Third Person POV

Hinawakan na nga ni Kyo ang kamay ni Mayuka para pumunta ng canteen..

("Bigla nalang nya hinawakan ang kamay ko.. Di ko alam kung anong magiging reaksyon ko dito..")

"Hmm.. Kyo .."

Mahinang pasabi ni Mayuka sa pangalan nitong si Kyo. Ngunit pagkadating nila sa canteen ay mukhang nawala sa isip ni Kyo na hawak nya nga ang kamay ni Mayuka..

"Ayan nakarating na tayo sa canteen. Hanap na tayo ng mauupuan"

Di padin nito binitawan ang kamay ni Mayuka..

"Uhm Kyo?"-Mayuka

At napansin na nga ni Keiji ang pagkakahawak ni Kyo sa kamay ni Mayuka.

"Hoy Kyo hinawakan mo na nga ng pabigla kamay nya ayaw mopa ata bitawan. Nag-enjoy ka ha HAHAHAHA ayieee. Nangangamoy Love team ata to"-Kei

Sabay tawa nito ng malakas. At binitawan naman agad nga ni Kyo ang kamay ni Mayuka at sabay pa silang magblush ng wala sa oras.

Lumapit si Kyo kay Kei at kinotongan niya ito ng napakalakas..

"Loko ka talaga ha!"-Kyo

Sabay talikod agad nito sakanya.

"Aba bat parang namumula kapadin dyan ha HAHAHAHAHA"-Kei

"Aba ayaw mo pa tumigil dyan ha gusto mo ulit masapok?"-Kyo

("Nakakahiya talaga ang ginawa ko ibahin ko nalang agad ang topic")

"Tara na hanap na tayo ng mauupuan"-Kyo

narealize naman ni Kei ang na pinapalitan ni Kyo ang topic ngunit sigurado kapag nang-asar sya ay masasapok ulit siya kaya di na nya ito pinansin pa.

"Ayun dun may pwesto dun" -Mayuka

Sabay turo ni Mayuka sa isang pwesto na walang tao ngunit medyo malayo-layo sa pinagkukuhanan ng pagkain.

may tinuro si Mayuka na pwesto na wala pang nakaupo.

"Yann dapat nagsasalita ka,tahimik mo kase masyado" -Kei.

"Sige mauna kanang pumunta doon kami na bibili ng pagkain natin okay?" -Kyo

"Sige hintayin ko kayo,,"-Mayuka

At naglakad na nga ito papunta sa pwestong nakita si Mayuka. A

"Hoy tara na!" -Kei

"Oo na tara na"-Kyo

Pumunta na nga sina Kei at Kyo sa bilihan sa canteen at si Mayuka ay nakaupo na sa pwestong kanyang nakita.

"Ano ba magandang kainin Hm"-Kei

"Kahit ano basta makakain . Ikaw na pumili e di natin alam kung ano gustong pagkain ni Mayuka"-Kyo

("Ako nanaman tinuro ng mokong nato.. Palaging ako nalang ang pipili ng makakain")-Kei

Napalingon ito sa kakaisip kung ano ng bibilhin at napatingin nga si Kei sa direksyon ng pwesto ni Mayuka..Dali-dali naman nitong agad sinabi kay Kyo ang kanyang nakita

"Kyo!andaming lalaki dun sa pwesto natin! Mukhang kinakausap nila si Mayuka" -Kei

Sila ata yung naririnig rinig ko na grupo ng mga lalaki na nakikipag basagan ng ulo sa mga ibang group sa school.

"puntahan ko na!"-Kyo

nagmadaling tumakbo si Kyo papunta sa kinaroronan ni Mayuka.

("Sino naman kaya itong mga lalaking to bakit nila kinakausap si Mayuka ng parang kakilala na nila ito")-Kyo

At nakarating na nga ito sa kinaroroonan nila

"Sino kayo? Ano gusto nyo kay Mayuka?"-Kyo

Bigla nalang may isang lalaking lumapit sa harapan ni Kyo na isang lalaking itim ang buhok na maangas tignan ang datingan.

"Sino ang mokong nato Mayuka?Ahh.. si.."-Guy

Di paman tapos ang sinasabi ng lalaki ay sumigaw ng bigla si Mayuka ng..

"Tama na!"-Mayuka

"Kaibigan nya ako!"-Kyo

at sumagot si Kyo sa tanong ng lalaki

"HAHAHA Kaibigan? Kakakilala mo lang sakanya kaibigan agad? Halika na Mayuka!"-Guy

Biglang may lumapit na pula naman ang buhok na lalaki

"Kunin nyo gamit ni Mayuka tara na"-Red

Walang magawa si Kyo.. At pumasok sa isipan nya ang sinabi ng lalaki na kakakilala lamang nila at magkaibigan na sila agad.

("Tama naman siya kakakilala lang naman namin ngayon magkaibigan naba kami agad non? Parang napilitan lang ata sya na sumama saamin")-Kyo

"Kyo.." -Mayuka

Umalis na nga ang mga grupo ng kalalakihan at kasama nga si Mayuka

"Oi kyo ano nangyari?" -Kei

Habang may dala dala itong pagkain para sana sakanilang tatlo

"Wala tara kumain na tayo" -Kyo

"Nasan si Mayuka?bumili pa naman ako ng para sakanya" -Kei

"Paghatian nalang natin para di masayang"-Kyo

--------------------

Otacute Creator

.