Tumakbo na nga si Kei buhat-buhat si Mayuka pabalik sa lugar kung saan nila nakitang ang batang si Emi. Pagbalik nila doon ay wala daw si Emi ngunit tinulungan naman sila ng kanyang Ama. At nasa loob na nga sila ng bahay ni Emi at doon na nila hiniga si Mayuka para magpahinga. Hinihintay nalamang nila si Kyo bumalik or makakuha sila ng notification na namatay si Kyo. At nagising na nga si Mayuka na para bang nagising siya sa isang bangungot 

"Kyo!"-Mayuka 

Sigaw nya sa kanyang paggising. At nakita na nga niya si Kei sa kanyang tabi.  

"Hoy Kei nasan ang lokong bespren mo?!"-Mayuka  

Sigaw ulit ni Mayuka sakanya ngunit tahimik lang itong si Kei na nakayuko at walang kibo 

"SUMAGOT KA! GUSTO MONG MASAPOK? TINATANONG KITA NASAAN SI KYO?! May kasalanan kapa sakin dahil sa ginawa mo"-Mayuka 

Sabay hawak ni Mayuka sa damit ni Kei 

"SorryOkay! Sorry! Hindi ko din naman gusto ang ginawa ko. Ngunit wala tayong magagawa. Kung ako din naman ang nasa sitwasyon na ganon gagawin ko din yon. Tanda mopa na recommended ang paggamit ng Game Capsule diba?"-Kei 

"So ano meron?"-Mayuka 

"Baka gusto mo muna bitawan ang damit ko para naman makapagsalita ako ng maayos?"-Kei 

"Ay sorry eto na nga bibitawan na"-Mayuka 

Binitawan na nga nya ito at pinagpatuloy ni Kei ang pag eexplain 

"Nagbasa kasi agad kami ng forums about sa death in game na baka may penalty. Mayroong in game penalty na mababawasan ng Experience ang player"-Kei 

"Iyon ang dahilan bat mo ginawa yon?"-Mayuka 

"Hindi lang yon ang dahilan. Mayroong real life penalty ang in game death sa mga non capsule players. May mga players na naapektuhan ang kanilang mga irl bodies dahil sa death in game. Napag usapan na namin ni Kei na kapag emergencies ay priority ka dahil sa real-life penalty na yon. Kaya ang balak natin diba ay makabili agad ng Capsule para hindi na natin maging problema ang penalty. Kung mayroon pa sana akong arrows baka tinulungan kopa siya or baka binalikan ko ngunit mas lalo akong magiging sagabal sakanya kapag bumalik pako "-Kei 

"Yun ang dahilan mo para iwan mo ang bespren mo?!"-Mayuka 

sabay hawak ulit ni Mayuka sa damit ni Kei 

"Tulad ng sabi ko ang napag-usapan naming dalawa ay ang priority ng safety mo bago kaming dalawa. Nasayo na if gusto mong magalit pero kung maulit man tong bagay nato di kami magdadalawang isip ni Kyo na gawin ulit"-Kei 

Napabitaw nalang muli si Mayuka sa damit ni Kei sapagkat naintindihan naman nya ang pag aalala ng dalawa sakanya.Ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto. Ang akala ng dalawa ay baka ang ama ni Emi na si Raki ngunit sila ay nagkakamali 

“Yo!”-Kyo 

Sigaw ni Kyo habang pabiglang bukas sa pinto at ang sumalubong sakanya ay ang staff ni Mayuka 

“Huh?!”-Kyo 

Nailagan naman nito ni Kyo at dali-daling tumayo si Mayuka at sinalubong nya ito ng isang sapak sa mukha 

“Aray!”-Kyo 

Ng dahil sa suntok na ginawa nito ay may lumitaw na message prompt 

“Please don’t hurt party members. It may result for a ban” 

Napaupo nalamang si Kyo sa kanyang ginawa at parang nawalan din ng lakas ang mga paa ni Mayuka at napaupo nalang din ito 

“Wow ha salubong mo saken sapak? Ang bait mo naman talaga”-Kyo 

“Pasalamat ka di tumama sayo yung staff ko kunin mo nga!”-Mayuka 

“HAHAHAHA! Ayan masigla na ulit siya”-Kei 

“Aba ikaw gusto mo din?!”-Mayuka 

Sabay sagot naman nito agad  

“Hindi po boss! Anong palang nangyari? Ang alam ko ay nagkaroon ng notification na kung saan nag fail ang hidden quest. Pero may lumitaw na..”-Kei 

