Kinabukasan..

Pumasok na nga sila sa school upang mag-aral hanggang sa lumipas ang oras para sa kanilang lunch break.

Nagkukwentuhan ang mga ito habang sila ay kumakain ng kanilang lunch

"Bat pag nasa school tayo parang sobrang bagal ng oras sa laro parang ang bilis"-Kyo

"Mabilis paba sayo yung ilang oras nating pagtatanong sa wala?"-Mayuka

"Wala man nga tayo nakuhang impormasyon"-Kei

"Nangyari na ang nangyari wala na tayo magagawa"-Kyo

"Pero di ko expect na makakapagpalevel tayo ng 4"-Kei

"Ussually early ng mga game talaga madali makakapag palevel kasi di pa ganon kataas ang required Exp"-Kyo

"Tsaka syempre low levels lang ang mga monsters. Kaya di ganon kahirap ang naging issue lang natin yung medyo matagal na pag grind"-Mayuka

"Kaya di ko nga expect ilang oras din tayong nag grind sa laro.Pero mostly siguro nyan na mga players ay lagpas level 5 na"-Kei

"Kelangan na talaga natin mahanap ang pusang iyon pati na yung bata feeling ko kailangan din nya ng tulong natin"-Mayuka

"Huwag ka mag-alala.Hahanapin natin sya at tutulungan syempre"-Kyo

sabay smile neto kay Mayuka. Dahil sa smile nito di makatingin ng diretso si Mayuka kay Kyo kaya lumingon ito papalayo at parang namula ang kanyang mukha. Napansin naman nito ni Kei.

"Naku ah. Mukhang may something ah"-Kyo

sabay palo nito sa likod ni Kyo. At di umiimik si Mayuka sa usapan.

"Huh?! Anong meron? Paki explain"-Kyo

"Wala!"-Mayuka

biglang ligpit nito sa kanyang pinagkainan at umalis

"Bat biglang umalis yon?"-Kyo

Takang-taka ito at napapatawa nalamang si Kei sa reaksyon ng dalawa

"HAHAHA. Tanong mo sa sarili mo"-Kei

At pinalo nito ang likod ni Kyo at umalis nadin ito.

"Aray! Wala naman akong sinabing mali diba?!"-Kyo

tarantang tayo nito at sumunod na nga ito papunta sa kanilang classroom. At sa buong klaseng iyon di kinausap ni Mayuka si Kyo hanggang sa sila ay makauwi sa kanilang mga bahay

Pagkauwi ay dali-daling nagsibihis agad at ligpit ng mga gamit upang sila agad ay makapag login sa laro

"LINK!!"

Nag kita agad silang tatlo sa laro at pagkalogin na pagkalogin ay sinimulan na nila agad ang pagtatanong. Dumiretso sila sa mga ibang mga tindahan. Ang di nila alam ay mayroong nagmamasid sa kanilang mga galaw.. Sa mga oras na yon ay di padin kinausap ni Mayuka si Kyo kahit sa loob ng laro. Ginamit ni Kyo ang messaging feature ng laro upang makausap si Kei ng di alam ni Mayuka.

(Messages: Conversation - Kei)

"Hoy Kei ano ba kasi ang nangyari? Bat di padin ako pinapansin ni Mayuka"-Kyo

"Ewan ko sayo bat di mo itanong sakanya"-Kei

"Eh natatakot ako sakanya"-Kyo

"Kahit ba naman sa laro? HAHAHA kung gusto mo makausap sya itanong mo sakanya"-Kei

"Sabi ko nga itatanong ko nalang sakanya"-Kyo

-------------------------------------

Lumapit si Kyo kay Mayuka at pagkalapit nito ay bumulong ito sakanya habang papasok sila sa iisang eskinita

"Hoy Mayuka anong problema mo...."-Kyo

Di pa tapos ang sinabi ni Kyo ay may narinig na ingay si Mayuka

"Meowww"

"Shhhhhhhhhhh Wag kayo maingay"-Mayuka

"Meowww"

nakasunod ang tatlo papunta sa ingay ng mga pusang kanilang naririnig. 

"Meowww" "Meowww" "Meowww" "Meowww" 

At napunta na nga sila sa isang sulok ng eskinita ay nakita nila ang isang grupo ng mga maraming pusa

"AH!"-Kyo

Sabay palo ni Mayuka sa ulo ni Kyo

"Sabi ko ng wag maingay"-Mayuka

Ang tingin ni Mayuka ay tila parang isang oni dahil sa galit at kita sa mukha ng dalawa ang takot sa kanilang mga mukha

At pagkalingon nilang muli sa sulok ng eskinita ay mayroon ngang grupo ng mga pusa na kung saan lahat ng ito ay nasa baba ng isang pader maliban lamang sa isang maitim na pusa.

