Third Person POV
Hinabol na nga ng dalawa si Kyo sabay tanong ni Kei sakanya na...
"Galit kaba?"-Kei
Habang hingal na hingal sila dahil sa pagtakbo. At di naman sila pinansin ni Kyo
"Hoy Galet kaba?!Sorry na di na mauulit"-Mayuka
""
Pagkatapos magsorry ng dalawa ay di na makapagpigil ng tawa si Kyo.
"Hindi! HAHAHAHAHAHAHA. Mukha ba akong galet? joke joke lang"-Kyo
biglang sapok ni Mayuka sakanya
"Aray!"-Kyo
"Wow! Aray bakamo?Gusto mopa?"-Mayuka
"HAHAHAHA ayan ang bagay sayo! Eto pa"-Kei
at tumakbo na nga papalayo si Kyo at naghabulan silang tatlo sa daan. At sa paghahabulan nilang iyon ay naalala ni Kei ang araw na pagkakakilala nilang dalawa ni Kyo. Sapagkat ang layo-layo na ni Kyo sa unang araw na sila ay nagkita noong unang araw ng kanilang pag-aaral noong sila ay Grade 3.Bagong lipat sina Kyo sa di alam na dahilan at doon sila unang nagkakilala.
(Flashback)
Unang araw ng kanilang klase sa ikatlong baitang. Sobrang excited si Kei sa kanyang pagpasok sapagkat ito ay ang bagong simula nanaman ng klase. Sa sobrang excited nito ay maaga itong nagising at umalis papunta sa kanilang paaralan.
"Alis napo ako ma!"
Excited na sabi ni Kei habang palabas ng kanilang bahay.
"Mag-iingat ka sa paglalakad ha Keiji"
mahinhin na sabi ng kanyang ina sakanya.
"Opo ma".
at lumabas na nga ng bahay si Kei at sa sobrang excited nito ay napatakbo ito pappunta sa kanyang school Ng mapagod ito sa pagtakbo ay naglakad nalang ito muli hanggang sya ay makadating. At pagkakita na pagkakita nya sa gate ng kanilang school ay tumakbo itong muli at ito ay nadapa.
"Aray!!"-Kei
sigaw nito sa sakit at tinulungan nitong tumayo si Kei.Sabay sabing..
"Okay kalang?"-Bata
Mayroon ding lumapit na isang bantay sa gate ng kanilang paaralan.
"Bata maari mo ba syang tulungan papunta sa clinic? Dyan lang ito banda"-Bantay
"Sige po ako na po ang bahala sir"-Bata
Inabot naman agad ng bata ang kamay nya kay Kei. At ang unang napansin nito sa batang tumulong sakanya ay ang kanyang benda sa kanyang ulo.Ngunit di na nito binanggit ni Kei dahil sa masakit nga ang kanyang tuhod dahil sa kanyang pagkadapa
"Masakit padin pero kaya naman"-Kei
at tinulungan na nga siya nung bata para tumayo. Pagtayo na pagkatayo ni Kei ay sinubukan na sana nyang maglakad ngunit halos madapa nanaman ito.
"Halika na tulungan na kita nasugatan ang tuhod mo. Nautusan naman din ako ng bantay sa gate kaya tara na."
At sinuportahan naman ng bata sa paglalakad papunta clinic. Di sila nagkaimikan hanggang sila ay nakadating na sa clinic. Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ng clinic ay napansin naman agad sila ng School Nurse na nakaduty.
"Anong nangyari?"-Nurse
sumagot naman agad ang bata sa tanong ng nurse.
"Sa sobrang excited nya po ata sa pagpasok sa klase ay tumatakbo po syang pumasok sa paaralan at nadapa po siya. Pinagbilin din po sya saakin ng bantay "
"Ang bait mo naman. Salamat"-Nurse
"Maraming salamat!"-Kei
"Walang anuman. Una na ako bye!"-Bata
At iniwan na nga niya si Kei sa loob ng nurse office.
"Ano kayang nangyare sakanya bat may benda sya sa kanyang ulo?"-Kei
Narinig naman siya ng nurse sa kanyang sinabi at sumagot ito sa kanyang sagot.