Itinayo naman ni Kyo si Mayuka papunta sa kama at sinimulan na nga nya ang pa eexplain kung anong nangyari noong iwan sya ng dalawa . Nagsalita na agad si Kyo bago pa matapos ang sinasabi ni Kei

“Ganto nga kasi ang nangyari”-Kyo 

 

(Balik tayo sa pangyayari kung saan noong iwan ng dalawa si Kyo mag-isa kalaban ang Shaman) 

Sa mga oras na ito ay di alam ni Kyo na mayroon nag oobserba sa mga nangyayari. Nasaksihan nito lahat ng pangyayari hanggang sa pinaalis na nya ang dalawa.

 Gumaan ang pakiramdam ni Kyo sapagkat alam na nya na nakaalis na ang kanyang kasama ngunit ang problema nya ay paano nya kaya matatapos ang hidden quest na kung saan kailangang matalo nya ang Shaman. 

(“Matatalo ko pa ba ito kahit wala akong potions at bawas na ang aking mana?! Sayang ang quest na to kung di naming matatapos. Baka kung di ko din to matalo baka dumiretso sya sa mga kabahayan baka madami pa ang madamay. Kailangan ko ng matapos ito dito!”)-Kyo 

“Mukhang determinado talaga siyang manalo..” 

Sabi ng nag oobserba sakanya 

“Keh-Keh-Keh-Keh.Pinaalis mo talaga ang mga kasama mo?! Mas lalong hindi ka mananalo sa akin keh-keh-keh”-Shaman 

“Di mananalo? Sinong nagsabing hindi?”-Kyo 

Alam naman talaga ni Kyo na mababa lamang ang chance na manalo sya dito sa laban ngunit wala siyang choice. Kung hindi nya matatalo dito ito silang tatlo ay maaring mapenalty at madadamay pa ang mga NPC. Kaya alam din nya na dapat na nyang gamitin ang lahat ng meron sya. 

Ipinikit nya ang kanyang mga mata at inayos na nya ang kanyang postura 

“Keh-Keh-Keh. So ibig mong sabihin ikaw nag mananalo saating dalawa? Tignan nalang natin! Black Magic: Fireball! Fireball! Fireball!”-Shaman 

Pinaulanan na ng fireball si Kyo at inactivate na nga ni Kyo ang isa sa mga Skills na kanyang natutunan 

“Sword Arts:Blade Mastery”-Kyo 

(Sword Mastery – Isang technique ng isang swordsman na kung saan tataas ang proficiency sa kanyang espada. Ng dahil dito ay tataas ang accuracy at ang kanyang attack power. Nagagawa ang technique na ito kapag nagpokus ang user gamit ang kanyang mana papunta sa kanyang weapon. Ang effect na ito ay hindi permanent) 

Iniwasan ni Kyo ang dalawang fireball at hinati nya sa dalawa ang huling fireball

"!!!!!"

Di inaakala ng Shaman na magagawang hatiin ni Kyo ang kanyang fireball. Nahati nga nya ito ngunit ang kanyang weapon ay gawa lamang sa kahoy kaya nasunog din ang espadang hawak-hawak ni Kyo at kasama na nga ito sa kanyang plano. Alam nya na di sya tatagal sa labang ito kaya gumawa sya ng plano

("Hinding-hindi ako magtatagal dito kaya dapat agad ko tong tapusin")-Kyo

Tumakbo agad agad si Kyo papalapit sa Shaman 

"Di moko mapapatay sa ganyan lang! Necromancy Magic: Skeletons!"-Shaman

Nag summon muli ito ng mga skeletons ngunit mali ang desisyong ginawa ng shaman. Mayroong kaunting delay ang pag susummon sapagkat manggagaling pa ang mga ito sa lupa.

