Ang akala ni Kyo ay nagfail na sila sa quest dahil sa di nya natalo ang Goblin Shaman ngunit ng dahil sa Hidden Quest ay naclear nila ito

"You finished the hidden quest!

Condition: Don't let any of the goblins kill the NPC's " 

At sumunod pa ang tumulong sakanya gamit ang Wind Slash.

(Wind Slash - Isang magic na kung saan gamit ang hangin upang makabuo ng isang malakas na pwesa na kayang pumutol ng bagay o laman. Nakadepende ang lakas nito sa mana at control ng caster. Maari din itong gamiting pang depensa at epektibo ito sa mga projectile attacks)

"Emi?!"-Kyo

"Tamang-tama ang naisip kong reaksyon mo sa mga nangyari"

Nagsalita ang pusang nasa ulo ni Emi..

"Huh?! Di ikaw si Emi!"-Kyo

Sabay turo nito sa pusa gamit ang sirang espadang kanyang hawak

"Hm? Anong balak mong gawin sa sira-sirang espada nayan? Di mo man lang ba ako sasabihan ng thank you matapos kitang tulungan?"

"Ay sorry"-Kyo

Sabay tayo nito at bow agad nito parang pagpapakita ng respeto sa tumulong sakanya

"Maraming salamat sa pagtulong mo saamin ng aking mga kasama. Kung hindi mo ako tinulungan doon ay baka sumunod na ito papunta sa aking mga kasama pati na sa mga kasama ni Emi sa lugar nila. Sino ka nga pala? At tinulungan mo kami? Duda ako na isa kalamang na normal na pusa sa mga nangyari lalo na sa magic na ginawa mo pati na sa pagkontrol mo kay Emi"-Kyo


"Hindi naman sa kinokontrol ko siya. Nagkaroon lamang kami ng isang deal at tinutulungan niya ako sa aking misyon. Ako nga pala si Fuyumi"

"Huwag mong sabihin na ang pakay mo ay ang aking katawan! Ikaw ha anong balak mong gawin sa katawan kong ito! "-Kyo

Sabay hawak naman ni Kyo sa kanyang katawan na tila pinoprotektahan niya ito

"Haa?! Anong gagawin ko sa walang kwenta mong katawan na yan?! Di naman kagandahan"-Fuyumi

"Kung hindi ang magandang katawan ko ang pakay mo sakin. Ano ang gusto mo sakin?"-Kyo 

Bumaba ang pusang nasa ulo ni Emi at bigla itong nagtransform ng isang babae na mayroong yellow green na buhok. At inatasan nya na si Emi na bumalik papunta sa kanila

"Unang-una sa lahat hindi kagandahan ang katawan mo, pangalawa kapag hindi kapa tumigil sa kakasabi sa walang kwentang katawan na iyan ay papatayin kita at pangatlo makinig ka ng mabuti"-Fuyumi

habang sinasabi nya ang mga ito ay tila ngumiti ito ng nakakatakot

"Di ka naman mabiro. Sorry na"-Kyo

"Ako ay nataasan na pumunta dito para makihalubilo sa mga iba-ibang tao para makakita ng mga tao na mayroong magandang.."

Di pa natapos ang pagkakasabi ni Fuyumi sa kanyang sinasabi ay sumagot ang lokong si Kyo

"Magandang katawan! Sabi na talaga ay magandang katawan ko ang iyong pakay e!"-Kyo

At di nagdalawang isip na atakihin ni Fuyumi si Kyo

"Black Magic: Fireball"-Fuyumi

Nabigla naman itong si Kyo sapagkat malapit lang si Fuyumi sakanya ngunit ito parin ay kanyang naiwasan

"AHHHHH! Joke lang! Jokee!!!"-Kyo

"Hmmmm sayang bat mo iniwasan"-Fuyumi

"Kakampi ba talaga kita o kalaban?!"-Kyo

Sa lugar na ito ay di mo masasabing kampi ninyo ako or kalaban. Isa lamang akong guide at magandang kalooban kasi ang aking sinasabi hindi magandang katawan"-Fuyumi

