Third Person POV
Nakarating na nga si Kyo sakanila at dumiretso na nga lang ito sakanyang kwarto. Humiga agad ito at napaisip nanaman ito sa aninong nakita nya.
("Naramdaman ko rin yung hangin kanina o baka imagination ko lang talaga? Pagkakita na pagkakita ko sa anino ay tumingin agad ako sa langit pero wala talaga. Kakalaro ko ata to ng Final Fantasy.Arg. Sakit sa ulo. Makalaro na nga lang. ")-Kyo
((Author: Certified FF Fan here))
Tumayo si Kyo mula sa kanyang kama at pumunta sa harapan ng kanyang computer upang maglaro ngunit bigla nalamang may kumatok sa kanyang pintuan.
"Nandyan kana pala nak. Tara baba na kumain na tayo"-Misaki
"Mamaya nalang po ako kakain ma"-Kyo
May bandaid ang mukha ni Kyo kaya tila isa siyang ninja sa pagpasok sa kanilang bahay kasi baka makita siya ng kanyang mama at mag-alala pa ito
"Okay huwag ka masyadong magpalate ng kain okay?Kung may problema ka nak wag ka mahiyang magsabi ah?"-Misaki
"Opo ma salamat po ng marami"-Kyo
"Huwag kadin masyadong magpuyat sa computer ha"-Misaki
at umalis na nga sa harapan ng kwarto ang ina ni Kyo at bumaba na sa kanilang sala.
"Ano kayang nangyari sa batang yon?"-Misaki
bulong nito sakanyang sarili sapagkat nararamdaman nya na mayroong nangyari sa kanyang anak.
Silang dalawa lang ang nasa kanilang bahay. Ang kanilang bahay ay mayroong dalawang palapag. Ngunit di ibig sabihin na mayaman sila.Mayroong business ang kanilang pamilya na tila parang online shop. Mayroon din silang mga kamag-anak na tumutulong sakanila kaya may napundar silang ganitong bahay. Kung ang ama naman ni Kyo ang pag-uusapan ay walang alam si Kyo. Kahit iisa man lang litrato ay wala din. Walang alam si Kyo ni isang bagay tungkol sa kanyang ama.
Kinabukasan ay maagang nagising tong si Kyo at di na nagtanong pa ang kanyang ina sa nangyari.
"Ma! Alis napo ako!Labyu!"-Kyo
"May sakit ka ata?"-Misaki
sabay tawa ni Misaki sa kanyang anak
"Ingat ka!!"-Misaki
Naglakad na nga si Kyo papunta sa kanyang paaralan. Matapos ang iilang minuto ng paglalakad may biglang tumawag sa kanyang pangalan.
"Kyo!Hintayin moko!"
napatingin na nga si Kyo sa direksyon nung boses at si Mayuka nga ito.Tumakbo na nga ito papunta kay Kyo para sabay silang pumasok.
Di makatingin ng diretso si Mayuka kay Kyo ng dahil sa mayroon pading mga bandaid sa kanyang pisngi.
"Bat kapa tumakbo e hihintayin naman talaga kita e"-Kyo
"Wala lang. Gusto ko lang baket ba"
sabay tawa nilang dalawa. At nagpatuloy na nga silang paglalakad papunta sa paaralan nila.
Ng papalapit na sila sa paaralan ay biglang hinila ni Kyo si Mayuka na para bang may tinataguan silang dalawa.
"Sssshh, wag ka maingay "- Kyo
di naman narinig ni Mayuka ang sinabi ni Kyo at napansin nya si Kei na naglalakad din.
"Oyyyy! Kei!!"-Mayuka
sumigaw ito ng napakalakas at narinig ito ni Kei. Pagkalingon na pagkalingon ni Kei ay napaface palm nalang tong si Kyo.
Ng makalapit sina Kyo at Mayuka sakanya ay tinapik ni Kei ang braso ni Kyo sabay sabing
"Aba anong meron? At anong nangyare sa mukha mo?" -Kei
At tumuloy na nga sila papasok sa paaralan nila. Hindi tinigilan ni Kei sa pagtatanong hanggang sa mag simula ang kanilang klase at wala na itong magawa sapagkat mayroon ng teacher.Lumipas ang oras at lunchbreak na nga nila. Nasa canteen na nga sila habang kumakain ng lunch ay puro tanong parin tong si Kei at ayaw nya tigilan ang dalawa,
"Kumain kana muna dyan Kei puro ka tanong ka di kami makakain ng maayos sa sobrang ingay mo kakatanong"-Mayuka
Kasama na nga talaga nilang muli si Mayuka at di na naulit ang nangyaring gulo noong una.
"Ano ba kasing meron? Anyare?"-Kei
"Ayaw mo padin talagang tumigil. Pagkatapos natin kumain doon ko sasagutin ang tanong mo kain na muna tayo.Sa kakatanong mo kanina sa room nasermon kapa kay sir Saki sa sobrang ingay mo"-Kyo
Asar ni Kyo kay Kei.
"Oo na"-Kei
Parang pilit na sagot ni Kei kay Kyo at nagpatuloy sila sa pagkain ng kanilang lunch at pagkatapos na pagkatapos nilang kumain ay kinwento na nga nila kung ano ang nangyari kay Kei.
"So pinabugbog ka ng kuya ni Mayuka?"-Kei
sabay tawa nitong ng napakalakas
"Ayan ikaw kase"-Kei
"Hoy anong ako. Anong ginawa ko?"-Kyo
sabay tawa ulit ng dalawa.
("Pinagtutulungan ako ng dalawang mokong nato ah makaganto nga mamaya")-Kyo
Biglang tunog ng bell para sa pagpapatuloy ng kanilang klase sa hapon.
"Tawa nalang kayo dyan sige lang. Or baka gusto nyong pumasok?"-Kyo
binigyan ng diin ni Kyo ang pagsabi na tila na inis ito. Sinasadya naman netong si Kyo para kunwaring galit sya sa dalawa. At sa tingin naman ng dalawa ay nag enjoy sila sa pang aasar sa kanya at napapansin na nilang tila galit na nga ito.
Tinatawag ni Mayuka habang sila ay nasa klase si Kyo ngunit di naman siya pinapansin nito.
"Pst!"-Mayuka
Kahit anong tawag ang gawin ni Mayuka habang sila ay nagkaklase ay di parin nya ito pansin. At ng dahil sa kakaulit ay napansin na siya ng kanilang teacher na si Sir Saki.
"Ms. Takashima may kailangan ka?"-Saki
Sumagot naman ito agad ng
"Wala po sir. Pasensya po"-Mayuka
Nagsulat nadin si Mayuka sa isang papel sabay punit at biglang bato nito kay Kyo. Ngunit wala padin itong kibo at akala talaga ni Mayuka ay galit siya.
Hanggang sa natapos na nga ang kanilang klase
("Trip nila ako kanina ah pwes ako naman mantitrip sakanila ngayon")-Kyo
Inayos agad ni Kyo ang kanyang mga gamit sabay labas ng kanilang classroom.
"Anyare sakanya?"-Kei
sabay sunod nilang dalawa ni Mayuka kay Kyo papalabas ng kanilang classroom
"Hoy Kyo antayin mo kami!"-Mayuka
----------------
Next Chapter na magsisimula ang kanilang paglalakbay sa isang mmorpg :)