Third Person POV
Nasa sala na nga si Kyo habang inaantay si Mayuka mula sa kanyang kwarto. Habang wala pa si Mayuka ay tinitignan naman netong si Kyo ang mga pictures na nakadisplay sa kanilang sala. May mga litrato din itong kasama ang kanyang kuya na si Lucas ngunit walang picture kasama ang kanyang mga magulang. Lalong nacurious tong si Kyo sa litratong kinuha ni Mayuka bago pa niya ito makita.
("Baka doon kasama nya ang kanyang mga magulang")-Kyo
Biglang dating ni Mayuka mula sa kanyang kwarto na may dala-dalang first aid kit.
"Ayan kana pala"-Kyo
Pinaupo ni Mayuka si Kyo sa sofa at pinatabi nya ito sakanya.
"Halika dito lagyan natin ng gamot ang mga sugat mo at pasa"-Mayuka
Di alam ni Kyo ang magiging reaksyon dahil sa sobrang lapit nila sa isa't-isa. Nilabas na ni Mayuka ang mga cotton buds, bulak at ointment mula sa first aid kit.At idinampi nito sa pasa nya sakanyang mukha.
"Aray! Dahan-dahan naman " -Kyo
Medyo madiin ang pag dampi ni Mayuka sa mukha nito kaya nasasaktan tong si Kyo
"Di naman ganon kadiin arte mo pasalamat kapa ginagawa koto"-Mayuka
"Sabi ko nga thank you po maraming salamat"-Kyo
at nagkatinginan sila sa mata at bigla nilang tawa at biglang diniin pa ni Mayuka.
Diniin ni Mayuka ang pagdampi sa mukha ni Kyo ng sadya.
"Aray!Nananadya kana ah"-Kyo
"Eto naman biro lang. Pero kung gusto mo diniin kopa ba lalo?"-Mayuka
sabay piling agad ni Kyo sapagkat masakit talaga ito.Natahimik ang dalawa pero pinagpatuloy lang ni Mayuka ang paglagay ng ointment.
"Pasensya na ulit kay kuya ah. Sorry."-Mayuka
"Nangyari na ano paba magagawa natin. Kelangan na natin mag move on. Wala nadin naman tayong magagawa"-Kyo
Sa mga minutong yon dinadamdam talaga ni Kyo ang sakit ng kanyang katawan dahil sa pangyayari. Ayaw nalang nitong sabihin sakanya.
At sumigaw na nga si Manang Mia
"Handa na ang hapunan Master"-Mia
"Dito kana kumain ng hapunan "-Mayuka
sabi ni Mayuka kay Kyo habang ito ay nakangiti
Napaisip si Kyo if doon na nga siya kakain ngunit sya ay nahihiya at oras nadin. Napagtanto nya na mas maganda nading sa bahay nalang sapagkat siya ay maglalaro pa kauwi.
"Salamat pero sa bahay nalang ako kakain. Madami din akong gagawin at baka hanapin ako ni mama. Ngayon lang ako muling umuwi ng gantong oras ng di nakakapag paalam sakanya.Sa susunod nalang siguro"-Kyo
sinabi nalang din ni Kyo na may gagawin siya para may marason nalang ito sakanya
"Sayang naman. Sige sa susunod nalang nga siguro"-Mayuka
"Pasensya kana"-Kyo
Hindi naman talaga hahanapin si Kyo ng kanyang ina. Ang di nya lang alam if hindi siya masersermon sa pagkakaroon ng pasa sa mukha
"Ayos lang pasensya ulit"-Mayuka
sabay yuko nito. Tila nahihiya padin siya dahil sa pangyayari ngayong araw
"Uy okay lang ako. Buhay pa naman ako diba?Hahaha. Una napo ako!"-Kyo
"Ingat sa daan"-Mayuka
"Sige. Maraming salamat. Maun napo ako Manang Mia"-Kyo
"Mag-iingat ka iho"-Mia
"Opo"-Kyo
Tumayo na nga si Kyo sakanyang kinauupuan at lumabas na ng apartment nina Mayuka.
Madilim ang kanyang paligid ng dahil sa malalaking ulap at pero ng dahil sa paglabas bilog na buwan ay naging maliwanag ang kanyang dinadaanan
"Kelangan ng umuwi agad para makapaglaro na!"-Kyo
Habang naglalakad ito ay iniisip-isip ni Kyo kung anong magandang laruin.Sakanyang pag-iisip ay napayuko itong si Kyo at tila biglang mayrrong isang malaking anino sa ibaba na lumipad sa ere.
"Wat?" -Kyo
Nabigla si Kyo sakanyang nakita. At di nalang ito masyadong inisip pa sapagkat sa kanyang tingin ay mula lamang ito sa kanyang imagination.
--------------------
tutuloy ko napo ulit ang pag uupload ng mga chapters :)