Lumipas ang ilang araw na paghahanda nila ng biglang nagpakita si Emi sakanila upang sabihin na pinababalik silang tatlo sakanilang lugar.Mukhang nalaman na din ng mga tao na kasama nina Emi ang ginawa ng tatlo na pagpigil sa mga goblin papunta sa kanilang lugar. Ngunit di nila alam kung bakit ba sila pinapapabalik ni Emi at hindi naman sila makatanggi sa hiling nito. 

"So anong gagawin natin ulit dito?"-Kei

Malapit na sila sa kanilang pupuntahan..Hindi sinabi ni Emi ang dahilan kung bakit para masurpresa sila sa kanilang gagawin.

"Baka nga pagsasaraduhan lang nila ulit tayo tulad ng unang pagpunta natin na tila parang natakot lang sila sa ating ng makita nila tayo"-Mayuka

"Di naman siguro tayo papapuntahin dito ni Emi ng walang magandang dahilan diba?"-Kyo

At patuloy sila sa kanilang paglalakad hanggang napabanda na nga sila sa kanilang pupuntahan. Hindi nila maramdaman ang presensya ng mga taong nakatira sa mga bahay. Para bang nagtago sila ng sadya kasi alam nila may darating. Ganon ang pakiramdam ng tatlo sa kanilang pagdating. Nakasarado talaga ang mga ibang bahay.

"Mukhang wala ata talagang tao ngayon?"-Mayuka

"Anong kayang meron?"-Kyo

"Anong nangyari dito parang may tinataguan ba ang mga tao? Tayo nanaman ba to?"-Kei

At nakadating na nga sila sa harapan ng bahay nina Emi at naramdaman naman nila ang marami-raming presensya sa loob ng bahay.Inihanda nila ang kanilang mga weapon dahil sa kanilang nararamdaman. Dahan-dahan nilang binuksan ang pintuan at ang sumalubong sakanila ay ang mga iilang taong nakatira sa lugar na ito. Mayroong mga bata at matatanda

"Maraming salamat sa inyong tulong!"-Resident

sigaw ng mga iilang residente sakanila at biglang nagsilabasan ang mga bata sabay sabing...

"Maraming salamat mga kuya,ate!"-bata

Lumapit ang mga ito sakanila at sinuutan ng kwintas si Kyo at Kei na mga paper cranes na gawa sa papel at flower crowns para kay MAyuka  

"Kami po ang may gawa nyan! "-Bata

At lumabas ng bigla si Emi kasama ng mga ibang bata

"Maraming salamat pong muli!"-Emi

Di padin makapaniwala ang tatlo sa nangyayari kaya di nila alam ang magiging reaksyon. Di nila expect ang lahat ng ito.

"Huh?!-kYO

"Ano pong meron?"-Kei

"Di lang ba tayo nanaginip?"-Mayuka

Di talaga nila inaasahan ang pangyayari na tila talagang parang tao ba talaga ang kanilang nakakasalamuha sa mga oras nayoin. Damang-dama nila ang emosyon na pinapakita ng mga NPC

"Ito ang pasasalamat namin sainyo sa pagtulong ninyo saamin. Nasaksihan ko ang paglaban mo sa mga goblins lalo na yung kalaban mo ang Goblin Shaman. Hinahanap ko ng mga oras nayon si Emi ng bigla syang mawala at ikaw na nga ang aking nakita at ako ay namangha sa iyong ginawa"-Raki

"Nakita mo po pala yon?"-Kyo

"Di kona lahat nakita ang buong pangyayari dahil sa dali-dali akong bumalik na baka mayroong ibang goblins na nakadaan na di ninyo alam. Pero wag na natin pag-usapan ang detalye di na yon importante"-Raki

"Ilabas nyo na ang mga pagkain! Oras na para magsaya!!"

Sigaw ng isang matandang don nakatira at nagsilabasan ang iilang mga tao sakanilang bahay na may dala-dalang pagkain. Inihanda nila ang mga upuan lamesa pagkain at iba pa. Tila para bang mayroong isang festival na icecelebrate. May lumapit nanamang residente sakanilang tatlo

"Pasensya na non "- Residente

"Ay para saan po?"- Mayuka

"Noong sinaraduhan namin kayo nung unang pagdating ninyo sa aming lugar"-Residente

"Wala lang po samin iyon"-Kei

"May mga players kasi dati na pumupunta dito para lokohin kami at nakawan at sobrang nadala nakami sa mga pangyayaring iyon kaya ang ginawa nalamang namin ay umiwas sa mga taong labas lalo na sa mga players na tulad nyo"-Residente

"May mga player talaga na inaabuso ang kabaitan ng ibang tao mapa NPC man or kapwa Player"-Mayuka

"Nagiging normal nalamang ang mga taong ganto sa panahon natin ngayon"-Kyo

"Oo nga at hindi maganda"-Kei

"Naku wag nyo ng isipin ang mga bagay na nangyari na dati at magsaya nalamang tayo ngayon!!!"-Raki

Hinila sila ng mga bata papunta sa Campfire na ginawa sa kalagitnaan. Kung saan nagsasayawan ang mga residente. Ramdam nila na di masama ang pagkakaroon ng ganong experience kahit hindi ito sa tunay na buhay kaya nakisalo nalang ang mga ito sa pagsasayaw sa gitna at pakikipag halubilo sa iba habang sila ay kumakain. At nagsilabasan nadin sila ng mga maiinom.