"Huh? diba yan yung hinahanap natin?"-Kei 

Dali-dali nilang chineck ang kanyang mga mata para masiguradong sya nga berde nga ang kanyang mga mata

"!!!!!"

Instinct ng tatlo ay di na mag salita upang di na umalis pa ang pusa. At dahan-dahan naman silang lumapit papunta rito, inoobserbahan naman sila ng pusa habang nakatayo ito sa isang pader. Minamasid nya ang tatlo ng nakapaigi. At patuloy lamang ang tatlo sa paglapit sa pusa ngunit bumaba ang pusa sa kabilang side ng pader

"Kyo!Kei!"-Mayuka

Tumakbo na nga sila para sundan ang pusa at nagsitakbo nga din ang mga puisang kasama nito.Pagkalagpas nila sa pader ay inaantay sila ng pusa na tila parang gusto niya na sundan nila ito

"Huh. Parang inaantay pa nya tayo"-Kyo

Nakatingin nga lang sakanila ang pusa inaantay nilang makalipat si Mayuka. Pagkalipat agad ng tatlo ay naglakad na nga ang bahagya ang pusa

"Kung ayaw naman nitong magpahuli sigurado tatakbo na to"-Mayuka

"Pero sa galaw nya gusto nga ata nya sundan natin siya"-Kei

Habang nag-uusap ang tatlo ay inoobserbahan sila ng pusa na kanilang sinusundan 

"Tignan nyo oh parang talagang naiintidihan nya ang pinag uusapan natin"-Kei

"Baka alam nga nya,pag nag-uusap tayo talagang tumitigil pa sya"-Kyo

"Anong pinag-sasabi mo?! Maglakad nalang kaya kayo"-Mayuka

Naglakad na nga muli ang pusa hanggang sa tumakbo na ito at tumakbo nadin ang tatlo

Ang pusa ay pumasok pa lalo sa mga eskinita na papalayo sa shopping district ng Capital. Hanggang napabanda sila sa isang lugar na kung saan maraming mga abandonadong mga bahay. At napunta na nga kami sa isang lugar na kung saan tila mayroong isang grupo ng mga tao na tumitira sa kasulok-sulukan ng capital na wala gaanong tao.Tumigil na nga bigla ang pusa sa kanyang paglalakad at nakita nga sila ng mga tao na nakita sa lugar na iyon.

"Mayroon palang ganto sa Capital"-Mayuka

Pagkakita sakanila ng mga tao ay bigla silang nag-alisan. Ang pusang kanilang hinahabol ay tumakbo papunta sa isang bata

"Huh?! Anong ginagawa nyo dito?! huh kuro?!"-Bata

Tumalon ang pusa sa bata

"Diba ikaw yung bata na hinahabol nung tindero?"-Kyo

"Emi!Pumasok kana dito papunta nanaman sila!"-Lalaki

"Teka lang kuya!"-Emi

Hinila ng kuya ni Emi papasok sakanilang bahay na tila may iniiwasan silang bagay na mangyayari palang

"Emi?! Bat parang pamilyar ang pangalang iyon?!"-Kei

"Kuro? Emi? Yun yung nasa quest!"-Mayuka

At pumasok na nga lahat ng tao sakanilang mga bahay. Naiwan sa labas ang tatlo

"Bat parang mayroong di magandang mangyayari"-Kyo

At biglang may lumitaw na screen sakanilang harapan

"Message

You have completed the quest

Look for a Missing Cat "

"So tama nga ako!"-Mayuka

"Message

Your Party Received a Amount of Experience!

"

"You leveled up"

"You leveled up" 

"You leveled up" 

Nag level up ng tatlong beses ang tatlo dahil sa pagkakatapos ng quest. Di nila expect na mag lelevel up sila ng tatlong beses dahil ang quest ay isang Rank E Quest lang

"Tatlong level?!"-Kyo

"May mga skills pakong natutunan"-Kei

"Ako din!"-Mayuka

May lumitaw nanamang screen sakanilang harapan

"Message

You party has received a new quest!

Defeat all of the Goblins"

"Ano to?!"-Mayuka

"Anong goblins?!"-Kei

"Mukhang paparating na sila"-Kyo

Dinig na ang maraming footsteps papunta sa lugar nila

"Mukhang problema nga to"-Kyo

"Kaya pala nagsipasok ang mga tao dito alam ata nila na may darating na ganto"-Mayuka

"May choice paba tayo nandito na"-Mayuka

"Mukhang marami tayong matatanong mamaya sa mga tao dito"-Kyo

"Mag handa na kayo"-Mayuka

"Copy Boss"-Kyo,Kei

Inilabas na nga ng tatlo ang kanilang mga weapon. Sword para kay Kyo,Bow kay Kei, at Wooden Staff para kay Mayuka

-----------------

Otacute Creator

This ends the Volume 1: Introduction. Volume 2 is gonna be the Hidden Quest Arc