gawa sa bronze. Isa ito sa mga item na maaring makuha sa unang half ng laro. Ang timbang nito ay magaan kaya maaring gamitin ito sa mga pang mabilisan at maliksing atake. Kung ikukumpara sa mga early stages sword ay mas matibay ito

Damage: E Durability:D 

Level Requirements: Level 15 "

"Ayun sakto level 15 din requirements para sa pag unlock ng class diba?"-Kyo

"Oo dapat din daw master mo ang weapon"-Kei

"Depende naman ata sa class di lahat sa weapon mastery ang basehan"-Mayuka

"Pero feeling ko naman basta naman weapon based class matik base yan sa weapon mastery. Tignan nalang natin pag nangyari"-Kyo

At sinimulan na ni Kei ang kanya. Ginamit niya ang kanyang identification scroll sa kanyang Great Bow

"Great Bow- Isang bow na kilala sa pagkakaroon ng range at power. Gawa ito sa matibay na curve wooden frame at matibay na string. Ang bow na ito ay nakadisenyo para sa mga gustong mag engaged ng safe distance sa kanyang kalaban

Damge:F Range:D Durability:D

Level Requirements: Level 14"

"Aba nakalagay kilala daw sa power bat yung damage nyiya F lang?"-Kei

"Wow wow. Gumugusto kapa? Sobrang unfair at OP naman niyang kung mataas ang damage tas rage kapa?"-Mayuka

"Makes sense lang kasi kung long range ka tas class mo mabilis mobility tapos mataas damage at range ng weapon mo? Masyado pang maaga para sa mga ganyang items"-Kyo

"Oo na,oo na. Di na nga ako magrereklamo sabi ko nga e"-Kei

"Nahiya naman ako sa nakuha ko diba"-Mayuka

At ginamit na nga ni Mayuka ang kanyang identification scroll sa kanyang Ice Rod

"Ice Rod - ay isang magic weapon rod na kung saan ay mayroong essence ng frost at ice mula sa gem sa dulo ng Rod. Ka[ag ito ay naweild ng isang magaling na spell caster ay binibigyan ito ng kakayanan na makagamit ng mana ng ice magic

Magic Damage: E Durability:E 

Special Passive: May let the user use ice magic with mastery if the user is skilled mana user. The limit is depending on the mana of the user

Level Requirement: 13"

"Inspiring White Mage ako tas ibinigay sakin pag black mage?!"-Mayuka

"Baka gusto ng system na magpalit ka na ng pipiliing class na imamaster"-Kei

"Dapat kana nga siguro magpalit"-Kyo

"Masisira ang team composistion natin kapag nagblack mage ako"-Mayuka

"Pero kasi parang system na kasi may gustong magpalit ka"-Kyo

"Bahala na magagamit kopa naman ng early to lalo na wala pa naman talaga akong class"-Mayuka

Ang ginawa nila sa araw nayon ay pag grind ng level. Naghanap sila ng mga side missions at monster grinding na maari nilang gawin para mas maging mabilis pa sila mag level up at makapag ipon ng pera. Dahil sa pagtaas ng kanilang level ay mas lalo ng humirap pa at tumagal ang pagpapalevel...

Kinabukasan... nasa loob na sila ng kanilang classroom nag-aantay ng kanilang teacher...

"So G ba ulit mamaya pagkauwi?"-Kyo

"Oo, Kailangan nadin natin mag ready ng mga items na kelangan dalhin"-Mayuka

"Yes boss!"-Kyo

"Anong boss ka dyan!"-Mayuka 

sabay sapok ni Mayuka sakanya

"Aray!Totoo naman kasi!"-Kyo

"Ayan nanaman kayo pede bang mamaya nalang pag-uwi? Araw-araw kayong nag-aaway pero wag naman sana pati dito sa classroom lalo na malapit na mag start ang klase "-Kei

Uulitin na sana muli ni Mayuka ang pag sapok pero ng dahil sa sinabi ni Kei ay hindi na nya ito tinuloy.At saktong pumasok na nga ang kanilang teacher sabay sabing