"Nasama sya sa isang insidente meron daw ata siyang tinulungan na kasama kaya siya ata ang nasaktan pero di na nasabi ang buong kwento.Nakita ko siya noong enrollment at isa syang transferee lang din siya kaya bago lang siya dito"-Nurse
natahimik nalang itong si Kei sa sinabi ng nurse. Mas lalo pang nacurious itong si Kei sa nangyari sakanya. Pagkatapos na pagkatapos nito malagyan ng gamot ang kanyang paa at nagpahinga muna ito bago pumunta sa kanilang room.
"Mauuna napo ako Ms."-Kei
"Okay kana? Kaya monaba maglakad ng mag isa?"-Nurse
"Opo pasok napo ako sa room namin"-Kei
At naglakad na nga ito at hinanap ang kanilang room. At pagkakita ng teacher ay natanungan siya kung okay naba sya dahil sa nangyari.
"Good Morning po mam. Okay napo ako pasensya napo sa pagliban ng klase ng dahil po sa nangyari"-Kei
Explain ni Kei sa guro nila
"O sige umupo kana doon sa dulo mayroong space doon. Magpakilala ka muna pala sa klase bago ka umupo"-Teacher
"Hello po ako nga po pala si Keiji Yomumura. Sana makaclose ko kayong lahat!"-Kei
Nagpakilala na nga ito pagkatapos naglakad na nga ito papunta sa dulo ng kanilang classroom. At nakita nga nito ni Kei ang batang tumulong sakanya papunta sa clinic. Kitang-kita na ayaw makipagsalamuha ng ibang kaklase namen sakanya dahil sa benda sa kanyang ulo. Tila iniiwasan pa nga nila ito kaya nasa bandang dulo lamang ito at walang katabi at iyon nalamang ang space na meron sa kanilang room. Pagkalapit ni Kei sa bata ay inabot nito ang kanyang kamay sabay sabi ulit na..
"Ako nga pala ulit si Kei at ikaw ay si?"-Kei
*End of Flashback
Lumipas ang ilang buwan hanggang sa natapos na nga nila ang isang sem ng kanilang pag aaral. Sa ilang buwan na lumipas ay nagkaroon na sila ng mga bonding sa kanilang mga same interest. Puro bonding na lang ang kanilang ginagawa at ang pinaka madalas na kanilang ginagawa ay ang paglalaro. Inabangan ng tatlo ang bagong labas na video game nakung saan ito ay isang VRMMORPG (Virtual Reality Massively Multiplayer Online Role Playing Game) na may title na "THE DRAGONIST". Unang announcement palang ng isang Game Company nito ay marami na ang nag abang. Nang dahil sa Modern Technology ay maari ng gamitin ang isang device upang mapunta sa isang virtual world habang ang katawan nila sa totoong mundo ay natutulog. Mas lalo pa itong kinigiliwan ng karamihan ng dahil sa maaring kumita ang mga players neto gamit ang in game currency para mapalit itong pera sa totoong buhay.
At dumating na nga ang araw na mabubuksan na ang server ng larong "The Dragonist".
Inaantay na nga ng tatlo magsimula ang livestream kung saan sa livestream na ito ay mabubuksan na nga ang server. Nasa kanyang-kanyang mga bahay sila at gamit gamit nila ang Dischat(Discord) kung saan nakashare screen nalamang ang iisa. Nag wawatchparty ang mga ito . Lumitaw na malapit na matapos ang countdown.
"Mukhang magsisimula na!"-Kyo
"SHHHH wag ka maingay!"-Mayuka
"Oo kita nga namin na nagsisimula na wag ka maingay!"-Kei
"Pinagtutulungan nyo nanaman ako nako"-Kyo
"Manood kanalang"-Mayuka
Pagkatapos ng countdown ay mayroon isang babaeng lumitaw sa screen na kung saan mukhang magiging host ng announcement.
"Welcome! sa ating livestream kung saan bubuksan na natin ang server ng larong inaabangan ng lahat!"-Host
Sa sobrang hype ng mga tao ay nagsigawan at palakpakan ang mga ito sa mismong venue na kung saan ay sobrang napakalakas.