"Keh!"-Shaman

Tumakbo papalayo ang shaman para umalis sapagkat nakakalapit na si Kyo. Pansin nadin nya na hindi na makakahabol ang kanyang mga skeletons kay Kyo sa bilis ng kanyang takbo

("Kapag napatay ko ang shaman na to ay mawawala din ang mga skeletons sa sinummon nya kaya sya na ako didiretso mayroon lang akong isang chance. Kapag di kopa ito natapos sa chance na ito ay makakahabol na ang mga skeletons sa likod ko")-Kyo

Di gaanong kabilis ang pagtakbo ng Shaman kaya nahabol ni Kyo at nasa harapan na nya ang Shaman at nakatalikod ito sakanya

"Keh! Nandito kana?!"-Shaman

Papaluin na sana sya ng Shaman gamit ang kanyang staff ngunit pinarry laamng ni Kyo ito at ng dahil sa Sword Mastery ay naparry nya ito kahit mababa na ang durability ng kanyang weapon.

"Keh! Waggggg!"-Shaman

"Matatalo pala ah Sword Arts! Cross Cut!"-Kyo

 (Cross Cut- isang atake na kung saan ito ay isang diagonal slash sa katawan ng iyong kalaban. Magsisimula ang atake sa balikat papunta sa balakang ng iyong target. Ito ay mabalisang atake at kailangan ng mataas na accuracy para magawa ito)

Tumama na nga sa balikat ng Shaman ng espada ni Kyo. Akala ng Shaman ay hindi magiging effective ang atake sapagkat sa gawa lamang sa kahoy ang espada nito ngunit ng dahil sa apoy na meron ang espada ay nahiwa nito ang kanang balikat at pinapapatuloy paring ibaon ni Kyo ang espada para mahiwa ang buong katawan nito

"Gyaaaaaaaaah! Keh! Masakittttttttttttttt!"-Shaman

Pumipiglas ang Shaman sa sakit ng dahil sa nakabaon na espada ni Kyo sakanyang kanang balikat

"Huwag kang malikot!"-Kyo

Sigaw ni Kyo habang tinatry nya padin itong hiwain ang katawan ng Shaman ngunit nagkulangan na ito ng oras sapagkat naputol na ang kanyang espada at di na nya natuloy pa ang kanyang atake. Ng dahil sa di na natuloy ni Kyo ang atake ay di na gaanong masakit ang nararamdaman ng Shaman kaya inabot nito ang leeg ni Kyo at sinakal nya ito sabay sabing

"Keh! Kung siguro mayroon kang mas matibay na espada ay mapapatay mo na ako ngunit ng dahil sa kahoy lang ang gamit mo kaya ka natalo"-Shaman

Sa sobrang diin ng pagkakasakal ng shaman sakanya ay nahihirapan nadin itong huminga

"keh-keh-keh-keh. Ito na ang iyong katapusan"-Shaman

Pinatigil nadin ng Shaman ang kanyang mga skeletons sa pagtakbo papunta sakanilang dalawa

("Mukhang hanggang dito nalang ako di koman sya natalo...")-Kyo 

At ng pawala na ng malay si Kyo ay biglang may sumigaw ng atake mula sa isang bubungan ng mga abandonadong bahay

"Black Magic:Wind Slash!"

At naputol ang kamay ng Shaman ng di nya inaasahan. Napaupo si Kyo sabay hawak sa kanyang leeg at umubo nalamang siya ng maraming beses at ang kanyang HP (Health Points) ay paubos na

"Keh?!Sino.."-Shaman

Di pa man tapos ang kanyang sinasabi ay umatake muli ang tumulong kay Kyo. 

"Wind Slash"

Nakita nalamang ng Shaman bago pa ito mamatay ay tila lumilipad na ang kanyang ulo sapagkat naputol ito ng dahil sa magic. Di padin tapos sa pagubo si Kyo at pagkatingin nya sakanyang harapan ay ang tumulong sakanya. Di nya ito masyadong makilala sapagkat pawalan na sana sya ng malay. Bago pa nya makilala ang tumulong sakanya ay may lumitaw na message prompt mula sa system

"You did not kill all the Goblins with your party

Mission Failed!"

Napaisip nalamang si Kyo sa nakita nya na nagfail nga sila ngunit may lumitaw na bagong message prompt

"You finished the hidden quest!

Condition: Don't let any of the goblins kill the NPC's "

At pagkatapos nito magbasa ay may inabot itong Hp Potion at ng umayos na ang kanyang paningin, ang taong nasa harapan nya ay di nya inaasahan.Ang tumulong sakanya ay ang batang nag bigay ng quest nila. At ang pusang hinahanap nila ay nasa ulo ni Emi.. 

"Emi?!"-Kyo

----------------------

Otacute Creator

Comments Reviews are appreciated!! Thank you for reading!!