"Paano mo naman nasabing mayroon kaming magandang kalooban?"-Kyo

"Sa iilang araw na kayo ay nasa lugar na ito ay ni isa wala mang kumuha ng mission na kumuha ng mission na ipinagawa ko kay Emi"-Fuyumi


("AH! Ang mission para hanapin siya? Nagkataon lang na wala talaga kaming mapiling ibang mission kaya namin kinuha ang mission na to")-Kyo

"At sa pagkakaalam ko ang lugar na ito ay hindi tunay diba? Sa aking nahagilap na impormasyon ay ang mundong ito ay isang Game lang sainyo hindi ba?"

"Oo isa itong Game na tinatawag bilang VRMMORPG (Virtual Reality Massively Multiplayer Online Role Playing Game) " - Kyo

"VRMMORPG?"-Fuyumi

"Oo ang larong ito ay isang malaking laro na kung saan ay ang mga manlalaro ay hindi lang sa bansa kundi sa buong mundo"-Kyo

"Tama nga lahat ng aking mga nakalap na mga impormasyon,ngunit alam mo ba talaga ang rason bakit binuo ang game na ito?"-Fuyumi

"Para libangan sa mga gamers? para mayroong mapuntahan ang sawa na sa totoong buhay? Para pagkakitaan ng mga gumawa sa laro or sa mga players?"-Kyo

"Walang tama sa mga sinabi mo. Ang tunay na dahilan ay upang magamit bilang isang daan papunta pa sa ibang mundo"-Fuyumi

"HAaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa?!!!! Papunta sa ibang mundoo?!?!?!?"-Kyo

("Anong pinagsasabi nito?! Paano?!")

"Paano yun?! Isa lang tong laro tas daan pala to papunta sa ibang mundo?! Ako ba ay pinagloloko mo?"-Kyo

"May dahilan ba ako para magsinungaling sayo? Anong mapapala ko sa pagsisinungaling sayo?"-Fuyumi

Kita sa mga mata ni Fuyumi ang pagkaseryoso nito. Naramdaman at nakita ni Kyo ang pagkaseryoso nito kaya kahit ayaw nitong maniwala sa kanyang mga sinasabi ay tila naniniwala na ito.

"Kung nais ninyo malaman kung ano ang aking ibig sabihin at ang buong kwento ay pumunta kayo sa Sewers kung saan dumaan ang mga Goblins. Diretso lamang kayo ay makakakita kayo ng isang daan papunta sa labas ng City kung saan mayroong gubat. Magkita tayo sa dulo ng gubat kung saan mayroong isang lawa"-Fuyumi

"Anong ibig mong sabihin sa 'ninyo' at 'kayo'? "-Kyo

"May mga kasama ka hindi ba? Sina Keiji at Mayuka. Kung nais nyo malaman ang lahat ay pumunta kayo at ako ay mag hihintay"-Fuyumi

"Bakit mo sila kakilala?"-Kyo

"Tulad ng aking sinabi ay kayo ay aking pinagmamasid"-Fuyumi

"Bakit hindi mo agad kami tinulungan?"-Kyo

"Paano ko malalaman kung kayo ay karapat-dapat kung agad agad ko kayong tinulungan? Sa muli nating pagkikita paalam"-Fuyumi

At nawala nalamang itong bigla na para bang bula.

"Hay di kona alam. Ang daming nangyari ngayong araw. Makabalik na nga kung saan ang dalawa"-Kyo

At doon na nga ay naglakad ito pabalik sa bahay ni Emi habang iniisip ang lahat ng mga pangyayari at lahat ng sinabi ni Fuyumi sakanya

------------------------------------------------------------

Otacute Creator

Comments,Reviews and Questions are appreciated!! Thank you for reading!!