"Bago natin buksan ang server ay ipapakilala namin sainyo ang larong inaabangan ng lahat. Ang larong The Dragonist ay isang VRMMORPG. Di lang ito basta bastang RPG na meron tayo ngayon.Ang larong ito ay kayang ipasok ang consciousness ng player sa loob ng laro. Ang mga device na maaring gamitin sa paglalaro ay mga cellphones,tablets,computers. Basta ang laro ay nakainstall sa inyong device at mayroon ka ng aming company made headset na kung saan ito ay ang magcoconnect ng inyong consciousness sa laro. Maaring ito lang ang gamitin pero dapat ang physical at mental mo ay nasa normal na kalagayan. Kung nais mo namang maglaro ng mas comfortable at mas safe.Ipinapakilala ng Knightmares Company na gumawa din ng The Dragonist ay ang Game Capsule kung saan maaring mahiga ng maayos ang user at mayroon itong censors na kung saan nadedetect ng device ang kalagayan ng gagamit mapa physically and mentally. Para sa short time usage ay okay lang gumamit ng cellphones,tablets pc. Sa Long time usage naman ay recommended gamitin ang Game Capsule. Kadagdagan pang mga detalye na kokonting maari naming ibahagi sainyo tungkol sa ating laro. Ang ating laro ay walang FAQ's (Frequently Ask Questions) Ang mga players ang didiskubre ng mga impormasyon sa laro. Walang ibang tutorials at manuals. Ang mga players ay maaring magtrade sa game tulad ng mga gamit or maari ding impormasyon. Basta pumayag ang dalawang side para sa trade ay maari itong gawin. Mayroon din pala itong feature na PVP (Player vs Player) na kung saan maaring pag usapan ng dalawang players kung ano ang magiging prize ng mananalo sa PvP. Tulad ito ng trade na kung saan dapat parehong sides ay dapat pumayag sa magiging usapan.At ang huli ay ang Main Quest at Side Quest. Ang main quest ay ang pag progress ng main story ng game at ang side quest ay mga extra quest na kung saan maaring in unlock with certain conditions para ma unlock kaya hindi ito maaring makuha ng lahat. Ang story ng game as uusbong mula sa Main Quest kaya importante ang impormasyon. Kung marami kang impormasyon mas mabilis kayong uubong.Doon na nga papasok ang pagbili ng mga impormasyon sa kapwa players. Maaring bumili ng in game currency ngunit ito ay may limit para di ito maabuso ng mga bumibili. Maari ding mag convert ng in game money to real life money. Mula sa feature na ito ay maaring kumita ang mga players kahit di pa sila gumastos sa ating laro. At iyon na nga ang brief information na aming maishshare sainyo. Kayo na ang bahalang dumiskubre sa mga iba pang bagay sa loob ng ating game. Kaya eto na nga ang pinaka aantay ng lahat!! " -Host
Nagsigawan muli ang mga tao sa loob ng venue.
"Sa mga iilang piling naimbita sa ating venue ay mabibigyan ng chance na matry ang ating capsule sa ating room para agad agad nila din itong matry. Iilan palang kasi ang ating mga capsule na ating nailabas"-Host
"Sayang naman! Di man lang tayo nakapagattend!"-Kyo
"Eh alam mo namang pili lang ang mga naimbita at sa mga nagbenta ng mga ticket ay nakapamahal "-Mayuka
"Pambili nga lang nung laro ay pinag ipunan natin. Lalo na nyan yung capsule"-Kei
"Bawal nga maging mga student working ang mga students sa school natin kaya tamang ipon lang talaga"-Mayuka
"Di naman siguro tayo pagbabawal na laruin to no?"-Kyo
"Sapalagay ko hindi naman kasi may safety naman yung equipment lalo na yung capsule"-Mayuka
"Kaya dapat nating pag ipunan agad yung capsule para iwas nalang din sa issue at sigurado na talaga"-Kei
Sa pag-uusap ng tatlo aynatapos na ang paghahanda at pagbigay ng instructions sa mga piling mga bisita na maaring gumamit ng capsule para sa full dive.
"Handa naba ang lahat?!"-Host
"Ano goods naba yung laro sa mga device nyo?"-Mayuka
"Syempre!"-Kyo,Kei
"Nung pagkalabas na pagkalabas ng laro ay nakadl na agad sakin"-Kyo
"Antay nalang talaga ng pagbukas ng server"-Kei
"Ipwesto nyo na ang inyong mga sarili kung saan kayo comfortable, Ang server ng The Dragonist ay bukas na!Sabay-sabay tayo! Link!!"-Host
"LINK!!!!"-PLAYERS
Ang lahat ng mga players ay sabay-sabay pumasok sa game. At ito na nga ang simula!
Ito na ang simula ng paglalakbay ng ating mga bida sa laro!