"Good afternoon Class! Ayusin nyo na ang mga upuan. At ilabas na ang mga assignments nyo"-Teacher

"Huh? May assignment?!"-Kyo

Mukhang nakalimutan ni Kyo na mayroon silang assignment kakalaro

"PST! Kei meron palang assignment bat hindi mo sinabi sakin?"-Kei

"Meron nga at alam mo naman na meron puro ka kasi laro. Top 1 kapanaman sa klase tas assignment lang wala ka?"-Kei

"Mr. Furokawa? Asan ang assignment mo?"-Teacher

"Eh mam... nakalimutan kopo hehe.."-Kyo

"Maiwan ka mamaya pakatapos ng klase"-Teacher

"Yes mam.."-Teacher

At lumingon naman siya pagkatapos ng sermon at nakita nya ang dalawa na tumatawa

"Bagay nga sayo"-Mayuka

Sabay tawa nilang dalawa ulit ng pabulong. Natapos na nga ang klase nila at pinapauwi na ng ang mga students at naiwan na nga sa classroom 

"Sinabihan ko na ang mga naka assign ngayong araw na maglilinis ng classroom. At ikaw maglilinis ngayon ng classroom. Ganto lang ang naging parusa mo dahil sa ikaw ang top 1 klase. Linisin mo ng mabuti classroom nyo. Buti pa si Kei at Mayuka kahit na Top 7 at Top 2 sila never pa nangyari ito sakanila"-Teacher

Di na nga nakasagot si Kyo at pumunta na ito sa likod upang kunin ang walis at dustpan. Umalis na ang kanilang teacher at inayos na muna lahat ni Kyo ang mga upuan bago ito nagwalis. Ng dahil sa dami ng kanilang klase ay medyo natagalan ito sa pag aayos. Pagkatapos agad nya sa pagwawalis ay lumabas sya para kumuha ng tubig sa Cr. Dinala nya ang kanilang timba sa kanilang classroom at kumuha na ng tubig. Sa kanyang paglabas ay mayroong di inaasahang nagka salubong ang dalawa at nabitawan ni Kyo ang kanyang dala-dalang timba

"Ay sorry po"-Kyo

Pagkatingin ni Kyo sa nakasalubong nya ay isang babae na kung saan may pagkatangkad at nakasalamin ito

"Wala lang yon pasensya nadin.Di din kita napansin.Mauna nakami"

Pagkatingin ng maayos ni Kyo ay nakita nya na mayroong itong Arm Band na nakalagay sa kanyang balikat na may nakalagay na 

"Student Council President"

Nabigla ito at di na niya ito gaanong pinansin kaya tumuloy nalang siya sa kanyang ginagawa at natapos na nga sya sa kanyang paglilinis sa room mag-isa. Pumunta siya sa Faculty Room para magpaalam at pagdating niya doon ay nagpaalam na ito para umuwi

"Loko ang dalawang yon di man lang ako tinulungan sa paglilinis para agad man lang sana din ako makapag online. Sigurado kanina pa sila nyan naglalaro"-Kyo

Naglakad na ito pababa hanggang sa nakadating na siya sa entrance ng kanilang building nakita nya ang dalawa

"Sobrang tagal mo kanina pa kami nag aantay sayo"-Mayuka

"Ayan kaya ayusin mo na sa susunod HAHAHA"-Kei

"Kung tinulungan nyo sana ako edi agad akong natapos"-Kyo

"Bat di kanalang pasalamat na inantay ka namin sa labas"-Kei

"Gusto moba masapok?"-Mayuka

"Hindi po boss!"-Kyo

"Kaya ka nakakarma sa mga pinanggagawa mo e "-Mayuka

Sabay habol neto kay Kyo para sapukin siya

"Ayan nanaman po sila "-Kei

At naglakad na nga sila papauwi. Ginawa na muna lahat ni Kyo ang lahat ng dapat gawin sa bahay at schoolworks bago siya nag login sa laro

"Okay Boys palevel na ulit tayo!"-Mayuka

"Lets go!"-Kyo ,Kei

----------------------------------------


 

Otacute Creator

sorry for the delay of update naging busy lang sa work and personal things. Thank you for the support!