At nagsiinuman na nga sila mayroong mga nakakalasing na inumin at meron ding hindi para sa mga nakakabata. Pinagpatuloy lang nila ang pagsasaya,mayroong mga residente ang mga nakatulog nalamang dahil sa kalasingan at meron din iba na nakatulog nalang dahil sa pagod,pagkabusog at iba pa. Lumipas ang ilang oras at nauna ng pumasok sa bahay nina Emi si Mayuka para magpahinga at naiwan ang dalawa sa labas. At lumipas pa ang ilang oras at natapos din ang gabi na puno ng kasiyahan at kalokohan..

Naunang nagising si Mayuka sakanilang tatlo at ginising na nga niya ang dalawa upang magready na pumunta sa dungeon na kanilang pinaghahandaan. Pagkagising ng tatlo ay mayroong isang message prompt na lumabas sa kanilang harapan

"Due to the Celebration with the NPC your party received a Buff 

+3% HP Regenaration,+2% item effects for 2hrs"

"Oh wow may nakuha pa tayong buff dahil sa nangyari kagabi"-Kyo

"Nag enjoy na tayo tas may dagdag effects pa"-Kei

"Magpaalam na tayo at magpasalamat"-Mayuka

Pinuntahan na nga nila ang ama ni Emi na si Raki

"Maraming salamat po sa ginawa ninyo para saamin kagabi!"-Kyo

"Maraming salamat din sa tulong na ginawa nyo! Sa uulitin ulit! Teka lang bago kayo umalis ay gisingin ko muna si Emi"-Raki

"Huwag napo hayaan nyo na po siya magpahinga"-Mayuka

"Kailangan nadin po namin maghanda sa aming pupuntahan"-Kei

"Mauna napo kami!"-Kyo

at nagkawayan na nga sila habang naglalakad paalis sa lugar nila. At chineck na nila ang kanilang mga inventory na maaring kailanganin nila tulad ng HP Potions,Mana Potion Etc. Limited ang kanilang items sapagkat nag upgrade din sila ng iilang equipments. Pumasok na sila sa daanang ginamit ng mga goblins kung saan ay naglead sa papalabas ng city. Sa daanang ito ay mayroong mga monster tulad ng mga Bats Goblins Rats at iba pa. Matapos ang tatlong minutong paglalakad sa daanang iyon ay nakalabas na sila at kaunting lakad lamang ay nakita na nila ang entrance papunta sa Dungeon na sinabi ni Fuyumi kay Kyo.

"Handa naba kayong pumasok?"-Mayuka

"Sure naba talaga kayo na papasok dito? Di naman talaga kayo require na sumama dito sapagkat ako lang din naman talaga nakausap ni Fuyumi tungkol sa bagay nato"-Kyo

Biglang sapok ni Mayuka kay Kyo

"Aray!"-Kyo

"Ngayon mopa sasabihin to? Kung kelan nasa harapan na tayo ng mismoing dungeon?"-Mayuka

Pinalo din ni Kei ang likod ni Kyo

"Loko kung san ka don din kami kaya tumigil ka dyan alam naman din namin ang pinapasukan namin"-Kei

"Kaya simulan na natin ang pag iipon para sa Capsule para less risk"-Mayuka

"Okay sige sabi nyo.."-Kyo

"Bago pa naman tayo sumabak dito ay nagresearch tayo regarding sa penalty ng laro irl"-Kei

Sa kanilang pagreresearch ay nalaman nila na pag ikaw ay namatay In Game ay mayroong penalty na 24hrs na bawal magrelogin. Ang iyong gamit din ay maiiwan kung saan ka namatay. Marerevive ka din sa last rest point ng character mo like Inns etc. At tungkol naman sa health ay tulad din ng nasabi ay mas prefer padin na gamit ang Capsule for safety purposes. Di maiiwasan matamaan ng sakit pag ikaw ay namatay in game at lalo na in Dungeons. Kaya alalang-alala padin tong si Kyo kay Mayuka.

"Huwag kana kayang tumuloy?"-Kyo

"Anong huwag tumuloy?! Kung ayaw mo may mangyari sakin edi protektahan moko diba? "-Mayuka

"HAHAHAHA tama naman siya Kyo. Di mo naman din siya mapipigilan sa pagpunta sigurado bugbog sarado kalang sakanya in game at in real life"-Kei

"Aba tama lang yan di porke babae ako mamaliitin nyo ako. Aba tara na!"-Mayuka

At tumuloy na nga sila papasok sa Dungeon 

"Lets Go!!!"-Kyo,Kei

--------------------------------------------

Next Chapter: To The Illusion Forest!

Otacute Creator

Paper Cranes- can means a symbol of Hope. Flower Crowns - are used for celebrations