Third Person POV

Ng maghiwalay na ang dalawa sa paglalakad pag-uwi ay nagsalita na nga si Kyo

"Wala na ang kasama ko at nandito kapadin so ako ang kailangan mo?"-Kyo

"Ikaw nga ang kailangan ko" sagot nung lalaki

Pagkaharap ko sa lalaki ko sa likod ni Kyo ay mayroon nading lalaki pumunta sa likod nya na isa pa.

("Ano kayang kailangan netong mga lalaking to sakin? Wala naman akong nakaaway ah.")

Aalis na sana si Kyo sa dalawa at sinuntok nung lalaking nasa harapan ni Kyo ang kanyang sikmura nito. Napaluhod nalamang si Kyo sa pangyayari sapagkat mayroong pagkalakas ang suntok na ginawa sakanya ng lalaki.

"Arg! Saan nyo ako dadalhin? At anong gusto nyo sakin?!"

Dinala lang ng dalawa si Kyo sa malapit na eskinita sa lugar kung saan nila ako inabangan. At eskinitang iyon ay naroroon ang kanilang leader

"Eto na sya Lucas."-Lalaki1

"Oh Hi sayo Kyo"-Lucas

Sabay tingin ngiti nito kay Kyo na parang may binabalak na masama..

"Anong kailangan mo sa akin?!"-Kyo

Sigaw nito kay Lucas

Si Lucas ay ang leader ng gang sa kanilang eskwelahan na nag-ngangalang Hideyoshi.

"Ikaw mismo ang kailangan ko may atraso ka sakin"-Lucas

"Ano ba ang ginawa ko para magka atraso sayo?!" -Kyo

Sigaw nito kay Lucas sapagkat wala naman itong alam na atraso..

Sinuntok ni Lucas si Kyo sa mukha at napaluhod nalang ito sa lakas ng suntok

"Diba binalaan na kita?!"-Lucas

"Na ano?!"-Kyo

Di parin natigil sa pagsigaw si Kyo sa pagsagot sa sinasabi ni Lucas sakanya. Kinwelyohan ni Lucas si Kyo para makatayo ito..

"Na wag mo ng kakausapin si Mayuka!"-Lucas

"Ni hindi niya nga ako pinapansin!"-Kyo

"Tinangka mo parin siyang kausapin!! Bugbugin nyo yang lalaking yan hangga't gusto nyo Red.."-Lucas

Senso Furiku aka Red. Isang Red Hair Guy na kung saan kababata ni Lucas.. Isa ang kanyang ama sa Founders ng Company nina Lucas. Laging kasama si Red sa pagpunta ng tatay nito hanggang sa naging close sila hanggang sa ngayon..

" Pero parang grabe nato ah Lucas. Dati pa ganyan kana sakanya.." -Red

"Hayaan mo siya matanda na sya dapat matuto na siyang sumunod sa mga nakakatanda"

"(Huh? Anong sabi nya? di kona masyadong maintindihan nahihilo na ako)"

Nahihilo na tong si Kyo dahil sa suntok na natamo nya kay Lucas. Dahil din sa pagsuntok sa sikmura nung isang kasamahan nina Lucas ay masakit nadin ang kanyang sikmura at mukha..

Itinayo na nga ng dalawang lalaki si Kyo at sinimulan na muli ang panununtok sa sikmura nito ng biglang may sumigaw na babae na galing sa daan.

"Itigil nyo yan!!" -Babae

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

At si Mayuka na nga ang babaeng sumigaw na nanggaling sa daan..

"Itigil nyo yan!!" -Mayuka

Sigaw ni Mayuka para matigil ang pagbugbog sakanya ng mga kasama ni Lucas. At tumigil naman ang pambubugbog na ginawa sakanya

"Bat nyo binugbog si Kyo , Senso?! Ano ba ginawa nya sainyo?!"-Mayuka

Nilapitan ni Mayuka si Kyo at binitawan na siya ng mga kasama nina Lucas

"Kyo gising Hoy!" -Mayuka

Pinagsasampal ni Mayuka si Kyo para magising ito ngunit di parin bumubukas ang mga mata nito. Kumuha muli ng bwelo si Mayuka sa kanyang kamay para sampalin pa ng mas malakas pa si Kyo.

"Pag di kapa gumising neto" -Mayuka

Bago pa tumama ang kamay ni Mayuka sa mukha ni Kyo ay bumukas ang mga mata nito at di na napigilan ni Mayuka na yakapin siya..

Biglang-bigla tong si Kyo pagkabukas na pagkabukas ng kanyang mga mata. Di siya makapaniwala na nakayakap sakanya tong si Mayuka at umiiyak nadin tong si Mayuka..

"Nag-alala ako sayo!"-Mayuka

sabay dabog nito sa dibdib ni Kyo

"Aray! Masakit ha"-Kyo

"Kala ko di kana magigising" -Mayuka

"Bat ka umiiyak?" -Kyo

Tanong ni Kyo sakanya at inabot nito ang kanyang panyo mula sa kanyang bulsa

"Tahan na" -Kyo

Mahinang sabi ni Kyo

"Sino may pakana neto Senso?!" -Mayuka

At sumagot na nga si Senso sa tanong ni Mayuka

"Kakatakot magalit neto. Di ako ang may pakana neto sinabi ko nga sakanya sobra natong pinapagawa nya. Tsaka tawagin mokong Red " -Senso

Itinuro na nga ni Senso si Lucas

"Ayan si Lucas may pakana nyan, Napilitan lang ako ng kuya mo baka ako bugbugin nyan hahaha"-Senso

"Kuyaa lucasss!Ano ba ginawa ni Kyo sayo bat mo siya pinatawag dito at para saan tong pambubugbog nato?!"-Mayuka

("Wat? Kuya nya?")-Kyo

"Kuya mo siya?" -Kyo

Tanong ni Kyo kay Mayuka ngunit si Lucas ang sumagot

"Oo kuya niya ako bakit?" -Lucas

---------------

Otacute Creator

.